Chapter One

2262 Words
Two years later... (Rosemarie's POV) Nakatunganga lamang ako dito. Habang busy si Janelle sa paghahanda ng pagkain naming dalawa. Nasa kusina kaming dalawa ng condo niya. Nakaupo ako sa stoool. Nasa harapan ko lang si Janelle. Dito na ako tumira mula nang lumayas ako sa amin. Mabuti na lang at pumayag siyang hiramin ko ang condo niya. Kahit na nasa Amerika pa siya noong panahong naglayas ako. To make the story short, nakatira ako dito ng dalawang taon. Buti na lang, hindi pa niya ako pinapalayas. Pinag-iisipan ko kasing mabuti kung dapat pa ba akong umuwi sa bahay. Dahil after all, may karapatan pa din naman ako doon. Mas may karapatan ako doon, kaysa sa madrasta ko! At isa pa, iniisip ko din si dad. Kumusta na kaya ito? Kumakain ba ito sa tamang oras? Iniinom ba nito ang mga gamot nito? O kung inaalagaan ba ito ng maayos ng madrasta kong bruha?! Hay! Ayaw ko naman kasing umuwi ng bahay at magmakaawa sa kanila na tanggapin ulit ako. Pagtatawanan ako ng madrasta kong epal! Iisipin niya na naghihirap na ako at walang makain kaya ako bumalik. May trabaho naman ako ngayon. Pero sa ibang kumpanya. Director ang posisyon ko ngayon. Malaki din ang sahod. Nakabili na nga ako ng bago kong kotse eh! Mula kasi noong araw na naglayas ako. Hindi ko na binalikan pa ang kotse ko. Kaya naman nang makaipon ako. Bumili ako ng bagong kotse. Para naman sa ganoon, may magamit naman ako. May ipon na din ako sa bank account ko. Hindi naman kasi ako magastos sa buhay. Natutunan kong magtipid mula nang mag-aral ako sa Amerika. Doon kasi, kailangang matipid ka. Dahil kaliwa't-kanan ang gastos mo. Mula sa dorm, pagkain, projects at tuition fee, at marami pang ibang gastusin. Dahil sa mabait akong anak. Hindi ko sinasayang ang mga binibigay ni dad na allowance ko. Kung may sobra pa nga, eh iniipon ko na lang. Para naman kapag may emergency, may mabubunot ako, di ba? "Chubz, anong iniisip mo?" pukaw na tanong ni Janelle sa akin. Napansin kong tapos na pala siyang magluto. Hindi ko lang alam dahil masyado okupado ang isip ko sa problema ko. Nangalumbaba ako saka nagsalita. "Pinag-iisipan ko lang mabuti kung dapat na ba akong umuwi." Tinatamad kong wika sa kawalan. Nilapitan ako ni Janelle. Inakbayan niya ako. Napabuntong-hininga na lamang ako. Problemado talaga ako. Buti na lang hindi ako pinabayaan ni Janelle. Gaya ngayon, dinadamayan niya ako. Para talaga siyang anghel sa sobrang bait. "Alam mo, kung gusto mo talagang umuwi. Eh di umuwi ka! Aba! Dalawang taon ka ng nanghihiram ng condo ko." pabirong pasaring niya sa akin. Napasimangot ako sa pasaring niya. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na mabait siya! Peste! Akala ko pa naman dadamayan niya ako ngayon. "Pinapalayas mo na ba ako?! Napaka-supportive mong kaibigan! Super!" sarkastiko kong sabi saka tumayo na sa kinauupuan ko. "Biro lang, ito naman! Hindi ka naman mabiro!" Tumatawang sabi nito saka inakbayan ako. "Nasa sa iyo pa rin iyan, Rosemarie. Kung ano mang maging desisyon mo. Tandaan mo, nandito lang ako." seryosong wika niya. "Kahit pa, twenty-years kong hiramin itong condo unit mo? Okay lang sa iyo?" tanong ko pa sa kanya. "Chubz, uugod-ugod na tayo niyan! Wala ka bang balak mag-asawa?! Hay naku! Ang tanda mo na kaya!" "Bakit ikaw ikakasal ka na ba? Hindi pa naman di ba? Pareho lang tayo." yamot kong wika sa kanya. Sumimangot din ito sa tinuran ko. Bruha talaga ito! Pinapakialaman ang buhay ko! Eh sa ayaw kong mag-asawa eh! Mag-boyfriend nga ayaw ko eh! Mag-asawa pa kaya! Simple lang naman pangarap ko sa buhay. Magkaroon lang ako ng bahay at kotse. Okay na sa akin iyon! Ayaw kong mag-asawa. Dahil bukod sa sakit sa ulo ang asawa. I'm sure, aalilain ako nun. At isa pa, ayaw kong magkaanak. Dahil bukod din sa mahirap magbuntis. Masakit manganak! Tapos paglabas ng baby aalagaan mo pa. Halos hindi mo pa nga padapuan ng lamok eh! Tapos pag-aaralin mo ng mabuti. Kapag lumaki-laki na. Tapos kapag nagbinata na o nagdalaga, sasagot-sagutin ka na! Magrerebelde pa at malululong sa bisyo! Peste! Ibibitay ko talaga! Mas maganda pa yung pangarap ko. Mag-isa akong tatanda. Mag-isa akong mamamatay. Eh di walang stress! Walang sakit sa ulo! Di ba ang sarap ng buhay? "Alam mo, sayang iyong beauty mo. Kung maglalaho na lang nang walang nakikinabang. Hay! Kawawa ka naman." Napapalatak pa ito. Inirapan ko na lang siya. Trip kong tumandang dalaga eh! Iyan napapala niya kakabasa ng pocketbook ni Jade eh. Peste! Imaginary things lang naman ang naroon. Walang itinuturong maganda! "Ewan ko sa iyo! Ang dami mong sinasabi." Inis kong wika saka tinalikuran siya. Kinuha ko na iyong mga iniluto niya. Pagkatapos, inilagay ko iyon sa mesa. Kumuha na din ako ng pinggan, kutsara at tinidor. Nang matapos akong maghanda. Lumapit na din si Janelle tapos umupo siya. Ganoon din naman ang ginawa ko. Sumandok na ako ng pagkain. Wow! Hindi naman halata na gutom na ako! Nakakagutom din pa lang mainis! Pesteng buhay ito! Nilantakan ko agad ang pagkain. "Chubz, dahan-dahan lang. Hindi ka naman mauubusan!" Natatawang wika ni Janelle. Sinimangutan ko lang siya. "Ginutom ako sa pagsesermon mo. Kaya walang pakialamanan!" sabi ko naman habang patuloy lang sa pagsubo. "Samahan mo ako sa DGR, chubz. Araw-araw kang makakatikim ng luto ko." singit naman ni Janelle. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nabilaukan. Naubo pa ako. Ay peste! Malapit na kasing magbukas iyong shop niya kaya siguro nagyayaya siya. Ayaw kong pumunta doon! Dahil alam kong co-owner ng resort na iyon, si James Lee! Baka mamaya mamukhaan pa ako nun! Mahirap na! "Sabi ko sa iyo, dahan-dahan lang. Hayan tuloy!" May halong panenermon nitong sabi. "Bakit mo ba ako kinukulit na pumunta doon?" tanong ko na lang. "Magbubukas na kasi ako sa makalawa. Gusto ko sana, kapag nag-opening iyong bakeshop ko, nandoon ka." she sighed. Anong nangyari sa babaeng ito? Bakit biglang nalungkot? Hindi kaya broken-hearted na naman ito? Peste talaga itong babaeng ito! Hindi ba naman nag-iingat! "Oo na, pupunta na ako. Surprise ko na lang kung kailan. Matanong ko lang hah? Nagkita na ba kayo ni Jace?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nakasagot. Naging malikot ang mga mata niya. Hindi niya alam kung saan titingin. "Oo, napagkamalan pa akong stalker." pagak siyang tumawa. Hanggang ngayon ba affected pa din ang isang ito kay Jace? Aba! Sampung taon na kaya! Hindi uso ang move on? "Nakamove-on ka na ba?" tanong ko sa kanya. Pilit kong iniiba ang usapan. Baka mamaya tanungin na naman ako, kung bakit ayaw kong pumunta ng DGR eh! "Bakit nga pala kapag nababanggit ko iyong DGR, ilag na ilag ka?" Iyon lang! Mahilig nga pala itong sumagot ng tanong. Peste! (James' POV) It's been two years. Since I broke up with this woman in front of me. But she still keeps on acting like my girlfriend! What the f**k is her problem?! "What are you doing here?" I patiently asked, controlling my temper. She just smiled at me. Her sweetest smile that I used to love. She locked the door and turned to me. Nang makalapit siya, pumunta siya sa likuran ko. Then, she whisper on my ear. "Alam kong mahal mo pa din ako hanggang ngayon, babe." She confidently said. She started kissing my neck. She's tempting me! She's a goddamn w***e! "Stop seducing me, Tracey! Bakit ba hindi mo pa rin ako tinitigilan?" I asked. "Dahil alam kong mahal mo pa rin ako!" she hissed. Hinarap na niya ako. "Bakit mo naman nasabing mahal pa rin kita, Tracey?!" "Dahil hanggang ngayon, binata ka pa rin. Wala kang sineryosong babae, simula nang mag-break tayo! Akala mo ba, hindi ko alam?! Admit it! You still love me, James." Mahaba niyang sabi sa akin. "Are you stalking me? O baka naman, nagbayad ka ng ibang tao para lang ibalita sa iyo lahat ng galaw ko?" "You were always mine, James." sarkastiko ang ngiti na pinakawalan niya. "Not anymore! Stop stalking me!" tumaas na ang boses ko. "Bakit ko naman gagawin iyon?" taas-noo niyang tanong sa akin. "Dahil kung hindi, kakasuhan kita! Nakalimutan mo na ba kung sino ako? I can manipulate everything, Tracey. I have money, power and influence!" I grab her arm. "Hindi mo magagawa sa akin iyon, James. Dahil mahal mo ako. Duh? Hindi mo naman hahayaan na maghirap ang pinakamamahal mo, hindi ba?" Desperada niyang turan. "You still don't get it, don't you? Stop talking nonsense! Wala akong pakialam sa gusto mong paniwalaan. You know what? Maybe, nagkamali ka ng taong binayaran mo. Dahil may hindi siya nai-report sa iyo." "What do you mean?" she asked. "That, I'm getting married. To the love of my life." I gave her a satisfaction smile. Para maniwala siya. Para tigilan na niya ako. Hindi siya nakapagsalita. Siguro, gulat na gulat siya sa ibinalita ko sa kanya. Saan kaya ako hahanap ng instant bride? Mukhang mas mahirap pa yata itong pinasok ko na problema! Bahagya akong napangiwi. "Sinasabi mo lang iyan para saktan ako, James." kumbinsi niya sa sarili. "It's up to you b***h! So, please don't bother me anymore. I love my soon to be wife. So, better back off!" Hindi na siya nakapagsalita pa. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin na parang tanga! Tapos maya-maya pa ay umalis na siya sa harapan ko. Nakahinga ako ng maluwag. Natapos na din ang kalbaryo ko sa babaeng iyon! Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid ng laptop saka nag-dial. Sinong tinatawagan ko? Si Manong Jack, yung driver namin na sobrang laki ng tiyan at pandak. "Hello sir? Uhm.." Napakunot ang noo ko nang may marinig ako, na babaeng umuungol sa kabilang linya. s**t! Ano bang ginagawa ni manong pandak?! Ini-off ko na lang ang cellphone. Nag-dial ako ulit. Ngayon si Cedrick naman ang tinatawagan ko. Co-owner ko din siya sa resort. Kaibigan ko din siya mula high school. Isa siyang secret agent. Sana nga lang ay wala siyang misyon ngayon. "Hello, brod James!" bati niya sa kabilang linya. "Brod Cedrick, kumusta ka? May misyon ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya. "Nangungumusta ka lang ba? o may kailangan ka?" tanong niya sa kabilang linya. Natahimik ako. Psychology was Cedrick's expertise. Wala kang maitatago dito kapag ito ang kausap mo. I heaved a sigh. Hindi ako naniniwalang maniniwala agad si Tracey. Kilala ko ang babaeng iyon. Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. "May malaki akong problema." Napahilot ako sa aking sentido. "Ano iyon, Brod James? Anything I can help you with?" sunod-sunod niyang tanong. "It's about Tracey. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya! I even tell her that I'm getting married para lang layuan na niya ako." panimula ko sa kanya. "Brod, pagdating sa babae wala akong maitutulong." Napapalatak na lang ito sa kabilang linya. "May ipapahanap sana ako sa iyong tao." Seryoso kong saad. "Magkita tayo sa DGR. Doon natin pag-usapan yung ipapahanap mo." Seryoso ding saad nito. "Okay! I'll see you there." Pinutol ko na ang tawag. I leaned against my swivel chair. I sighed in frustration. Pilit kong inaalala ang babaeng gumulo ng isip ko. Simula kasi nang mangyari ang halik. Hindi ko na siya kailanman nakita. Nawala na lang siya na parang bula. Ano kayang pangalan niya? Bakit ba hindi ko naitanong iyon sa kanya? Hindi ko alam kung bakit hindi ko makalimutan ang babaeng iyon. That kiss... Damn! Kailangan kong mahanap ang babaeng iyon! Mula nang maghiwalay kami ni Tracey. Hindi na ako nagkaroon pa ng girlfriend. Ayaw ko na kasing maramdaman na niloloko ako. Kung magmamahal man ako muli, gusto ko iyong ako lang din ang mamahalin niya. Wala na akong feelings para kay Tracey. All that I felt for her two years ago was all gone. I didn't love her that much! I just love the idea that I have a beautiful girlfriend. And when I wanted to have s*x. I can call her anytime. Lust! Iyon ang nagpapatakbo ng relasyon namin. But when I kissed that woman. I realize that something was really going on. There's a spark. Hindi ko pa naramdaman iyon sa tanang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit? Pero umaasa pa rin ako na sana magkita ulit kami. Hindi ko man siya kilala pero may kakaiba talaga siyang impact sa akin. Maybe, because I was too attracted to her, when we first met. I must admit that I was attracted to her. Iba kasi iyong taglay niyang ganda. She was too pure and innocent. May isa pa din naman akong dahilan, kung bakit gusto ko siyang makita ulit. I wanted to ask her to be my instant bride. I know it sounds crazy but when I told Tracey that I'm getting married. Siya kaagad ang naisip ko. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Napalingon ako bigla. Si Jace Madrigal iyon. Ano kayang ginagawa nito dito? Pormal ang anyo nito. You can see the coldness in his personality. "Brod Jace, what's up?" bati ko sa kanya. Siya ang Big boss ng Dream Guys Resort. Siya ang may hawak ng pinakamalaking share sa resort. Tulad ko, isa rin siyang multi-billionaire. At bachelor pa sa edad na treinta. Magkasing-edad lang kami nito. "Brod James, kailangan natin ng emergency meeting. Marami tayong dapat pag-usapan. Tinawagan ko na din iyong mga kaibigan natin." He said emotionless. "Okay, Convenient din iyon sa akin para mapag-usapan namin ni Cedrick, iyong ipapahanap ko sa kanyang tao." Kumunot ang noo ni Jace. "Who is he?" tanong niya sa akin. "Not he, babae ang ipapahanap ko." wika ko na lang. Napatango-tango na lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD