Chapter Five

2436 Words
Rosemarie's POV Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan siyang papalayo. What did he just say? I am already his! Ano ako? Bagay na pwedeng maging kanya? Tapos bakit ba nagwalk-out siya?! Ano iyon? Pagkatapos niyang sabihin na kanya na ako. Bigla na lang niya akong lalayasan! Anong kadramahan iyon?! Peste ka talaga, Santiago! Nawala ang pag-aalburuto ng utak ko nang mag-ring ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ko. Si Janelle Cassidy ang tumatawag. "Chubz, nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap! Wala ka naman sa kwarto mo. Nasaan ka ba? Nag-aalala ako sa iyo?" Litanya niya aa kabilang linya. "Pasensya ka na chubz, nawawala ako. Hindi ko alam kung saan ako dadaan. Pwede bang puntahan mo na lang ako dito?" Pagdadahilan ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya sa kabilang linya. Siguradong sasambunutan ako nito kapag nakita niya ako. Pero katotohanan din naman iyong sinabi ko. Talaga namang nawawala ako kanina pa. Tapos iniwanan pa ako ni Santiago. Saan ako pupunta ngayon? Nilinga ko ang paligid. Napakaganda pala ng garden na ito. May iba't-ibang bulaklak. At kung hindi ako nagkakamali, may maze kaliwang bahagi niyon. I feel thrilled ang sarap sigurong mag-adventure sa maze na iyon. Ang problema nga lang wala akong sense of direction. Baka mas lalong mawala lang ako. "Nasaan ka ba kasi bruha? Pupuntahan kita ngayon din. Aba't akala ko nagbigti ka na!" Naiinis na litanya ni Janelle sa kabilang linya. "Grabe ka naman! Bigti agad. Alam mo gusto ko ng i-consider iyang bigti na iyan e! Para wala na akong problema." Biro ko sa kanya. "Syete ka Rosemarie! Sagutin mo tanong ko, nasaan ka?" Tanong niya ulit sa akin na may halong pagka-irita. "Fine, nasa garden ako. Puntahan mo ako dito, ngayon na. Palagi kong nasasalubong si Santiago e!" Irita kong saad dahil kasalukuyan akong naglalakad ngayon at nasa harap ko na naman siya. "Sino naman si Santiago? Boyfriend mo?" Tanong naman ni Janelle sa kabilang linya. "Pwede ba mamaya ka na magtanong? Kunin mo na lang ako dito." Papalapit na naman si Santiago. "Rosemarie, siguro naman alam mo kung saan ka dumaan kanina. Kaya mo na iyan. Darating si Zach mamaya, kaya kailangan kong mag-prepare. Kailangan kong magpapirma sa kanya. Para naman wala ng problema sa opening ko bukas." Napanganga ako sa sinabi niya. "Peste ka! Uunahin mo pa iyang kababata mong nambasted sa iyo. Kaysa sa akin na bestfriend mo? Anong klase kang kaibigan?" Pagdadrama ko baka sakaling umepekto. "Tigilan mo ako ha! Malaki ka na kaya mo na sarili mo. Hindi mo ako nanay no! Paano ba iyan? May aayusin muna ako sa shop ko. Bye!" Saka niya ini-off ang tawag. Seriously?! Ano nang gagawin ko? Mataman siyang nakatingin sa akin. Nagbabaga pa rin ang mga mata niya. Pero bakit ganoon? Ang gwapo pa rin niya. He was walking towards me. I wanted to run but I can't. When he was few inches away I saw a girl who were following him. She was wearing a very sexy above the knee dress. Her hair is as black as ebony. And she had a gorgeous face that every man desire. She have this perfect curve. And her skin is fair. She's not that tall but she was taller than me. If we were to be compared right now. I will just look like her maid or assistant. Napakaganda niya. Pero bakit ganoon? Bakit hinahabol niya si Santiago? "Babe! Let's talk. Please let me have a second chance. Please come back to me, babe. I love you so much. I can't live without you." She was pleading. Napamulagat ako sa sinabi ng babae. She's James' ex-girlfriend. I saw it in her eyes. She loves him very much. Napakawalang-puso naman nito ni Santiago. Kawawa naman iyong babae. "Stop doing this, Tracey. Ikaw ang sumira sa relasyon natin. Ikaw ang dahilan ng lahat. I am getting married. So please stop following me like a dog. There is nothing you can do." Maigting na wika ni Santiago. Seryoso ba si James? Napakagandang-babae ayaw pa niya? Bulag yata siya. The lady was now kneeling in front of him. She is still crying. Naaawa ako sa kanya. I immediately go to them. Bakit pa ako papayag na magpakasal sa kanya kung may masasaktan akong ibang tao? "Stop this James! Ano ka ba naman? Hindi siya robot. May damdamin siya." Panenermon ko kay James nang makalapit ako sa kanila. "Stop interfering in others business, Rosemarie! You should mind your own business!" I can feel the madness in his voice. Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Oo, tinanggihan ko siya pero huwag naman sanang ganito. Ipinapahiya niya ako sa ex niya. Pati na din sa mga tao sa paligid. "You know why I didn't accept you? Because I barely know you. Now that I've seen your true character. I am glad I made the right decision before I even fall in love with you, hard." Nangingilid na ang mga luha ko. Tinalikuran ko siya bago pa niya makita ang mga luha ko. Nang makatalikod na ako doon lang pumatak ang luha ko. I slowly walked away. Pero bago pa man ako makalayo. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin mula sa likod. I even know who it is. His scent was always captivating. He was hugging me tightly from behind. "Let me go." Matabang kong wika. "Not again, my love. Didn't I told you that you were already mine? Iniwan kita sa garden dahil binayaran ko bill natin sa restaurant. But I will going to be back. Then that b***h saw me and keeps on following me." He said seriously. "She just loves you, James. There is nothing wrong with that." Ano bang masama sa taong nagmamahal? Wow! Did I just say that? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw niyang balikan iyong ex niya. At kung bakit sa akin siya nagyaya ng kasal? Hindi ko talaga kayang basahin ang takbo ng utak niya. Hari na yata ito ng mga taong bipolar eh! "I give you time to think about my proposal. Just don't run away from me again." He said softly. Mas lalo akong napanganga. May sayad nga talaga siya sa utak! ------------------ Kakapasok ko lang ngayon sa tinutuluyan kong unit. Pagkatapos kasi ng kadramahan namin kanina ni Santiago. Inihatid niya ako dito sa hotel. Sinabi pa niyang tawagan ko siya kapag may kailangan ako tawagan ko lang siya. Naabutan ko sina Carlisle at Janelle dito. Mukhang kanina pa nila ako hinihintay. Si Janelle magandang-maganda sa suot niyang dress. Si Carlisle naman mukhang biyernes santo ang mukha. Mukha pa ngang napasugod sa away dahil putok ang gilid ng ibabang labi nito. "Where the hell have you been, Rosemarie Ferrer?! Kanina pa ako kinukulit ni ate na hanapin ka." Yamot na wika ni Junelle Carlisle, pero mas madalas kong tawagin na Junelle. "Nag-alala kasi ako sa iyo. Kanina pa kasi kita tinatawagan hindi mo ako sinasagot. Nasaan ka ba kasing bruha ka?" Nakasimangot naman na sabi ni Janelle. "Nasa piling ni Santiago." Tipid kong sagot sa kanilang dalawa. Pareho silang napanganga. Marahil ay nagtataka si Junelle kung sino si Santiago. Napakamot sa ulo si Junelle. Mukhang nayamot sa sinabi ko. Samantalang si Janelle. Abot hanggang tainga ang ngiti. Mukhang nagiging wild na naman ang imahinasyon nito. Napaka-luntian pa naman ng utak nito kahit kailan. "Sino naman si Santiago?" tanong ni Junelle. "Fiancee ko." Tipid kong sabi. Nahulog sa kinauupuan niya si Junelle. Samantalang si Janelle tila kinilig. Maya-maya'y natawa si Janelle sa reaksyon ng kapatid. Naiintindihan ko naman si Junelle kung bakit ganyan reaksyon niya. Dahil sa tinagal-tagal ng pagkakaibigan namin. Hindi ako nagka-boyfriend kailanman. Halos nga hindi ako kibuan ng mga lalaki sa school. Dahil sa tuwing may nagtatangkang manligaw sa akin nakakatikim ng mala Bruce Lee kong sipa. Natigil ako sa pag-iisip ko ng kung anu-ano nang humagalpak ng tawa si Junelle. "Seriously, Rosemarie? Wala ka ngang boyfriend, fiancee pa kaya?! Huwag mo nga akong patawanin." He was laughing like hell. "Tumatawa ka na nga di ba?" Pilosopo kong sabi sa kanya. "Chubz, gusto kong makilala iyang Santiago na iyan. Mukhang masyado iyang gwapo para malaglag ang mailap mong puso." Sabat naman ni Janelle habang nagniningning ang kanyang mga mata. Tingnan mo itong isang ito. Parang hindi sawi sa pag-ibig. Natigil sa pagtawa si Junelle nang mapansin niyang seryoso ang mukha ko. Gets na niya na hindi nga ako nagbibiro. Pero hindi ko pa naman tinatanggap iyong alok niya. Dapat bang ipagsabi ko na fiancee ko siya. "I want to meet this guy, and I'm gonna warn him that he'll gonna regret marrying you." Tatawa na sana si Junelle nang batukan ko siya. "Ikaw masyado ka! Ang bait-bait ko kaya. Nagsisisi nga ako na nakilala ko iyong mokong na iyon. Para bang sinasadya ng pagkakataon na pagtagpuin kami kahit saan ako magpunta." Nagmamaktol kong sabi. "Poor guy. Hindi niya alam kung sino ang magiging asawa niya." Napailing-iling na sabi ni Janelle. "Alam niyo kayong dalawa! Magsilayas nga kayo. Pinagtutulungan niyo ako. Huwag kayong mag-alala bukas na bukas makikilala niyo iyong sinasabi niyong nakakaawang lalaki! At saka lilinawin ko lang. Hindi namin mahal ang isa't-isa. Masyado lang talaga kayong praning! Sa tingin niyo ba magmamahal ako?! Pwes! Itaga niyo sa bato ng Biak na Bato. Hinding-hindi ko siya mamahalin ang mokong na iyon! Mamatay man si Superman!" Inis na inis kong sabi sa kanila. "Chubz, patay na si Superman." Natatawang sabi ni Janelle. "E di sa Batman na lang!" Irita kong bulyaw sa kanya. Tinitigan akong maigi ni Junelle saka sinalat ang ulo ko. Para bang sinusuri ako kung may sakit ba ako o wala. Iwinaksi ko ang kamay niya. Mukha ba talaga akong may sakit sa sinasabi ko ngayon?! Peste talaga itong dalawa na ito. "Alam mo, parang gusto ko tuloy makilala iyang Santiago na iyan." Curious na saad ni Junelle. "Kilala mo siya. Kaibigan mo iyong mokong na iyon." Naiimbyerna kong sabi. Ang kulit kasi ng dalawang ito. No wonder, magkapatid talaga sila. "Teka chubz, may kinalaman ba iyang Santiago na iyan kaya ayaw na ayaw mong pumunta dito?" Nanunuring tanong ni Janelle sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Saka dali-daling nagpunta sa refrigerator para uminom ng tubig. Nininerbiyos ako sa mga tanong nila. Daig ko pa iyong kriminal na ini-interogate sa interogation room. "Pero hindi nga, ilang buwan na ba mula nang kinulit kitang sumama dito? Siguro umabot na ng isang taon. At ngayon lang kita napapayag." Sabi ni Janelle na hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala. Muntik ko tuloy siyang mabugahan ng tubig nang humarap ako sa kanya, dahil sa sobrang gulat. "Tigilan mo ako chubz! Umalis nga kayo sa harapan ko. Pinapainit niyo bumbunan ko!" Naiinis kong saad. "Ano ba kasing atraso niya sa iyo, Rosemarie?" Tanong naman ni Junelle. Nakalapit na din pala ito sa amin. "Don't tell me he was your first?" Napamulagat si Janelle sa sariling tanong niya. Napairap na lang ako. Saka ako bumuntong-hininga. Kahit kailan ang kulit talaga ng dalawang ito. Nasapo ko na lang ulo ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanilang dalawa. "Yes, he was my first." Sumusukong sagot ko sa tanong ni Janelle. "Shete ka, chubz! Hindi ka na virgin. Bakit mo binigay?" Naghihisterya namang tanong ni Janelle. "Ninakaw niya e! Ano bang magagawa ko? Isa pa, ang gwapo niya. Hindi siya kayang sanggain ng panangga ko. He is irresistible! When he stood in front of me that day. He was so handsome. Hayun nangyari sa harap ng waiting shed na sira--" Natigil ako sa pagsasalita nang mahulog ang dalawa sa kinauupuan nila. "Chubz! Baka nasa mga porn site ka na! Scandal iyong ginawa niyo e! Bakit sa waiting shed niyo ginawa?" Mas lalong nag-panic si Janelle sa tanong niya. "Porn site? Scandal? Ano bang pinagsasabi mo, chubz? Hindi kita maintindihan." Mas lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi ko kasi siya maintindihan. Paanong napunta sa porn site at scandal ang usapan, e iyong first kiss ko na ninakaw ni Santiago ang pinag-uusapan namin? Si Junelle naman, umiiwas ng tingin habang pinipigilan ang ngiti. "Hindi ba sabi mo nag-s*x kayo sa waiting shed ng Santiago na iyan? Malaking eskandalo iyon." Panenermon pa ni Janelle. Napamulagat ako sa sinabi niya. Anong nag-s*x? First kiss iyon, hindi s*x. Binatukan ko si Janelle. Kahit kailan talaga luntian ang utak ng isang ito e! Iba na pala ang tumatakbo sa isip niya. "Aray ko naman, bakit ka ba nambabatok? Dapat nga ikaw binabatukan ko dahil napakatanga mong gumawa ng milagro." Nagrereklamo nitong sabi. "Ano ka ba naman? Hindi iyon s*x! First kiss ko iyong ninakaw niya. Hindi iyong ibaba ko. Peste ka Janelle! Bakit napaka-luntian niyang utak mo?!" Naiirita kong sambit. Humagalpak naman ng tawa si Junelle. Mukhang natawa siya kabobahan ng kapatid niya. He was laughing like hell. Nasapo naman si Janelle sa ulo niyang binatukan ko. Mukhang napalakas yata ang batok ko sa kanya. She deserves it! Ang dumi kasi ng utak. Hay! "Okay! That was one hell of an imagination. Nakakatawa ka ate!" He was still laughing at her sister. Walang sabi-sabing binatukan siya ni Janelle. Napatigil siya sa pagtawa. "Aray ko naman, Ate JC. Ang sakit naman!" Reklamo naman ni Junelle. "You deserve it, brother!" Naiirita namang sabi ni Janelle. Napailing-iling na lang ako sa kanila. Napabaling ako sa bintana. Makulimlim na ang paligid. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito. Napabaling ako sa dalawa na nagbabangayan pa rin. "Kidding aside, sino si Santiago?" Seryosong tanong naman ni Junelle. "James Lee." Matipid kong sagot sa kanila. Napanganga silang dalawa iyong nganga na halos mapasukan na ng langaw iyong mga bunganga nila. Nakakagulat ba iyon? Sino ba naman kasi ako, kumpara kay Santiago? "Si Brod James?" Paninigurong tanong ni Junelle sa akin. "Oo, wala ng iba." "Chubz, mag-iingat ka sa kanya ha! Kilala ko iyong ex-girlfriend niyan. Saksakan ng maldita ang ugali. Maganda nga masama naman ang ugali." Paalala pa ni Janelle sa akin na ikinakunot ng noo ko. "Mabait naman si Tracey, hinahabol niya nga si Santiago. Ito namang si Santiago ayaw na makipagbalikan." Katwiran ko sa kanya. "Looks and gesture can be deceiving, Rosemarie. You must be careful. We include her in the black list of this resort. She's dangerous. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok. Siguro ay may espiya siya sa loob ng resort. You can't trust her, Rosemarie." Babala naman ni Junelle sa akin. "Tama siya, Rosemarie. Mag-iingat ka sa kanya." Dagdag naman ni Janelle. Napatango na lang ako. Sino si Tracey? Bakit parang feeling ko masyado yata siyang maganda para maging delikado? Kahit sino nanaisin na maging kaibigan siya. Bakit kung magbabala silang dalawa, napakadelikado ni Tracey? ----------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD