Chapter Eleven

1166 Words
Rosemarie's POV May naririnig akong komosyon sa paligid. Boses iyon ni Mr. Mendoza at James. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa. Basta ang alam ko ang iingay nila. Nakahinga ako nang maluwag nang maramdaman ang malambot na kama. Nasaan ba ako? Ang huli kong natatandaan pinara ko ang kotse ni Mr. Mendoza. Pagkatapos noon ay wala na akong matandaan. Ano ba ang nangyari sa akin? Hindi kaya ako nahimatay sa sobrang pagod at gutom. Anak ng tokwang panis! Nakakahiya naman kung iyon nga ang nangyari! Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Isang magandang babae ang namulatan ko. Base sa suot niya at sa stethoscope sa leeg niya sigurado akong doktor siya. Matamis itong ngumiti sa akin nang mapansin niyang gising na ako. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Maliban sa pasa mo sa braso ano pa ang masakit sa iyo?" tanong ng babaeng doktor sa akin. Napakurap-kurap na lamang ako nang balingan ko ang dalawang nag-uusap pa din hanggang ngayon. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawa? "Don't mind them. They were just debating something. Mukhang mamaya pa matatapos yung mga iyan." dagdag ng babaeng doktor sa sinabi niya. Binalingan ko ang babaeng doktor. She is now checking my chart. Namumutla ito at mukhang may dinaramdam. Mukhang mas kailangan nito ng medical na atensyon. "I forgot to introduce myself. I am Gracious Faith Alonzo. I am from Manila and I am the new resident doctor here. A volunteer, actually." Nakangiti nitong pakilala nito sa akin. Napatango na lamang ako sa kanya. Namumutla ito at halata na butil-butil ang pawis sa noo nito. Nilinga ko ang paligid. Pero wala akong makitang kakilala ko man lang. Nawala kasi iyong dalawang nagtatalo kanina lamang. Nasaan na naman kaya nagsuot si Santiago? Napairap na lamang ako ng matindi. Anak ng tokwa talaga oh! Hindi ko alam kung saan ko ilulubog ang sarili ko dahil sa sobrang kahihiyan. Biruin ko namang hinimatay ako dahil sa sobrang gutom at pagod! Lintik kasi na gate iyon eh! Ilang beses na ba akong naligaw sa resort na ito?! Bakit ba kasi napakalaki ng private property na yun?! Heto tuloy ako nakahiga sa hospital bed dahil tumirik ang mata sa sobrang pagod at gutom! "Pwede na kitang i-discharge kapag naubos na ang IV na ikinabit sa iyo. Sa ngayon, magpahinga ka muna." Nakangiting paalala sa akin ni Faith yung babaeng doktor na nag-aasikaso sa akin. Tumalikod na din ito sa akin saka napahinto sa paglalakad. Gulat na napabangon na lamang ako nang bigla itong matumba sa harap ko. Natatarantang sumigaw ako. "Tulong! Pa-help naman po yung doktora!" sigaw ko sa nurse na nakita kong dumaan sa gawi namin. Agad itong tumakbo palayo. Para siguro tumawag ito ng doktor. Dahan-dahan din akong tumayo pero medyo naliyo ako. Narinig ko ang bulong-bulungan ng mga tao sa paligid. Gusto ko siyang tulungan pero bakit ako nanghihina pa din. Napaupo ako ulit sa bed. "Santiago! Nasaan ka na ba?!" Nakasigaw kong tanong habang hawak ang sentido. Napabaling naman ako sa kabilang banda nang may kumaripas ng takbo mula sa direksyong iyon. There he goes, my future husband running towards me. Kahit pa tumatakbo siya at pawisan na ang noo niya napakagwapo niya pa rin. Ano kaya ang magandang nagawa ko sa mundo para maging swerte pagdating sa mapapangasawa? "What's wrong, my love? Do you need something?" hinihingal nitong tanong sa akin. Ituturo ko na sana si Faith na nakahandusay sa sahig pero wala na ito doon. Binubuhat na pala ito ni Froiland. Isa sa kaibigan nila James na co-owner din ng resort na ito. Napanganga ako nang malaki. Buong akala ko walang lovelife si Froiland pero nagkamali ako. Sa paraan ng pagtitig niya sa babaeng buhat-buhat niya napapansin ko ang pag-aalala. Akala ko talaga pinakasalan na niya ang himpapawid! Iyon pala may sinisinta din siya! “Bro, is that Froiland?” tanong naman ni Cedrick sa kaibigang si James. Napabaling naman si James sa tinitingnan naming dalawa ni Cedrick. Katulad naming dalawa ay gulat na gulat din ito sa nakita. “Is that Dra. Alonzo that he's carrying? Hindi ko akalain na yung pinag-uusapan nating babae na hindi niya makalimutan ay si Dra. Alonzo pala.” Nakatawang saad ni Cedrick habang tinitingnan pa din ang dalawa na papalayo sa amin. Napatango na lamang si Santiago saka binalingan ako. Gayundin naman ang ginawa ko sa kanya. Nag-aalala din ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. “May masakit ba sa iyo?” tanong nito sa akin. Lumundag na naman yung puso ko. Tumutulo ang pawis nito mula sa sentido pababa. Napanganga na lamang ako sa kay Santiago. Wala na ba talagang kapangitan ang lalaking ito. Napaka-unfair naman yata na sinalo na talaga niya ang kagwapuhan at kakisigan sa katawan! Habol nito ang hininga at pawisan ang mukha pero hindi pa din iyon nakakabawas sa kagwapuhan niya. Sa halip, nakadagdag pa yata iyon sa kagwapuhan nito. Mabango pa din ito kahit pawisan na. “My gosh! Si James Lee! Nananaginip ba ako mga mare?! Nakikita ko ba talaga siya ngayon?!” impit ang pagsigaw ng isang ale doon. Napabaling na lamang ako sa babae. May edad na ito at nagniningning ang mga matang nakatingin kay James. Mukhang turista ito lamang ito dahil tagalog ito kung magsalita. Nakangiti ito habang may kasama pa pala itong dalawang ginang. Kapwa nakangiti din ang mga ito habang nakatingin kay James. Ang isa sa mga ito ang nasa hospital bed. May nakaturok na dextrose dito. “My love, bakit ba hindi mo sinasagot ang mga tanong ko? Tatawagin ko ba si Brod Liam? Mukhang hindi pa maayos ang lagay mo.” sunod-sunod nitong tanong sa akin. Aalis na sana ito para tawagin ang kaibigan niyang doktor nang hawakan ko ang kamay niya. Awtomatikong napabaling ang tingin nito sa akin pagkatapos ay sa kamay kong nakahawak sa kanya. Tumikhim naman si Cedrick sa isang gilid. “Maghihiwalay din kayo.” Napailing-iling na saad nito saka lumayas na sa harap naming dalawa. Masamang tingin ang ipinukol ni James dito na hindi din naman nito nakita dahil nakatalikod na ito at papaalis na. “Then fetch MJ and tell her you love her! Ang taas ng ego mo brod! Babaan mo ng konti baka pagsisihan mo sa huli.” sigaw naman ni James sa kaibigan. Hindi na lumingon si Cedrick sa amin saka patuloy lamang na naglakad paalis sa ospital. Binalingan na ako ni Santiago. “Hija, ang swerte mo naman! Boyfriend mo ang sikat na sikat na si James Lee.” kinikilig na sabi ng isang ginang. “Oo nga! Napakaswerte mo talaga, hija. Kung ako sa iyo, hindi ko na siya pakakawalan.” saad naman ng isang ginang na nasa ibabaw ng hospital bed. “Narinig mo iyon, my love. Sabi nila huwag mo na daw akong pakakawalan. Napakaswerte mo daw sa akin.” Nakangiting saad ni James nang balingan ko siya. Napairap ako ng bongga sa sinabi niya. Pero kinilig din ako sa sinabi niya. Putek! Kinikilig ba talaga ako sa kanya! Nayari na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD