5

500 Words
Fifth entry November 04, 20X6 Friday Na iraos nating muli ang first semester ng second year at ngayon start na ang second sem. Nageexcel ka pa rin sa kahit saang subject at patuloy mo din akong inaalalayan, pati na rin sa iba nating mga kaibigan, dahil medyo hirap talaga ako sa mga math subject natin lalo na sa Diferential Calculus at sa Physics. Last sem ay may subject tayo na about sa wood carpentry at dahil sa malaya taong mamili kung sino ang gusto nating mga kagrupo di na tayo nag hiwahiwalay pa. Tayong magkakaibigan na ang naging magkakagrupo. Medyo maluwag ang first sem kaya naman nag karoon tayo ng mas maraming oras para makapag bonding tuwing Friday ng hapon at wala ng klase ang lahat ay nagfoofood trip tayo sakay ang kotse mo at ang pick up ni France. Sa lahat n gating puntahan pansin kong isa lang ang madalas mong hanapin at kainin, at iyon ay  walang iba kundi ang Adobo. Chicken Adobo to be exact. Kapag wala naming chicken adobo ay kahit anong luto ng manok ang order mo. Tuwing Sunday naman ay hatak hatak mo kaming mga kaibigan mo para sabay sabay tayong magsimba. Pero dahil nga uwian nila kung sabado at balik naman ay linggo ay madalas na ako lang ang hatak mo. Pinag kalat mo sa block natin na birthday ko nyaon kaya nung may pasok tayo ng umaga ay lahat halos sila ay binati ako pati mga propesor natin ay binati ako. Maghapon na tayong magkasama. Kasi iba nating kaibigan di pa tapos sa by partner na thesis at tayo ang mag partner at tinapos mo na kaagad ang thesis wala na akong naitulong. Pinapauwi muna kita sa inyo pero sabi mo “I won’t let you be alone this day because this is your day and I am your bestfriend na laging at your service.” Gusto ng mga parents ko na maghanda ng marami at mag cotillion ngunit humindi ako. Marami akong nakikitang bata na kapuspalad at nagugutom. Kahit sa kaarawan o man lang sana ay mabusog sila, gusto ko silang pakainin, gusto ko silang share-ran ng mga biyaya na natatanggap ko. At nang sumapit na ang hapon ay ganun nga ang nangyari. Dumating ang mga kaibigan ko at sabay sabay kaming namigay ng mga pagkain para sa mga bata. Maraming nabusog, maraming natuwa, maraminig nabiyayaan. Gabi na nang matapos ang munting programa para sa mga bata. Baon ang gitara at ang mukha na masaya nilapitan mo ako Marco. Sa harap ng maraming bata, sa harap ng mga kaibigan natin, sa harap ng magulang mo, sa harap ng magulang ko, at sa harap ko ay inawitan mo ako. Kinantahan mo ako Marco, kinantahan mo ako na bestfriend mo. Hindi gaanong maganda ang boses mo. Nahanap ko na ang imperfection mo, Marco. Hindi gaanong maganda ang boses mo ngunit bawing bawi nan g pag tugtog mo ng gitara. Para bang ang pagtugtog mo ang kumakanta para sayo. “And I’m out of my league once again…” … At ako yata ang na out of my league for tha first time?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD