Chapter Fifteen

1180 Words
Rosemarie's POV Nasa bahay kami ngayon ni James. Kanina pa ako pabalik-balik ng paglalakad. Hindi talaga ako mapakali. Bakit parang pakiramdam ko nabalitaan na ni Dad ang lahat? Paano na lang kung atakehin siya sa puso kapag nalaman niyang ikakasal na ako? Iniisip ko pa lang parang gusto ko nang maiyak sa sobrang lungkot. Ano ba kasi ang nangyayari? Paano ba kasi nalaman ng reporter na nagsulat ng headline na ikakasal na si James sa akin? “You can relax. Our legal department will handle this case immediately. Ipapatanggal ko sa lahat ng website ang tungkol sa kasalan nating dalawa.” pag-aassure nito sa akin. “Kahit pa sabihin mo iyan hindi ako kakalma. Paniguradong nalaman na ni Dad ang tungkol sa ating dalawa. Baka nga inatake na ito sa puso ngayon eh!” kinakabahan kong saad saka binalingan si James. Naglakad ako papunta sa veranda ng bahay ni James. Pero agad din niya akong hinila papasok ng bahay. Nagtatakang tiningnan ko lamang siya habang sinasara niya ang pinto ng veranda. Inayos din niya ang kurtina. Hindi kami makikita mula sa labas. “Are you stupid? The reporters might photograph you. Mas lalo tayong mahihirapang ipatanggal ang lahat ng tungkol sa kasalan nating dalawa kung may kakalat na namang larawan mo na nandito ka sa bahay ko.” Napahilamos ito sa mukha haltang namomroblema sa akin. Padabog na naupo na lamang ako sa isa niyang silya. Naihilamos ko ang mga kamay sa mukha. Masisiraan na yata ako ng bait! Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. b,Ngayong kalat na kalat na ang mukha ko na magiging bride ng sikat na aktor na si James Lee, baka paslangin ako ng mga fans niya! Tiyak na ipapa-hunting ako ng mga obsess niyang fans! Kikidnapin nila ako at papaslangin tapos itatapon nila ang bangkay ko sa bakanteng lupa! Marahas kong iniiling ang ulo ko. Baka naman masyado lang talaga akong nag-iisip ng kung anu-ano. Baka naman hindi pa masyadong kalat ang tungkol sa pagmumukha ko. “Your fans will going to kill me.“ wala sa sarili kong bulalas sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Santiago. May bahid ng pag-aalala ang mga mata nito. Concern ba talaga siya sa akin? Nilapitan niya ako saka hinawakan ang isa kong kamay. "Don't worry, no one will be able to hurt you. As long as I am alive and breathing, I will protect you, no matter what." seryoso nitong saad sa akin. Napangiti na lamang ako sa sinabi niya. I sighed in relief. Kahit sa pamamagitan lang ng mga salita niya ay nakampante ako na walang mangyayaring masama sa akin. Ganito pala ang feeling pag may concern din sa iyo yung taong nagugustuhan mo. Nakakataba ng balun-balunan! Napailing ulit ako. Panahon ba talaga ngayon para isipin ko ang sarili kong kalandian? Nasa krisis ako ngayon! Nakasalalay dito ang buhay at kaligtasan ko! Hindi dapat ako nakakampante sa mga sinasabi ni Santiago sa akin ngayon. Dapat maging maingat pa din ako. “I know that you'll protect me. But not all of the times. You have to work and do business of course. Hindi ka dapat concern sa akin dahil magpapakasal lang naman tayo dahil sa kasunduan natin. But what you just said just comfort me a little.“ seryoso kong saad sa kanya sa kabila ng kaba ay nacomfort pa din ako kahit papaano. Magsasalita na sana siya pero tumunog ang cellphone niya. May tumatawag sa kanya. Kinuha niya iyon sa bulsa ng suot niyang pantalon. Tiningnan nito ang caller id ng tumatawag. Napakunot ang noo nito saka bahagya akong tiningnan bago sinagot ang tawag. ”What do you want?“ tanong ni James sa kausap kabilang linya. Napakunot ang noo ko. Nilapitan ko siya para pakinggan kung sino ang tumatawag sa kabilang linya. Ini-loudspeak niya ang tawag. Narinig ko kaagad ang humahalakhak na boses ni Tracey. ”Babe, dapat binabati mo muna ako ng hello bago mo ako tinatanong kung ano ang sadya ko.“ malandi nitong saad sa kabilang linya. Naging madilim ang anyo ng mukha ni James. Sigurado akong malalim talaga ang pinag-ugatan ng galit nito sa babae. Nasaktan nga siguro ng husto si Santiago ng babae. ”I have no time for pleasantries especially for you. Just get straight to the point and tell me the reason of this call.“ malamig na sabi ni Santiago sa babae sa kabilang linya. ”This is why I ought to destroy your future wife's life. Nagbago ang tingin mo sa akin dahil sa kanya. She didn't even offer you her body. Ano ang meron siya na wala ako, James?“ nangangalaiti nitong tanong sa kabilang linya. ”She's just who she is. Better ask the question for yourself. You already know the damn answer!“ medyo napataas ang boses ni James nang sabihin niya iyon. ”It is just a simple mistake, James. Bakit hindi mo ako mapatawad. Natukso lang talaga ako kay Lester. Alam mo naman na matagal nang may gusto sa akin yung tao. Gagawin ng lalaking iyon ang lahat para masira yung relasyon nating dalawa.“ paliwanag naman nito sa kabilang linya. Unti-unti na akong naliliwanagan sa nangyari sa dating magkasintahan. Si girl pala ang nag-cheat sa kanilang dalawa. Hindi pala si Santiago ang may kasalanan sa nangyari sa relasyon nila. Buong akala ko talaga ay si Santiago ang may problema. Si Tracey naman pala. Akala ko mabait ang bruha pero hindi pala. Talaga ngang wala akong alam sa naging relasyon nila at kung paano ito nagtapos. Hinusgahan ko pa si James dahil sa bruhang iyon. ”Forgive you? How many times did you have s*x behind my back? Nakita ko kayong magkatalik sa iisang kama. Hindi ako bulag para hindi makita kung ano ang ginagawa niyong dalawa.“ madilim ang anyo ng mukha ni James nang sabihin iyon sa babae sa kabilang linya. ”It was just a mistake. Please forgive me, James. Take me back or else I will make her life miserable! I will not just announce your marriage to the public! I will also make her image and reputation completely destroyed! Just take me back, James and I will let her live a quiet life.“ may halong pagbabanta na saad ni Tracey sa kabilang linya. Uminit ng husto ang bunbunan ko sa sinabi niya! Siya pala ang salarin kung bakit naging usap-usapan sa media ang kasal naming dalawa ni James! Kung nasa harapan ko lang siya ay kakalbuhin ko talaga siya. She don't loved James! She's obsessed with him! ”Do you think you can lay a finger on her? Not in hell Tracey! I will protect her at all cost. You know that I have money and connection. I can easily make you taste your own dose medicine. Just get the hell out of our lives if you don't want to live a miserable life. I can easily get rid a leech like you. Don't taste my patience, Tracey. You will regret it.“ malamig nitong saad sa kabilang linya. Humalakhak lamang ang babae sa kabilang linya! Hala nabuang na talaga siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD