GERALD POV
Kakalapag lang namin sa airport ng secretary ko "Check my schedule today" Sabi ko sa secretary ko "Today you have a meeting with all departments and the afternoon lunch meeting with your grandpa" sagot ng secretary ko "That's all?" Dagdag na tanong ko "Yes Mr. Gerald" Tumango naman ako at dumiretso ng lakad papunta sa exit pero di pa man lang kami nakakalabas ng makita ko ang print ads ng company ko, nagpainit ng ulo ko na napansin agad ng secretary ko. Magsasalita na sana ako ng biglang may nabangga ako "What the f’ck?!! Are you blind?" Napapikit ako sa para pigilan ang galit na nararamdaman ko. "Sorry Sir. My name is Nathalie" Minulat ko ang mga mata ko para makita kung sinong tangang babae ang nagmura sa’kin pero nakita ko s'ya papalayo na habang hila hila ng secretary ko. Nagbuga ako ng hangin at ikinalma ang sarili.
"John ikaw na muna umattend sa Department meeting. I need to fix something. " Seryoso sabi ko "How about your grandpa? I'm sure he's getting mad" Sabi nito "I handle that later" Sabi ko at gumawa ng message para sa meeting. "Here's my announcement for everyone" Inabot naman ng secretary ko ang ginawa kong message. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan ang secretary ni Mr. Tolentino "Hello! Where's Mr. Tolentino?" Tanong ko sa babaeng secretary ni Mr. Tolentino "hello! who's this?" Tanong ng nasa kabilang linya "Gerald Frost" sagot ko
"M... Mr Presindent... ahm Mr. Tolentino is not right here." Sagot nito "Where is he? Tell me right now" Seryoso sabi ko "uhm o... okay sir. He is now in a golf area in Quezon City" Nauutal na sagot ng secretary ni Mr. Tolentino "Send me the exact location and, by the way, don't tell him" Sabi ko "O…okay, copy that" at binababa ko na ang tawag. Tama hinala ko wala ito sa company. Tama lang ang desisyon kong alisin s'ya sa pwesto n'ya.
"Mr. Tolentino long time no see" Nandito na ako sa Golf area kung saan naglalaro si Mr. Tolentino at kitang kita ko sa mukha n'ya ang pagkabigla "Mr. Gerald Frost Why are you here?" Tanong nito sa'kin "Dapat ako nagtatanong n'yan sayo, kung bakit nandito ka at wala sa company" napakamot naman to sa ulo "M... Mr. Gerald nagkakasiyahan lang kami ng mga kaibigan ko, nandun naman secretary ko para tawagan ako pag may problema sa department ko" napapalakpak ako sa katwiran nya "Very well said but now you fired" sabi ko at ngumiti ng nakakaloko "What... wala kang karapatan alisin ako sa pwesto. Alam ba to ng lolo mo?" galit na tanong nito "I have the right because I am the CEO and President of Frost Product Group of Company" seryoso sabi ko "Ang lolo mo ang nagpasok sakin dito kaya s'ya lang may karapatan alisin ako sa pwesto at isa pa mas matagal akong nanilbihan sa company ng lolo mo kesa sayo" natatawa pang sabi nito pero tinawanan ko rin s'ya " hahhaha baka nakakalimutan mo Mr. Tolentino ako na ang naghahandle sa lahat at sa tingin mo ba may magagawa ang lolo ko sa desisyon ko?” sabay seryoso ko " But Mr. Frost" may sasabihin pa sana to pero pinutol ko agad "No Buts. That's the final" Tsaka ako umalis at di na nakinig sa mga sinabi n'ya.
"Gerald anong kalukuhan to? bakit tinanggal mo sa position si Mr. Tolentino?" Bungad ni gradpa sakin pagpasok ko palang sa dining area. "Grandpa nakita mo ba yung print ads na ginawa n'ya di nakapasa sa quality ko at napakamahal pa ng budget nila para dun. Isa pang nakumpirma ko nagsasaya lang s'ya sa golf area kahit alam n'yang may department meeting" Dumiretso ako sa upuan tsaka tumingin sa lolo ko "Sana binigyan mo pa ng isa pangpagkakataon. S'ya ang katulong ko noon sa pagpapatakbo ng company natin" sabi nito at umupo na rin sa tapat ko "Di n'yo na s'ya kaylangan nandito na ako at maayos na rin ang company natin abroad kaya di na natin kaylangan ang isang tulad n'yang inaabuso ang position" kitang kita ko sa mukha n'ya ang pagkadismaya "okay, di na kita papakialam tungkol d'yan pero sa isang condition papakialaman ko ang love life mo" ayan na naman s'ya atat na atat ng magpakasal ako. "Grandpa wala akong time sa ganyan" reklamo ko "Gerald hindi na ako makikialam sa company pero ang wish ko lang magpakasal kana kasi gusto ko ng magkaapo sa tuhod" sabi pa nito "Bakit ba gustong gusto n'yo magpaksal na ako? kung gusto n'yo ng bata mag ampon nalang kayo" Seryoso na sabi ko dahil wala pa sa isip ko na magpakasal
"GERALD ang gusto ko dugo at laman mo. Magsabi ka nga sa'kin ikaw ba ay bakla kaya lagi nalang kayong magkasama ni John?" Inis na pagkasabi nito kaya natawa kami ni John "Chairman wag n'yo po akong isali sa usapan n'yo straight ako" Reklamo naman ni John "Sa tagal n'yo sa America wala parin kayong naging girlfriend. Nanakit ang ulo ko sa inyong dalawa" Napapahawak nalang sa ulo si grandpa habang minamasahe ito "Aatakehin ako sa'yo Gerald. Yang lang naman wish ko pero kahit ayaw mo, ako parin masusunod. Kapalit ng pagtanggal mo kay Mr. Tolentino" Huminga ako ng malalim bago sumagot "Okay pumapayag na ako, at tigilan n'yo na yan kadramahan n'yo. Unti unti naman sumilay ang ngiti ni lolo "Lintik kang bata di ako nagdadrama" napapailing nalang ako "Okay" sabi ko nalang "Wait lang kumain muna kayo d'yan may tatawagan lang ako.
"Hello Mr. Mondragon okay na. Set na natin mamayang gabi" ano naman kayang pinag uusapan ni grandpa at Mr. Mondragon at tuwang tuwa s’ya "Okay sige sige bye" pinatay na ni grandpa ang cellphone n'ya umupo ulit kung saan s'ya nakaupo kanina. "Apo okay na ang blind date mo mamayang gabi. Nakaset na lahat sa retaurant natin" Nabilaukan naman ako sa sinabi ni grandpa. Ganun kadali s'ya nakahanap ng makakadate ko. "Grandpa bakit ang bilis naman. Kakapayag ko lang tapos meron kaagad akong kablind date" Reklamo mo at kitang kita ko naman ang natatawang reaksyon ng secretary ko "Gerald sabi ko sayo ako ng bahala sa lahat kaya wala ng reklamo. Si Jerah Mondrgon makakablind date mo mamaya. Nag-iisang anak ng mga Mondragon kaya umayos ka" Napabuga naman ako ng hangin. Wala naman masama kung susubukan ko "7pm sharp at G restaurant" napatango nalang nalang ako at ktinuloy ang kinakain ko "Okay"
Pagdating ko sa restaurant dumiresto agad ako sa table na sinabi ni grandpa at saktong makanakita akong babaeng papaupo palang. "Are you Ms. Jerah Mondragon?" Tanong ko kaagad sa babaeng papaupo palang. Tumayo muna ito ng tuwid bago lumingon sakin "Yup, and you are?" tanong naman nito. Dumiretso muna ako sa katapat n'yang upuan at umupo na rin at dahan dahan na rin umupo ito. "Here's my calling card" Inabot sa kan'ya ang calling card ko" inabot naman n'ya ito at habang may kinukuha sa bag n'ya "Here's mine" inablot ko rin ang card na binigay kan'ya at tiningnan ang name nito. "Oh My Gosh" Nagulat ako sa pagkabigla ng babae "Why Ms. Mondragon?" Tiningnan ko naman ito pero nakayuko na to at halos di na makatingin sakin 'weird'. Agad naman s'ya umayos ng upo at ngumiti.
"Nothing. Mainit lang dito" Nagtataka ako sa sinabi n'ya dahil hindi naman mainit dito "Okay" sabi ko naman "Wait alisin ko muna jacket ko" Inalis na nito ang leather jacket. Tumawag muna ako ng waitress "What do you want to eat?" Tanong ko dito "kahit ano nalang" sabi nito kaya ako nalang namili ng order. "Di na ako magpapaligoy ligoy at ayaw ko rin mag aksaya ng oras about sa" di n'ya na ako pinatapos sa pagsasalita dahil bigla nalang itong sumingit "Nako alam kong di ka sang-ayon sa arrange marriage. Ako rin kasi gusto ko pa i-enjoy ang pagiging dalaga tsaka ang sarap pang makipaglaro sa apoy. Alam mo yun" Napagilin nalang ako sa sinasabi n’ya dahil confident pa s'ya sa mga binibitawan n'yanng salita. Tiningnan ko naman s'ya at masasabi kong mapakaganda n'ya kahit na revelling dress ang damit na suot n'ya pero halatang di s'ya mapakali sa ikli ng suot nya kaya natatawa nalang ako sa isipan ko.
Dumating na ang lahat ng inorder ko kaya di muna ako sumagot "We eat first" sabi ko at nag umpisa na kaming kuamain pero di ko mapigilan mapangiti dahil nanginginig ang kamay n'ya habang kumakain "weird" bulong ko habang napapailing nalang ako. Wait bakit ako ngumingiti "Mr. Frost about sa wedding, ayaw ko ituloy kasi maraming akong masasaktan. Madami kasing akong boyfriend " Proud na proud pa s'ya magsalita pero isa sa kinatatawa ko ang kamay n'ya nanginginig halatang kinakabahan "Tara maghotel nalang tayo" napangiti naman ako ng nakakaloko dahil sasakyan ko ang kung ano man trip nito. "Okay let's go" sabi ko bago tumayo. Nanlalaki ang mga mata nito at halatang nabigla sa pagpayag ko.
''Let's go! Here's our room card" Sabay wave ng keycard na hawak ko. "Uh. O..okay" Kitang kita ko sa mukha n'ya ang kaba. Naglakad na ako papunta sa elevator at hinayaan ko nalang s'yang. Habang papalapit ako sa elevator naramdaman ko na walang nakasunod sa'kin. Lumingon ako sa aking likuran at tama hinala ko, na wala nga s'ya sa likuran ko. Bumalik ako sa receptionist, at nakita ko ang isang babaeng nakahawak sa braso ni Ms. Mondragon. Napakunot ang noo ko dahil sa reaksyon ng mukha ng babaeng galit na galit kay Ms. Mondragon. "YOU!!!" Galit na galit na pagkasabi ng babae kay Ms. Mondragon. "What me?" Nagtataka naman tanong ni Ms. Mondragon sa babae. "You're my husband's mistress. You Sl*t!!!" Galit na sabi ng babae at tinaas ang kamay n'ya para sampalin si Ms. Modragon. Mabilis akong lumapit sa kanila para pigilan ang gusto nitong gawin. Nang-akmang lalapat ng ang kamay ng babae kay Ms. Mondragon mabilis ko tong sinalo. Nagulat naman si Ms. Mondragon sa ginawa ko. "Thank you" Pasasalamat nito sa ginawa ko at humarap muli sa babae "I'm not your husband mitress Mrs." Sabi nito at inalis ang kamay ng babaeng mahigpit na nakahawak sa kan'ya.