2

457 Words
Second entry August 07, 20X5 Friday    Almost two months have passed. Mas lalong lumalabas ang husay mo. Halos pirpekin mo ang mga quiz natin sa algebra at trigonometry, kung hindi ka lamang namamali sa mga sign sa sagot mo perfect mo na talaga. Sabi pa nga ng professor natin sa parehang subject ay nahahalata nila na minamali mo nang sadya ang mga sign para may mali ka kahit isa. At kung titignan ka mula sa lumipas na dalawang buwan ay walang pagsisising makikita sayo, wala man lang makikitang paghihirap sayo mula sa nakaka stress na kursong mayroon tayo. Noong July 24 nagdiwang ka ng iyong ika-18 mong kaarawan at inimbitahan mo ang buong block natin kasama na at mga guro sa iba’t ibang subject natin. Pinaunlakan ko ang iyong imbitasyon dahil nacurious ako sayo. Dalawang palapag ang inyong bahay, hindi masyadong malaki at hindi din naman maliit, kahawig ito ng mga bahay ng kamag anakan namin sa Vigan, Spanish-style ngunit di mo kakikitaan ng kalumaan mukha itong lagging naaalagaan. Simple ang bahay nyo tulad ng mga taong nakatira dito, ang pamilya mo. Vice mayor ang iyong ama sa inyong bayan, kilalang mahusay na guro naman ang iyong ina, ang iyong nakakatandang kapatid na babae ay patuloy na nag aaral ng abugasya at ang nakakabata at bunsong kapatid mong babae ay kasalukuyang nasa huling taon ng kanyang elementarya. Unang tingin pa lang sa iyong ama malalaman na kung saan ka nag mana ang iyong itsura, at ang husay mo naman sa akademika ay walang pagaalinlangan na sa iyong ina mo ito namana. Masaya sa bahay nyo, welcome na welcome kaming mga bisita mo, walang di nabibigyan ng pansin dahil kinakausap lahat ito ng iyong pamilya. *** Isang araw habang klase natin sa PE nagkaroon ng groupings, naging mag kagroup tayo kasama ang apat pa nating kaklase. Bale tatlong lalaki at tatlong babae sa bawat grupo. Nang pinahanap ng partner para sa sayaw ay nahalata mong may pagkagusto sayo ang dalawa nating kagroup na babae kaya ako ang nilapitan mo at inalok na maging kapartner mo. Nagulat ako pero wala akong magawa kundi pumayag na lang. Nang hawakan mo na ang aking kamay, nais kong lumubog sa kahihiyan dahil namamawis ang aking mga palad na di tulad sa palad mo na malambot at parang kamay ng dalaga. Napangiti ka ng sinabi kong nahihiya akong humawak sa kamay mo, ngunit sa huli ay sinantabi ko na lamang ang aking hiya dahil wala tayong matatapos kung ipagpapatuloy ko iyon. Itinuloy natin ang pakikinig sa ating guro sa mga kailangang galaw at gawin. Easy learner ka kung kaya naman ay naidala mo ako sa bawat mong galaw. Nang dahil sa naging mag partner tayo sa sayaw sa PE, nagging mag kaibigan tayo. Napalapit tayo sa isa’t-isa. … At napalapit yata ang loob ko sayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD