CHAPTER ONE
HANNAH POV
Kaka-out ko lang sa trabaho ng nagbeep ang cellphone ko sa bag hudyat na meron tumatawag. Napangiti naman ako at kinuha agad ang cellphone ko. Alam ko na kasi kung sino tumatawag sakin ang seven years kong ng boy bestfriend na si Carlo. Huminga muna ako ng malalim para mawala ang kilig na nararamdaman ko. "Hello Carl" sagot ko sa caller "Hannah happy birthday" napangiti naman ako sa boses ni Carl "Thank you Carl" sagot ko habang nagpipigil sa kilig na nararamdaman ko " naka-out ka na ba? tanong ni Carl "Oo kaka-out ko lang, bakit?" napapakapit ako ng mahigpit sa cellphone ko habang naghihintay ng sagot nito sa kabilang linya.
"Daan ka dito sa restaurant may birthday gift akong ibibigay sayo" bumilis ang t***k ng puso ko at na-excite sa gift na ibibigay n'ya. Iisa lang naman gusto kong gift ngayon, yun ay ang mahalin n'ya rin ako "Hannah are you there?" napabalik ako sa ulirat ko "ahm, o... oo nandito pa ako. Sige daan ako d'yan, bye" di ko na s'ya hinintay sumagot pinatay ko kaagad at tinatawag ko naman si Jerah para sabihin di muna tuloy ang night out naming. "Hello besh" bungad ko sa pakasagot n'ya sa tawag ko "Wait lang besh, patapos na akong magbihis" sagot naman nito na nakakabigla "Besh wait about sa night out natin, ahm pwede sa susunod nalang?"
"Ano??? bakit??" nabibiglang tanong ni Jerah "uhmm ano besh uhm si Carl kasi tumawag pinapapunta n'ya ako sa restaurant n'ya, may birthday gift daw s'yang ibibigay. Alam mo na baka ito na yung pagkakatanong ko para umamin na ako sa kan'ya about sa nararamdam ko para sa kan'ya" mabahang paliwanag ko.
"Besh hanggang ngayon si Carl parin, sa sobrang tagal n'yo ng magkaibigan di parin ba n'ya nakikita na may nararamdaman ka para sa kan'ya" nalungkot naman ako sa sinabi ng bestfriend "Okay sige na pumunta kana sa kan'ya baka ito na talaga ang right time na magkaaminan na kayo. Tsaka 1-year na silang hiwalay ng ex-girlfriend n'ya baka nakamove-on na yun" napangiti naman ako dahil kaya di ako makapagtapat ng nararamadaman ko para kay Carl kasi alam ko di pa ito nakakamove-on sa ex-girlfriend nitong si Sofia pero ngayon 1-year na silang hiwalay kaya pwede ko ng sabihin kung anong tunay na nararamdaman ko para sa kan'ya.
"Hannah natanong mo ba kay Carl. Bakit sa mismong birthday mo sila naghiwalay ng ex n'yang si Sofia?" napaisip naman ako sa sinabi n'ya "Hindi eh, tsaka ayaw rin kasi pag usapan ni Carl about dun" one-time kasi tinanong ko s'ya pero di n'ya ako sinagot kaya ako nalang nag-iba ng usapan nun para di ko na makitang malungkot s'ya. "Ah okay, sige na pumunta kana sa prince charming mo"
"Thank you besh, I love you, goodbye" at pinatay ko kaagad cellphone at sumakay sa taxing nakaparada. "Kuya sa Carl Restaurant po"
Nandito na ako sa harap ng restaurant ni Carl at naglalakad papunta sa entrance. " Bakit walang tao?" tanong ko sakin sarili habang papalapit sa kitchen. Nakita ko naman papalabas ng kitchen si Carl na madalang cake. Napatakbo ako papalapit sa kan'ya habang nakatingin sa hawak hawak n'yang cake. Nanlaki mata ko ng mabasa ko ang dedication 'Happy Anniversary Love'. Di ko na napigilan ang pagbangga ko sa cake na dala ni Carl "Hannah...." sigaw ni Carl habang parang slow motion ako pabagsak pero mabilis nahawakang ni Carl ang baywang ko para di tuluyan bumagsak. "Are you okay?" tanong ni Carl sakin habang habol habol ko naman ang aking hininga "My Goshhhhh. What did you do?" napatingin ako sa boses ng isang babae na may katabing lalake. Napatayo ako ng tuwid at nilunok ko ang aking kaba "Sor..sorry Ma'am" hiyang-hiya ako sa katangahan ko "Gosh you ruined my moment" sabay irap sa'kin " We're very sorry" hinging pasensya naman ni Carl "That's okay" Sagot naman ng lalaking kadate ng babaeng maldita.
"Sorry Carl kala ko kasi para sakin yung cake" nandito na kami sa loob ng kitchen. Nagpupunas na rin ako sa damit ko nadumihan dahil sa cake. "Okay na yun, napalitan naman natin yung cake" napanguso nalang ako " This is my may gift for you?" Napatingin ako sa hawak nyang retangular box na maliit. "Ano yan?" tanong ko "Concert ticket ni TJ Montero at KZ Tandingan, alam ko kasing paborito mo silang singer. Sa tagal natin magkaibigan ngayon palang ako makakapagbigay ng magandang gift para sa'yo. Salamat sa pagiging mabuti bestfriend sa’kin" sabi pa nito bago iniabot sa’kin ang box. "Thank you" sabay abot ko ng box at may panghihinayang sakin mukha "Hindi mo ba nagustuhan?" umiling ako at ngumiti.
"Nagustuhan ko Carl" at pilit ko pinalaki ang ngiti sakin labi "Wait magluluto ako ng dinner " sabi pa nito "Wag na aalis din ako kasi naghihintay sakin si Jerah may night out kami" sabi ko at inilagay ko sa bag ang birthday ni Carl. "Ganun ba, sige Happy birthday and enjoy the night" Ngunitian ako sya bago tumango "thank you! alis na ako" sabay talikod ko sa kan'ya.
"Hello besh tara na tuloy na natin lakad natin" sabi ko sa kausap ko sa cellphone "Bakit na friend zone kana naman" nalungkot sa sinabi ni Jerah "Oo eh" sagot ko "Oh tama ng drama mag KTV nalang tayo" napangiti naman ako buti sa sinabi ng bestfriend, masasabi kong talagang kilalang kilala n'ya ako. "Sige sunduin mo ako dito sa may bus stop" "okay po Maam" natatawa naman ako sa sagot n'ya sakin.
Nandito na kami ngayon sa KTV at ang sosyal kong bestfriend kumuha ng VIP room para samin dala at umorder ng napakaraming food at alak. "Magpakalasing tayo ngayon besh" sigaw ng bestfriend ko dito sa loob ng room habang hawak ang mic. Ngayon gabi nakalimutan ko lahat ng lungkot na nararamdaman ko.
....................................................................................................................
Busy ang lahat sa magaganap na meeting ngayon dahil ngayon din araw ang dating ng company President sa Frost Product Group of Company. "OMG makikita narin natin si Mr. Frost balita ko pogi daw yun" Nagniningning ang mga mata ng ka-office kong si Yen habang nagsasalita. "Paano naman nasabi na pogi president natin? di pa nga natin nakikita yun." sabi ko habang nagtatype sakin laptop. Ngayon palang kasi magpapakita ang president namin na pumalit sa position ng dati namin president kaya wala kaming idea kung anong itsura nito sa personal.
"Ano kaba usap-usap na sa buong building na pogi daw ang president natin. Saan pa ba magmamana yun? Edi dun sa dati natin president na lolo n'ya, na pogi parin kahit matatanda na" Yun lang naman pala pinagbasehan nila "Oo nga naman panigurado gwapo ang president natin parang ako hahhahahha" Ayan na naman si Sir Randy nagbuhat na naman ng sariling bangko. "Oy Randy tumigil ka nga sa kakakumpara mo ng sarili mo sa president natin. Tsaka di ka gwapo ka magtigil ka." Natawa naman ako sa sinabi ni Ma'am Amie "Oo nga Sir Randy di mo yun kalevel hahhahhaha" Dagdag na pang-aasar naman ni Yen habang tawa ng tawa "Hay naku basta ako magfofocus nalang muna sa product ko" Sabi ko nalang "Anong di ko kalevel? Ito ha sa’tin sa’tin lang to, balita ko si Pres. Frost nagtapos sa private school nung Elementary na valedictorian parang ako kaso sa public-school lang. Ganun din nung High School parang ako lang din. Nung collage summa c*m laude sa Harvard university sa USA, ako din summa c*m laude sa PUP." lahat kami natawa sa sinabi ni sir Randy "Oy nanaginip ka na naman ng gising hahhahha manahimik kana nga lang para di ka nagmumukhang tanga." Kotra naman ni Ma'am Amie. Napapailing nalang kaming dalawa ni Yen sa dalawa na parang aso't pusa. "Team tara na sa Function Hall nandun na daw lahat ng department" putol ni Ma'am Amie sa tawanan namin. Nag ayos muna kami ng table namin bago kami dumirestso sa Function Hall.
"Nasa dulo na tuloy tayo" Reklamo naman ni Yen. "Okay lang yan kita parin naman natin dito" sagot ko naman. "Good morning, ladies and gentlemen. I am Mr. Delgado, secretary of our president Mr. Frost. I am here to apologize because our president has an emergency today. I read the message from President Frost. Good morning every. I'm President Gerald Frost wants to congratulate all department for job well done but today I also announce Mr. Tolentino president of advertising department are no longer part of the company. That's all for today. Once again Congrats. Halos nabigla lahat ng tao sa Function Hall dahil sa pagkawala ni Mr. Tolentino sa Advertising department.
"OMG bakit naman inalis Si Mr. Tolentino? Nakakatakot naman ang President natin kakabalik lang pero may na tagkal agad" Grabe estrikto pala ang bagong president namin "Ano kayang ginawang mali ni Mr. Tolentino?" wala sa sariling nasabi ko ang nasa isip ko "Ano ka ba naman Hannah di mo ba nakita puro kamag anak nalang nya nasa video ads at print ads natin. Baka yun ang dahilan tsaka ang panget ng pagkakagawa ng ads" sagot naman ni Yen. Kung sa bagay kung quality bagsak talaga ang Ads namin "magsitigil nga kayong dalawa, di natin alam kung anong dahilan nagpagkatanggal ni Mr. Tolentino, kaya kung ayaw n'yo matagal sa trabaho tumahimik kayo" Napatikom naman bibig namin sa sinabi ni Ma'am Amie. Natapos ang office hours namin kaya nag ayos na ako ng mga gamit ko para makauwi na.
"Beshhh......." sigaw na nagmumula sa likuran ko. Kilalang kila ko kung kaninong boses yun sa bestfriend kong loka loka si Jerah Mondragon. May malapad na ngiti akong lumingon sa kan'ya. Nagulat ako sa itsura ng mukha n'yang nakasimangot habang papalapit sa'kin.
"Besh samahan mo ako sa salon" Napanganga nalang ako sa sinabi n'ya. "Huh?" sagot ko na nagtataka. Di na s'ya sumagot hinila n'ya nalang ako papunta kung saan nakapark ang kotse n'ya. Wala na akong nagawa kaya nagpatangay nalang ako sa kan'ya.
Nang makarating kami sa salon pinaupo n'ya agad ako at pinaharap sa salamin. Umupo s'ya sa katabi kong upuan at nagpapacute sa'kin habang pinipisilsil ang braso ko. Alam ko na agad na may gusto s'yang gawin ko. Kaya nagkunwari akong nakasimangot "Kung ano man gusto mo sabihin. Ang sagot ko AYAW KO!"madiin na pagkasabi ko. At kitang kita ko ang panghahaba ng nguso n'ya.
"Please besh last na to promise" nagmamakaawang sagot n'ya. "No besh ayaw ko!! Last na blind date na nagsubtitute ako sayo grabe ang ginawa ko para lang na turn off sayo si Mr. Tuazon".
"Hahahhaha Oo besh best actress ka dun. Akalain mo ba naman nagpanggap sinasapian hahahhahah." tuwang tuwang komento ng loka loka kong kaibigan na ngayon nakahawak na sa t'yan nya, pati ako natatawa sa mga pinaggagawa ko nun.
Flashback
"Are you Mr. Tuason?" tanong ko sa lalaking nakaupo sa 2-seater na dining table dito sa restaurant. Masasabi kong maganda lalake ito at formal tingnan at nakakapagdala pa ng charm ang kan'yang polo na kulay puti pero di ko s'ya type. "Yes, and you are Ms. Mondragon?" umupo muna ako bago ko s'ya sagutin. Sabay sabi sa isip ko' Let's start the show.'
"Yes, I am" sabay ngiting parang napilitan. "Okay then, take a sit" sagot ni Mr. Tuason sabay taas ng kamay sa waitress na nasa counter. Tumango naman ang waitress at pumasok na sa loob ng kitchen. "So, what your plan?" tanong ni Mr. Tuason. Yumuko naman ako para tumakip ang aking buhok sa mukha ko sabay ngiting nakakaloko. "Hey! what happened Ms. Mondragon?" napatayo s'ya at lumapit sa'kin. "Ms. Mondragon" nag-aalala boses ni Mr. Tuason habang inaalis ang buhok ko sa mukha. Tumingin naman ako na nanlilisik ang mga mata at bumulong "Nandito mga kaibigan kong multo" sabay tawa na parang loka loka.
"Wha...what? a ghost?" nauutal naman tanong ni Mr. Tuason habang takot na takot s'ya at panglinga linga sa kaliwa't kanan. Muntik pa akong matawa sa reaksyon n'ya pero pinigilan ko para magawa ko ang misyon ko. "Yes, at nand'ya sila sa tabi mo"
" Are you crazy?" nanlalaking ang mata ni Mr. Tuason at mabilis na tumayo at tumakbo papalayo sa'kin. Dun ko na pinakawalan ang napakalakas kong tawa habang nakahawak akin t'yan.
" Uhm Ma'am here's your order" napatigil ang pagtawa ko sa paglapit ng waitress dala ang lahat ng inorder ni Mr. Tuason. Isa isa na n'yang ibinababa ang lahat ng nasa food cart kasama ang flowers. "Thank you!" kinuha ko naman ang cellphone ko sa bag at tinawagan ang bruha kong kaibigan. "Hello Besh, ano okay naba?" tanong agad nito sa kan'ya. "oo pumunta kana dito at ubusin natin lahat ng order nung lalaking yun"
End of flashback
"Hahahhaha grabe best actress ka talaga dun, pero besh seryoso ako last na to promise" sa taas ng kanan n'yang kamay na tila nanunumpa. "Ayaw ko nga Jerah" nakasimangot na sagot ko sa kan'ya. "100k" Bigla naman nagningning ang mga mata ko sa sinabi n'ya sakto at kelangan ng family ko pambayad sa pinuhunan nila sa business. "Oy papayag na yan" Bigla akong tumingin sa kan'ya at ngumiti. "Okay papayag na ako pero last na to ha. Nako kung di ko lang talaga kelangan ng pera ngayon di ako papayag" Kahit kasi may maayos na trabaho ako di parin sapat para mabayaran lahat ng utang namin. Buti nalang at may mayaman akong kaibigan.
"Thank you besh" kitang kita ko ang malaking ngiti n'ya sa labi at napangiti na rin ako at humarap na sa salamin at sinimulan na ang pag-aayos sa'kin. After sa salon dumiretso naman kami sa isang dress shop na sikat di lang dito sa pilipinas maging sa ibang bansa. Nag umpisa ng kumuha ng mga daring dress ang loka loka kong kaibigan. "Ano na naman plano mo?" tanong ko sa kaibigan kong loka loka habang nakatingin sa mga dress na kinuha n'ya at tumingin sa mukha ng bestfriend kong may nakakalokong ngiti.
"Diba isa sa nakaka turn off sa mga lalake ay ang mga babaeng halos hubad na magsuot ng damit" napatango naman ako pero biglang nag sink in sa utang ko ang mga damit na isusuot ko na di ko gustong isinusuot dahil di ako sanay. "Ano yan ang isusuot????" Nabibiglang tanong ko out of nowhere. "Oo besh para di ka n'ya magustuhan kasi sabi ni daddy formal daw ang makakadate ko at isang business tycon dito sa pilipinas maging sa ibang bansa.
"Pe....pero besh, di ako nagsusuot ng ganyang damit eh" sabay buga ng hangin. "Besh alalahanin mo 100K" sagot naman nito sakin, bagsak balikat nalang akong tumango "Okay, ano pabang magagawa ko" sabay kuha ng mga damit na napili nya. "I love you besh" sigaw na sabi nito habang papunta ako sa fitting room. Isa-isa ko ng sinubukang ang mga damit na nabili ng bestfriend ko at lumabas
"Wow bagay sayo besh pero di parin sapat yan, try kapa ng iba" nakasimangot naman ako pumasok ulit sa fitting room. second dress "no" third "hindi parin yan" fourth "pangit yan" fifth "nope" sixth " ayaw" seventh "next" eight "opssst no" nineth " no..no..no.."
Nanggigil naman akong tumingin sa kan'ya " 9 dress na sinuot ko wala parin nakapasa sa taste mo?" napanguso naman ang kaibigan kong loka loka at umiling iling. Nagbuntong hininga naman ako at pumasok ulit sa loob ng fitting room.
"Oh, ito baka makapasa na sa taste mo" Isang red dress na may butas sa gilid ng baywang ang suot ko at halos labas na ang cleavage ko at napakaikli pa. "Perfect besh" Napanganga naman ako sa reaksyon ng bestfriennd kong nagniningning ang mga mata. Lumapit s'ya sakin at inikutan ako hanggang sa nakaharap na s'ya sakin at niyakap ako ng napakahigpit halos di na ako makahinga sa sobrang higpit. "Ano ba besh di na ako makahinga" Reklamo ko sabay tulak ko papalayo sa kan'ya "Besh ang ganda mo kahit ganya suot mo" Sabi pa nito na tuwang tuwa parin ang reaksyon.
"Tigilan mo nga ako. Kung di dahil sa 100k di ako magsusuot ng ganito" Sagot ko na nagtataray sa kan'ya "Thank you besh. Alam ko naman di lang dahil sa 100k yun kaya ka pumayag. Kahit di mo sabihin alam ko di mo ako matitiis hahahhah" halos mapangiti naman ako sa sinabi nya " Oh see napapangiti kana hahahhaha" pang aasar na nito "Oo na kung di lang kita bestfriend, hinayaan na kita sa problema mo" Bigla na naman ako nitong niyakap "Thank you besh."