Chapter Ten

1071 Words
Rosemarie's POV Hinagilap ko ang cellphone ko. Naisipan kong tawagan si Carlisle baka kasi kilala niya ang lalaking inutusan ni daddy na hanapin ako. Hindi ko makakalimutan ang apangalan niya. Si Lance Cedrick Mendoza, co-owner ng resort. Nang makita ko ito, agad kong hinanap ang numero ni Carlisle. Nang makita ko iyon agad ko iyong tinawagan. Pero naka-off ang cellphone nito. Ito talagang si Carlisle kapag kailangan mo hindi mo natatawagan. Napabuntong-hininga na lamang ako saka hinanap na lamang ang numero ni Janelle. Ilang ring bago may sumagot. "Chubz, nasan ka ba ha? Nawala ka na naman kagabi. Nag-aalala ako sa'yo ng husto akala ko kung napaano ka na. Nasa piling ka lang pala ng sinta mo!" may halong panenermon ni Janelle sa kabilang linya. "Ano ka ba, chubz? Hindi ko naman ginusto iyon no! Nagising na lang ako sa bahay niya. Teka, nasaan ba ako? Naalala ko na sinabi niya sa akin na nasa bahay daw niya ako dito sa DGR." nagtataka kong tanong kay Janelle sa kabilang linya. Napasabunot ako sa ulo ko. Saang lupalop ng Dream Guys Resort ba ako naroon? Binalingan ko ang paligid. Nakita ko ang suot ko kagabi. Pinamulahan ako ng mukha. Binihisan daw niya ako kagabi. Ibig bang sabihin niyon, nakita niya ang lahat-lahat sa akin? "Ewan ko sa iyo, chubz. Baka nasa paradise haven ka. Private iyang building na iyan sa mga may-ari nitong resort. Mukhang seryoso talaga si James sa iyo ah! Dahil diyan ka niya dinala." kinikilig na sabi ni Janelle sa kabilang linya. "Ano namang meron dun? Hindi naman siguro ako lang ang naidala niya dito. May girlfriend siya dati, di ba? Malay natin pinapasok din niya yung babae dito. Huwag ka ngang mag-isip ng kung anu-ano. Tulungan mo na lang akong mahagilap si Carlisle. May kailangan ako sa kanya. Magkita na lang tayo sa bakeshop mo ha?" tugon ko kay Janelle. "Oo na po. Hahanapin ko na yung kapatid ko. Baka kasi nasa meeting pa iyon kaya hindi mo matawagan? Hay naku!" Ibinaba ko na kaagad ang tawag nang makapagpaaalam na kami sa isa't-isa. Agad kong kinuha ang damit ko kagabi saka ako nagbihis. Naghanap ako ng sticky notes at ballpen. Susulatan ko na muna siya. Aalis muna ako, Santiago. May pupuntahan lamang akong importante. Iyon lamang ang isinulat ko saka idinikit sa headboard ng kama niya kung saan mas madali niya itong makita. ------- Kasalukuyan na akong nasa baba ng gusali. Nasa entrance na nga ako nito. Mabuti na lamang at hindi ako nawala. Hindi ko akalaing ganito kalawak ang ground floor nito. Para lamang akong namasyal sa SM. Pambihira! Halos maloka na ako sa paghahanap ng exit. Mukha nga naman itong mall dahil may mga arcade sa loob niyon. May gym at kung anu-ano pang anik-anik! Naramdaman ko kaagad ang simoy ng hangin nang makalabas ako ng entrance. Nakahinga ako ng maluwag saka napapikit. Yes! Makakalabas na rin ako sa wakas! Tiyak na nasa harapan lang din nito ang gate. Nang dumilat ako, wala akong nakitang gate. Anak ng tinapa naman oh! Malawak na kalupaan lamang ang tumambad sa akin. May kalsada naman, baka daanan iyon palabas ng private property na ito. Napapadyak ako sa paa ko. Halos kalahating-oras na akong naglalakad. Hindi ko pa din makita-kita ang labasan! Naiinis na pinahiran ko ang pawis sa noo ko. Napahawak ako sa tuhod ko. Bibigay na talaga ito. Naupo ako sa gutter ng kalsada. Gusto kong humilata sa sobrang pagod. Hinihingal pa nga ako eh! Nakakapagod ang paglalakad na ito dinagdagan pa ng init ng sikat ng araw. Torture na torture ako! Daig ko pang iniihaw sa sobrang init. Nauuhaw na din ako at nagugutom. Nagsisi tuloy ako na hindi ako nagbaon ng pagkain at tubig. Madami kasing biscuit iyong pantry ni James. Madami ding bottled mineral water na naka-stock sa ref niya! Napalunok ako ng maraming laway. Palagay ko ay dehydrated na ako. Kumakalam pa ang sikmura ko. Nawawalan na ako ng pag-asang makaalis pa sa lintik ng property na ito! Katapusan ko na talaga! Nabuhayan ako ng loob nang may marinig akong paparating na sasakyan. Kotse iyon. Gamit ang natitirang lakas. Iniharang ko ang sarili ko sa sasakyan. Ipinikit ko ang mga mata ko. Lagitlit ng gulong lamang ang naririnig ko. Saka lamang ako dumilat nang mawala ang lagitlit ng gulong at hindi ako napano. Lumabas kaagad ang may-ari ng sasakyan. Parang nagliwanag ang paligid nang makita ko ang taong nagmamaneho ng kotseng iyon. Mr. Mendoza! James' POV Nakarating ako sa Dream Guys Resort gamit ang chopper. I need to get back as soon as possible. My future wife had to signed it before she changes her mind in the future. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko din siyang makita ulit. Baka kasi may kailangan lang ako sa kanya at siya ang lang ang tanging susi para makaganti kami sa kanyang ama. Nasa rooftop na ako ng paradise haven. Kung saan kami lamang ang naninirahan sa gusaling ito. Exclusive kasi sa aming magkakaibigan ang gusaling ito . Kakalapag lang ng chopper mula sa himpapawid. Lumabas ako kaagad sa chopper. Hindi na ako nag abala pang magpaalam sa pilot ng chopper. Ang piloto ng chopper ng sinakyan ko ay si Froiland na siya din namang kaibigan namin. Sumakay kaagad ako sa elevator. Pinindot ang floor kung nasaan ang bahay ko. Hindi naman nagtagal at nakarating din ako doon. Naglakad ako papunta sa pinto. Agad ko namang pinindot ang passcode niyon. Saka tuluyang pumasok sa loob ng bahay ko. Isinara ko kaagad iyon. "My love, I'm here." anunsiyo ko sa pagdating ko. Wala namang sumagot. Napakatahimik lamang ng paligid. Where is she? s**t! Did she ran away from me again? Dahil sa hinala kaagad akong nagpunta sa itaas. Hinanap ko siya sa kwarto ko. Isang note lamang ang nakita ko doon. It was Rosemarie's handwriting! Nagpaalam ito na may pupuntahang importante. Nakahinga ako ng maluwag! Akala ko ay bigla na naman siyang maglalaho ng parang bula katulad ng dati. Tinawagan ko na ang ang numero niya. Ilang ring bago may sumagot. Hindi niya iyon boses kundi kay Lance Cedrick. Kaibigan at co-owner ko sa resort. "Why are you answering her phone?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "If you're going to marry her, take care of her. She fainted in the middle of the street. Nasa DGR Medical Center kami." Nabitiwan ko ang envelope na naglalaman ng pre-nuptial agreement saka nagtungo sa pinto para puntahan si Rosemarie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD