7

336 Words
Seventh Entry February 11, 20X8  Friday Malapit nang mag-end ang second sem ng third year,  regular ka pa rin. Balak mo talagang tapusin ng limang taon ang Engineering. Apat na buwan na mula nung sinabi mong mahal mo ako, apat na buwan na rin nung simula kang manligaw sa akin at apat na buwan mo na akong ginagawang weird. Pinag isipan ko ang mga sinabi mo nung gabing iyon. Kinapa ko ang damdamin ko kung mayroon ba akong maisusukli sa iyo at hindi na naman ako nabigla na mayroon nga. Gusto nga kita higit pa sa pagiging kaibigan. Tama nga ako na from the moment I laid my eyes on you ay magiging parte ka ng buhay ko, and it seems na hindi ka naging destruction kundi ay naging motivation pa. Sa apat na buwan na panliligaw mo sa akin ay marami ang nagbago. Tinuturing mo pa rin akong bestfriend  mo pero mas naging sweet ka pang lalo. Araw araw may bagong pakulo. Nakakatakot nab aka isang araw pag sinagot nakit ay magbago ka at di ko na muling maranasan ang mga surpresa mo. Pero kung ikaw naman ang kapalit nang lahat ng sakit ay handa kong isugal, kahit na ang kapalit ay ang PUSO KO. *** Hindi kita kinausap buoung maghapon. Nilalagpasan kita pag nakikita kita, di panapansin pag magkakasalubong tayo. Sa ginagawang iyon nakikita ko ang lungkot at pagtataka sa iyong mga mata. Pinatagal koi yon hanggang sa mag uwian at maihatid mo ako sa aming tahanan. Mabilis akong lumabas sa kotse moat mabilis din akong pumasok sa loob ng bahay naming. Kaagad din kitang pinagsarhan ng pinto. Nang nasigurado  kong wala kana sa tapat ng bahay namin, nagumpisa na ang lahat. Nauna akong makarating sa bahay nyo, dahil may mga nakatokang mangharang sa iyo sa daan para matagalan ang iyong pag uwi. Nang paparating ka na una kong nakita ay ang kislap sa iyong mga mata, tulad ito ng mga tala sa langit. Nakita ko ang ngiti mo. Lumapit ka sa akin. Ngumiti ako. “Marco, ang sagot ko ay ‘Oo’.” … Ano na ang kasunod nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD