3

1098 Words
Araw ng Lunes kaya't si Tonyo ang kasama ko ngayon. Pagkatapos ng seremonyas tuwing umaga sa eskwelahan ay nakasanayan namin ng kaibigan ko na bumili ng lugaw bago pumasok sa aming silid-aralan. Malinaw sa aking mga mata habang naglalakad kami sa pasilyo ng eskwelahan ay nakita ko si Karlos mula sa ikalawang palapag ng gusali. "Nakikinig ka ba sa kwento ko, Rowena?" "Huh?" Bumaling ako sa kanya saka tumugon. "Oo naman. May nakita lang ang mga mata ko." Hindi ko pa kasi kinukwento sa kanya si Karlos kaya hindi ko sa kanya masabi. Nagtuloy-tuloy siya sa kwento niyang hindi ko naman sinubaybayan dahil sa oras na iyon tanging si Karlos lang ang nasa isip ko. Inubos ko ang aking oras sa pagtingin sa aking relo. Kasabay ng aking paghihintay ay paglalaro ng sarili kong kamay. "Pakiwari ko ay hindi ka mapakali. Kanina pa nagtatawag ang ating guro kung sinong gustong sumagot pero hindi ka kumikibo", aniya Tonyo na nakikinig sa guro namin. Agham ang asignatura ngayon na paborito ko kaya taka siya kung bakit magtaas manlang ng kamay ay hindi ko magawa. Kinuha ko ang aking lapis saka isinulat ang formula sa aking kwarderno. Nagulat ako sandali ng makitang iginuhit ni Tonyo sa likod nito ay nagmistulang si Karlos na nakangiti sa akin. Nabitiwan ko ang lapis na agad namang pinulot ni Tonyo matapos ang aming klase. Hinipo niya ang aking noo. "Ayos ka lang ba?" "Oo naman." Nagmadali akong isukbit ang aking bag kaya't ganon din kabilis ang naging pagkilos niya upang sundan ako palabas. "May kilala ka bang Karlos mula sa Ikalabing-isang baitang?" Si Tonyo ay maraming kaibigan kaya naniniwala akong baka kilala niya iyon. Sa katunayan nga sa dami ng kaibigan niya ay hindi niya na mabilang at maalala kung sinu-sino ang mga iyon. Pero alam kong ako pa rin ang tunay na kaibigan niya higit pa sa mga ito. "Wala akong kilalang Karlos." Lumavi siya habang nag-iisip. Sabay kaming lumakad ng mabagal. Sinalubong kami ng ilan niyang mga kaibigan. Pare-parehas silang kulot ang buhok at moreno. Ang isa sa kanila na may hikaw sa tainga na may hawak na bola ay ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya kahit hindi ko maalala kung ano ang pangalan niya. Bumaling siya sa kaibigan ko. "May pustahan tayo ah. Lalaro ka ba?", tanong nito. Kumamot si Tonyo sa ulo habang nakatingin sa akin. Para bang nagpapaalam ang mga mata nito. Sa tagal namin na magkaibigan ay alam ko ang gusto niyang iparating. Inunahan ko siyang umimik."Oo. Alam ko iyon Tonyo. Sige na, ayos lang akong umuwi mag-isa." "Sigurado ka ba?" Nag-aalinlangan ang mga mata niya kaya't tinapik ko ang kanyang balikat. "Oo. Siguradong-sigurado" Kumuway ang kaibigan ko bago siya mag-iba ng daan. Kapag naman nanalo si Tonyo ay ililibre niya ko kaya madalas akong pumayag na iwan niya ko. Minsan kapag wala pa ang kanyang kalaro ay hinahatid niya muna ako pauwi. Paglabas ko ng eskwelahan ay sumakay ako sa isa sa mga tricycle na nakaparada. Kakaiba ang isang iyon dahil mas malaki kumpara sa ibang nakapila. Pumasok ako sa loob sa kadahilanang nakapalda ako. Bahagyang nauntog ang aking ulo. Kaya mahina akong napaaray. "Dahan-dahan, Binibini." Baritono ang boses nitong nagpataas ng balahibo ko. Ang mamahalin niyang pabango ay naamoy ko ng tuluyan akong tumabi sa kanya. Tumaas ang balahibo ko ng magdikit ang aming braso. "Pasensya na." Iniwas kong agad iyon. "May pupuntahan ka ba ngayon, Binibini?" Ilang beses kumurap ang mata ko sa harap ng gwapong binatang ito. Mas gwapo pala siya kapag nakasuot ng uniporme. "Sa totoo lang gusto ko sanang gumala." Kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi kaya masyado akong mabilis at ako pa ang nagbigay nagpahiwatig sa kanya. "Ayos iyan. Sumama ka sa akin." Tila kumikinang ang maputi nitong mga ngipin ng ginawad niya ang napakagandang ngiti sa akin. "Saan? Baka kasi pagalitan ako ni Inay. Hahabulin niya ko ng hampas." Ayaw ni Inay na ginagabi ako galing eskwela lalo na kung hindi si Tonyo ang kasama ko. Bukod pa roon ang dahilan niya ay hindi ako pwedeng gabihin kapag galing ng eskwela dahil pinapayagan niya kong umuwi ng gabi kapag may sayawan sa plaza. "Pangako, bago sumapit ang alas-singko ay nakauwi ka na sa inyo" "Pangako 'yan ha," sabi ko. Tinaas niya ang kanan niyang kamay na para bang nanunumpa. "Pangako!" Pumunta kami sa batis. Doon ay may tulay na kahoy kung saan umupo kami. Nasa tabi namin ang aming bag habang nakalaylay ang aming mga paa. "Nagustuhan mo ba rito?" tanong niya. Sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na may tulay pala rito kaya mabilis akong tumango. "Maraming salamat kung gano'n. Alam mo bang madalas akong magpalipas ng oras sa lugar na ito. Bukod sa walang nakakaalam ng lugar na ito kung hindi ako lang ay marami ritong ibon" Tumingila ako ng tumingila siya. Tinuro niya ang isang ibon na iba ang pakpak kaysa sa kanyang mga kasamahan. "Parang ikaw ang isang iyon..." Nakatingin ako sa kanya at tumingin din siya sa akin kaya nagkatitigan kaming dalawa. "Bukod tangi ka sa lahat, Rowena." Kinilabutan ako sa pagtawag niya ang aking pangalan. May kiliti akong naramdaman sa aking tiyan. Maraming binata ang sumuyo sa akin at mabulaklak magsalita pero siya ang iba sa lahat. Iba ang hatid niya sa kabuuan ng aking sistema tila ba ako'y binabaliw nito. "Maganda ka. Palagi kitang pinagmamasdan" Palagi niya akong pinagmamasdan? Ibig sabihin matagal niya na kong kilala? "Bakit hindi ka sa akin nagpakilala noon pa?" Abot-abot ang kaba sa aking dibdib. "Inunahan ako ng takot. Maraming binata ang hinahangaan ka. Ikaw ang pangarap nila. Pero ng makita kita ng gabing iyon-wala kang kasayaw ay sinamantala ko ang pagkakataon" Hindi ko napigilan na itago ang saya at kilig na nararamdaman ko. "Karlos, masyado namang mabulaklak ang mga salita mo" Inayos niya ang ilang hibla ng aking buhok at inilagay iyon sa likod ng aking tenga. Kahit dulo lamang ng daliri niya ang naramdaman ko ay iba ang saya na pinararamdam niya sa akin. "Nararapat mong narinig ang mga iyon sapagkat ang intensyon ko ay malinis. Kung mararapatin mo sana ay pwede ba kitang ligawan?" Halos lumaglag ang panga ko. "Bakit mo pa tinanong? Hindi naman ako tutol" Kumurba ang ngiti sa maganda niyang labi. Maamo at malambing ang paghaplos nito sa aking mukha. "Hindi s*******n ang pag-ibig kaya tinanong kita" Nadala ako sa sinabi niya kaya't namula ang pisngi ko. Simple ang maliliit niyang tawa habang pinagmamasdan akong hawakan ang aking pisngi na nag-iinit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD