Chapter Fourteen

1584 Words
Rosemarie's POV Yakap-yakap pa din ako ni James habang patuloy kong sinasaway ng palihim ang puso kong kanina pa nagdi-disco. He held me tight that made me sighed. Kailan niya kaya ako balak bitiwan? Baka kasi di ko na matiis at ipagkanulo na naman ako ng bibig ko! Unti-unti na din niya akong binitiwan. Nakahinga naman ako nang maluwag. Napansin kong kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. “Ipinaayos ko na nga pala ang pre-nuptial agreement contract nating dalawa. Pwede mong i-review at basahin iyon pagdating mo sa bahay ko. Just let me know if you want some changes regarding the contract." pormal nitong sabi sa akin. Pormal lamang itong nakatingin sa akin. Wala na ang dating titig niya sa akin na nakakaakit. Parang biglang naging ibang tao ang kaharap ko. Wala na yung malandi na Santiago na kinaiinisan ko pero mas kinakikiligan ko. ”O-okay! Wala na sigurong problema iyon kaya naman pipirmahan ko na kaagad iyon.“ pormal ko ding pahayag. ”Ihahatid na kita. Baka mawala ka naman sa resort. Kung bakit kasi wala kang sense of direction.” pormal pero may halong inis nitong saad sa akin. Napairap na lamang ako nang magpaalam siya sa akin para kunin ang kotse niya. Pinaghintay niya ako dito. Hindi naman nagtagal at may tumigil na kotse sa harap ko. Mukhang latest model pa nga ito. Hindi siguro bababa ang halaga nito sa 2 million dollars. Napanganga ako pero agad ko ding tinakpan ang bibig ko gamit ang isa kong kamay. Ibinaba nito ang bintana ng kotse saka sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni James. “Get in, my love. Kailangan na nating umuwi sa bahay.” Nakangiti nitong pahayag. Matamis naman akong ngumiti sa kanya pero sa kaloob-looban ko gusto ko siyang sipain. Asarin ba naman ako na wala akong sense of direction. Alam ko naman na mahina talaga ako sa direksyon at madalas akong mawala. Pero kailangan ba talaga niya sa aking ipamukha yun. Binuksan ko na lamang ang kotse saka pumasok na sa loob. Agad ko na ding isinara ang pinto nang makaupo na ako sa upuan. Agad namang pinatakbo ni James ang kotse. Hindi na din ako nagsalita dahil ang mga mata ko nasa daan lang. “Did you miss your dad?” seryoso niyang tanong sa akin. Awtomatikong napalingon ako sa kanya. Saka namimilog ang mga matang tiningnan siya. Paano niya nalaman? May telephatic energy ba siya?! Nakatuon lamang ang mga mata nito sa daan. Hindi man lang ako nito tinitingnan. “Yes.” matipid kong saad. Ibinaling ko ang paningin sa bintana. Hindi ba ang kagustuhan kong bumalik sa piling ni dad ang dahilan kung bakit bigla akong nahimatay sa daan. Sanhi iyon nang sobrang pagod at gutom. “Do you want to see him? I can take you to him. ” offer ni James sa akin. Nawala ang lahat ng inis ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Agad ko siyang binalingan saka nagniningning ang mga matang ngumiti ako ng matamis sa kanya. Kahit na hindi niya ito nakikita dahil nakatuon lamang ang tingin niya sa daan. “Talaga? Dadalhin mo ako kay dad?” Nakangiti kong tanong kay James. Nakangiti lamang itong tumango saka bahagyang bumaling sa gawi ko. Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya. Hindi ko akalain na makikita ko si dad ngayon. Namimiss ko na talaga siya. Dalawang taon din kaming hindi nagkita. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko kay James dahil sa sobrang tuwa. Napansin kong ang tigas pala ng braso niya. Ang sarap siguro nitong pisil-pisilin. Ang bango din niya nakakagayuma ang amoy niya. Hindi siguro ako magsasawang yakap-yakapin siya araw-araw. Nawala lahat ng pagnanasa— ay este pagkatuwa ko nang tumikhim siya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha saka lumayo sa kanya. Anak ng tokwa talaga oh! Hindi ko talaga makontrol ang sarili kong kalandian pagdating sa kanya. “Pasensya ka na, Santiago. Nadala lamang ako ng bugso ng damdamin.” naiilang na paliwanag ko sa kanya. Mas naging awkward ang sitwasyon naming dalawa. Parang kanina lang nagkasundo kami na hindi niya ako hahawakan kasi nga dalagang pilipina ang peg ko! Pero bakit ngayon ako na naman ang lumalandi sa kanya?! Anak ng tinapang panis talaga oh! Hindi ito nagsalita nakangiti lamang ito sa panghihingi ko ng tawad. Gusto kong batukan ang sarili ko. Gusto ko ding patayin ang mga kalandian cells ko sa katawan! Nang balingan ko siya nakatuon lamang ang tingin nito sa daan. “Dadalhin kita sa dad mo ngayon. I wanted to meet him too. Baka hindi niaya magustuhan ang isiping ikakasal ka sa akin tapos hindi man lang niya alam.” seryosong saad ni James. Napamulagat ako sa sinabi niya. Binalingan ko siya. Seryoso na ulit ang mukha nito. Natatarantang hinawakan ko ang braso niya. Hindi pwedeng malaman ni dad na ikakasal na ako. Baka atakihin iyon sa puso! Napabaling naman si James sa ginawa ko. Tiningnan niya ako kasunod ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Agad ko din binawi iyon. Pesteng mga kamay ito! Palagi na lang nanghahawak! Hay nakakahiya na talaga! “I have a favor to ask, James.” Mahina at nakayuko kong saad. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Ilang strike na ba ang mga kamay na ito! Palagi ko na lang siyang hinahawakan. Baka isipin niya tsinatsansingan ko siya. Isa pa, mainit na masyado ang mga pisngi ko. Paniguradong namumula na ang mga ito ng husto. “What is it?” tanong naman niya sa akin. Nag-menor muna siya saka itinabi ang sasakyan. Ayaw siguro nito ng distraction sa pagmamaneho. Nang tuluyan na itong makahinto ay buo ang atensyong binalingan ako. “Huwag muna nating sabihin kay dad na ikakasal na tayong dalawa. Baka kasi hindi kayanin ng puso niya kung bibiglain ko siya eh. Sana maintindihan mo ako, James.” mahaba kong saad sa kanya. Hindi ito nagsalita sa sinabi sa akin. Pinag-iisipan siguro nito kung ano ang sasabihin sa akin. Iniangat ko ang paningin ko sa kanya. Seryoso lamang ang tingin niya sa akin. Napalunok ako nang mapagmasdan ang gwapo niyang mukha. Wala kasi akong nababasang emosyon dito. Ano kayang tuamtakbo sa isip niya? Baka hindi siya pumayag sa pabor na hinihingi ko sa kanya. “What are we going to say to him? Paano mo ako ipapakilala sa kanya?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. “I can introduce you as my boyfriend. Baka kasi hindi niya matanggap na ikakasal na ako.” sagot ko sa tanong niya. Napatango naman siya sa sinabi ko. Mukhang sumang-ayon naman siya. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti naman! May dinukot ito sa bulsa saka iniabot sa akin ang isang maliit na box. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung lalagyan ng singsing na isusuot niya sana sa akin kung hindi lang kami nagrambulan dahil sa pre-nuptial. “Wear it as a token of being a part of my family soon. I wanted to show you that our marriage is not as fake as you expected it to be.” seryoso nitong saad sa akin. Tinanggap ko naman ang kahita na iniabot niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niya. Totoo naman talaga na magpapakasal na ako sa kanya. At hindi din totally peke ang kasal dahil magiging legal iyon sa mata ng batas. Tanging ang nararamdaman lang namin ang problema. May nararamdaman man ako sa kanya pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. Mabait man siya at maalaga sa akin, hindi pa din iyon basehan para masabi kong may nararamdaman na din siya para sa akin. Ayaw kong ma hopia kaya naman ayaw kong umasa. “You are going to be my wife. You must always remember that. Ayaw ko sanang pumayag na ipapakilala mo akong boyfriend sa dad mo. Mas malalim pa doon ang magiging relasyon natin kapag naikasal na tayo. But we need to tell him that we were going to get married soon.” seryoso niyang saad sa akin. “We were going to tell him soon. Pero hindi muna ngayon. Isusuot ko din ang singsing na ito kapag tapos na tayong makipagkita sa kanya. Isa pa, baka taasan lang tayo ng kilay ng step mother ko. Siya ang dahilan kung bakit ako pinalayas ni dad.” nalungkot ako sa sinabi ko. “Pinalayas? Kailan pa?” sunod-sunod na tanong nito sa akin. “Noong araw na una tayong nagkita." matipid kong saad sa kanya. Bigla na lang niya akong hinalikan sa mga labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Pero hindi ko naman siya itinulak. Saglit lamang ang halik na iyon. Nakangiti siyang humarap sa akin. Namimilog lamang ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. ”Do you mean, the day we shared our first kiss?“ Nakangiti niyang tanong sa akin. Wala sa sariling napatango na lamang ako sa itinanong niya. Wala pa din ako sa tamang huwisyo. Anak ng tinapang panis nilalandi na naman ako ni Santiago. Nagising na naman bigla ang mga kalandian cells ko. Nawala ang ngiti nito nang tumunog ang cellphone nito. Dinukot nito iyon sa bulsa saka sinagot ang tawag. Agad itong napatingin sa akin nang marinig nito ang sinabi ng kausap sa kabilang linya. ”What the f**k are you saying?! Who the hell write that tabloid? Why would they announce my marriage publicly?“ sunod-sunod na tanong nito sa kausap na nasa kabilang linya. Ano daw?! Kumalat na ang balita sa kasalan naming dalawa?! Anak ng tinapa talaga! Paano ko ipapaliwanag kay dad ang sitwasyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD