Prologue

2266 Words
Rosemarie’s POV Nasa isang waiting shed ako. Kasalukuyan akong naghihintay ng masasakyan. Malakas ang ulan ngayon. May bagyo yata ngayon. Hindi ko kasi dala ang kotse ko ngayon. Badtrip ba naman! Kung kailan pa naman ako naglayas. Saka ko lang malalaman na wala na pala siyang gas! Hay! Kasi naman eh! Kanina pa nga binabaliktad ng hangin itong payong na dala ko. Malas talaga ako ngayong araw na ito! Paano ba naman? Pati nadala kong payong bulok pa! Ano ba namang buhay ito?! Peste kasi iyang gold digger kong madrasta eh! Kahit kailan hindi nauubsan ng kadramahan sa katawan! Nakakaimbyerna! Ang sarap ipabala ng kanyon nang magtanda! Kung makadrama ba naman wagas! Kesyo inaapi ko daw siya! Hindi ko daw siya tanggap?! Sabagay, may katotohanan naman iyong sinasabi niya. Hindi ko talaga siya matatanggap kailanman dahil mukhang pera siya! Paano ba naman, simula nang ikasal sila ni Daddy. Nag-buhay reyna na ang bruha! Lahat ba naman ng gusto niya eh bigay agad si dad. Nalaman ko na lang ang dami na pala naming utang! Ang kinakasakit pa ng ulo ko ay ang kumpanya. Isinangla kasi iyon ni Dad kay Mister Olivarez! Kahit kailan talaga! Dahil lang din sa impakta kong madrasta! Hay naku! Patatawarin sana ako! Gusto ko ng mamatay noong oras na malaman ko iyon. Hindi ko naman kasi alam kung ano pa bang gustong palabasin ni daddy ko! Heto pa ang mas masakit! Nagtalo kami ni Dad at itinakawil niya ako bilang anak! Keri ko pa kaya ang problema ko?! Sobra na yata! Kaya naman nang itakwil niya ako kanina hindi na ako nagdalawang-isip na mag-alsa baluta. Kaya heto nandito ako sa waiting shed na bulok din pala kaya nababasa ako ng ulan. Butas pala iyong bubong! Natawag pa namang shed. Hindi naman pala masisilungan! Sinalo ko na yata lahat ng kamalasan sa araw na ito! Buti na lang waterproof mga maleta ko. Kung hindi baka pati damit ko pwede ng pigaan. Sinubukan kong tawagan ang bestfriend kong si Janelle Cassidy. Pero ang bruha hindi ko ma-contact! Saan kaya nagsuot ang babaeng iyon? Kung kailan ko pa naman kailangan saka pa hindi ma-contact! Alam ko na! Kung si Carlisle na lang kaya ang tawagan ko? Tama! Magkapatid naman sila kaya pwede ko siyang mahingan ng tulong. Kinuha ko ang cellphone ko saka dinial ang number ni Carlisle. Ilang ring bago may sumagot. “Hello Carlisle!” bati ko sa kanya sa kabilang linya. “Who the hell are you?!” galit na tanong nito sa kabilang linya. Anong nangyari sa lalaking ito? May period lang?! Natanggal yata eardrums ko sa pagsigaw niya sa kabilang linya. “Ah si Rosemarie to— *toot* *toot*” Naputol ba naman? Teka nga, matawagan nga ulit! Biglang humangin ng malakas. Nakaramdam ako ng ginaw. Di-nial ko na lang ulit ang number ni Carlisle. “Sorry, you don’t have enough balance to make this call. Please reload immediately.” Peste! Ano ba namang buhay ito?! Ang malas ko talaga! Ngayon pa ako nawalan ng load! Pambihira naman oh! Sa sobrang inis ko naglakad na lang ako. Hindi ko napansin na may dadaan pa lang sasakyan. Nasakto pa naman doon sa maraming tubig iyong pwesto ko. The next thing I know. Naliligo na ako sa putik!  