Chapter Four

2053 Words
Rosemarie's POV Magkaharap kami ngayon ni James dito sa isang mamahaling restaurant. Nakaupo lamang siya sa harap ko. Habang papalapit ang isang waiter. Kilala ko ang may-ari nito. Si Adinah Monteverro, isang sikat na chef sa buong bansa. At her young age, she won an international competition. "Good morning, ma'am, sir. I am Chito your server for today. Here's the menu. Please ask questions if you have a question regarding the dish." Mahabang pakilala ng waiter nang makarating siya sa table namin. Ngumiti lamang ako sa waiter. Habang si James ay gayundin. Kinuha ko na ang menu na iniabot ng waiter. Saka binuklat ito. Halos mapanganga ako sa presyo ng mga pagkain. Dahil likas na kuripot ako. Paano ba naman? Ang pinakamurang serve is worth 5,000 pesos. Oh my gulay! Ano bang kinakain dito. Ginto?! Isinara ko ang menu. Hindi ko afford. Wala akong pera ngayon. Naglayas nga ako di ba?! Kumalam ang sikmura ko. Nagkakaroon na ng malawakang giyera sa loob ng tiyan ko. Pasimple kong dinukot ang maliit kong wallet sa bulsa ko. Saka tiningnan ang laman. Anak ng tinapa! Two hundred na lang ang laman. Gutom na ako! "Santiago, can I ask a favor?" Mula sa menu ay napabaling sa akin si James. "Ano iyon? " Nakakunot noo niyang tanong sa akin. "E.. Kasi.. Ano.." Nag-aalangan akong sabihin sa kanya. Nakakahiya! Peste talaga. "Go on, tell me. What is it, my love?" Malambing niyang tanong sa akin. Hayan na naman si Santiago! Mang-aakit na naman. Gawin ko kaya itong kilawin na walang suka?! Kumalam ulit ang tiyan ko. "Pwede bang... mangutang?" Napakamot ako sa ulo ko na hindi naman makati. Natawa siya sa sinabi ko. Inilapag niya ang menu saka amuse na amuse na tinitigan ako. Baka isipin nito na suki ako ng 5-6? Hindi ba pwedeng mangutang?! Pinamulahan ako ng mukha. Nakakahiya! Kumalam na naman sikmura ko. Pambihira! Akma ko na sanang ibubuka ang bibig ko para bawiin ang sinabi ko nang magsalita siya. "Ako ng magbabayad, lalaki dapat ang nagbabayad kapag nagde-date. Hindi ang babae." Malambing niyang sabi. Napakamot naman ako sa ulo na hindi naman talaga makati. Saka ako napayuko. Nakakahiya talaga! Bakit ba kasi napakakapal ng mukha ko? Peste ka Rosemarie! Pero teka nga, ano daw? Date? So, date pala ang tawag dito? Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Don't part your lips like that, as if you were inviting me to kiss you." He said softly. Naitikom ko naman ang bibig ko. Madami pa namang tao dito. Nakakahiya. Iginala ko na lang sa ibang direksyon ang paningin ko. Lalo na ng maalala ko ang pagtatanong ko kanina sa kanya nang sabihin niya na kakainin niya ako. Bigti Rosemarie! Maghanap ka ng lubid ngayon pa lang! Lihim kong inobserbahan ang paligid. Maganda ang pagkaka-design ng shop. Halatang magaling ang interior designer. Relaxing ang paligid. Lalo pa't glass ang mga dingding. Matatanaw mo ang kulay asul na karagatan. "My love, bakit ang tahimik mo?" pukaw na tanong ni Santiago sa pag-iisip ko. Bumalik na naman ang kahihiyan ko sa katawan. Peste kasi! Bakit kasi nagtanong pa ako? Now I know that curiousity can kill! Mamatay ako sa kahihiyan! "Wa-wala lang. Trip ko lang mapanisan ng laway." I just shrugged. Pilit kong itinatago ang kahihiyan. Pinipilit kong ibaling sa iba ang paningin ko. Baka kasi maakit na naman ako sa pesteng mata ni Santiago. Mahirap na! Napansin kong kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao. Nakalimutan ko nga pala! Sikat itong kasama ko. Nagbubulong-bulungan pa ang iba. "Who's she? Girlfriend ni James?" bulong na tanong ng isang babae sa kaibigan. Useless! Naririnig ko pa rin. "Baka fling lang. Alam mo naman, loverboy ang ating fafa James." Malanding turan ng isang babae. "At saka, hindi siya magiging type ni James. Tingnan mo naman ang itsura niya. Mukhang taga-bundok! Nagpa-gluta lang yata kaya pumuti." Maarteng komento naman ng isa nilang kaibigan. Nagpanting ang tenga ko sa narinig. Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Nakakaramdam kasi ako ng awa... Hindi sa sarili ko. Kundi sa kanila. Dahil hindi ako magdadalawang-isip na sipain sila papuntang South pole. "Akala mo maganda. Mukha naman siyang pulubi." maarte pang sabi ng babaeng impaktita! Naikuyom ko ang kamao ko. Napasinghap ang lahat kasabay ng pagkalma ng nag-aalburuto kong kalooban, nang hawakan ni Santiago ang kamay ko. Heto na naman ang kabang hindi ko maintindihan. "Don't mind them, my love." pabulong nitong wika sa akin. Nahalata na siguro nito na maninipa na ako ng mga bruha. Kaya pinigilan ako nito. Pero bakit kasi, may pahawak-hawak ng kamay pa siyang nalalaman? Napaangat ang tingin ko sa kanya. He was staring at me, intently. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. He just smiled at me. Saka ibinaling sa iba ang paningin. What was that? Nabibingi na ako sa lakas ng t***k ng puso ko. "Oh my! Nag-inarte pa si girl! Swerte na nga niya! Masyado talagang ipokrita!" komento na naman ng isang babae. Nananadya ba talaga itong babaeng ito? Gusto talagang ubusin ang pasensya ko. Akala ba niya magpapatalo ako sa kanya?! Peste! Kakalbuhin ko talaga itong babaeng ito! "Can you please shut up your mouth? Ang init-init na nga ng panahon, humahalo pa ang mga hininga niyo. Lalo tuloy nagiging maalinsangan ang panahon." Parinig ko sa kanila. Natahimik silang lahat. Saka ko sila binalingan. Nasa katabing mesa kasi nmin sila. Nakakita ako ng mga clown na nakatakas sa perya. Makapanglait wagas talaga! "How dare you---" Pinutol ko ang pagsasalita niya. "Don't act like a professional, because we both know that you're not! Huwag kang mag-ingles kong konti lang ang alam mo. Kasi mapapahiya ka lang." I was just wearing a sarcastic smile on my face. "Professional ako. At ikaw naman taga-bundok!" Nangangalaiting wika nito. "Seriously? Iyong professional, hindi nang-eeskandalo. They know how to shut their mouth. And from the looks of it, you are not one of them." Napipilan siya sa sinabi ko. Hindi maipinta ang mukha niya. Napatayo siya saka matalim akong tiningnan. Para bang kung patalim lang iyong mata niya, kanina pa ako nakabulagta dito. Sinalubong ko ang tingin niya. Saka ako tumayo. Itinaas ko pa iyong isa kong kilay. Nilapitan niya ako. She was so furious. Patuloy ko lang din siyang tingnan. As if I care! Magalit kang peste ka! Kasalanan mo! Gaga ka kasi! Nagkamali ka ng binangga! Akma na sana niya akong sasampalin nang may pumigil sa kamay niya. Awtomatikong napalingon kami sa pumigil sa kanya. Walang iba kundi si James! Madilim ang mukha niya, habang nakatingin sa babaeng mananakit sana sa akin. Nakakatakot ang itsura niya. "Stop it, woman! Wala kang karapatang saktan ang fiancee ko! Not on my watch!" Maigting niyang wika sa babaeng kaharap ko. Napasinghap ang lahat sa sinabi niya. Did he just said that I am his fiancee? Tila naman, hindi nakapagsalita ang babaeng kaharap ko. Her mouth just fell. Para bang hindi makapaniwala sa narinig. Binitiwan siya ni James. Saka ako inakbayan. "B-But, she's poor! Hindi ka nababagay sa kanya!" Atungal pa nito. "Sinong nagsabi sa iyo na mahirap siya? She is the daughter of Don Roberto Ferrer. Owner of the biggest malls nationwide." Proud pang turan ni James. "You're lying! Look at her! Hindi siya mukhang mayaman." Nanglalait pa talaga ang babaeng ito. "Iyan ang nagustuhan ko sa kanya. Hindi niya pinagmamayabang ang estado niya buhay." Nakangiti nitong wika saka ako binalingan. "Hindi pa rin ako kumbinsido. She don't deserve you!" Reklamo pa nito.  Kapal naman! Akala mo kung sinong maganda. Mukha namang clown na nakatakas sa perya! Peste! Makakapatay talaga ako ng babae! Pinaharap ako ni James sa kanya. Saka ako kinindatan. Parang may plano siyang hindi maganda. Nasalubong ko ang kulay tsokolate niyang mga mata. Para na naman akong nahipnotismo sa ginawa niya. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Saka naunang pumikit. Napapikit na lang din ako nang isang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Hanggang sa mailapat niya ang mga labi niya sa akin. Dahan-dahan niya itong inaangkin. Para bang ingat na ingat siya. Tila tinutukso niya ako na tumugon sa halik niya. He wrapped his arms around my waist. Saka ako inilapit ng husto sa kanya. I automatically put my arms around his neck. I open my mouth to let him in. The kiss deepen. We both panting our breath when the kiss ended. "I think we can continue kissing in a private place. Baka doon may magawa pa tayo na mas maganda." Habol ang hininga nitong bulong. Saka ngumiti ng pilyo. "Bastos! Tigilan mo ako sa kamanyakan mo, Santiago!" Natatawa kong bulong. Pinagdikit niya ang mga noo namin. He was too close. I could smell his fresh breath. Gosh! He's so handsome! Peste! Hustisya nauso ka pa ba? Kinintalan niya ako ng halik sa labi. Ninakawan na naman ako ng mokong na ito! Namimihasa talaga! May narinig akong tumikhim. Saka lang ako natauhan. Marami nga palang tao dito. Peste! Nakalimutan ko. Nakakahiya tuloy! Unti-unti akong bumitiw kay Santiago. Ganoon din naman siya. Saka siya humarap sa babaeng impaktita. Nakayuko lamang ako. Nag-iinit kasi iyong pisngi ko. Peste! Beinte-sais anyos na ako. Nagba-blush pa rin. Normal ba iyon? "Narito na po ang order niyo, ma'am, sir." Magalang na wika ng waiter. Nakangiti lang siyang tumango. Saka ako tiningnan. Binalingan ko ang babaeng impaktita. Nasa tabing mesa namin. Hindi maipinta ang mukha niya. Saka matalim lamang na nakatingin sa akin. Kibit-balikat ko lang siyang tingnan. Pagkatapos noon, tinalikuran na lang ako bigla. Wow ha! Superstar lang ang nagwo walk out. Hindi bagay sa kanya! Pinaupo na ako ni James sa upuan ko. Saka kami tahimik na kumain. Nilantakan ko kaagad ang pagkain sa harap ko. Masasarap ba naman e! Naramdaman ko na lang na parang may nakatingin sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin. Si Santiago lang pala. "Anong tinitingin-tingin mo? Kumain ka na, my love. Lalamig pagkain mo." Sita ko sa kanya. Para kasing timang na nakatingin lang sa akin. "You know what? Akala ko lahat ng mayayaman na babae, maarte. Kaya nga halos isuka ko na sila dahil sa kaartehan nila. Pero ang laki ng kaibahan mo sa kanila." Napakunot ang noo niya then he looked at me intently. "Pwes! Ibahin mo ako sa kanila. Hello! hindi lahat ng tao sa mundo pare-pareho. Sadyang hindi lang talaga ako lumaking maluho. I really value the blessings. And I don't want to waste it to some unusual things. I don't have to adorn myself dahil maganda pa rin naman ako kahit wala iyon. Magsasayang lang ako ng pera." Mahaba niyang paliwanag. "You really never failed to amaze me, my love." Masuyo niyang wika sa akin. "Tigilan mo ako Santiago! Kumain ka na lang diyan. Alam ko na iyang mga da-moves na iyan. Kaya wa-epek sa akin yan." Peste kasi, kinikilig na naman ako. Hindi na ako magtataka kung bakit marami siyang fan sa bansa. Ang galing ba naman mambola eh! Tiyak na naglalaway ang babae ngayon. Pasimple kong nilingon ang paligid. Hindi nga ako nagkamali. Hayun halos bumaha na ang restaurant sa sobrang dami ng laway na tumutulo. Nagniningning ang mga mata nila at halos nakanganga pa. Binalingan ko ulit si James. He was now eating quietly. Ang sarap niyang tingnan. Nakakaakit ang bawat pagsubo niya. Pati na iyong galaw ng mga labi niya, nakatikom ito habang ngumunguya siya. Ang pula niyon. Para siyang gumagamit ng lip tint araw-araw. Kaya nga hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na gumanti sa halik niya. He was one hell of a kisser! Napaka-professional, wala kang masabi. Napakasarap namnamin ng mga labi niya. "My love, mamaya mo na ako gahasain sa imagination mo. Let's eat first." Pilyo siyang ngumiti sa akin. Pinamulahan ako ng mukha. Ano ka ba naman Rosemarie?! Naglalaway ka rin sa kanya e! Anong ipinagkaiba mo sa mga babaeng naglalaway sa kanya, aber! Napayuko ako. Nakakahiya! Nilantakan ko na lang ulit ang pagkain. Nasamid ako. Kaya naman napaubo ako. Tumalsik iyong ilang butil ng kanin sa pagkain niya. Wala sa sariling napatayo ako saka nilapitan ko siya. "Sorry Santiago ah! Hindi ko sinasadya." Paumanhin ko sa kanya. Nagbulung-bulungan ang mga tao sa paligid. s**t! Lupa lamunin mo na ako ngayon din. Halo-halo ang nararamdaman ko. May pagkapahiya, pagkainis sa sarili ko at takot kay Santiago. Baka kasi magwala ito dahil nakakadiri iyong nangyari. "Nakakadiri naman! Para namang walang manners. Bugahan ba naman ng kanin iyong pagkain ni James. Yuck! So gross!" Maarteng sabi ng isang babae. Walang sabi-sabing lumayas ako sa lugar na iyon. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang garden. Umupo ako sa isang bench. Naalala ko si Daddy. Kumusta na kaya siya? Totoo kayang ipinapahanap niya ako? Miss na miss ko na siya. Dito muna ako, ayaw ko muna makita si Santiago. Nahihiya ako sa kanya. Karapat-dapat ba talaga akong maging asawa niya? Para kasing ipinapamukha ng tadhana na hindi kami bagay. Na sadyang magkaiba lang talaga kami. "Bakit ba ang hilig mong tumakbo palayo sa akin, Rosemarie?" Seryoso ang boses ni James. Sinundan pala niya ako. Napayuko ako. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya. Siguro nga palagi ko na lang siyang tinatakbuhan. Hindi kasi kami bagay sa isa't-isa. Masyado akong clumsy at siya naman napaka-seryoso. Hindi mo alam kung kailan siya mabait at kung kailan beast mode. I must admit hindi ko pa nga talaga siya kilala. Nakakatawa lang isipin na magpapakasal ako sa taong hindi ko masyadong kilala. Pero hindi pa naman huli para umatras ako sa kasunduan. "Pwede bang umatras sa kasunduan? Kasi hindi yata tayo bagay----" Naputol ako sa pagsasalita nang tumambad sa akin iyong paa niya. "Why are you always saying that? Bakit ba palagi mo na lang akong tinatanggihan?" Malamig niyang sabi sa akin. Napatingala ako sa kanya. He was staring at me coldly. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya ngayon. As I was staring at him I was drown by him. And I know I will going to fall for him hard if I don't cut this nonsense deal. At iyon ang ayaw kong mangyari. Hindi ko pa siya kilala at hindi pa ako handang magmahal. Seriously Rosemarie! Twenty-six ka na! Hindi ka pa rin handa! Sita ng kabilang bahagi ng isip ko. "K-Kasi ang kasalan para lang sa mga taong nagmamahalan." Tipid kong sabi sa kanya habang sinasalubong ko ang nagbabaga niyang mga mata. "You're wrong, my love. When you accepted my proposal. You were already mine." Maigting niyang sabi sa akin saka niya ako iniwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD