Chapter Three

2035 Words
Rosemarie's POV Walang tigil sa pagtibok ng abnormal ang puso ko. Nang mapagtanto kong si James Lee nga ang kaharap ko. Akala ko, napa-paranoid lang ako kanina. Pero hindi, siya nga talaga. Napakalapit pa naman ng mukha namin sa isa't-isa. "How are you Rosemarie, my love?" He grinned. My love? Ano iyon? Ang corny naman masyado. Dadagain ako sa sobrang cheesy. At saka, bakit nga ba niya ako tinatawag ng ganoon? Hindi ko naman siya boyfriend ah! At saka mahal ba niya ako? Ito talagang mga lalaki! Ginagawang laro ang lahat! "Bitiwan mo ako." maigting kong sabi. "Okay fine." kibit-balikat niyang saad saka binitawan ako. Saka ko lang na-realize, na siya pala ang nakasuporta para hindi ako matumba. Hayun tuloy napaupo ako sa semento. Peste! Ang sakit tuloy! Siraulo itong mokong na ito ah! Babanatan ko ito eh. Sinikap kong makatayo. Buti naman at nagawa ko pa. "Are you hurt?" tila nag-aalala niyang tanong. "Sa tingin mo." Inirapan ko siya. Tinatanong ba kasi kung nasaktan ba ako. Pambihira! Hindi ba obvious?! Paslangin ko kaya ang nilalang na ito! Peste ka talaga, James Lee! "Sabi mo, bitiwan kita. Ginawa ko lang naman ang sinabi mo." Pangangatwiran pa niya. "Anong kailangan mo sa akin? Bakit sinabi mo kanina, na nakita mo na ako sa wakas?" tanong ko na lang sa kanya. "Nakalimutan mo na ba? Muntik mo na akong patayin kahapon." May halong panunuya niyang turan. Oo nga pala! Muntik ko na nga pala siyang sagasaan kagabi. Anong gagawin ko? Siguradong susugurin ako ng limpak-limpak niyang fans, kapag nalaman ng mga ito, ang ginawa ko kagabi. Baka ilibing ako ng buhay ng mga iyon. "Hindi ko naman sadya yun eh. Nagmamadali lang talaga ako." Pagdadahilan ko sa kanya with matching paawa effect. Malay natin, umepekto! "Sa totoo lang, inihahanda na ng abogado ko ang kaso laban sa iyo." Nanunuya niyang turan. "Sigurado ka ba na ako talaga iyon?" tanong ko pa. Peste! Hindi pwede ito! Hindi ako pwedeng makulong! Lalo akong pagtatawanan ng bruha kong madrasta. At isa pa, mas lalo akong itatakwil ng aking ama. Kailangan kong malusutan ang gusot na ito. Kung hindi, ay magdudusa ako habambuhay. "Let me remind you, Rosemarie. May CCTV sa parking lot ng condominium. Hindi ako bobo, para palampasin ang ginawa mo kahapon. Kaya ipina-review ko ang CCTV." Mahaba niyang paliwanag sa akin. Gusto kong batukan ang sarili ko. Oo nga pala, ang tanga ko naman! Peste! Bakit hindi ako nag-iingat? Peste! Ano na ang gagawin ko? Natutuyo na ang dugo ko! Help! "Ipapakulong mo ba ako? o Ipapabitay?" tanong niya dito. Bahagya itong ngumiti. Saka unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Ito namang si ako, atras ng atras. Siyempre, baka mamaya mapasukan na naman ng air pollution ito sa utak. Tuklawin na naman ako kagaya noon! Mahirap na! "You know what? You are annoying, self-centered, brat! I can send you to jail right away if I want to." Tumigas ang anyo nito. Ano bang problema nito sa buhay? Peste kasi! Dapat nawala na lang siya ng tuluyan sa buhay ko eh! Tahimik ako nitong nakaraang dalawang taon. Tapos heto ngayon, ginugulo niya ang buhay ko! Tadhana! Utang na loob, ilayo mo sa akin ang nilalang na ito! "Get to the point, James. What do you want me to do? Para lang, makabawi ako sa kasalanan ko." Naiiritang tanong ko sa kanya. He was just staring at me intently. Walang mababasang emosyon sa mukha niya. May dumi kaya ako sa mukha? Kanina pa kasi siya nakatitig sa akin. Mukhang tutunawin niya yata ako sa tingin niya. Paano ba nama'y para na naman akong nahi-hypnotize sa titig niya. Para bang sa kanya lang, umiikot ang mundo ko ngayon. There was something in his stare that I cannot resist. Heto na naman kasi ang naghahabulang isang-libong kabayo sa puso ko. I can feel the butterflies in my stomach. Peste! Anong pakiramdam ito? Hindi ko pa nararamdaman ito sa tanang buhay ko. Bakit ba pagdating sa lalaking ito, nagkakaganito ako? Ano bang meron siya at ginugulo niya ang natutulog kong damdamin? Peste! I'm going insane! Nang mapatingin siya sa mga labi ko, dumoble yata ang kaba ko. Napalunok pa ako ng laway. Paano ba naman kasi, ang hot niya! Lalo na ngayon na bahagyang nakaawang iyong mapupula niyang mga labi. Peste! Ang sarap halikan. Bakit ba nagkaroon sa mundo ng ganito kagwapong nilalang? Sinalo niya yata lahat ng kagandahang lalaki. Kapag naging Presidente ako ng Pilipinas, ipapa-deport ko ang mga gwapong nilalang! Unti-unti niyang inilapit iyong mukha niya sa akin. My mind says to push him but I can't. Ayaw gumalaw ng katawan ko. Iyong puso ko naman, parang rabbit, lundag ng lundag. Pero hindi na siya pwede pang makaisa ng halik. Tama na iyong pagnanakaw niya ng first kiss ko. Enough is enough! Ayoko na! Palapit na ng palapit iyong mukha niya. Naaamoy ko na iyong mabango niyang hininga. Peste talaga! Heto na naman ako at parang nagayuma. Imbes na umiwas sa halik niya, kusa na lang pumikit ang mga mata ko. Nawala ang pagrereklamo ng isip ko, nang maramdaman ang mga labi niya, sa mga labi ko. His lips brushes mine. And I feel a thousand sensations, that seduce me to kiss him back. Kanta ba iyon? Wrong grammar pa yata ako. Banayad lamang ang halik niya. Walang halong pagmamadali. Tila tinutukso talaga ako na gumanti sa halik niya. He was such a good kisser. Ipinulupot niya ang matigas niyang braso sa baywang ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya. Ginaya ko ang galaw ng mga labi niya. Hindi naman nagtagal, tinutugon ko na ang mga halik niya. We both catching our breath when the kiss ended. "M-Marry me, please." hinihingal niyang alok. Halos malaglag ang panga ko sa inialok niya. Bahagya akong napalayo sa kanya. Hanggang ngayon kasi, nakapulupot pa rin iyong braso niya sa baywang ko. At ako naman, ay nakapulupot pa din sa leeg niya ang mga braso ko. Pero teka nga, bakit niya ako inaalok ng kasal? At, bakit kasal agad? Hindi ba pwedeng manligaw muna siya? Peste talaga itong si Santiago eh! Palagi na lang akong binibigla! Mas mabilis pa yata sa ipo-ipo yung proposal niya! "Sa lahat ba naman ng itatanong mo, bakit iyon pa? At saka, bakit kasal agad?" natataranta kong tanong. Kapag hindi ko naintindihan, kung bakit niya ako inaalok ng kasal. Matatakot na talaga ako. Baka kasi may binabalak siyang masama. Kailangan kong maging alerto. "Bakit hindi pwede? Sa edad natin, dapat nga tatlo na anak natin." naka-kunot noo niyang tanong sa akin. Tinanggal ko ang mga braso ko sa leeg niya. Tatanggalin ko na sana braso niya, pero umiling lang siya. Takot siguro siyang takasan ko siya. Gaya noong una kaming magkita. "Nasisiraan ka na ba? Ang kasal, para lang iyan sa mga taong nagmamahalan. We don't love each other, so why propose to me now?" tanong ko sa kanya. "Maraming arranged ang marriage ngayon. Kagaya na lang ng malapit kong kaibigan. Isa pa, matututunan din siguro nating mahalin ang isa't-isa, di ba?" Napakamot na lang ako sa ulo kong hindi naman makati. Peste! Ano bang akala niya sa kasal? Laro-laro lang? Para lang kaming nagbabahay-bahayan, ganoon? May sayad talaga itong isang ito! Trip kaya nitong sirain ang buhay ko?! Ayaw ko kayang mag-asawa! Sakit sa ulo lang iyon. "Kung ganoon, pa prangkahin na kita. Wala akong balak magpakasal. Tatanda akong mag-isa, at mamamatay akong mag-isa." maigting kong sabi sa kanya. "So, plano mong tumandang-dalaga?!" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Anong masama doon? Maigi nga iyon at walang sakit ng ulo." kibit-balikat kong wika. "Masyado ka yatang maganda, para lang tumandang-dalaga. At isa pa, papayag ba si Don Roberto na wala man lang siyang magiging apo?" tanong pa niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa itinanong niya. Kilala niya si Daddy? Paano niya nakilala si Daddy? Baka naman, ini-stalk ako ng mokong na ito? "Kilala mo si Dad?" Takang-tanong ko sa kanya. "Kilalang-kilala." He smirked. "Oh my! Nag-hire ka ba ng private investigator, para lang imbestigahan ang pagkatao ko?" Tanong ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang... kinikilig yata ako? Peste! Kilig! Saan na naman galing iyon? Pero, kung totoo nga ang kutob ko. Ibig sabihin, interesado nga sa akin ang mokong! Mas lalong nagwala iyong puso ko! "My real name is, James Lee Olivarez. Sad to say, ako ang pinag-kakautangan ng Daddy mo. Sa laki ng utang niya, pwede kong bawiin ang kumpanya niyo. Ano mang oras na gustuhin ko." Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Assumera talaga ako! Nag-init bigla iyong mga pisngi ko. Peste talaga! James Lee utang na loob! Malalaglag na iyong panty ko, anytime! Kinikilig pa ako sa ginagawa niya. Wala na bang katapusang kilig ito?! "M-May balak ka bang kunin kay Daddy ang kumpanya?" Peste! Nauutal ako! "Depende, kapag hindi ka pumayag na magpakasal sa akin." Kibit-balikat niyang wika. Blackmail! Peste talaga itong lalaking ito! Wala din naman akong balak na isalba ang kumpanya. Bahala na si Daddy! Problema na nila iyon! "Kung sabihin ko sa iyo na, hindi mo pa rin akong mapa-papayag na magpakasal sa iyo. Dahil wala akong pakialam sa kumpanya." Kibit-balikat kong wika. Nabakasan ko ng pagkagulat ang mukha niya. Akala ba ng mokong na ito, maiisahan niya ako? Pwes! Nagkakamali siya! Gusto niya ng hamunan! Eh di ibibigay ko sa kanya! Natigil ako sa pag-aalburuto, nang maramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Peste! Heto na naman siya! Nang-aakit na naman si Santiago! Ano bang problema ng nilalang na ito?! Someone, help me please! Hihimatayin na ako sa pang-aakit niya! Pilit ko mang labanan, hindi ko magawa. "P-Pwede bang tigilan mo ako, James! Peste ka! Palagi mo na lang akong nilalandi eh!" Reklamo ko sa kanya. Humagalpak siya ng tawa. Peste! Anong nangyari sa poging ito?! Sinapian ba ito ni joker? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Peste! Isa na lang! Kakaladkarin ko na ito sa mental! "That was epic! Iyong reaksyon mo, nakakatawa!" He was still laughing like there was no tomorrow! Nakakatawa ako! Peste itong mokong na ito! Mukha ba akong payaso? Hindi ko naman kaano-ano si Joker ah! Anong nakakatawa sa itsura ko? Sakalin ko kaya ito! Hindi talaga ako magpapakasal sa kanya, dahil may sayad siya sa utak! "Don't expect me to marry you, James! Tigilan mo na ako! Let's stop this nonsense conversation." I hissed. Tumigil siya sa pagtawa, saka inialis ang braso niya sa baywang ko. Sumeryoso siya bigla. Tingnan mo ito, daig pa ang tren sa bilis magbago ng mood. Pumamulsa siya. Saka tinitigan ulit ako. "Then, pack your things. You are going to jail, before sunset." Matipid niyang saad, saka tinalikuran ako. Napanganga lang ako sa sinabi niya. Peste! Ipapakulong niya talaga ako?! Ayokong makulong! Peste ka talaga, Santiago! Matinik ka pa sa matsing! Dali-dali ko siyang hinabol. Hinarangan ko ang daraanan niya. "Kailan ang kasal?" Tanong ko sa kanya. Saka nagpuppy-eyes. "Akala ko ba ayaw mo akong pakasalan?!" Tanong niya sa akin. Peste itong lalaking ito! Nagpapakipot pa eh! Santiago, sasakalin na kita. Kanina, akala mo maamong tupa. Nang magyaya sa akin ng kasal! Ngayon heto! Nagbeast-mode bigla! "Nagbago isip ko eh! Pumapayag na akong pakasalan ka, Santiago." Nakangiti ko pang wika. Habang sa imagination ko, ay sinasakal ko na siya hanggang sa lumabas ang dila niya! "Sino si Santiago?" Takang-tanong niya. "Ikaw! Tagalog ng James, Santiago." Pagpapaliwanag ko pa. Habang sa imagination ko, pinapakain ko na siya sa pating! "Then it's settled, I'll let you know, kapag nagsimula na tayong mag-prepare para sa kasal natin." He said while staring straight at me. Hayan na naman po iyong titig niyang nakakalusaw. Peste ka talaga! Santiago! Utang na loob, lubayan ako ng mga mata mo! "O-Okay." Matipid kong turan. "Hindi mo pagsisisihan na ako ang mapapangasawa mo, my love." Sabi niya saka lumayas na sa harap ko. Napanganga na lang ako. My love?! Ang corny naman! May ka-cornihan din pala sa katawan itong si Santiago. Nagsimula na akong maglakad. Pabalik sana sa Hotel. Pero napudpod na lang iyong sapatos ko. Hindi ko pa rin makita ang hotel. Nawawala na yata ako! Kapag talaga nagku-krus ang landas namin ni Santiago, minamalas ako. Malas talaga siya sa buhay ko eh. Wala bang nag-iikot dito na security? Peste! Nagugutom na iyong mga alaga ko sa tiyan! Nagrarally na sila sa amo nilang nawawala! Nagugutom na ako! Pagkain, gusto ko ng pagkain! Mababaliw na ako sa sobrang gutom. "My love, nawawala ka ba?" "Peste ka talaga, Santiago! Bakit ba bigla-bigla ka na lang sumusulpot?! Para kang kabute!" Napahawak ako sa dibdib ko. Napangiti lang siya sa sinabi ko. Aatakehin yata ako sa nerbiyos! Nakasakay na siya ng kotse. Batuhin ko kaya siya sapatos. Kanina pa kaya niya ako sinusundan? "My love naman, masanay ka na sa akin. At saka isa pa, mukhang nawawala ka yata." Nakangiting puna nito sa akin. "Wala ka ng pakialam doon. Umalis ka na nga! Nabi-bwisit ako sa pagmumukha mo!" Taboy ko sa kanya. Habang patuloy pa din ako sa paglalakad. Iniharang niya ang kotse sa daraanan ko. Peste! Ano na naman bang problema nito sa buhay? Bakit ba ayaw mo akong patahimikin, Santiago?! Kainin ko kaya ito ng buhay?! "Tara, sakay na tayo sa kotse. Nagugutom na ako. Gusto ko ng kumain." Yaya nito sa akin saka hinablot ang kamay ko. Hinila na din niya ako. "Teka!" Tumigil ako sa paglalakad. Takang napalingon siya sa akin. "What the hell is going on with you?!" Galit na tanong nito sa akin. "Bakit ka ba kasi nanghihila? At saka, saan mo ba ako dadalhin?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Kakain tayo, sa ayaw at sa gusto mo. O baka naman, gusto mong ikaw ang kainin ko?" Pilyo niya akong nginitian. "Ngayon ko lang nalaman na may lahi ka pa lang zombie." Natatawa kong wika. Mas lumapad ang ngiti niya. Saka inilapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko. Napalunok naman ako. Paano ba naman kasi, nang-aakit na naman siya? Peste ka talaga, Santiago! "Hindi tayo ipinanganak sa sinaunang panahon, my love. Kaya alam mo ang ibig kong sabihin." Amuse na amuse habang tinititigan ako. Tila naghihintay ng isasagot ko. Ano bang ibig niyang sabihin kasi? Hindi ko siya maintindihan! Ano bang issue ng sinabi niya sa akin? Literal ba talagang nakakain ang tao? Ano yun? Parang Cannibal, ganoon? "What do you mean? Hindi kita maintindihan!" Kunot-noo kong tanong sa kanya. Nawala ang amusement sa mga mata niya. Napalitan iyon ng paghanga. Para bang may nakita siyang napakasikat na celebrity sa hollywood. Maya-maya'y sumilay ulit ang ngiti sa mga labi niya. "I guess, you were born yesterday then. Finally, may nahanap na din akong tulad mo." Makahulugan niyang turan. "Ano ba kasi iyon? Sabihin mo na sa akin." Pangungulit ko pa. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. Saka may ibinulong siya sa akin. Napamulagat ako sa nalaman ko. Peste! Hindi pala kinakain literal ang babae. Kundi iyong p********e niya. Muntik na akong lumubog sa kahihiyan. Bakit pa kasi ako nagtanong? Oh my virgin brain! Nabahiran na ng kamunduhan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD