Chapter 7 Scandal

2144 Words
Jacob “WELCOME back, Kuya,” masayang bati ni Clara sa akin na ikinatawa ko lang. Humalik ako sa pisngi niya at nagmano kina Mommy at Daddy. “Welcome back, iho,” nakangiti ring wika ni Mommy Samara. She is my stepmother, mommy siya ni Clara at magkapatid lang kami sa ama. Pero kahit kailan ay hindi ko naramdaman na tinuring niya akong iba. She love and care for me like a real mom kaya napakaswerte ko talaga. “Thank you po, Mommy.” Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi saka ako lumapit sa aking ama at yumakap din. Dalawang linggo lang ako nawala pero parang ilang taon na kung salubungin nila ako. “Nice to have you back, Jacob. Nasa hardin pa ang anak mo at busy sa paglalaro,” wika ni Daddy. “Hindi namin sinabi na uuwi ka na, kasi sabi mo i-surprise mo siya.” Napalingon ako Kay Clara sa sinabi niya. ‘Yon naman talaga ang plano ko ang umuwi ng walang nakakaalam kaso sira ulo talaga si Anthony, hindi magawang magtago ng sikreto sa asawa. “At huwag ka nang magalit sa asawa ko, mas mahal ako noon kaysa sa ‘yo. Kaya kung gusto mo talaga ng mga pa-surprise ‘wag ka nang magsabi kahit kanino,” sabay tawa pa ni Clara na ikinailing ko na lang. “Ewan ko sa ‘yo. Nasaan na ba ‘yang magaling mong asawa?” “Nasa hardin kasama mga bata.” “Pumunta ka na roon at isusunod na namin ang mga pagkain nang makakain na tayo,” wika ni Mommy kasabay nang paghila sa akin ni Clara na kumapit pa talaga sa braso ko. Kapag nakita ito ng asawa niya sigurado na hindi na naman maipinta ang mukha noon. Kahit yata ilang beses ko nang sabihin na kuya ako ng asawa niya ay hindi talaga gusto na dumikit ako kay Clara. Nang malapit na kami sa hardin ay sinenyasan ako ni Clara na magdahan-dahan. Nakatalikod sa amin si Anthony at mga bata na mukhang busy sa kung ano man nilalaro sa tablet nila. Humakbang nga kami ng dahan-dahan hanggang sa nasa likuran na nila kami ay hindi pa rin nila napansin kaya naman kumunot ang noo ko saka napasilip sa kung ano ang pinagkakaabalahan nila sa tablet. “What the héck, Anthony.” Hindi ko napigilan mapalakas ang boses ko nang makita ang ginagawa nila at talagang nagulat sila dahil sabay-sabay nilang nabitawan ang kanilang mga gadgets. “Daddy!” “Dada Jacob!” Magkasabay pang tawag sa akin nina Brianna at Jarret saka mabilis na lumapit sa akin at yumakap. Ginantihan ko naman ang yakap nila, pinantay ko ang aming mga mukha saka sila kapwa hinalikan sa pisngi kapagkuwan ay binuhat ko na si Brianna. “Kailangan talaga manggulat?” Nakasimangot na sabi ni Anthony matapos pulutin ang kanilang mga gadgets. “Sino ba hindi mag-re-react sa tinuturo mo sa mga bata. Seriously? Mobile legends in their age?” Hindi ko talaga mapigilan mainis. At babae pa anak ko. Magsasalita pa sana siya nang makita kong pinanlakihan siya ng mga mata ni Clara. “Mabuti pa kumain na tayo at gutom na mga bata,” wika ni Clara at inalalayan na si Jarret para maupo pero hindi nakaligtas sa akin ang pasimpleng pag-irap ng aking bayaw na ikinatawa ko. "I miss you, Daddy!" "I miss you you, Dada Jacob." Napangiti ako sa tinuran ng dalawang bata. sobrang na-miss ko rin sila. “So, you will stay for good here? Hindi ka ba maninibago? Ang tagal mo rin nanirahan sa Tuscany tapos bigla titira ka sa Pilipinas?” tanong ni Anthony sa akin dahilan para tingnan ko siya. Napangiti naman ako nang makita kung paano niya asikasuhin ang kapatid ko at anak nila. “Mahirap na desisyon ‘yan pero mas pabor ako dahil kung sa Tuscany kayo titira baka mahirapan ka at walang titingin kay Brianna saka alam mo naman dito lumaki ’yan at sigurado mangungulila rin siya,” dugtong ni Daddy. Inilipat ko ang aking tingin sa aking anak. Sino ba mag-akala na may anak pala ako? At pinag-isipan ko mabuti ang plano ko. Hindi ko hahayaan na ang anak ko ang mahirapan. Ilang taon din nawalay siya sa akin kaya ngayon babawi ako. Isa na roon ang manatili rito. Nang tingnan ako ng anak ko ay matamis siyang ngumiti na ikinangiti ko rin. “Ano pa gusto ng baby ni Daddy?” tanong ko sa kanya. “I want ice cream, Daddy.” Natawa ako sa sagot niya. “Ice cream is for later. Ngayon, ano pa gusto mo ulam?” tanong ko ulit at dessert na agad ang hinahanap. “I want barbecue.” Kaagad ko naman siya kinuhanan ng barbecue at inilagay sa kanyang plato saka ako kumuha ng tissue at pinunasan ang nagkalat na sauce sa kanyang bibig. “Eatwell, baby.” Muli akong humarap kay Daddy. “Sigurado na po ako sa desisyon ko. Mas gusto kong mantili rito kasama kayo,” tugon ko sa tanong niya kanina. “Magandang balita ‘yan. Sigurado matutuwa sila at may bago silang miyembro,” natatawang sabad ni Anthony na ikinakunot ng noo ko dahil hindi ko gets ang sinabi niya. “Sinong sila?” Napatingin ako kay Clara nang marinig ko ang bahagya niya pagtawa pero nang magkatinginan kami ay nagkibit-balikat lang siya at itinuloy ang pagkain. “Sino pa ba? E, ‘di ang mga single na may saltik sa utak,” natatawang sagot ni Anthony. “Oo nga pala, pinapasabi ni Samuel na hihintayin ka raw nila mamayang alas-dyes sa Royal Palace at siguraduhin mo raw na magpapakita ka dahil kung hindi…” “Kung hindi, ano?” Nakataas ang kilay kong tanong at may pabitin-bitin pa kasi nalalaman. Hindi ko na rin kailangan itanong kung paano nila nalaman na uuwi ako, sigurado naman ako na ang bayaw ko ang salarin. Nagkibit-balikat siya na ikinainis ko. Mamaya lang talaga siya sa akin. At talagang ako pa tatakutin nila? Nang matapos ang dinner ay naiwan kami nina Daddy at Anthony sa may hardin upang uminom ng konti at pag-usapan ang tungkol sa ipinapatayo kong branch dito sa Pinas. Habang sina Clara, Mommy at mga bata ay pumasok na. “Mabuti at agad kong nalaman ang tungkol doon. Mas mapapabilis ang pagpapatayo ko ng brach dahil may building na at renovation na lang ang kailangan gawin. Si Samuel na ang bahala at Andrew roon.” Simulan ko nang maiwan na kami. “Pero hindi ka ba lugi sa presyo?” tanong ni Daddy. “Hindi ko ba nasabi na natawaran pa namin. Iba rin karakas ni Sammy, e. Siya nakipag-usap at hindi ko alam kung ano ginawa niya dahil halos thirty percent ang ibinaba sa tunay na presyo,” kwento ko. Imbes na magpatayo kasi ako ng bagong building ay may inalok si Kevin na nalugi at ibinebenta na building. Noong una masyado mahal ang bentahan ngunit nagulat na lang ako nang tawagan ako muli para sa final na presyo. Afford ko naman ‘yong una pero mas okay na rin na bumaba at magagamit ko pa ang ibang pera sa ibang bagay. “Ano na naman ang ginawa ng isa sa kambal parang gusto kong magduda,” naiiling na wika ni Anthony at nang tingnan ko si Daddy ay may ngiti sa kanya mga labi sabay kibit ng balikat. Nagpatuloy ang usapan namin hanggang sa bumalik sina Clara at Mommy. Pinatulog na raw nila ang dalawang bata at oras na rin kasi. Nang tingnan ko ang aking relo ay alas nuebe na pala. “Hindi ko na pinagpaalam si Brianna sa ‘yo at ayaw niyang umiinom ka,” sabi ni Mommy na ikinatawa namin. “Sa nanay siguro nagmana ang batang ‘yon. Matalino, e.” Sinamaan ko ng tingin si Clara sa sinabi niya, para kasing pinapalabas niya na ang bobó ko. “I'm just telling what I observe, kaya ‘wag kang magalit, Kuya,” dagdag pa niya. “You said… just telling what you observe? So, sinasabi mo ba na bobó ako?” “I didn't say that, you said it,” pang-aasar niya pa sabay tawa. “Tama na nga ‘yan. Jacob, iho, ikaw ba walang balak na bigyan ng bagong mommy ang anak mo?” Nanlaki ang mga mata kong tumingin kay Mommy sa tanong niya. Ano raw? Bagong mommy? “Huwag kang magulat sa tanong ko. You are not getting younger and I think you deserve to have someone who will take care of you. Pero siyempre dapat mahalin din ang apo ko dahil kung ikaw lang, it's a big NO!” Sabay irap pa sa hangin ni Mommy. “I second the motion,” segunda ng magaling kong kapatid. “I third the motion.” Lahat kami ay dumako ang tingin kay Anthony sa sinabi niya. Meron bang gano’n? “What? Ngayon niyo lang ba narinig ‘yon? Meron pa ngang fourth, fith—” “Hon, lasing ka na ba?” Nailing na lang ako nang yumakap si Anthony kay Clara at parang ewan na nagpabebe ang g@go, sarap kutusan. Magsasalita sana ako nang tumunog ang aking cellphone tanda na may message na dumating. Babalewalain ko na lang sana nang sunod-sunod ang pumasok na message at nang tingnan ko ang aking mga kasama ay lahat sila nakatingin sa aking cellphone na nakapatong lang naman sa ibabaw ng lamesa. Wala na akong nagawa kundi kunin ‘yon at tingnan kung sino man ang istorbo. Nagsalubong ang aking mga kilay nang hindi pamilyar sa akin ang rumehistro sa aking cellphone. Para kasi ‘yon galing sa isang gc na alam kong wala akong sinalihan. Out of curiosity ay binuksan ko na lang. Nagdikit na yata ang kilay ko sa mga nabasa na message pero ang huli ang nakaagaw ng atensiyon ko. Pogisalahat: Kapag ‘di ka nagpakita mamaya ay ikakalat namin ang scandal mo! May emoji pa talaga sa dulo na multo. Anong konek no’n? Mas lalo ako na-curious dahil sa pangalan na inilagay kaya naman pinindot ko ang profile at gano’n na lang gulat ko nang makita na si Sammy lang pala ‘yon. Binalikan ko ‘yong gc at nagpunta ako sa list of members. “Mga sira uló talaga!” Hindi ko napigilan bigkasin nang makita kung sino-sino ang nasa gc na ang pangalan lang naman ay “Saltik Yummylicious Singles d**k”. Talagang may gano’n pa sa huli, sa kanila yata masisira ang buhay ko… Pero teka lang, anong scandal pinagsasabi nila? MatabaAtMalaki: Daddy Jacob, nag-seen ka na, may thirty minutes ka na lang para magpakita sa amin or else, kakalat talaga scandal mo. Nanlaki ang mga mata ko at tiningnan kung sino naman ‘yon. At walang iba kundi si Samuel naman. Mga baliw talaga. “Ano ba ‘yan at para kang ewan diyan?” Napaangat ako ng tingin at doon ko lang naalala na may mga kasama pala ako. Tumingin ako kay Clara at nakataas ang kilay niya na mukhang naghihintay ng sagot ko. Napabuntung-hininga muna ako. “Hindi ko alam kung ano trip ng kambal na ‘to. Kasalanan mo ‘to, Anthony. Bakit kasi binanggit mo sa kanila na ngayon ang uwi ko. Aalis na muna po ako at naghihintay sila sa akin,” paalam ko sa kanila saka ako tumayo. “Sige na at baka may kailangan lang sila sa ‘yo baka tungkol sa ipapatayo mo,” sagot ni Daddy. Baka sa kabaliwan lang nila. Gusto ko sana isagot dahil mukhang ‘di naman about business ang kailangan nila pero sinarili ko na lang at tumayo na ako. Hanggang sa makarating ako sa Royal Palace ay hindi na yata umayos sa normal ang tabas ng mukha ko. Papasok pa lang ako sa parking lot nang makita ko na ang tatlo na nakaabang talaga sa akin. Nang huminto ang kotse ko ay kanya-kanya silang pasok. “What do you think you're doing?” Inis kong tanong nang makapasok sila. “Mag-drive ka na lang palabas, doon tayo sa dati,” utos ni Sammy na nakaupo sa tabi ko. Seriously? Gaano ba kakapal ang mukha nila para utusan na naman ako. “Sige na, Daddy Jacob, remember your scandal.” Dahil sa sinabi ni Samuel na nasa likod ay pinaandar ko muli ang sasakyan saka tinahak na ang daan. Alam ko kung saan ‘yong sinasabi nila. “Anong scandal ‘yan? Ako huwag niyo paglolokohin at baka ihulog ko kayo sa daan. Saka, bakit ba ako sunod nang sunod sa inyo?” Ihihinto ko na sana ang kotse nang bigla ako may narinig mula sa cellphone ni Sammy. “Kapag nakita ko talaga ang babae na ‘yon ay ikukulong ko siya sa aking kwarto at hindi titigilan hanggang sa magmakaawa siya. How dare her to steal my precious bag pack.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD