Chapter Eighteen

1490 Words
Rosemarie's POV Agad kaming naghiwalay ni James. Halata ang disgusto sa mukha ni Dad sa aming dalawa. Ano ba ang problema kasi kay Santiago? Ayaw niya ba sa mamanugangin niya?! Aba! Gwapo naman si James, mayaman, matipuno at may eight pack na abs at baka— Agad kong iniling ang ulo para maiwasan kong mag-isip ng kalandian. “Why are you here? You must go inside. You must pay respect to your daddy first, hija.” malumanay na saad ni Auntie Josephine na nakangiti kay Santiago. Halata na pinagpipiyestahan ng mga mata nito si Santiago! Sigurado akong nagagwapuhan siya kay Santiago. Sabagay, baka nga isa din ito sa mga fan ni Santiago eh! Binalingan ko naman si Santiago na nakangiti sa kanilang dalawa ni daddy. “Good day, sir. I am James Lee Olivarez, your daughter's fianceé.” pormal na pakilala ni James sa sarili. Ikinawit ko ang braso ko sa braso ni James. Grabe kasi kung makatitig ang madrasta ko sa mapapangasawa ko. Napakainit ng titig niya kay James! Kung yelo lang talaga si James kanina pa ito nalusaw! “It is not a good day for me, young man. You took advantage of the situation. She didn't even bring you home and let me meet you as her boyfriend, and now you're getting married?!” Nagpupuyos ito sa galit. Binalingan naman ni Auntie Josephine ang daddy saka hinaplos ang balikat nito. Tila pinapakalma nito ang galit ni Dad. Buti naman at natigil na din anf pagtitig niya kay Santiago. Kung hindi, baka hindi ako makapagpigil at dukutin ang mga mata niya. “Let them get inside first, honey. Don't scold them here. Nakakahiya kapag may dumaan dito. Malaman pa ang issue ng pamilya natin.” malumanay na saad ni Auntie Josephine kay Dad. Tumikhim naman si dad at bumuntong-hininga. Tinapunan niya kami ng tingin bago siya nagmartsa papasok ng gate. Binalingan ko si James na kalmado lamang ang anyo niya habang nakatingin sa papalayo kong ama. Nadismaya ako sa nakita ko. Doon ko lang kasi napatunayan na wala nga talaga siyang nararamdaman para sa akin. Kasi kung meron man, hindi sana ganito kakalmado ang aura niya. Dapat nga kinakabahan siya nang husto eh! Pero mukhang kalmado lang ito. Binalingan na ako nito saka ngumiti sa akin. “Come, follow me inside.” yaya naman ni Auntie Josephine sa aming dalawa. Hinawakan ni James ang kamay ko. Mapait lamang akong tumingin sa kanya. He don't have a special feeling towards me. Lahat ng gesture niya at mga sinasabi ay bunga lamang ng kalandian niya. Sad but true! Napalunok na lang ako ng laway. Pilit kong pinaglalabanan ang luha na gustong mangilid sa mga mata ko. Hindi ako dapat umiyak dahil ako lang naman itong in-denial pero umaasa na may nararamdaman din siya para sa akin. “Let's go inside, my love. Let's get his blessing first.” yaya naman ni James sa akin. Nakangiti lamang ito sa akin samantalang ako ay parang pinaparusahan dahil sa sakit na nararamdaman. Truth hurts when it comes to a one sided love. Ako lang naman talaga ang may nararamdaman sa kanya. Pinilit kong ngumiti saka tumango sa sinabi niya. Natigil kami sa paghakbang nang may biglang bumusina. Agad kaming napalingon dalawa sa sasakyang papahinto pa lamang. Nang tuluyan na itong makahinto. Lumabas ang driver nito at umikot papunta sa passenger seat at pinagbuksan ang pinto nito. Agad na iniliwa ng kotse ang daddy ni James. Kasunod nitong bumaba ang mommy ni James. Agad kaming lumapit sa dalawa. Nagbeso-beso kami ng mommy ni James pagkatapos ay niyakap niya ako. Agad din naman niya akong binitiwan. “It is good to see you again, hija. Mamaya na muna tayo magkwentuhan. Let's meet your dad first.” nakangiti nitong saad sa akin. ----------- Nababalot ng tensyon sa loob ng sala namin. Magkatabi kami ni James. Yung mga magulang naman niya ay nasa kabilang banda ng sofa. Sina Daddy at Auntie Josephine naman ay magkatabi din. “It's been a long time, Roberto. I didn't know that you had this wonderful daughter of yours.” Nakangiting saad ni Tita kay Daddy. “Lumipas na ang mahabang panahon pero hindi pa rin kumukupas ang kagandahan mo. Nagpapatunay lang iyan na inaalagaan ka ng maayos ni Jaime.” Masamang tingin ang ipinukol ni Dad kay Tito Jaime. Ano ba kasing ganap? Feeling ko may issue talaga silang tatlo eh! Hindi ko lang alam kung ano iyon. Gusto ko din malaman kung anuman iyon. Ano ba kasing nangyari sa nakaraan at parang mainit ang dugo ni Daddy at Tito Jaime sa isa't-isa? “Of course, she is the best thing that ever happen to me. I will take care of her and cherish her for the rest of my life.” nanunuya namang saad ni Tito Jaime kay Dad. Ako talaga'y naiintriga na sa kanilang dalawa! Ano ba kasi ang nangyari? Binalingan ko na lang si Santiago. Baka alam niya kung ano ang nangyari sa nakaraan. Tumikhim ako dahilan upang mapukol ang atensyon nila sa akin. “Kung anuman po ang nangyari sa inyo sa nakaraan. Pwede po ba isantabi niyo muna? Hindi po tayo matatapos sa usapan tungkol sa aming dalawa ni James kung palagi na lang po kayong nagbabatuhan ng mga salita.” magalang kong tanong sa kanila. Hinawakan ni James ang isa kong kamay saka niya hinalikan iyon. Nagulat ako sa ginawa niya kaya awtomatikong binalingan ko siya. Napamulagat ako ng husto dahil sa sobrang gulat. Kasabay niyon ang pagtibok ng mabilis ng puso ko. “Tama si Rosemarie. Tigilan niyo na nga iyang bangayan na iyan. Hindi na kayo mga bata. Matatanda na kayo. Hay naku!” nakukunsumeng saad ni Tita. “Oo nga naman, honey. Wala namang ibang importante kung hindi ang mapag-usapan ang kasal ng mga anak niyo.” malumanay naman na saad ni Auntie Josephine kay Dad. “Kasal? Hindi pa nga ako pumapayag! Kasal na agad?! Sinasabi ko sa inyo! Tumututol ako sa kasalang ito!” Nagpupuyos sa galit si Dad. “Dad?! What is wrong with you?!” Napatayo kong tanong sa aking ama. Mukhang nagulat naman ito sa iniasta ko. Hindi ito makapaniwala. Paano naman kasi? He is being rude in front if his parents! Ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Paano na lang kapag tinopak din ang mga magulang ni James? Eh di walang kasalang magaganap?! Masisira ang deal naming dalawa. Mabubulok ako sa bilangguan! Iniimagine ko pa lang kinikilabutan na ako! “Huwag matigas ang ulo, Rosemarie! Hindi ako papayag na magpakasal kayong dalawa ng lalaking anak ng taong kinamumuhian ko.” maigting na saad ni Dad. “Dad you are being rude to us and his parents. I am not your little precious daughter anymore. I am old enough to make my own decision. I will marry him because I love him and that's final!” Nagpupuyos na ako sa galit ngayon. “There is a lot of fish in the sea, Rosemarie! Why him? Love will vanished eventually. Why do you need to marry him just because of love? You are young and very beautiful. Marami kang manliligaw noon pero hindi mo naman pinapansin. Akala ko nga hindi ka na mag-aasawa dahil ni minsan hindi kita narinig na humanga man lang isang lalaki. Mula nang isilang ka at bago mo pa man nakilala itong si James wala kang ipinakilalanf nobyo sa akin. Don't trick me, my daughter. You are not in love with him. You just met him in a few months!” mahabang litanya sa akin ni Dad. “I met him two years ago. The very same day you disowned me as your daughter. Under the rain. I am so sad and depressed because of what you did. Then I met him. It was love at first sight we kissed under the rain until we are out of breath. Is that enough to prove that I love him? Bakit ko siya hahayaang halikan ako kung wala akong nararamdaman sa kanya?” nangingilid ang luha sa mga mata ko. Kasi nga napaamin tuloy ako na mahal ko talaga si Santiago pero wala naman siyang nararamdaman para sa akin. He is my first kiss and my first love. Hindi man lang niya alam iyon dahil hangga't kaya ko pang hindi aminin sa kanya ang totoo. Hindi ko iyon aaminin. “Are you really sure about that, anak? Sigurado ka bang hindi mo pagsisisihan sa huli ang desisyon mo?” sunod-sunod na tanong ni Dad sa akin. Nanginginig na ang mga laman ko sa halo-halong emosyon. May takot, galit at frustration, sinamahan pa ng stress dahil kay Daddy. Nagbabanta na ding pumatak ang mga luha sa mga mata ko. “I may regret this in the future but I am willing to take this chance to love and to be loved. I choose him above everything else.” Binalingan ko si Santiago saka lamang pumatak ang luha sa mga mata ko. Pesteng luha! Pinagkanulo pa talaga ako!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD