"Mrs, I think you're mistaken" Sabi ko sa babae "Di ako maaaring magkamali, s'ya 'to" at pinakita ang picture ng asawa n'ya na may kasamang nakatalikod na babae. "Hindi ako yan. Bulag kaba Mrs. Oo katulad ko ng kulay ng buhok at damit pero magkaiba kami ng katawan. Mas mataba s'ya ng konti sakin at isa pa magkaiba kami ng bag. Kung nandito ngayon ang asawa mo bakit di mo s'ya hanapin kesa naman nag aaksaya ka ng oras sa'kin" Palinag ni Ms. Mondragon. "Mrs., look, I think my date is right. Kung nandito nga ang maloloko mong asawa. "I think it is much better to investigate and to the receptionist if they can see them." Sang-ayon ko sa sinabi ni Ms. Mondragon. "No!! Hindi ako maaring magkamali, ikaw talaga itong babae ka." Nagulat nalang ako ng bigla nalang hinila ng babae ang buhok ni Ms. Mondragon "Sl*t" Pinigilan ko ang ginagawa ng babae at pinaghiwalay sila "Stop this" Paghiwalay ng dalawa. Mabilis naman na tumakbo si Ms. Mondragon palabas. Hinabol ko naman ito at ng nabutan ko, hinila ko ang braso nito para mapatigil sa pagtakbo. "Why you following me?" Habol hininga nitong tanong sa'kin. "Why you run away if you're not the mistress?" Tanong ko dito "Look Mr. Frost I don't want to marry you and I don't like you. Tsaka kaya ako tumakbo dahil gusto n'ya akong saktan kahit di naman ako yung kabit ng asawa n'ya" Mahabang paliwanag nito. "Hey Sl*t!!!" Nanlaki mata ni Ms. Mondragon ng marinig ang boses nung babae kanina. Mabilis n'yang inalis ang kamay ko at tumabok ulit papalayo.
Lumapit ang secretary ko sakin na ngayon kakababa lang ng kotse. "What is happening here Mr. Gerald? Where's Ms. Mondragon?" Tanong nito pagkalapit sakin. Itinuro ko naman ito gamit ang nguso at napapailing nalang. "Why she running away and who's that woman following her?" Tukoy nito sa babaeng humahabol kay Ms. Mondragon. "That woman finds the mistress of her husband" Sagot ko. "You mean Ms. Mondragon is a mistress" Tanong ulit nito. Umiling naman ako. "She said No. But she said she has alot of boyfriends," Sabi ko." Napakunot naman noo ng Secretary ko. "What? Ms. Mondragon is a play girl?" Napatango nalang ako sa sinabi nito "Yeah and I like her for being honest" Tsaka tinapik balikat nito dahil sa pagkagulat sa sinabi ko di na to nakaimik. "Let's go home" sabi ko "okay"
Nakita pa namin tumatakbo si Ms. Mondragon at pilit parin s'yang hinahabol nung babae. Hanggang sa nag iba ito ng direksyon at papatakbo ito papunta samin. pagkarating sa kotse namin binuksan n'ya ang pinto, tsaka pumasok para magtago. Pawis na pawis itsura nito at habol hininga habang tumatago sa backseat. Pag angat ng tingin nito sakin gulat na gulat s'ya nakala mo nakakita ng multo. "Gosh sorry" sabi nito "What are you doing here? You told me earlier you don't like me." Hindi naman ito sumagot at palinga linga sa labas. "She cannot see you here" sabi ko naman kahit di ko na naman na nakikita ang babaeng humabol sa kan'ya pero patuloy parin s'ya sa pagtatago. "Hey! I cannot see that woman. You better get out of my car." Tumingin naman to sa labas tsaka nakahinga ng maluwag. Tumingin muli to sakin at sinimangutan ako. "Oo na aalis na" Sabay labas nito tsaka sumakay sa taxi nakaparada. "Hey! Say thank you" Pero di na nito nakinig dahil pabagsak nito isinara ang pinto. "Crazy woman" Napapailing nalang ako sa kabaliwan nito.
HANNAH POV
"Hello Miss. Table reservation under Mr. Frost?" Nandito na ako sa restaurant kung saan kami magkikita ng makakablind date ni Jerah "This way Ma'am" Sinundan ko and waitress papunta sa table na pinareserve ni Mr. Frost. Kinakabahan ako ngayon dahil kailangan ko na naman magsinungaling. "Kaya mo yan Hannah. Isipin mo nalang ikaw si Jerah Mondragon" Sabi ko sa sarili ko para lumakas loob ko. "Inhale, Exhale Hannah" At ikinalma ang sarili. "Here's your table Ma'am" Turo ng waitress sa table for two na sa gilid. "Thank you, Miss," Ngumiti naman ang waitress bago umalis.
"Are you Ms. Jerah Mondragon?" Papaupo palang ako nagbila kong narining ang panagalan ng kaibigan ko. Gosh ako nga pala ngayon si Jerah. Napatayo ako ng tuwid bago ako tumingin sa nagtatanong sa'kin.
"Yup, and are you?" Tanong ko pabalik sa kan'ya. Gosh ang pogi. Paano ko s'ya irereject 'Hanna kaya mo yan. Hindi ka si Hannah ngayon alalahanin mo' Saway ko sa sarili ko. Upo muna ang lalakeng pogi sa tapat ng upuan ko "Here's my calling card" Inabot n'ya sa'kin ang isang papel na may name and contact number n'ya. Kinuha ko rin ang sa'kin at inabot sa kan'ya."Here's mine" Tiningnan ko ang laman ng card na inabot n'ya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang buong pangalan n'ya."Oh My Gosh" Salitang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkabigla. 'Gerald Frost President/CEO of Frost Product Group of Company. Patay s'ya ang president namin' sabi ng isip ko.
"Why Ms. Mondragon?" Napabalik ako sa diwa ko ng bigla itong nagtanong. 'Hannah si Jerah ka kaya kailangan mong gampananan ang obligasyon mo. Tumingin ako dito at ngumiti "Nothing. Mainit lang dito" Pagdadahilan ko. "Wait alisin ko muna jacket ko" Tsaka inalis ang leather jacket ko. Tumawag naman ito ng waiter. "What do you want to eat?" Tanong nito "Kahit ano nalang"Tumango naman ito at nagsimula ng umorder. "Di na ako magpapaligoy ligoy at ayaw ko rin mag aksaya ng oras about sa" Di ko s'ya pinatapos dahil ako payat ang mangrereject sa kan'ya. "Nako alam kong di ka sang-ayon sa arrange marriage. Ako rin, kasi gusto ko pa i-enjoy ang pagiging dalaga tsaka ang sarap pang makipaglaro sa apoy. Alam mo yun" Proud na pahayag ko pero di ko mapigilan kabahan, at isa pa di ako mapakali sa ikli ng suot ko. Napapansin ko rin itong lalake to nanaturuwa sa sitwansyon ko.
Dumating na ang lahat ng inorder n'ya kaya di muna ako nagsalita dahil gutom na rin ako. "We eat first" Sabi nito kaya nag-umpisa na kaming kumain kaso kinakabahan ako dahil pagnalaman n'ya empleyado n'ya ako, baka maalis din ako sa trabaho katulad ni Mr. Tolentino. "weird" Narining kong bulalas n'ya kahit mahina tsaka napapailing nalang ito at kitang kita kong napapangiti s'ya.
"Mr. Frost about sa wedding, ayaw ko ituloy kasi maraming akong masasaktan. Madami kasing akong boyfriend " Proud na proud kong hirit pero di maitatanggi na kinakabahan ako dahil sa kamay kong nanginginig sa sobrang kaba "Tara maghotel nalang tayo" Dagdag ko pa para maturn off s'ya dahil maraming mga business man na ayaw sa babaeng easy to get at malandi "Okay let's go" Nanlaki mata ko sa pagpayag n'ya. 'Oh My Gosh pervert' Sabi sa sarili ko. Ano ng gagawin ko. Tumayo na ito at sumunod naman ako sa kan'ya.
Sa loob ng lobby ng hotel may sumugod saking babae at pinagbibintangan akong kabit ng asawa n'ya. Buti nalang at napigilan ni Mr. Frost ang tangka nitong pagsampal sa'kin. Kahit na sinabi ko na di ako ang kabit ng asawa n'ya di parin to nakinig. Nagulat nalang ako ng bigla n'ya akong sinabunutan buti nalang natanggal agad ni Mr. frost ang kamay ng babae. Mabilis akong tumakbo papalayo sa babae na di parin tumitigil at hinabol parin n'ya ako. 'Gosh ano bang napasok mo Hannah?' Tanong ko sa sarili ko habang tumatakbo parin. Nakakita naman ako ng taxi na nakaparada sa kabilang kalye kaya binilisan ko pa ang pagtakbo, pero nangtatawid na ako nakita ko si Carl papatawid at papalapit sa direksyon ko. Tumalikod ako at tumabok pabalik. 'Buti nalang wala na yung babae' sabi ko sa sarili ko pero di ako pwede makita ni Carl na ganto itsura ko.
Patakbo ako pumunta sa kotseng papasaalis palang at binuksan ang back door nito at pumasok. Pawis na pawis ako at habol hininga habang nagtatago sa backseat. Pag angat ng tingin ko sa taong nakaupo dito nagulat ako dahil sa dinami dami ng pwede kong masakyan sa kotse pa talaga ni Mr. Frost. "Gosh sorry" Sabi ko "What are you doing here? You told me earlier you don't like me." Hindi ko na pinapakinggan sinasabi nito at tumingin muna ako sa labas para tingnan kong wala na si Carl “She cannot see you here" Sabi ni Mr. Frost pero wala akong pakialam na babaeng yun ang problema ko si Carl. "Hey! I cannot that woman. You better get out of my car" Nangmakalampas na ng kotse ni Carl. Tumingin muli ako kay Mr. Frost. "Oo na aalis na" Sabi ko at lumabas na at tinungo ko naman ang taxi nakaparada kanina.
"Hello besh. May problema President namin ang kadate mo, patay ako pagnakilala n'ya ako" Kasalukuyan kong kausap sa cellphone si Jerah "Ano kaba besh, Ikaw naman si Jerah ngayon kaya di n'ya malalaman kung sino ka talaga. Tsaka sa laki ng company n'yo di kayo magtatagpo n'ya" Paliwanag ng bestfriend ko. "Kamusta pala na turn off ba s'ya?" Tanong naman nito. "Siguro sinabi ko na madami akong boyfriend tsaka kanina may babaeng napagkamalan akong kabit ng asawa n'ya. Gosh nasaktan akong sa sabunot n'ya. Kaya for sure di na papayag sa kasal ang lalakeng yun dahil sa nangyari kanina" Sabi ko naman dito. "Nakakaloka naman yun besh hahhahahhah pero okay ka naba ngayon?" Tanong nito "Oo okay na ako" Sagot ko naman. "Sige na magpahinga kana. Salamat ulit, tranfer ko nalang sa accoount mo yung paymant" "Okay" Sagot ko at pinatay ko na ang tawag para makapagpahinga na.