Chapter Sixteen

1197 Words
Rosemarie's POV Matapos ang pag-uusap nina James at Tracey sa telepono. Binalingan lamang niya ako. Nagulat ako nang bigla na lang nag-ring pati yung cellphone ko. Agad ko iyong dinukot sa bulsa ko. Nang makuha ko iyon ay kaagad kong sinagot ang tawag. “Rosemarie Ferrer! Anong ibig sabihin nang balitang ito?! Ikakasal ka na tapos hindi ko alam!” Inilayo ko sa tainga ko ang cellphone kasi dumagundong ang boses ni Dad sa kabilang linya. Alam kong boses iyon ni Dad. Aray ko! Yung kawawa kong eardrums nasira pa yata! Alam kong galit na galit ito sa kabilang linya! Paniguradong nakakatakot na ang aura nito. “Dad, calm down! Hindi tayo makakapag-usap ng matino kung magagalit ka agad.” nag-aalala kong saad dahil natatakot ako na baka atakihin siya sa puso. “Paano ako hihinahon? Ikakasal ka na nang hindi ko alam. Si James Olivarez pa talaga! Tumututol ako sa kasalang ito!” maigting na saad ni Dad sa kabilang linya. “My gosh, Rosemarie! Wala kang galang! Paano mo nagawang magpakasal nang hindi man lang nagpapaalam sa iyong Daddy? You are such an ungrateful child!” maarteng saad naman ni Auntie Josephine sa kabilang linya. Uminit ang bunbunan ko nang marinig ko ang boses ng madrasta ko! She is accusing me for being an unfilial child to my dad! Hindi naman siya sinasaway ni Dad. My dad is still mad at me. Lalo na ngayong magpapakasal ako kay James. Hindi ko alam kung bakit tumututol si Dad sa kasal namin ni James. “Rosemarie, huwag mong ituloy ang pagpapakasal mo kay James. I will never accept him as my son-in-law!” maigting nitong saad sa akin. Binalingan ko si James na tahimik lamang habang nakikinig sa pag-uusap namin. He is emotionless. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Wala akong mabasa na kahit anong reaksyon doon. He was just staring at me. “Why dad? Why are you doing this to me?! Itinakwil mo na ako bilang anak mo di ba? Nakalimutan mo na ba kung paano mo ako itinakwil dahil lang diyan sa bagong asawa mo? Di ba sabi mo hindi mo ako minahal bilang anak mo? Wala ka pong karapatan na pagbawalan ako sa kung sino ang lalaking papakasalan ko. Nasa wastong gulang na ako para magdesisyon sa sarili ko. I don't need your permission to get married.” mahaba kong litanya kay Dad. Hindi nakapagsalita si Dad sa kabilang linya. Tila tinitimbang niya ang lahat ng mga sinabi ko. Totoo naman kasi ang mga sinabi ko. Hindi niya dapat binabalewala lahat ng ginawa niya sa akin. “Listen anak! Hindi ako tututol kung sino ang mapapangasawa mo. Basta hindi lang si James Olivarez.” mahinahon na saad ni Dad sa kabilang linya. “Dad, I already signed a prenuptial agreement with him and our engagement is coming soon.” malamig kong saad sa kanya. Napabuntong-hininga ito sa sinabi ko sa kabilang linya. Tiningnan ko ulit si James na nakatingin pa din sa akin. Wala pa din itong reaksyon. Nakatitig lamang ito mukha ko. “Then, I will pay for the contract. I will sell all of my propeties if I have to. Just don't get married to him.” “You are too selfish to sell all your properties for me. You cannot even treat me as your precious daughter.” malamig kong turan kay Dad. “You don't understand, Rosemarie. You must not get married to him--“ Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang magsalita ako. ”I love him, Dad. You should accept him as your son-in-law. You should meet him. He is wonderful.“ pinasaya ko ang tinig ko habang sinasabi ko iyon. Binalingan ko naman si James. Kung kanina ay walang siyang reaksyon. Ngayon ay parang nabigla ito sa sinabi ko. Hindi siguro nito inexpect ang sinabi ko kay Dad. Pagkatapos ay ngumiti ito sa akin. Maya-maya ay bumuntong-hininga si Dad sa kabilang linya. ”Kung desidido ka na talagang magpakasal sa kanya. I must meet him in person. Kailangang pati ang mga magulang niya ay makausap ko din. Maybe it is time to see my old nemesis.“ makahulugang saad ni dad sa kabilang linya. Ibinaba na nito ang tawag sa kabilang linya. Agad hinawakan ni James ang kamay ko. Nagtatanong ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Sinabayan niy iyon ng pilyo na ngiti. ”Did you already fall in love with me, my love?“ nakangiti nitong tanong sa akin. Isang nakakamatay na irap ang iginawad ko sa kanya. Kahit pa totoo na nahuhulog na anc loob ko sa kanya hindi ko pa rin dapat ilaglag yung tunay kong nararamdaman para sa kanya no! Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. ”Sinabi ko lang iyon sa kanya para hindi na siya tumutol sa kasal nating dalawa. At saka di ba nasa kontrata na hindi mo ako dapat hawakan kapag hindi naman kailangan?“ ipinaalala ko sa kanya ang nakasaad sa kontrata. Lumayo ito sa akin habang natatawa. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang panghihinayang sa mukha nito. Saan kaya siya nanghihinayang? Sa no touching rule o sa sinabi kong hindi ko siya mahal? Agad kong inalis iyon sa utak ko. Mahirap na baka umasa lang ako sa wala. ”I never agree to that. Ikaw lang naman ang gumawa ng kondisyon na iyon.“ seryoso nitong saad sa akin. So, yung no touching rule pala ang pinanghihinayangan niya. Hindi ko alam kung bakit nakakadismaya ang kalandian niya. Wala na talagang tatalo sa panglalandi niya sa akin. Anak ng tinapang panis talaga! ”Magkaliwanagan nga tayo, James. Gusto mo ba akong pumirma sa kontrata o hindi?“ Nakapamewang kong tanong sa kanya. Nawala ang pilyong ngiti nito. Naging malamig din ang aura nito maging ang titig ng mga mata nito. Hala! Wala na talagang tatalo sa pagiging bipolar nito! Hay naku talaga! ”Are you planning on running away from me again? Don't do that if you care for your Dad. The day you agreed to marry me that was the day you became mine. I will never let you go this time. Remember, that I have the upper hand within this deal. You made a mistake trying to kill me back then. I will make your life a living hell if you run away from me again. You will signed that damn contract and you will be my wife and that's final.“ malamig nitong saad sa akin. Parang kinilabutan ako sa sinabi niya. Parang pinagbabantaan niya ako. Tama naman siya sa sinabi niya. Bakit ba obsess na obsess siya na maging asawa ako? Marami naman diyang iba? Bakit ako pa talaga ang napagtripan niya? Anak ng tinapang panis talaga oh! ”I know that you have the upper hand here, Mr. Olivarez. I will never forget that. Just remember that you may be my lawfully wedded husband but you don't own me. Pakisiksik sa utak mong saksakan ng ipo-ipo sa loob!“ I coldly said to him. ”You are mine. I will make you fall in love with me everyday to accept that.“ he smirked then he leave me in daze. What a jerk?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD