Chapter Seventeen

1252 Words
Rosemarie's POV One week later... Nakatayo kami sa harap ng malaking mansiyon. Kung saan ako nakatira dati kasama si Dad at ang madrasta ko. Nasa gate pa lamang ako ay kinakabahan na talaga ako. Katabi ko lamang si James na hanggang ngayon ay hindi pa din ako kinikibo. Palagi akong iniiwasan nito mula nang huli kaming mag-usap. Madalas itong wala sa bahay. Palagi itong nasa trabaho. Ni hindi nga ito kumikibo sa bahay. Napabaling ako sa kanya. Walang emosyon ang nakapinta sa mukha nito. Ngunit kahit pa man ganoon napakagwapo pa din niya. Napansin siguro nito na kanina ko pa siya pinaglalawayan --- ay este tinititigan kaya binalingan niya ako. Agad akong nag-iwas nang tingin. Baka isipin niya kanina ko pa siya pinaglalawayan --- Hay naku! Nakakaloka talagang ma-engage sa sobrang gwapo! “What is it, my love? Are you enjoying the view?” tanong nito sa akin. Malamig ko lamang siyang tiningnan. Pero nalusaw din ang kalamigan na iyon nang makita kong napakaganda ng ngiti niya. Kasabay nang malakas na pagkabog ng puso ko. Puso! Kalma ka lang! Si Santiago lang iyan! Iniiwas ko na lang ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na siya kinibuan. Hindi pa kami pumapasok dahil hinihintay pa namin ang daddy at mommy niya. Gusto ko kasing makipagsabay sa mga magulang ni James. Baka kasi awayin ni Daddy si Santiago, mahirap na! Ayaw ko namang magkagulo. Isa pa, baka laitin na naman ako ng madrasta ko. “Hindi mo ba talaga ako kikibuan?” tanong ulit nito sa akin. Ako pa talaga ang hindi kumikibo sa kanya? Eh siya kaya iyong may topak! Hindi niya ako kinibuan sa loob ng isang linggo. Aba! Hindi ako manhid. Nasasaktan din ako no?! Akala niya talaga hindi ako nasasaktan sa ginawa niya?! Anong akala niya sa akin?! Robot?! Walang pakiramdam. Naiirita ko siyang binalingan. “Ako ba ang nauna? Ikaw kaya itong hindi kumikibo sa akin! Ano ba kasing problema mo, Santiago?! Binigay ko naman lahat ng demands mo sa kontrata ah! Ano pa bang problema mo?” Naiirita kong tanong sa kanya. “Alam mo kung anong problema ko. I want us to be a normal couple. How can I make you fall in love with me if you forbid me to touch you?” balik-tanong nito sa akin. Napanganga ako sa sinabi niya. So sa “No Touching Rule” pala siya may problema. Akala ko ba napagkasunduan na namin iyon? At saka bakit ba ang kulit ng lalaking ito?! Bakit ba kailangan ko pang ma inlove sa kanya? Why is he obsessed in making me fall in love with him? Hindi ba mas mahihirapan siya kapag na-inlove ako sa kanya? Kasi di ba magiging clingy ako at hindi ko siya papakawalan? Bakit ba naghahanap siya ng problema? “Eh sa ayaw ko ngang hawakan mo ako! Baka kasi—” hindi ko tinapos ang sasabihin ko at napalunok ako ng laway. “Kasi ano?” seryosong tanong nito sa akin. “Look, why are you so obsessed in making me fall in love with you? Wala namang nakasaad sa kontrata na kailangang mahalin kita ah!” tanong ko sa kanya na nakapagpabago ng topic ng usapan. “You need to love me to act better. I am an actor. I can easily act when I needed to but you are not!” Nag-iwas ito ng tingin sa akin. Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya. He just want me to act properly! What a terrible joke?! Is he insulting me?! Malamig ko siyang tiningnan saka ako pumunta sa harap niya. Ikinawit ko ang braso ko sa leeg niya. Pagkatapos ay inilapit ko ng husto ang katawan ko sa kanya. Lihim akong nagbunyi nang mapansin kong napalunok siya sa ginawa ko. Unti-unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Inaakit ko siya bilang patunay na marunong akong umarte. Nakakainis kasi ang ka-praningan niya. Natigil ang utak ko sa pagmamarkulyo nang maamoy ko ang mabango niyang hininga. Putik! Ang sarap sa ilong! Nakakagayuma! Parang ako pa yata ang mapapaso sa sarili kong apoy. Naramdaman ko na lang ang malalakas niyang braso na nakapulupot sa maliit kong baywang. Nayari na talaga! Bibigay na naman ako sa kalandian niya. Hindi! Hindi dapat ako magpatalo! Hindi ako matatalo sa larong ito! Kaunti na lang at magdidikit na ang mga labi namin. Pero pinanatili ko lamang ang maliit na distansya sa pagitan ng mga labi namin. “What was that again, James? Ngayon mo sabihin sa akin na hindi ako marunong umarte.” I asked him seductively. Nabitiwan niya ako sa sinabi ko. Hindi siguro niya akalain na parte lang iyon ng pag-arte. Bakas ang disappointment sa gwapo niyang mukha. Binitiwan ko na lang din siya saka ako tumabi ulit sa kanya. Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay saka isinuot doon sa palasingsingan ko ang singsing na ibinigay na sana niya sa akin noon. “Wear this ring, it symbolizes our family. It can only be passed on the new daughter-in-law of the family. Accept this as a token of my appreciation for accepting my proposal.” seryoso nitong saad sa akin. Binalingan ko si Santiago sa tabi ko. He just stared at me intently. Wala siyang sinabi na kahit ano. Binitiwan na niya ang kamay ko. Saka bumaling sa gate ng mansiyon namin. “Are you sure you're giving this to me? Hindi ako dapat ang magmay-ari nito. Dapat ibibigay mo ito sa babaeng mahal mo. Hindi mo ba pagsisisihan na ibinigay mo ito sa akin? ” tanong ko sa kanya. Binalingan niya ako saka bumuntong-hininga. Hindi ko siya a maintindihan. Napakaimportante ng singsing na ito sa pmilya nila. Dapat lang talaga niya itong ibigay sa babaeng mahal niya at papakasalan niya balang-araw. “You will be my wife. It is true that we started this contratual marriage. But time will know the changes. Kung wala ka talagang nararamdaman para sa akin sa hinaharap at gusto mong makasama ang lalaking mamahalin mo. Then return this ring to me and I will let you go. ” he coldly said to me. Iniimagine ko pa lang ang sinasabi niya ay para na akong sinasaksak ng paulit-ulit. Parang hindi yata ako ang magsasauli ng singsing. Mukhang siya pa siguro ang babawi dito. Wala na eh! Mahal ko na siya! Nalaglag na ako ng tuluyan sa kanya! Tumango na lamang ako at ngumiti sa sinabi niya. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako at yakapin. Mahigpit ang yakap nito sa akin. Napapikit na lang din ako. Ang bango niya talaga! Pati yung amoy niya napakagwapo pa din! Ginantihan ko na lang siya yakap. “I miss you, my love." he said in a husky voice. Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kasama ba ito sa paglalandi niya sa akin. Pero nagbunyi ang puso ko sa sinabi niya sa akin. May nararamdaman din kaya siya sa akin? Ayaw ko kasing umasa sa wala. ”Talaga ba? Eh bakit di mo ako kinikibo ng isang linggo? Pansin ko ding iniiwasan mo ako. Yan ba ang nami-miss? “ pabiro kong sunod-sunod na tanong sa kanya. ”Iniiwasan kita kasi ayaw mong hawakan kita. Ayaw ko namang ipilit ang gusto ko kaya pinilit kong iburo ang sarili ko sa trabaho. Don't ask me anymore, love. Just let me hug you tight this time.“ seryoso nitong saad sa akin. “Rosemarie!” Dumagundong ang boses ni Dad. Napabaling kaming dalawa kay Dad! Masama ang tingin na ipinukol nito kay James! Mukhang kakatay ito anumang oras!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD