Chapter Thirteen

1276 Words
Rosemarie's POV Napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Ipapakilalala niya ako sa mga magulang niya? Seryoso ba siya? Akala ko ba peke ang kasalang ito? Bakit kailangan pang makipag meet and greet with the parents?! “Ano?! Santiago naman! Hindi pwede iyang gusto mo. Kaya ko pang lokohin ang ibang tao. Pero ang mga magulang mo? Hindi ko kaya iyon! Ayaw kong magsinungaling sa kanila. Kargo pa yun ng konsensya ko no!“ maigting kong saad sa kanya. “Hindi ka naman magsisinungaling sa kanila dahil totoo naman talagang ikakasal tayong dalawa. Hindi din peke ang magiging kasal natin dahil legal iyon.“ paliwanag naman niya sa akin. “Kahit na sabihin mong hindi peke at legal ang magiging kasal natin ayaw ko pa din magsinungaling sa kanila. Paano na lang kung tanungin nila kung saan tayo unang nagkita?“ natataranta kong tanong sa kanya. “Just tell them the truth. Where we first met and how we kissed with heat and passion under the rain.“ Sumilay ang ngiti sa mga labi nito. Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. Gusto ba talaga niyang sabihin ko ang totoo sa mga magulang niya? Ano kayang drugs ang tinira nito? Mukhang lutang eh! Hindi ba niya alam ang consequences na mangyayari kapag nalaman ng mga magulang niya ang deal naming dalawa? “Sasabihin ko talaga iyon? Na nagkita tayo sa waiting shed na sira-sira na. Na naghalikan tayo sa una nating pagkikita? Baka naman isipin nila napaka-easy ko?“ naiirita kong saad sa kanya. “Yes you can tell them the truth.“ kalamado nitong saad sa akin. Napasabunot ako sa buhok ko! Ano ba ito? Bakit ba namomroblema na naman ako sa kasalang ito? Hindi pa nga niya naaayos ang pre-nuptial agreement heto na naman! Tatanda talaga ako ng maaga sa kanya! “Masakit ba ang ulo mo?“ nag-aalala niyang tanong sa akin. Masamang tingin ang iginawad ko sa kanya. Tama siya! Sumasakit nga ang ulo ko nang dahil sa kanya! Hay naku! Daig ko pa yata yung feeling ng nanay na may makulit na anak! "Oo! Masakit ang ulo ko dahil sa'yo! Santiago naman eh! Pwede naman na magpakasal na lang tayo ng patago? Bakit kailangan pa nating idamay ang parents mo? Hindi ka ba nakokonsensya na ihaharap mo ako sa kanila kahit na alam mong kasal-kasalan lang ito?!" naiimbyerna kong tanong sa kanya. Nakahinga ito ng maluwag sa sinabi ko. Akala siguro nito literal na masakit ang ulo ko. Ngunit kaagad itong sumeryoso dahil sa itinanong ko. Mukhang pinag-isipan nito ang tinanong ko saglit saka niya hinawakan ang isa kong kamay. "Do you really hate the idea of marrying me, my love?" malumanay ngunit may bahid na diin na tanong nito sa akin. Sinalubong niya ang mga mata ko. I can a hint of sadness in his eyes! Hindi ko mawari kong nagtatampo ba siya dahil ayaw kong i meet ang parents niya? o sadyang magaling lang siyang umakting?! Napalunok ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. Seryoso lamang ito habang nakatingin pa din sa akin. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit ba napakabig-deal para sa kanya ang meeting namin ng parents niya? "Answer me, damn it! Do you really hate the idea of marrying me?!" bigla na lang itong nagtaas ng boses. Napakislot ako dahil sa pagtaas ng boses niya. I'd love to be his wife even if it is fake! Sino ba naman ang hindi gugustuhin na pakasalan ang lalaking ito? Gwapo, matipuno, matangkad, mestiso, sikat na aktor at bilyonaryo pa, saan ka pa? Kahit siguro sinong babae ay nangangarap na maging kabiyak niya! Natigil ako sa pagmumuni-muni kasabay nang pagpintig ng malakas ng puso ko nang hapitin ng matipuno niyang braso ang maliit kong bewang. Inilapit niya ako sa kanya. Yung puso ko nagwawala na naman! "H-ha?! Hindi naman sa ganoon, Santiago! Baka kasi minus points na ako papuntang langit dahil sa kasinungalingan ko! Napakaswerte ko nga eh! Lahat siguro ng babaeng may gusto sa iyo ay mahihimatay sa inggit kapag nagpakasal ka na sa akin." kinakabahan kong saad. Pasimple akong suminghot ng oxygen. Naloloka na ako sa puso kong kanina pa tambol ng tambol. Dinaig pa ang tambol ng parada! Kapag talaga si Santiago ang kaharap ko nagwawala yung puso ko! "I just wanted you to meet my mom. Hindi iyon maniniwala na pinakasalan kita kapag hindi kita pinakilala sa kanya bago pa man ang kasal nating dalawa." namomroblema din nitong saad. Napanganga ako sa sinabi niya. May katwiran nga naman siya! Bakit ba kasi nag-aalangan akong i meet ang parents niya?! Talaga namang ikakasal na kami at may nararamdaman na ako sa kanya kaya okay na siguro na magkita kami ng parents niya. "O-Okay fine! Makikipagkita na ako sa parents mo. Sa isang kondisyon, dapat kasama kita. Dapat nating pag-isipan lahat ng posibleng itatanong nila sa atin. Dapat magkatugma ang mga sagot natin." mahaba kong paliwanag sa kanya. Bahagya ko siyang itinulak para lumayo sa kanya. Pero hindi niya ako binitiwan. Namimilog ang matang tiningnan ko lamang siya. Nakangiti lamang siya sa akin. Nag-disco tuloy yung puso ko. Utang na loob, Santiago! Huwag kang ngumiti ng ganyan sa akin. Nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kilig! Parang gusto ko na tuloy siyang hilahin sa simbahan ngayon at pakasalan! "Bakit ba sa tuwing hahawakan kita gusto mong makawala? Ayaw mo ba na hawakan kita?" tanong niya sa akin. Napalunok ako sa itinanong niya! Kabaliktaran sa ayaw ang nararamdaman ko sa mga ginagawa niya. Ang totoo, gustong-gusto ko nga eh! Kaya lang naman lumalayo ako sa kanya ay baka tuluyan na siyang maging laman ng puso ko at mas lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. "Hindi naman sa ganoon! Sadyang napaka-touchy mo lang talaga." Naiwika ko saka itinulak siya sanhi upang mabitiwan niya ako. "We were soon to be married. Mas malala pa nga sa yakap at halik ang ginagawa ng ibang mga magkasintahan lalo pa at ikakasal na. I just can't figure out why are you pushing me away? Why are you running away from me? Why would you leave me?" seryoso nitong tanong sa akin. "K-kasi, ikaw palang yung unang lalaking naging parte ng buhay ko. Ikaw lang yung nakayakap sa akin at ikaw din yung naging first kiss ko--" Napatakip ako sa madaldal kong bibig. Agad akong nagmartsa palayo kay Santiago. Pakiramdam ko sasabog na sobrang init ang magkabila kong pisngi. Bakit ko ba sinabi iyon sa kanya?! Talaga bang ipinagkanulo na ako ng matabil kong dila?! Paano ko pa siya haharapin pagkatapos nito? Natigil ako sa paghakbang nang may malalakas na bisig na yumakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko na kailangang hulaan pa kung sino iyon. Dahil wala naman talagang ibang lalaki na makakakapag-disco ng puso ko kung hindi si Santiago lang! "I see that I was your first in everything. I didn't realize it because I was too busy on observing you base on my understanding. I am sorry if I made you uncomfortable. Pinapangako ko na hindi na kita hahawakan ng walang pahintulot mo. This is the last time that I will touch you without your permission. Just let me hold you like this, my love." Seryoso nitong saad saka inilagay ang baba nito sa balikat ko. Hindi ko alam pero parang nanghinayang ako sa sinabi niya! Hindi na niya ako hahawakan! So ako na ang mauunang lumandi sa kanya. Anak ng tokwang panis! Mas gusto kong siya ang nauunang humawak sa akin! Parang gusto kong sabihin sa kanya na okay na ako sa pagka-touchy niya pero parang ang awkward naman yata nun. Bahala na si superman! "I will let you hold me. Lubos-lubusin mo na habang unli pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD