Chapter Two

2189 Words
Rosemarie's POV Kasalukuyan kong inihahanda ang mga dadalhin ko sa DGR. Nagdala ako ng damit saka mga personal kong gamit para sa hygiene. Dinala ko rin iyong make-up kit ko. Dahil nga opening ni Janelle bukas. Sinulyapan ko ang wrist watch ko. Three-thirty pa ng madaling araw. "Salamat naman. Maaga pa." Sinadya ko magpaaga masyado para makaiwas ako sa traffic. Ayokong maburo sa traffic. Nakakasira ng beauty. Anyways, isinilid ko na sa maleta ang mga dadalhin ko. Kinuha ko na rin sa closet ko ang gown. Kulay purple ito. Hatler dress na hanggang tuhod. Fitting din ito kaya lalo nitong maipapakita ang makurba kong katawan. Inilagay ko na din kanina sa maleta yung kulay purple kong killer heels. Dali-dali akong lumabas saka sinusian ang kotse ko. Inilagay ko sa backseat yung maleta. Isinabit ko na din sa handle sa loob yung dress ko. Ayaw ko kasi siyang ilagay sa maleta. Ayaw ko kasing magmukha akong hahabulin ng plantsa kapag sinuot ko iyon. Nang maiayos ko na ang lahat. Pumunta na ako sa Driver seat para paandarin ang sasakyan dala ang paper bag. Anong laman ng paper bag? Pagkain lang naman. Sadya akong bumili ng makakain ko. Mga junkfoods at softdrinks. Unhealthy ba? Pakialam niyo ba! Iyan ang trip kong kainin eh! Isa pa, malaking abala kung hihinto pa ako para kumain. Baka matagalan pa ako at maipit sa traffic. Napaka-traffic pa naman sa edsa. Bumper to bumper pa! Nakakaubos pasensya peste! Nagsimula na akong nagmaneho. Palabas na ako sa exit nang madaanan ko ang kumpulan ng mga babae. Peste! Ito na nga ba sinasabi ko. Nakasuot ako ng cap, plain white t-shirt, at skinny jeans. Nakaharang pa sila sa daan. Ay peste! Ano bang ginagawa ng mga ito? Nag-oorasyon ba sila? Bumusina na lang ako. Nahawi naman ang mga babae. Bigla akong nagulat sa nakita kong dahilan kung bakit sila nagkukumpulan. It's been two years since I saw that handsome face. He was James Lee! Napanganga na lang ako dahil nakatingin siya sa sasakyan ko. Buti na lang tinted ang sasakyan ko. Hindi niya ako makikita sa loob. Nakangiti lang siya sa direksyon ko. Peste! Bakit ba ang gwapo nitong mokong na ito?! Napatingin ako sa mga labi niya ngayon. Biglang kong naalala yung halik na iyon! Peste talaga! Ilang araw din akong hindi pinatulog noon. Ngayon na nakalimutan ko na sana, bigla naman siyang  magpapakita. Dali-dali kong tinapakan ang sinilyador. Napatabi naman ang mokong. Buti naman, sasagasaan ko talaga siya! Ginugulo niya ang isip ko na nananahimik. Pati puso ko lumulundag! Peste talaga! Nakalabas na ako ng exit nang hindi ko namamalayan. "Peste ka James Lee! Lumindol sana at matabunan ka diyan ng buhay!" gigil kong saad. ------------------------------------------- James' POV Hindi ko akalain na muntik na akong mamatay. Gagong driver iyon ah! Papatayin ba niya ako?! What the f**k is he thinking?! Alam kong sasagasaan niya sana ako. Mabuti na lang mabilis din ako. Sa sobrang gigil ko sa gagong driver. Nagtungo ako kaagad sa Security unit ng condominium. Kukunin ko ang plate number ng gagong iyon. I will hunt him to death. Pagsisisihan niya ang pagtatangkang pagpatay sa akin. Pigil ang galit pumasok ako sa loob ng opisina. Napatigil naman sila kaagad sa mga ginagawa. I sat on the chair in front of me. Lumapit kaagad sa akin ang isang lalaki. "Review niyo yung CCTV. Gusto kong makita yung mukha at plate number, noong taong gustong pumatay sa akin." utos ko sa kanila. "Sumunod ka po sa akin." wika naman nito na parang hindi mapalagay. Hindi naman nagtagal nakarating na kami sa kwarto na puro CCTV. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang ginagawa nila. Dahil masyadong abala ang isip ko. Sino kaya ang gustong pumatay sa akin? Maya-maya'y lumapit sa akin iyong lalaki sa kanina. Iniabot niya sa akin iyong bondpaper ng print-out. Kinuha ko kaagad iyon. "Thank you." matipid kong saad saka tatalikod na sana nang magsalita siya. "Your welcome po sir. Sir, hindi po ba tayo tatawag ng police?" tanong niya sa akin. Medyo nagtataka ito. "Hindi na, ako na ang bahala sa gagong ito. Makakatikim talaga siya sa akin." gigil kong saad. "Sir, nakakahiya po pero... pwede po bang magpa-autograph?" Napakamot siya sa ulo. Kaya pala kanina pa siya hindi mapalagay. Nabigla siguro sa bigla kong pagsulpot. "Sure." Nakangiti kong saad. Mabait naman ako sa fans ko. Iniabot niya kaagad sa akin ang isang bond paper. Agad ko namang pinirmahan iyon. Umalis na kaagad ako sa opisina na iyon. Nang makalabas ako sa pinto saka ko lang tiningnan ang print-outs. Capture ito ng CCTV. Iyong plate number ang capture ng unang bondpaper. Nang tingnan ko ang pangalawa, hindi ko inaasahan ang nakita ko. Mukha ito nang nagmamaneho ng sasakyan. She was the girl I am looking for. She was still stunning even with a simple outfit. I sighed in frustration. What the f**k is going on with her?! Bakit niya ako gustong patayin? Ngayon alam ko na kung papaano ko siya mapapapayag. No one ever go against me! You will pay for this big time, lady! Nang tingnan ko ang last na bondpaper. Doon nakalagay ang personal information. She was a daughter of Roberto Ferrer! What a small world?! Her name was Rosemarie Ferrer. Nagtungo agad ako sa condo ko. Nang makapasok ako. Mabilis ang aking kilos. Mga personal na gamit lang ang dadalhin ko. Dahil may bahay naman ako doon. Nang tapos ko ng ihanda lahat ng dadalhin ko. Dali-dali akong lumabas ng condo ko. Nagtungo agad ako ng elevator. Nang makarating ako sa parking lot. Pinuntahan ko kung saan naka-park yung kotse ko. Sumakay agad ako saka pinaharurot ito ng takbo. Pupunta ako ng DGR para humingi ng tulong kay Cedrick. ------------------------------------- Rosemarie's POV Bumangon ako ng maaga. Alas-sais pa yata ng umaga. Dali-dali kong inayos ang sarili ko. Hinawi ko ang kurtina ng glass wall. Napangiti ako nang makita ang tanawin. Ang ganda ng sunrise. Binuksan ko iyong glass door at nagtuloy-tuloy sa teraza. Nandito ako ngayon sa DGR. Halos madaling araw na nga ako nakarating. Isang araw lang naman ang nai-biyahe ko. Napakalayo ba naman ng isla na ito eh. Isang isla ang resort na ito. Ganoon ito kalawak. Bilyon-bilyon siguro ang ibinayad ng mga may-ari nito para lang mabili ito. Malaki at malawak kasi ang isla. Ang ikinamamangha ng mga taong dumarayo dito, ay ang puti at pinong buhangin nito. At ang karagatan ay mala sky-blue ang kulay. Plus, animo mukhang napakalaking palasyo ng hotel nito. Mababait ang staff. Wala kang masabi sa service nila. Madali nga lang akong nakakuha ng kwarto. Tapos inihatid pa ako sa mismong pintuan ng kwarto ko. Parang 7-star hotel yata ito! Kahit saang anggulo ka kasi tumingin. Mula sa kagamitan, sa staff, sa kwarto at marami pang iba, nababalot ng karangyaan. Tapos, napakalinis pa ng kwarto. Parang masasabi ko na parang condo style ang unit. Hindi ko nga alam kung magkano ang isang araw dito. Sabi kasi ni Janelle, charge ko lang daw kay Carlisle ang gastusin ko dito. Kuripot ba naman kasi ako. Bilyonaryo naman iyon si Carlisle kaya lulubos-lubusin ko na. Kaya nga sikat na sikat itong resort. Hindi lang sa mga pinoy, kundi maging mga turista. Kadalasan, mga kababaihan ang mga nagpupunta dito. Kung bakit? Itanong niyo sa kanila. Tamad akong magkwento. Naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin. Napayakap tuloy ako sa sarili. Peste! Bakit nakalimutan kong magsuot ng roba? Sukat ba naman kasing naka-night gown lang ako! Pambihira! Sobrang nipis pa naman! Na-engganyo kasi akong lumabas dahil sa ganda ng tanawin. Pumasok na lang ako ulit saka isinara ang pinto. Dumiretso na ako sa banyo para maligo at mag-toothbrush. Nang matapos ako, nagsuot lang ako ng simpleng black t-shirt, black cap at skinny jeans na kulay blue. Lumabas na agad ako ng room unit ko. Isinuksok ko na sa bulsa ko iyong keycard at baka maiwala ko pa. Nang makalabas na ako ng hotel. Tumambad sa akin ang napakalaking swimming pool. Medyo madilim-dilim pa ang paligid kaya siguro kakaunti pa ang naliligo. Maglalakad-lakad muna ako sa resort. Pagsasawain ko muna ang sarili ko sa ganda ng paligid. Saka na ako kakain. Mamaya na din ako dadaan sa shop ng bestfriend ko. In fairness napakalinis ng resort. Kaya siguro maraming pumupunta dito. Dahil kahit na marami ang dumarayo, napapanatili pa rin nila ang kalinisan. Not bad! "Miss, naliligaw ka ba?" tanong ng baritonong boses sa aking likuran. Natigil ako sa pamumuri sa paligid nang may magsalita. Biglang tumigil ang mundo ko nang makilala ko ang boses na iyon. Kasabay niyon ang pagtigil ko sa paglalakad. Naroon na naman ang abnormal na t***k ng puso ko! Si James Lee! Peste! Sa lahat ba naman ng kakausap sa akin siya pa?! Tadhana! Anong kasalanan ko sa iyo?! Hindi niya dapat malaman na ako ito. Baka kasi alam na niyang ako yung muntik ng pumatay sa kanya kahapon. Who knows? He's a billionaire! Kayang -kaya niyang ipahanap kahit sino! May naisip akong paraan. Iibahin ko ang boses ko. Palalakihin ko ito. Tumikhim muna ako bago nagsalita. Nakatalikod naman ako sa kanya. Kaya wala na sigurong magiging problema. Magsasalita na sana ako nang magsalita siya ulit. "You're going on the wrong way. Huwag mo sanang mamasamain. Pero kung isa kang fan o stalker, wag mong ituloy ang pagpasok. You are going to regret it..." He paused. Nagsalita na ako. Dahil baka nagdududa na siya. Nararamdaman ko na kasi ang unti-unti niyang paglapit. Bakit ba kasi masyado akong nalibang sa paligid? Hindi ko man lang napansin na papunta na ako sa kampo ng mga mokong! What a life?! "Pasensya na po. Hindi ko po kasi alam ang daanan. Dito na pala ako napunta." pinalakihan ko ang boses ko. Pero sa sobrang hamog yata ng paligid. Napaos ako, kaya ang kinalabasan, mukhang paos ng tuko ang boses ko. Peste talaga! Kumalam ang sikmura ko. Pasimple akong sumulyap sa relo ko. Napamulagat ako nang malamang alas-diyes na pala! Kaya pala ganoon na lang ang pag-aalburuto ng tiyan ko. Dahil malapit na palang mag-tanghalian. Pero narinig kaya niya ang pagkalam ng sikmura ko? "Gusto mo, ihatid na lang kita? Mukhang nagwawala na iyong tiyan mo sa gutom eh." He asked. "N-Naku! Okay lang ako. Sige, mauna na ako." mabilis kong paaalam saka naglakad ng mabilis. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman kong nakalayo na pala ako. Hiningal ako na sobra saka pinagpawisan ng malagkit. Para bang nag-marathon ako ng one hundred times. Peste! Ganoong-ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Iyong lakad ko naging takbo na. Tatakbuhan ko siya habambuhay! Hinding-hindi na tayo magkikita pa James Lee! Nang alam kong nakalayo na ako masyado. Nakakita ako ng bench. Doon ako umupo at nagpahinga. "Peste! Kailan ka ba mawawala sa mundo, James Lee?" tanong ko sa kawalan. Medyo napalakas nga ang boses ko. "Miss, stop talking nonsense. Hindi pa mawawala si Brod James. Mabubuhay pa ng matagal iyon." Napatingala ako nang may magsalita sa harap ko. Nakangiti lang siya sa akin. Ang gwapo naman nito. Malaki din ang pangangatawan gaya ng kay James! Ay peste! Bakit nasali si James Lee?! Naka-three piece suit ito. "Sino ka naman?" tanong ko sa kanya. "I'm Lance Cedrick Mendoza. Co-owner of this resort. And guess what? I am a detective." seryoso niyang saad. Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Peste! Huhulihin ba ako nito? Dahil sa co-owner siya ng resort, maaaring kaibigan niya ang mokong na James na iyon! "Huhulihin mo na ba ako?" tanong ko sa kanya. Peste! Parang gusto kong umiyak! Mawawala na lahat ng pangarap ko. Sa kulungan na ako tatandang-dalaga at doon na din mamamatay! Ang pangit ng ending ko. Ayoko nito! "Bakit naman kita huhulihin? Wala naman akong dalang warrant. May nagpapahanap sa iyo, Rosemarie." "Si James Lee ba? Pakisabi naman sa kanya na hindi ko sinasadya yung nangyari. Nadala lang ako ng galit." Natataranta kong sabi. "Miss, why are you crying? Stop crying please! Hindi si Brod James ang nagpapahanap sa iyo." Napatigil ako sa pagngawa. Hindi si James! Salamat naman! Nakakahiya tuloy dito kay Mr. Mendoza. Ang pangit ko na siguro. Sa takot ko ba namang makulong eh! Pero teka! Kung hindi si James ang nagpapahanap sa akin. Sino? "Sinong nagpapahanap sa akin?" curious kong tanong. Wala naman kasi akong taong inaway kundi si James Lee lang. Peste! Baka napagkamalan akong drug pusher? "Ipapa-tokhang po ba ako?" tanong ko sa kanya. Iyong pag-aalala ng mukha niya napalitan ng pagka-amuse. The next thing, I know, hayun tumatawa na siya na parang wala ng bukas! Peste itong mokong na ito! Anong nakakatawa?! Kinalabit ko siya, baka kasi atakihin sa kakatawa eh! Mahirap na! "Hindi nasabi ng dad mo na may talent ka palang magpatawa." Tumatawa niyang saad. What?! Si dad?! Pinapahanap niya ako? Para saan pa? Para malaman niya kung naghihirap na ako? Kung hindi na ako nakakakain? Kung hindi ko ba siya nami-miss? Tinalikuran ko ang lalaki na hanggang ngayon tumatawa pa rin. Halos tumulo na nga iyong luha sa mata niya eh! Ginawa niya talagang joke of the year yung itinanong ko. Ni hindi nga niya napansin na wala na ako sa harapan niya. Nami-miss ko na si dad. Ano kayang dahilan at ipinapahanap niya ako? Akala ko ba itinakwil na niya ako? Di ba dapat wala na siyang pakialam sa akin? Bakit niya ako pinapahanap? Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mabangga ako sa isang matigas na bagay. Matutumba na sana ako nang may maagap na sumalo sa akin. Ramdam ko na naman ang pagtibok ng hindi normal ng puso ko. Napagtanto ko na lang na sa dibdib pala ako nabangga. Peste! Ang tigas naman! Biglang humangin ng malakas. Hindi inaasahang lumipad yung sumbrero ko. "Finally! Nakita din kita sa wakas, ulit." Nakangiting wika ni James na ikinatigil ng mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD