4

750 Words
Forth Entry July 24, 20X6 Sunday Noong summer vacation inaya mo kami na mga kaibigan mo na mamasyal sa hometown ng mommy mo which is Baler, Aurora. Hindi ako nakasama dahil dumating ang parents ko from Singapore at vacation ko lang sila nakakasama. Medyo nagtampo ka dahil sabi mo na ako ang bestfriend mo pero wala ako sa lakad na iyon. Pero kahit na may tampo ako at kahit na bakasyon na tinatawagan mo pa rin ako at tuloy ka parin sa pag kwekwento nang mga nangyayari sa inyo. Nakikinig naman ako sa lahat ng mga sinasabi mo dahil sa ako n g**g bestfriend mo at tungkulin ko bilang bestfriend mo ang making sayo at sa lahat ng kwento mo. Kahit na madalas ay nakakatulugan kita ay tuloy ka pa rin sa pag tawag sa akin. Buong bakasyon ay gonoon ang set-up natin. Nang magpasukan naman napagkasunduan natin, kasama ang mga kaibigan ko at kaibigan mo na magkakaibigan na rin ngayon, na sa iisang block na lang tayo total kilala naman na natin ang isa’t-isa at close naman tayong lahat. Bale ngayon sa samahan natin ay sampu na tayo. Ako, Sheyla, Katelyn at Selina ang mga babae, at Ikaw Marco, France, Ej, Joseph, Sean at Yvan ang mga lalaki. Pito sa atin ang mga regular students pa, including tayong dalawa, at ang tatlo ay may mga back subject na binabalikan. *** Dahil sa lingo nga naitapat ang kaarawan mo ay nagyaya kang magsimba, at dahil nga lingo natapat ang kaarawan mo nasa kanya kanyang mga tahanan ang mga kaibigan natin at ako lang ang may pinakamalapit na bahay sa inyo which is 20 minutes away lang. Kaya ang resulta ako lang ang nakapunta sa birthday mo. Gulat ako dahil akala ko ay magsisimba lang talaga tayo,gulat ako dahil akala ko at tayo lang ngunit kasama ang buo mong pamilya. Gulat ako dahil bawat kantahin sa simbahan na ating pinasukan ay alam mo, bawat panalangin ay taimtim ka at bawat mensahe ay nakikinig ka. Hindi ako palasimba pero nagdadasal ako. Pero sayo di ko akalain na may malalim kang relasyon sa Diyos. May imperfection kaba, Marco? Mas simple ang naging paghahanda sa kaarawan mo ngayong taon. Simpleng salo-salo kasama ang iyong mga kamag-anak at ako dahil nga di nakarating ang iba nating mga kaibigan. Nang batiin ka na ang mga kamag anak nyo ay naiwan ako sa mga babae sa buhay mo, mommy mo, ate mo at ang bunso nyo, medyo nahihiya ako dahil sa pagtatanong nila.hanggang na hinila ako ng ate mo sa kwarto mo para daw mainis ka. Medyo natawa ako nang Makita ko na ang iyong silid, dahil mula sa paedr hanggang sa iyong higaan ay kulay pink ang kulay. Pinagstay ako ng parents mo hanggang sa pag bubukas mo ng mga regalo. Ikaw, ako at ang pamilya mo na lamang natira roon. Nang buksan mo na ang regalo ko para sayo ay lumapit ka sa akin, yumakap at nagpasalamat. Magugulat n asana ako sa ginawa mo kung hindi ko lang nakita na ganun din ang ginawa mo ng iyong buksan ang regalo ng mga magulang mo para sayo. Simpleng customized black shirt na may tatak ng paborito mong character sa game of Thrones lang naman iyon dahil iyon ang hiniling mo sa akin. Simple lang iyon compare sa kotseng regalo sayo ng magulang mo. Nang bubuksan mo na ang regalo ng mga kapatid mo para sayo, napansin ko nagpipigil sial ng tawa at tuluyan na silang tumawa ng tumawa nang buksan mo na ang regalo nila. Gulat na gulat ka kasi sa laman ng box na iyon, puno kasi ito ng mga laruang ipis. Ipis na takot na takot ka pala. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sayo sa mga oras na iyon dahil sa nakataas na ang paa mo mula sa sahig ay nakayakap ka pa sa akin na syang pinaka malapit sa iyo. Tawang tawa sayo ang daddy mo na pabiro pang nagtanong sayo kung lalaki k aba talaga o hindi. Sa huli pinlano pala iyon ng pamilya mo para malaman namin sanang mga kaibigan mo na takot na takot ka sa ipis, na sa huli ay ako lang ang nakaalam. Nang matapos mo nang buksan ang lahat ng iyong regalo inihatid mo ako sa bahay, kahit na may sundo naman ako, dahil sa gusto momg masubukang gamitin ang kotse mong bago. Nagpasalamat ka sa akin at sinabi mong iyon na ang pinakamasayang kaarawan mo dahil kasama mo ako kahit di natuloy sumama ang iba nating mga kaibigan dahil nga lingo. …Bakit ako masaya kahit ikaw lang ang kasama, Marco?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD