Carel Rain
MABUTI na lang talaga at well train ako noon pa man kaya kahit nagulat ako sa aking nakita ay nagawa ko pa rin sumabay sa bawat galaw ng mga kasama ko. Ngunit ramdam na ramdam ko ang titig na ‘yon. Titig na nakakapanghina ng mga tuhod.
Nang matapos ang aming group performance ay mabilis akong bumalik sa backstage.
“Okay ka lang? Infairness, magaling ang pinakita mo,” tanong at puri ni Rowena sa akin na hinawakan pa ako sa braso.
“Ayos lang ako.”
“Good job, girls. Good job, Rain, hindi halatang ngayon ka lang nagpraktis. Be ready, solo performance, next,” wika ni Mama Imee at pumalakpak pa. Gusto ko siya kausapin na kung pwede ‘wag na lang ako magsolo kaso nakalabas na siya. Nanghihina ako napaupo.
Ano ang ginagawa niya rito? Bakit sa dinami-rami ng club ay talaga naman dito pa siya naligaw? Huminga ako nang malalim. Kailangan ko ikalma ang aking sarili at may solo dance pa ako gagawin.
Makakaya ko kaya? Pwede bang umatras? Ginulo ko ang buhok ko saka wala sa sariling yumuko. Ano ba dapat kong gawin?
“Ayos ka lang, Rain?” Narinig kong tanong ni Nina kaya naman nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang nagtataka niyang tingin. “Para ka kasi baliw diyan at may pagulo-gulo ka pa ng buhok? May problema ba?” Medyo nakangiwi niyang tanong.
“Wa-wala. Pwede bang magpunta ng banyo at pang-ilan ba ako sa mag-perform?” Tumayo ako saka tiningnan si Rowena.
“Pwede naman, mag-re-touch ka na rin tapos pangatlo ka sa mag-perform, 15 minutes lang naman ‘yon saka nakapagpraktis ka na naman kanina ‘di ba?”
“Oo,” tipid kong sagot saka na ako naglakad palabas. Nagpunta muna ako sa silid kung saan ko iniwan ang aking bag saka ako pumasok na rin sa banyo na naroon.
Napatingin ako sa salamin at tinitigan ang aking itsura. Makapal ang make up na ginawa ni Regine ngunit hindi ako sigurado kung hindi ba niya ako nakilala. Sana hindi pero imposible, nang magtama ang aming mga mata nakita ko ang rumehistro gulat dito.
“Maliit ba talaga ang mundo? Noong huli ‘yong lalaki na tumulong sa akin ang nakita ko, ngayon naman si Sir Rutty, jusko naman! Sana nagmamalikmata lang ulit ako.” Ipinikit ko ang aking mga mata at ang alaala na ‘yon ay tila bumalik sa akin.
“Magkano ka ba? Kahit magkano pa, handa kitang bayaran, paligayahin mo lang ako,” wika ni Sir Rutty sa akin habang magkaharap kami rito sa backstage ng entablado kung saan ako sumasayaw. Humalukipkip ako para maitago rin ang nakalantad ko ng dibdib saka siya tiningnan.
“Dancer po ako rito at hindi pôkpok. Marami po diyan ang willing tanggapin ang offer niyo,” magalang kong pagtanggi.
Ngumisi si Sir Rutty saka pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Marami nga pero… ikaw naman ang gusto ko.” Naiinis na ako sa kanya, hindi ito ang unang beses na inalok niya ako. Mula yata naligaw siya sa club na ito ay hindi natapos ang araw na hindi niya ako nilapitan para lamang itanong ang parehong tanong. Hindi ba siya nagsasawa? Kasi iisa lang din naman ang sinasagot ko sa kanya.
“Sir Rutty, hindi po ba kayo nagsasawa sa katatanong sa akin ng bagay na ‘yan? Kasi po paulit-ulit lang din naman ang sagot ko at ‘yon ay isang malaking hindi po,” magalang ko pa ring tugon. VIP customer namin siya kaya hindi ko siya pwede bastusin saka hindi naman niya ako binabastos, ‘yon din siguro ang isang bagay kaya nagagawa ko pa rin siya pakiharapan. Kahit kailan ay hindi niya ako hinawakan o pinuwersa.
Nagkibit-balikat siya na ikinakunot ng noo ko. Adik ba siya? Hindi ko napigilan itanong sa isip ko. Dalawang linggo na rin kasi mahigit mula nang maging customer namin siya at mula nga noon ay lagi na rin niya ako ginugulo matapos ako sumayaw.
“Alam mo, Rain, pasalamat ka talaga at mahaba ang pasensiya ko. Pag-isipan mo pa rin ang alok ko. Pwede mo gamitin ‘yong pera para magbagong buhay. Gusto mo ba mabulok sa trabaho na ‘to?” Inilapit niya ang bibig sa may tainga ko dahilan para mapaatras ako pero dahil pader na ang nasa likod ko ay nagtagumpay siya na makalapit sabay bulong, “Kahit magkano, ibibigay ko.”
Nabalik ako sa aking sarili sa sunod-sunod na katok.
“Rain, nandiyan ka ba?” tanong mula sa labas at kung tama ako ay si Regine ‘yon. Mabilis kong inayos ang aking sarili.
“Opo, sandali lang,” sagot ko nang masiguro ayos na ako ay binuksan ko na ang pinto. Sumalubong sa akin ang nakataas na kilay niya saka niya ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Bakit ba ang hilig nila tumingin sa ganoon paraan. Nakakaasiwa kaya. “Bakit po?”
“Mag-ready ka na at ikaw na susunod. Ano ba ginagawa mo rito? ‘Wag mong sabihin nagdadasal ka? Jusko naman, Rain, sumayaw ka na kanina, pareho lang din ‘yon ngayon, pinagkaiba lang ay mag-isa ka. O, siya, halika na.” Tinalikuran na niya ako matapos niya manermon. Napangiti na lang ako nang sundan ko siya dahil kumekendeng pa ang balakang niya.
Nang makabalik kami sa backstage ay saktong tinawag na si Nina, siya ang pangalawa na sasayaw pagkatapos ay ako.
“Congratulations, Rowena, dami niya, ah.” Napalingon ako sa gawi nina Rowena. Nakita ko siya may hawak-hawak na mga bills at binibilang ‘yon.
“Mukhang mapera mga tao ngayon. Ay oo nga pala, sahod,” biro ni Rowena sabay tawa. May halong katotohanan naman kasi ‘yon. Oo, halos mga bigatin ang aming mga customer pero minsan may mga karaniwang trabahador lang din ang naliligaw o sadyang gustong makatikim.
Napadako ang tingin ni Rowena sa akin, naglakad siya palapit sa akin saka may ibinulong, “Sa pinakasentro, mag-focus ka roon at malaki siya magbigay.” Nasundan ko na lang siya ng tingin palabas ng backstage.
“Kaya mo ‘yan, Rain. Mag-ready ka na.” Napalingon ako Kay Angel na may ngiti sa mga labi. Napalunok ako nang ma-realize na ako na pala ang susunod.
Kaya ko ‘to! Pagpapalakas ko ng loob saka naglakad na patungo sa nakasaradong kurtina. Hindi nagtagal ay nakita ko ang pagpasok ni Nina na may ngiti sa kanyang labi habang hawak-hawak ang ilang papel na pera. Galante nga ngayon ang mga tao. Kailangan ko ‘yon sunggaban at sayang ang pagkakataon dahil hindi ko alam kung mauulit pa ba na pasayawin ako.
Taas ang aking noo at dibdib saka ko isinuot ang isang nakakaakit na ngiti kasabay ng paglamlam ng aking mga mata upang ibigay ang isang nakakaakit na tingin sa unang taong aking masisilayan.
Nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan ay ang pagbukas din ng nakaharang na kurtina. Rinig na rinig ko ang malakas na hiyawan. Nakakabingi. Dahan-dahan ko hinakbang ang aking mga paa habang ang aking mga kamay ay nakataas, ang mga palad ay nakaharang sa aking mukha pero nakabukas ‘yon kaya kitang-kita ko kung gaano kauhaw ang nga lalaking nanonood.
Itinaas ko ang aking mga kamay habang ipinikit ko naman ang aking mga mata na nakatingala. Kasabay ng malamyos na musika ay ang paggalaw ng aking baywang. Narinig ko ang mas lalong lumakas na hiyawan lalo na nang ibaba ko ang aking mga kamay pahaplos sa aking leeg patungo sa aking dibdib. Oo, biniyayaan ako nang may kalusugan na boôbs kaya sigurado ako na lumuluwa na ang mga mata nila lalo pa at halos kita ang ibabaw ng aking dibdib sa suot ko.
Mas ibinaba ko pa ang aking mga kamay hanggang sa umabot ‘yon sa ibabaw ng aking dibdib, habang sumasabay naman ang paggalaw ng aking baywang at nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Ipinaikot ko patalikod ang aking mga kamay sa harap ng aking dibdib na para bang minamasahe ‘yon.
“Tangina, ang sarap niya!”
“FVck! Is she new? What a body!”
“Take home, please!”
“Make me happy tonight, baby!”
“Kahit isang pûtok lang, masaya na ako!”
“Open your eyes, baby, wanna fVck that mouth!”
Ilan lamang ‘yon sa aking naririnig at mas lalo yata ako ginanahan kaya naman pinalandas ko pababa ang aking mga kamay at wala akong sinayang na oras na inalis ang nakaharang na tela dahilan para mas lumakas ang hiyawan nang sabay akong pabukakang umupo, nasa magkabilang gilid ang aking mga paa habang ang aking mga kamay ay nasa gitna ng aking mga hita.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at target ko ang sinabi ni Rowena na nasa sentro. At sa pagbukas ng aking mga mata ay ang pagtatama ng aming mga tingin. Napalunok ako at ilang sandali ako nawala sa aking sarili kung hindi ko lang naramdaman na may tumama sa aking braso. Napakurap-kurap ako sabay bawi ko ng tingin sa kanya.
“More!”
Narinig kong sigaw kaya naman kahit halos hindi ako makahinga ay itinuloy ko ang dapat kong gawin lalo pa at may nakita na akong kulang blue na papel sa aking harapan.
Kailangan ko ng pera. Bahala kayo sa buhay niyo! ‘Yon ang nasa isip ko saka ko ipinagpatuloy ang pagsasayaw.
May poste sa gitna para sa mga pole dancer kaso hindi ako isa sa kanila. Hindi ko nakahiligan ang paglambitin at medyo takot ako sa height. Hindi naman gano’n kalala pero minsan hindi ko maiwasan. Nakuha ko yata ‘to noong bata ako nang makita ko ang kalaro ko na nahulog sa may puno.
Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa upuan na nakahanda sa may unahang bahagi ng stage kung saan mas malapit sa mga manonood.
Humawak ang magkabilang kamay ko sa sandalan ng upuan habang nakabukas naman ang aking mga paa at bahagya akong lumiyad. Alam ko na sobrang exposed nang aking katawan dahilan para mas lalo ko marinig ang hiyawan sa paligid. Hanggang maaari ay ayokong dumako ang aking paningin sa pinakasentro, kahit na sinabihan ako ni Rowena na ‘yon ang target ay hindi ko yata kakayanin ang pares ng mga matang nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay gustong-gusto niya pasukin ang buong pagkatao ko.
Umayos ako ng tayo at lumakad papunta sa harapan ng upuan. Pabagsak akong umupo, nakabukaka, mga kamay ay nakapatong sa magkabilang hita ko at ayoko man ay wala akong pagpipilian kundi tumingin sa aking harapan. Kitang-kitang ko ang paniningkit ng mga mata niya habang may naglalarong ngiti sa kanya mga labi na bahagyang nakaawang.
Sinusubukan ba talaga ako ng Diyos? Bakit siya pa?
Subalit, hindi ako si Rain na basta-basta na lang magpapaapekto kaya naman mapang-akit akong ngumiti at hindi inalis ang titig sa kanya habang patuloy ako sa aking pagsayaw.
“FVck! Tinitîgasan ako!”
Gusto ko mapangiwi sa narinig ko pero binalewala ko na lang at dahan-dahan pinahaplos pataas ang aking mga kamay patungo sa aking dibdib paakyat sa aking leeg habang nanatili ang titig ko sa kanya. Nakarating na sa mukha ko ang aking mga kamay at doon ko lang inalis ang titig sa kanya nang muli akong tumayo patalikod sa kanila at nag-twerk. Mas lumakas ang sigawan kasabay na sunod-sunod na hagis ng pera. At sa pagkatapos ng aking performance ay ang pagharap ko sabay upo sa upuan at tingin sa may kanan ko…
Anong ginagawa niya rito?