Eighth Entry
June 10, 20X9 Monday
Last year mo na sa pag-aaral. Puro OJT na ang ginagawa mo. Alam kong kayang kaya mo na itong huling taon mo. Wala ka paring nababaggsak o naiiwanan na subject. Walang di nalalagpasan. Kahit na alam kong nasaktan ka ng paulit-ulit.
September 20X8. Nagsimula na naman akong mawala at di magpakita sayo at ummabot pa iyon ng halos apat na buwan.
Lumipas ang birthday ko, lumipas ang pasko at lumipas ang bagong taon na di mo ako nakita.
February 20X9. Nagkita tayong muli, hindi ka mukhang galit sa akin. Humingi ako ng paumanhin pinatawad ako agad. Nagdiwang tayo ng anniversary natin. Ang saya mo ng mga oras na yun, sobra.
March 20X9. Nawala na naman ako. Sa panahon na iti ka na nagalit dahil sabi mo nga hindi na ako nakaakpag-aral. Lagi ka nang nagtatanong na hindi ko naman sinasagot at dahil bakasyon na nagsimula ka nang maghanap kung nasaan ako.
May 20X9. Sa dalawang buwan mong paghahanap, nanghina ka na, nag sawa at isinantabi na lang ang paghahanap sa akin.
Nasaksihan ko ang bawat mong pag-iyak para sa akin. Nakita ko ang bawat mong pagpapagal para lang mahanap ako. Ngunit nagtatago nga mula sayo, bakit ako magapapkita?
Ramdam ko na ang pagod mo at ang nalalapit na pagsuko mo.
Mahal mo nga ako, napatunayan mo na.
***
Unang araw ng last year mo bilang kolehiyo. Kita ko na ang saya mo kasi malapit mo na talagang maabot ang pangarap mo—ang pagiging Inhenyero.
Hinintay kong matapos mo ang lahat ng ginagawa mo at hinintay kita sa harap ng iyong sasakyan.
Tulad ng dati nakita kong muli ang kislap na ang mumula sa iyong mata kapag ako’y iyong nakikita.
Kislap na alam kong ako ang nagdudulot at ako rin ang mag-aalis.
“Maghiwalay na tayo, Marco.”
… At bakit ang sakit sakit??