Huminto naman iyong kotse na nagpaligo sa akin ng tubig. Saka lumabas doon iyong tarantadong driver na nagpaligo sa akin. Isang matabang driver na lalaki na parang nine months na ang laki ng tiyan. Maitim ito at pandak. Balbas-sarado pa ito na mapagkakamalan mong kanang kamay ng leader ng mga terorista. Hinihingal pa siya nang makalapit siya sa akin. Tiningnan ko lang ang layo ng tinakbo niya. Limang metro lang naman. Seriously?! Kakausapin niya na sana ako pero hindi siya kaagad nakapagsalita. “Kuya, Inhale… Exhale…” Sinunod naman ni kuya ang sinabi ko. Mabuti naman dahil kapag hindi ko siya binigyan ng pagkakataong huminga. I’m sure paglalamayan siya! “Manong matagal pa ba iyan? Late na ako sa shoot ko.” Wika ng baritonong boses sa likuran ko. Hinarap ko ang lalaking nasa likuran namin. Medyo nagulat pa siya sa hitsura ko. Nagmukha ba naman ako na parang lamang-lupa. Siyempre matatakot siya. He was wearing a black jacket, black jeans and a pair of boots. And he was holding an umbrella. Magsasalita na sana ako nang makita ko ang pagmumukha niya. Pambihira! Nanaginip kaya ako? He was so handsome! Nabigla ako nang bigla akong kinakabahan. Animo hinabol ako ng limang libong aso. Bakit ba ako kinakabahan? Teka, kilala ko siya si James Lee! Tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ako nagkakamali. Siya nga si James Lee! Kung nagtatanong kayo kung sino si James Lee. Siya lang naman iyong sikat na aktor na napabalitang billionaire bachelor at his young age. Sobrang yaman nga nito. “s**t! Who are you?!” takot na takot niyang wika. “Kailangan talagang magmura, ganoon?” sarkastiko kong tanong sa kanya. “Sino ka ba? Bakit ganyan hitsura mo?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Obvious ba? Nakaligo ng putik! Pinaliguan niyo ba naman ako ng putik eh.” Sabi ko na lang saka binalingan si manong. “Ma’am pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya.” Panghihinging paumanhin ng driver sa akin. “Okay lang manong. Sige na umalis na kayo ni James Lee. Late na daw siya sa shoot niya.” Wika ko na lang. Ayaw ko ng makipagtalo. Tanggap ko na minamalas na talaga ako ngayong araw na ito. “Are you sure? Ihatid ka na lang kaya namin.” Suhestiyon naman ni James. “Kaya ko pa namang maglakad at saka malapit na iyong sakayan. Umalis na kayo.” Pagtataboy ko sa kanya. Tatalikod na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya ay este ang payong niya. Teka nga! Kamay ko nga ang nahawakan niya. Hihingin ko lang sana iyong payong eh! Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong kuryente na dumaloy sa mga ugat ko. Pero dahil dito parang napaso kong kinuha ang kamay ko. Nakatingin lamang siya sa akin. “Hindi ko kaagad napansin na sobrang ganda mo pala kapag walang putik sa mukha mo.” Bigla niyang wika sa akin. Para nga lang ibinulong niya lang iyon sa sobrang hina. Hindi ko alam pero bigla na lang nag-init ang pisngi ko. Peste! Nagba-blush ako! Kinakabahan pa ako ng sobra. Napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niya. Wala akong masabi. Paano ba naman kasi kinilig ako ng bongga sa sinabi niya. Kilig? Peste! Saan galing iyon? Kinikilig ba ako? Napagtanto ko na lang na unti-unti na pa lang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa maramdaman ko na lang iyong mga labi niya sa mga labi ko. I can feel my heartbeats fast and the butterflies in my stomach. First kiss ko ito. Ganito pala iyong feeling. Masarap pala sa pakiramdam. Ramdam ko ang init ng malalambot niyang mga labi. Dahil doon parang gusto ko ng himatayin sa kilig. Imagine hinalikan ako ni James Lee! Kusa ko na lang ipinikit ang mga mata ko. He automatically wraps his arms around my waist to deepen the kiss. Ngayon gumagalaw na iyong mga labi niya. Kinakagat-kagat niya iyong mga labi ko. Tila inaakit niya ako na tumugon sa halik niya. Iyon nga ang problema ko. Hindi ako marunong tumugon. Ano bang dapat kong gawin? Hindi ako marunong eh! Paano ba iyon?! Tumigil siya sa paghalik ng maramdaman niya na hindi ko siya tinutugon. His dark eyes were lock unto mine. I couldn’t believe what just happen. Lumayo ako sa kanya. Tapos nasapo ko ang ulo ko. He just kissed me! “Nananaginip lang ako.” Kumbinsi ko sa sarili. Kinurot ko ang sarili ko. Ouch! Ang sakit! Napahawak ako sa parte na kinurot ko. Totoo nga! Nakakahiya! “Alam ko ang iniisip mo ngayon. Maybe you think that you were just dreaming.” Wika niya saka simpatikong nakangiti. Lalo nga naman siyang gumwapo. Rosemarie! Hindi tama iyon! Nagpahalik ka sa taong hindi mo kilala! “Bakit ka kasi nanghahalik? Papanagutan mo ba ako?” nahihiya kong tanong sa kanya. First kiss ko siya eh. Dapat lang panagutan niya mga labi ko! “I was just tempted to kiss you. Bakit kita papanagutan?” tanong niya sa akin. “Kasi ikaw yung naka-virgin sa mga labi ko kaya panagutan mo ako!” wika ko na lang sa kanya. Kahit na nag-iinit na naman muli ang pisngi ko. “So, that was your first kiss huh? Good for you! Dahil ako ang unang humalik sa mga labi mo.” Mas lalo akong namula sa sinabi niya. Peste! Nakakahiya! Baka isipin niyang easy to get ako! “Kapal mo naman! Akala mo naman gusto ko talaga na nahalikan mo ako. Nabigla lang naman ako kaya hindi kita naitulak.” Pagdadahilan ko na lang. Paano ba naman?! Kailangan kong ibangon ang dignidad ko! “Iyong nabigla nakabuka iyong mata. Nakapikit ka kaya. Nabigla ko lang ba o talagang gustong-gusto mo iyong halik ko?” He asked teasingly. Cue ko na para magwalk-out. Hindi ko na matanggap ang sobrang kahihiyan! Suko na ako. To hell with dignity! Tinalikuran ko na siya saka nagsimulang maglakad. Problema ng lalaking iyon! Akala niya ba nagustuhan ko iyong halik niya?! Peste talaga siya! Bago pa man ako makalayo ng tuluyan natigilan ako sa paglalakad nang magsalita siya. “By the way, miss. That was the most magical kiss I’ve ever had.” He said. Magical kiss my ass! Tigilan niya ako! Nakakahiya talaga! Tumakbo na lang ako. James’s POV Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitingnan ang babaeng papalayo sa akin. Ni hindi ko nga nakuha ang pangalan niya. Napailing-iling na lang ako. Ngayon ko lang siya nakita. Tingin ko taga-rito din siya sa village na ito. But how come na hindi ko siya nakikita. Siguro’y magkapitbahay lang kami. Hindi ko rin akalain na magagawa ko iyon. But when I saw her lips parted I was tempted to kiss her. Wala nga talaga siyang alam. Dahil nang halikan ko siya hindi niya ako tinugon. Napakaganda pala ng babaeng iyon sa malapitan. Napailing-iling na lang ako nang mapagtantong basa din na pala ako. I know it sounds corny, but when I claimed her soft rosy lips. My world turns upside down. It was like a magic that brought me to a different dimension. Bigla ko na lang nabitawan ang payong na hawak ko. Pinulot ko na lang iyon saka tiniklop. Sumakay na ako ng sasakyan. Nandoon na si manong na abot tainga ang ngiti. “Ang ganda pala ni ma’am. Kung ako iyon, ganoon din ang gagawin ko.” Komento ni manong. “Manong, magmaneho ka na lang. Dadaan pa tayo kay Tracey.” Sabi ko na lang kay manong. Baka mamaya mangulit pa. “Sir, matanong ko lang. Sinong mas maganda? Iyong si Miss Beautiful kanina o si ma’am Tracey?” seryosong tanong sa akin ni manong. Siya nga pala si manong Jack. Dalawampung taon na siyang nagsisilbi sa aming pamilya. He was like a family to me. Napaisip din ako sa itinanong niya. Maganda si Tracey pero iba iyong kagandahang taglay ni – Hindi ko nga pala alam ang pangalan. Shit! What the hell?! Bakit ko ba ikinukumpara ang kagandahan ng babaeng iyon sa babaeng mahal ko! Mahal ko si Tracey! Siya lang ang maganda sa paningin ko. Wala ng iba pa! May problema nga lang. Ayaw ng pamilya ko kay Tracey. Minsan na rin kasi akong ipinagpalit sa iba ni Tracey. Parang gumuho ang mundo ko noong mga panahong iyon. Kaya ayaw daw nila kay Tracey dahil sasaktan lang daw niya ako. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Sila lamang ang ayaw kay Tracey pero ako mahal na mahal ko pa rin siya. Nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. May message galing kay Direk. Hindi na daw matutuloy ang shoot dahil sa sama ng panahon. What a relief! Makakapag-pahinga ako ng maayos nito. “Sir, nandito na po tayo sa bahay ni ma’am Tracey.” Sabi ni manong Jack sa harapan. “Hintayin mo lang ako dito manong. Sandali lang ako. Kukumustahin ko lang siya.” Utos ko kay manong bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nakabukas naman ang pintuan kaya pumasok na din ako. Nasalubong ko ang isang katulong. Kilala na ako nito dahil halos araw-araw na ako nandito. At dahil sikat ako sa buong Pilipinas. “Sir James? Si Ma’am Tracey po ba? Nasa itaas akyatin niyo na lang po.” Sabi pa nito habang nakayuko. “Salamat, aakyat na ako.” Sabi ko na lang. Mukha kasi siyang malungkot. Ano bang problema noon? Nang makaakyat ako sa second floor. Nagtungo kaagad ako sa kwarto ni Tracey. Biglang nagdilim ang paningin ko sa nakitang eksena. “Mmmhh… Sige pa Lester. s**t! Ang sarap mo!” Tracey moaned. Hindi niya yata napansin na nakapasok na ako sa kwarto niya. They are moving so fast! “f**k! Ang sarap mo talaga, Tracey! Aaraw-arawin kita!” the guy moaned. I feel disgust! They are just having s*x in front of me. They didn’t even notice that I am here! I feel betrayed! Para yatang gumuho ang mundo ko sa nasaksihan kong eksena. Nagdilim ang paningin ko. I just wanted to kill them both! Pero bago pa man ako makakilos may pumigil na sa akin. Nang balingan ko ito, si Mang Jack ito. “What the f**k are you two doing?!” galit kong tanong sa dalawang nagtatalik. Dali-dali silang nagtakip ng sarili nang makita nila ako. At si Tracey, para siyang nakainom ng suka sa sobrang putla niya. Hindi niya siguro akalain na mahuhuli ko siya! Tama sila! Maruming babae si Tracey! She’s a goddam b***h! “James! Let me explain!” nanginginig na tanong niya. Lalapit na sana siya sa akin nang umatras ako ng konti. “Tama nga sila, Tracey! Marumi kang babae! Isa kang malaking puta!” lumagapak ang pisngi ko. I can’t believe it! Sinampal niya ako. Ang lakas ng loob niyang sampalin ako. Siya ang nangloko! f**k! I’m going to kill her! Dadambahan ko na sana siya nang may pumigil sa akin. “What the f**k?! Why did you do that?! You worthless b***h!” nagpupumiglas ako habang tinatanong ko ang babaeng ito sa harap ko. “Let him out! Mag-uusap tayo, babe. Kapag hindi na mainit ang ulo mo.” She smiled while she was saying that. “Pinuputol ko na ang relasyon na ito!”  “Are you breaking up with me?! Bawiin mo ang sinabi mo!” singhal niya sa akin. “Hindi ko babawiin ang sinabi ko. So, from now on, you better stay away from me, slut!” maigting kong wika saka tinalikuran ko na siya. Nang makalabas kami nang bahay. Doon lamang bumuhos ang mga luha ko. Kanina ko pa pinipigilan ang emosyon ko. Inakay na ako ni Mang Jack patungo sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD