Chapter Twelve

1286 Words
Rosemarie's POV Habol ko lamang ng tingin si James habang papalayo siya mula sa akin. Babayaran niya kasi ang bill ko dito sa ospital. Natanggal na din ang IV ko kaya naman susundan ko sana siya nang may humarang sa aking babae. Napamulagat ako nang makilala kung sino iyon. Si Tracey iyon! Ex-girlfriend ni James. Noong una ko siyang makita akala ko mabait siya dahil nagmamakaawa siya sa harap ni James para lang balikan ito. Pero nagbago ang impresyon kong iyon nang sabihin nina Janelle at Carlisle na kailangan kong mag-ingat sa kanya. Nakaarko ang kilay nito at halata ang irita sa mukha nito. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Nakapamewang ito habang masama ang tingin na ipinukol nito sa akin. “Ikaw pala ang kinababaliwan ngayon ni James. Akala ko pa naman ko pa naman napakaganda mo. Mukha ka lang naman palang manang!” irita ang boses nito habang tiningnan ako ng nakakamatay na tingin. Binalewala ko na lang ang sinabi niya saka maglalakad na sana para kausapin si James pero ang bruha hinawakan ang braso ko. Malamig ko siyang tiningnan. “What do you want?” malamig kong tanong sa kanya. Nakarinig ako ng bulong-bulungan sa paligid. Kami pala ang pinag-uusapan ng mga iyon. Padabog niyang tinanggal ang kamay sa braso ko. Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin ng sarkastiko. “Ibalik mo ang inagaw mo sa akin! Ibalik mo sa akin si James!” nangangalaiti nitong saad sa akin. “Inagaw? Hindi ko siya inagaw sa iyo. Yung term na inagaw para lang yun sa mga girlfriend na pinagtaksilan. Pero ikaw hindi ka na niya girlfriend. Matagal na kayong hiwalay. Bago pa naging kami wala na kayo. Kaya nagkakamali ka sa sinabi mong inagaw ko siya.” pilosopo kong saad sa kanya. “Maldita ka talaga! Ang kapal talaga ng mukha mo! Akin lang si James! Akin! Kaya ibalik mo siya sa akin!” galit na galit nitong sigaw sa akin. Mas lalong lumakas ang bulong-bulungan sa paligid. Bakit ba kasi niya dito pa naisipang mag-eskandalo? Nakakabulabog siya ng mga pasyente! Ang sarap talaga hilahin ng buhok niya! “Sino ba sa atin ang makapal ang mukha? At bakit ba bigla ka na lang susugod dito at inuutusan mo akong ibalik siya sa iyo? Hoy makinig ka! Kahit pa gustuhin ko mang ibalik siya sa iyo, hindi mo na siya mapipilit sa gusto mo. Ayaw na niya sa iyo! Hindi ka na niya mahal! Kaya sana matauhan ka na ha?” medyo naiirita kong saad sa kanya. Nagpupuyos sa galit na sinugod ako nito saka hinila ang buhok ko. Nagkagulo sa ospital. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko. Peste! Baka makalbo pa ako sa lakas ng pagkakahila niya! Isa-isa kong tinanggal ang mga daliri niya. Sa wakas! Nawala din ang pagkakasabunot niya sa akin! Susugurin na sana ako nito pero natigilan ito nang makitang papalapit na si James sa amin. Madilim ang mukha nitong nakatingin kay Tracey. “What the hell are you doing here?” Malamig na tanong nito kay nang makalapit na ito sa amin. Napatawa ito ng sarkastiko. Maya-maya pa'y lumapit ito kay James. Niyakap nito si Santiago. Hindi naman gumalaw si Santiago para itulak ito. Uminit ang bunbunan ko sa nakita kaya naman hinila ko siya palayo kay James. Agad siyang natumba sa sahig! “Don't you dare do that again. If you don't want to witness my insanity you better go away from James, b***h! I swear I'm gonna kick you out of this place when I go crazy!” Nagtitimpi kongbsaad sa kanya saka hinila na si James palabas ng ospital. Tahimik lamang siya habang hinihila ko siya. Hindi din ako nagsasalita. Patuloy ko lamang siyang hinihila palayo sa lugar. Nang balingan ko siya nakangiti lamang ito sa akin. Tila amuse na amuse ito sa akin. Pabalya kong binitiwan ang kamay niya. Tuluyan na itong natawa sa ginawa ko. Doon ko lang na realize ang ginawa ko. Peste! Bakit ko ba ginawa iyon?! Anak ng tokwa naman oh! Nawala kasi talaga ako sa sarili nang yakapin ni Tracey si James sa harap ko! Para akong sinapian ng masamang ispiritu sa sobrang galit! Nag-iwas ako ng tingin kay James. Namumula yata ang mga pisngi ko sa pagkapahiya. Mabuti na lang at medyo madilim na ang paligid. Hindi na siguro niya mahahalata na namumula ang mga pisngi ko. Para na siguro akong papasabog na kamatis ngayon! “Tama ba ang hinala ko. Nagseselos ka ba kay Tracey?” tanong ni James sa akin nang matapos itong tumawa. Napairap na lamang ako sa kanya saka tinalikuran na siya. Naglakad ako palayo sa kanya habang siya ay nakasunod lamang sa akin. Naramdaman ko kaagad ang malamig na simoy ng hangin. Ang lamig naman yata! Napayakap ako sa sarili. Bakit ba ang lamig ngayon? Naramdaman ko na lang na may naglagay ng jacket sa balikat ko. Nakangiting si James ang nabungaran ko. Yung ngiti na makalaglag panty. Nakikita ko na naman ang pantay-pantay niyang mga ngipin. Tumatalbog na naman yung mala kuneho kong puso. Sa tuwing may gagawin siyang ganito pinapatalbog niya talaga ang puso ko. “B-Bakit ka ba nakangiti ng ganyan?” nauutal kong tanong sa kanya. Inakbayan niya ako habang naglalakad kaming dalawa. Inilapit pa nga niya ang katawan niya sa akin. Naamoy ko kaagad ang mamahalin niyang pabango. Bakit ba ang bango ng lalaking ito? Ang sarap niyang yakapin! “I can't stop smiling because of what you did.” Kibit-balikat nitong sagot sa tanong ko. “Hindi ako nagseselos no! At saka hindi ko naman talaga alam ang tunay na kwento ninyong dalawa. She must be the love of your life before. Why did you break your relationship with her?” curious kong tanong kay James. Gusto ko talagang malaman ang tunay na kwento. Bakit ba ayaw ng makipagbalikan ni James kay Tracey? Bakit napaka-obsess ng babae dito? Ano ang dahilan bakit sila naghiwalay dalawa? “Matagal kaming magkasintahan ni Tracey dati. Yes you were right when you said that she was the love of my life before. Sa kanya lang umikot ang mundo ko kaya naman naging bulag at bingi ako sa mga sinasabi ng mga magulang ko tungkol sa kanya. My parents didn't like her. Kaya naman inilihim ko ang relasyon naming dalawa. She was having an affair behind my back. Iba't-ibang lalaki pa nga ang nakakatalik niya. Akala ko noong una ay sinisira lamang ng mga magulang ko ang relasyon namin. Hindi ako naniwala noong sabihin nila sa akin na maruming babae si Tracey. Pero nahuli ko sila ng isa niyang lalaki na nagtatalik sa harap ko. I feel so betrayed. Nasaktan ako ng sobra kaya tinapos ko kaagad ang relasyon namin. Ayaw ko na talaga siyang balikan. Nandidiri na ako sa kanya! Hindi niya matanggap ang pakikipaghiwalay ko sa kanya kaya inaaway niya lahat ng babaeng nali-link sa akin. Ipinagpipilitan niyang mahal ko pa din siya dahil hanggang ngayon hindi pa din ako nag-aasawa.” mahabang paliwanag ni James sa akin. Parang naawa tuloy ako bigla kay James. Akala ko pa naman wala siyang puso. Iyon pala yung bruha na yun pala ang may kasalanan! Anak ng tokwa! Sasabunutan ko talaga ang babaeng iyon kapag nakita ko siya! “Siya pala ang may kasalanan eh! Dapat lang pala sa kanya ang ginawa mo. She doesn't deserve a second chance. Siya iyong nagloko! Bruhang iyon! Kung maka-demand na ibalik kita para ka lang laruan! Nangangati tuloy ang kamay ko na sabunutan siya.” nanggigigil kong saad. “My love, I know this is too sudden but I would like you to meet my parents.” seryoso niyang saad sa akin. Napanganga ako ng bongga sa sinabi niya! Ano daw?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD