Chapter 9 Finally Found You

1629 Words
Jacob WALA akong nagawa kundi sumunod sa kanila dahil sa pésteng scandal daw na ‘yon. Paano naging scandal ‘yon? Pero kahit na hindi naman explicit scandal ‘yon ay hindi pa rin magandang mapakinggang ng ibang tao at baka isipin nila ay napakamanyak ko. Hanggang sa makarating kami sa Venus Club na ‘yon ay hindi talaga maipinta ang mukha ko. Kung hindi lang talaga sila mga kaibigan ng kapatid ko baka talagang binaon ko na sila sa ilalim ng lupa. Matapos ko mag-park ay mabilis pa sila sa kidlat bumaba at tulad dati ay pinagbuksan pa ako ni Sammy. Ang bilis nakalipat ng môkong. “Smile naman diyan, Daddy Jacob.” Tinusok pa ni Sammy ang tagiliran ko pero isang matalim na tingin ang isinukli ko sa kanya. “Sabi ko nga, okay na ‘yan mukha mo,” pang-aasar niya pang sabi. “Burahin niyo na ‘yan,” utos ko habang naglalakad kami papasok sa loob. Hindi man lang nila ako sinagot at tuloy-tuloy na pumasok. Tingnan mo talaga mga ugali. Katulad ng dati ay patay-sindi ang ilaw, Pero pansin ko na mas marami ang tao ngayon. Dahil ba payday? Napailing ako sa isipin na ang iba rito ay sasayangin ang pera kaysa ibigay sa pamilya. Katulad niyo? Nahinto ako sa tanong na ‘yon ng isang bahagi ng isip ko. Ngunit, hindi naman kami kabilang sa mga tinutukoy ko dahil kami ay may extra pera para sa mga ganitong pagkakataon saka ‘di naman kami nag-uuwi ng babae. “Daddy Jacob, bilisan mo na. Ang bagal-bagal talaga.” Hinila na ako ni Sammy patungo sa may kanang bahagi saka niya ako itinulak paupo dahilan para paningkitan ko siya ng mga mata dahil muntik na ako masubsob. “Sorry.” Halata naman ‘di tagos sa puso niya ang paghingi ng sorry. Binalewala ko na lang at ulo ko lang sasakit kung makipagtalo pa ako sa kanya. Nang makaupo na kami ay may dumating na waitress upang kunin ang order namin na mabilis na naibigay ng kambal. Nagkatinginan kami ni Kenneth, mukhang may kasama pa naman ako matino pag-iisip… mukha lang pala dahil nagkibit-balikat lang siya saka itinuon ang atensiyon sa cellphone niya. Napabuga na lang ako ng hangin at wala sa sariling dumako ang tingin sa may stage. Bakante ‘yon pero may mga nakikita akong nag-aayos sa paligid. Mukhang may sasayaw. Naalala ko ang huling punta namin dito at nasaksihan ang mga sumasayaw na mukhang huling batch na. Niloko ko pa nga si Sammy kung gusto niya maghagis ng pera pero ang môkong sabi ba naman ibabayad na lang niya sa hotel at may mga nakahilera siyang babae na handa siyang paligayahin. Babaero talaga. “Talagang stay for good ka na rito?” Napalingon ako kay Kenneth sa tanong niya. “Wala na bang bawian o wala ka bang iniwan sa Tuscany?” dugtong niya pang tanong. “There's no turning back, and I know I will be happy here with my family…” “Bakit parang may karugtong pa?” Natawa ako sa komento ni Samuel. Mabilis din nakaramdam kaya naman ibinaling ko ang tingin sa kanya. “Oo meron talaga, at ‘yon ay sana huwag niyo ako idamay sa mga kalokohan niyo,” sabi ko saka tumingin sa stage. Narinig ko ang pagtawa nila na ikinailing ko na lang. “Ongoing na ‘yong renovation ng building. Wala ka na ba babaguhin sa huling plano natin? Para habang maaga ay magawan ng paraan,” wika ni Samuel na buti naman at matino na ang pag-uusapan namin. Nanatili ako nakatingin sa stage habang inaalala ang huling napagplanuhan. Magandang naman ang ipinakita ni Samuel at nakakahanga nga siya. “Ayaw mo talagang lagyan ng private room ang office mo just incase…” Dahil sa sinabi ni Samuel ay muli bumalik ang tingin ko sa kanya. Actually, he already suggested that before, but I can't see any reason why I should have one. May bahay at condo naman pwede tulugan. May nabili rin kasi akong condo na malapit sa building na magiging opisina ko. “I'm not like you, guys. I would never go that way. Wala akong balak na landiin ang sekretarya ko,” depensa ko agad sa kanila dahil ‘yon lang ang nakikita kong dahilan kung bakit kailangan ng private room. Sabay-sabay na tumawa ang tatlo na ikinailing ko na lang. Mga may saltik talaga. “Ang harsh mo naman sa amin, Daddy Jacob. Porket may private room ay ‘yon agad ang dahilan, hindi ba pwedeng just to sleep when you have lots of works to do. Kaysa umuwi pa sayang ang oras, gasolina at higit sa lahat ay effort,” natatawa pahayag ni Kenneth na ikinataas lang ng aking kilay. Ako pa talaga ang lolokohin nila. “I can't relate,” sabad naman ni Sammy. Hindi ko napigilan matawa sa sagot niya dahilan para samaan niya ako ng tingin. Graduating palang kasi siya at ‘wag kayo dahil isang doctor ang kasama namin, hindi lang halata. “Pero ayaw mo talaga, Daddy Jacob?” Ulit na tanong ni Samuel. Napaisip naman ako. Sayang naman kasi ‘yon pero kunsabagay ‘yong dating opisina ay may private room kaya walang masasaysng dahil wala rin naman akong alam na ipapalit kung aalisin ‘yon, iwas gastos pa. Tumingin ako kay Samuel at ang loko ay nakangisi pa talaga, tinaas-taas pa niya ang kaliwang kilay. Sirá ulo talaga. “Fine. Let the private room stay,” napilitan ko nang isagot at talagang sabay-sabay pa silang sumigaw. Napansin ko tuloy na napatingin sa gawi namin ang ilang mga customer. Nakakahiya talaga. Mabuti na lang at dumating na rin ang order namin, nagsimula magsalin si Sammy sa apat na baso saka iniabot sa amin. “Cheers para kay Daddy Jacob!” Itinaas ni Samuel ang baso na sinundan naman ng tatlo, napailing na lang ako na gumaya na rin at nakakahiya naman sa pag-cheers nila. Sabay-sabay namin inubos ang laman ng bawat baso namin saka nagkatinginan at natawa. Well, having them as friends is not bad at all. Muli nagsalin si Sammy sa mga baso namin. “Wala akong balak magpakalasing at baka sa susunod ay ano naman ang ma-i-record niyo,” wika ko. Hindi pa ako naka move on sa scandal daw na ‘yon. Nangyari ‘yon noong last na inom namin na dito rin nangyari. Nagkayayaan pa kasi kami sa condo ni Kenneth at doon nga ay talaga nilasing nila ako at hindi ko rin alam kung bakit nasabi ko ang bagay na ‘yon. “Pero seryoso ‘yon, Daddy Jacob? Nanakawan ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Sammy. Napabuga ako ng hangin saka tinungga ang alak sa baso ko. Ano ba sasabihin ko? “Maganda siguro at naakit ka. May mga ganyan modus ngayon, gagamitin ang kagandahan para nakawan ka,” wika naman ni Kenneth. Bigla ako napaisip doon. Palabas lang ba ‘yon? Pero mukha talaga siyang hinimatay tapos walang katao-tao sa paligid at bakas ang luha at takot sa mukha niya. “Biruin mo nabiktima ka,” sabay tawa ni Samuel. “Kaya kapag nakita mo siya ulit ay totohanin mo ‘yong sinabi mo na ikukulong mo siya para naman makabawi ka sa kanya,” dugtong niya pa. “Pwede ba at tigilan niyo na ang topic na ‘yan. Saka ikaw Sammy, pakibura na ‘yan kung ayaw mo bumili ng bagong cellphone,” pagbabanta ko kay Sammy. “Bakit ako lang? Sigurado ka ba na ako lang ang may kopya,” sabay tawa niya na ikinainis ko kaya naman dinampot ko ang takip ng bote ng alak saka ibinato sa kanya. Natatawa lang niyang sinalo ‘yon. Ibinalik ko ang tingin sa stage at biglang nag-pop up sa isip ko ang babaeng nakita ko nang una kaming magpunta rito. Mukhang isa siyang waitress base sa suot niya noon. Hindi ko napigilan igala ang aking mga mata at tingnan ang bawat babaeng mapapadaan sa table namin. “Looking for someone?” imbes na sagutin ang tanong ni Samuel ay nagsalin na lang ako ng alak sa baso ko saka diretsong tinungga ‘yon. Hindi na rin naman siya nagtanong at narinig ko na lang na nag-uusap-usap na sila. Hindi ko alam kung ilang oras na kami umiinom hanggang sa mag-announce na malapit na mag-perform ang huling batch ng mga dancer na kumuha ng atensyon namin. Noong last ay ito rin ang naabutan namin kaya taas ang kilay kong tumingin sa tatlo at mukhang alam nila talaga ang schedule ng club. “Just enjoy, Daddy Jacob,” nakangisi pang sambit ni Sammy. “Kenneth, Samuel, I thought you were in a relationship?” agaw ko sa atensyon ng dalawa. Last time we talked, ay parang may mga special someone sila. Sabay pa silang nagkibit-balikat na ikinatanga ko. Magsasalita pa sana ako nang marinig na namin ang pag-annouce hudyat na mag-uumpisa na ang sayaw. Kaya naman kahit ayoko ay napatuon ang atensyon ko sa stage. Napaayos ako ng tayo nang isa-isa nang lumalabas ang mga babae na sasayaw. Halata talagang mga eksperto na sila sa galaw pa lang. Wala pa man silang ginagawa pero ang hiyawan ay napakalakas na. Mas lalo lumakas nang magsimula silang gumalaw pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang nakasuot ng Royal blue. Ang ganda lang ng kulay kaya hindi ko napigilan mag-focus sa bawat galaw niya. Dahil medyo malayo kami ay hindi masyado makita ang mukha nila, himala nga at wala silang suot na maskara, ‘yong iba kasi may pa-suspen pa. Napaayos ako ng upo nang humarap sa banda namin ang mukha nila, saglit lang ‘yon pero hindi ko makakalimutan ang mukhang ‘yon kahit makapal ang pagkakalagay ng make up sa kanya. I finally found you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD