Chapter Six

2453 Words
(James' POV) I am currently busy signing the contracts when my door just slammed. Nababanas na iniangat ko ang ulo ko kung sino ang tarantadong bumukas ng pinto. I wanted to punch this intruder for disturbing me. Pero nagbago ang isip ko nang makita ko si Rosemarie. Galit na galit ang kanyang mukha at mukhang habol pa niya ang kanyang hininga. Mukha itong kagagaling sa isang marathon. Dahil sa pawis na tumutulo sa kanyang noo maging sa kanyang sentido. Hindi siya agad nagsalita kaya malaya kong pinagmasdan ang mukha niya. She was oozing with s*x appeal and I cannot deny the fact that those sweat make her more hot than usual. Her lips were partly parting and I wanted to kiss her now! f**k! What is wrong with me? "Done checking me? What brings you here, my love?" Basag ko sa katahimikan niya. "Ah k-kasi... Bakit ang gwapo mo?" Wala sa sarili niyang tanong. "Thank you, my love." Hindi ko mapigilan ang pagtakas ng ngiti sa mga labi ko. Bakit parang nawala lahat ng pagod ko sa trabaho? May gayuma ba ang babaeng ito? Simpleng pamumuri lang niya sa akin, tinatablan ako. s**t! She's killing me! Namula siya saka nag-iwas ng tingin. Mukhang napagtanto nito ang sinabi. She's damn adorable when she is blushing! Natural na kasi ang mala-rosas niyang mga pisngi. Hindi ako nagpakita sa kanya ng isang buwan dahil dami ng nakatambak na papeles dito sa opisina. "So what brings you here, my love?" Ulit ko sa panghuling tanong ko kanina. Lumikot ang mata niya saka unti-unting lumapit sa table ko. Padabog na inilapag niya ang isang papel. Isa iyong pahina ng kontrata na ibinigay ko sa kanya. Pinadalhan ko siya ng pre-nuptial agreement noong isang linggo. "What is the meaning of this, Santiago?" She looks angry. Binasa ko ang mga agreement sa marriage namin. Saka ikinakunot ng noo ko ang agreement number three. What the f**k is this?! Noon kasing pinirmahan ko iyon hindi ko na binasa dahil may tiwala naman ako sa kaibigan kong si Nigel Timothy. Isa rin siyang business man katulad ko pero nagtapos siya sa kursong abogasya. Siya ang lawyer naming lahat na magbabarkada. Isa din siya sa may-ari ng DGR. Pre-Nuptial Agreement: Agreement #1: They will have to perform their responsibility as a married couple. Agreement #2: Do not commit to another person. When one of them break this agreement they will have to pay 2 million dollars. . Agreement #3: They should have a heir. They should love each other until they die. Agreement #4: They should get married at the end of the month. Agreement #5: The husband should give 100 million dollars to his wife as a gift to their marriage. This Pre-Nuptial agreement will be officially legal if the two person involve will going sign this agreement. They will have to fulfill their duties stated above. Signed by: Rosemarie Ferrer James Olivarez Prepared by: Atty. Nigel Timothy Montecillo Fuck! What the hell did he do?! Binalingan ko si Rosemarie sa harap ko. Matalim niya akong tiningnan. Nasa mata niya ang galit. Fuck you, Brod Nigel! I will deal with you later!  "I have nothing to do with this!" Paglilinaw ko sa kanya. Pumamewang siya saka sarkastikong natawa. Para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. Then I saw the coldness on her face. "Stop lying! Anong akala mo sa akin, tanga?! Nakapirma ka sa baba ng papeles. Ano iyon pinirmahan mo lang, hindi mo binasa?" Nanunuya niyang tanong sa akin. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo. Agad ko siyang nilapitan. Sinalubong ko ang galit niyang mga mata. I stared at her emotionless. "Didn't I tell you, that you were already mine, my love? As my wife, you have to give me a child." I stared at her coldly. "Don't expect that I will going to walk in that damn aisle, James! I will not going to marry you." Maigting nitong saad saka tinalikuran ako. Nang makalabas siya ng pinto. I sighed then get my phone inside my pocket. I need to call that bastard for ruining my agreement. Agad kong tinawagan ang gago kong kaibigan. Ilang ring bago may sumagot. "You son of a b***h! What is f*****g wrong with you man? You just ruin everything!" Pambungad kong tanong sa kanya. But I was surprise when a familiar voice answered the phone. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Zachira Jade. Younger sister of Zachary Jace. What the f**k?! "James, ikaw ba iyan? Pasensya ka na pero hindi niya masasagot ang tawag mo. Masyadong lasing ang kaibigan mo! Kung wala akong konsensya baka ipanasagasa ko na ito sa tren! Sadyang napakagago kasi!" Litanya ni Jade sa kabilang linya. "Really? Sorry for shouting at you, Jade. I thought you were him." Panghihingi ko ng tawad kay Jade. "Okay lang. Naiintindihan kita. May ginawa siguro sa iyo ang gago na ito, no?" Tanong pa niya sa akin. "Yes, and I will going to punch him straight at the face when I see him." Maigting kong sabi saka ibinaba ang linya. I immediately followed Rosemarie. But she's nowhere to be found. f**k! Saan na naman kaya nagpunta ang babaeng iyon? Did she run away from me again? s**t!   ________________________   Rosemarie's POV Hinihingal kong isinara ang pinto ng condo ni Janelle. Pagkaalis ko kasi sa opisina niya ay agad akong nagtungo dito. Nakapasok naman ako agad dahil matagal na akong nanghihiram ng condo na ito. Alam ko na ang passcode. Agad akong nagtungo sa kusina. Kinuha agad ako ng tubig sa ref. Nang matapos kong isalin sa baso ay agad ko iyong ininom. Agad na gumuhit ang malamig na tubig sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba si Santiago o hindi. Bakit ba naman kasi kailangan pa naming magkaanak? Nababaliw na yata iyong gumawa ng agreement na iyon! Gagawin ko talaga siyang pulutan ng mga pating. Napasandal ako sa ref. Para akong nanghina sa sagutan namin ni Santiago. Bakit ba kasi sinabi pa niya na gusto niyang magkaanak sa akin? Nasisiraan na yata siya ng utak! I can't imagine myself living with the same roof with him. He'll go to work and I will be just a plain housewife taking care of his kids. No! For me, it will be a disaster waiting to happen. Pero hindi naman pwedeng tumakbo ako sa usapan. He has money and connections. Kahit pa saan siguro ako magtago sa mundong ibabaw, mahahanap at mahahanap din ako ng mokong na iyon. Ayokong makulong at tumanda sa kulungan. Bakit ba kasi napasok ako sa ganitong sitwasyon? Kung sana hindi ko na lang siyang tinangkang sagasaan, maayos sana buhay ko ngayon! Ano na Rosemarie?! Masaya ka na ba sa kagagahan mo?! Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Natuyo ang lalamunan ko nang makita kung sino ang caller. Walang iba kundi si Santiago! Sinagot ko nalang ang tawag. "Where are you?" Bungad na tanong niya sa akin. "Nagpapahangin, bakit?" Mataray kong balik-tanong sa kanya. Hindi siya nakapagsalita kaagad. Bagkus ay may narinig akong buntong-hininga sa kabilang linya. Marahil ay si Santiago iyon. Sumasakit din siguro ulo niya sa kontrata. "Can we talk? Gusto kong magpaliwanag. This is just a misunderstanding. Ayusin natin ito para maihanda na natin pareho ang kasal natin." Malumanay ang boses niya sa kabilang linya. Ako naman ang bumuntong-hininga. Hindi dahil sa namomroblema ako. Kundi dahil sa puso kong nag-ala ninja sa pagtalon. Bakit ba kasi ang sarap pakinggan ng boses niya? Para tuloy akong nagmarathon. "Saan tayo magkikita?" Tanong ko na lang sa kanya. Sinabi naman niya kung saan kami magkikita. Kaya naman nang mapag-usapan na namin ang oras. Agad kong ibinaba ang tawag. Kailangan naming mag-usap. Ayokong mawala ang pinaka-iingat ingatan kong perlas ng silanganan. Hindi ko iyon isusuko, kanino man. Wala akong pakialam kung magiging asawa ko man siya. Basta hanggang sa papel lang ang kasal namin.     ______________     Magkaharap kami ni James sa isang mamahaling restaurant. Bakit ba ang hilig ng lalaking ito sa mga ganitong lugar? Bukod sa mabo-bored ako dito. Mukhang hindi pa angkop ang suot kong pulang crop top at puting shorts na may kaiklian. Baka naman sinadya niya ito para mapahiya ako? Aba! Nananadya ba talaga ang lalaking ito? Akala ko kasi doon sa boardwalk ng Manila Bay kami mag-uusap. Doon kasi kami nagkasundong magkikita. Ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga babaeng akala mo kung sino. Hindi ko na lang sila pinansin baka mag beast mode na naman si Santiago. Mahirap na. Halikan na naman ako sa harap nila. s**t! Naalala ko pa tuloy! "My love, ano ba iyang suot mo?" Halata ang disgusto sa tanong niya. "Pakialam mo ba! Trip kong magsuot ng ganito. Hindi mo naman ako sinabihan na dito pala tayo kakain kaya hindi ko na pinaghandaan." Nakanguso kong sagot sa tanong niyang walang kwenta. Nagawa pang laitin ang suot ko. Sexy kaya ako tingnan. Confident ako doon. Kaya nga siguro panay ang sulyap ng mga babaeng iyon dahil mas maganda ako sa kanila. He just smirked. Pero iba ang pinapahiwatig niyon. Para bang galit na galit siya sa suot ko. Napansin kong panay ang tingin niya sa suot ko. Medyo litaw din kasi ang cleavage ko. Saka malamang mga hita ko ay kita din dahil maikli ang shorts ko. "s**t! Ano ba kasing klaseng damit iyan?" Nag-igting ang kanyang mga panga. "Hoy! Uso ito ngayon, Santiago. Artista ka pa naman hindi mo alam ang trending! Ano ba kasing problema mo sa suot ko?" Hindi ko alam kung bakit napaka big deal ng suot ko. Ano ba kasing problema niya sa damit ko? Pambihira naman oh! May sayad talaga siya sa ulo. Kumuyom ang kamao niya saka masama ang tingin na ipinukol niya sa katabi naming mesa. Nalingunan ko ang apat na lalaki doon. They were all looking at me. Para bang nakakita sila ng isang diyosa. Base sa kinang ng mga mata nila. Well, maganda ako, ano bang problema ng Santiago na ito? Siya lang yata ang bukod tanging lalaki na galit sa suot ko. "f**k! Here, isuot mo." Aniya sabay abot sa akin ng coat niya. "Ayaw ko nga. Magmumukha akong rapper na hilaw kapag isinuot ko iyan." Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo. He immediately grabs my wrist. Saka hinila na ako. Sa sobrang gulat ko. Hindi ako agad nakapagreklamo. Hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng restaurant. "Get in." Maigting niyang utos sa akin. Doon lang ako natauhan. Nasa harap na pala kami ng sasakyan niya. Ano bang problema ng gagong ito? May sayad yata ito e! "Akala ko ba mag-uusap tayo. Saan mo na naman ako dadalhin?" Nagtataka kong tanong sa kanya. "Pwede ba huwag ka ng magtanong? Sumakay ka na lang." Nababanas niyang sagot sa tanong ko. Hindi ako kumilos nang buksan niya ang sasakyan. Nakipagtagisan ako sa kanya ng tingin. Alam kong galit siya base sa nagbabaga niyang mga mata. Nakakapaso ang titig niya. Isinandal niya ako sa sasakyan niya. Saka inilapit niya ang mukha niya sa akin. "Don't make me do this in public, my love. You might not want to be viral tomorrow. I will never hesitate to make love to you, right now. In front of these people." He said in a husky voice that sent down shivers to my spine. Seryoso ba siya? Sinubukan kong basahin ang isipan niya. Napasinghap ako nang mapagtanto kong hindi siya nagbibiro! Gagahasain ko talaga siya-- ay este ako gagahasain niya dito?! Marahan ko siyang itinulak. Saka walang sabi-sabing pumasok sa sasakyan niya. Nang lingunin ko siya. Nakita kong umangat ang gilid ng labi niya. Padabog akong nagseat belt saka masama siyang tiningnan. He just closes the door. Umikot siya patungo sa driver's seat. Magkatabi na kami ngayon dito. Agad niyang pinaandar ang sasakyan. "Nagugutom na ako. Saka nauuhaw pa. May tubig ka ba diyan?" Tanong ko sa kanya. "Here drink this." May inabot siya sa aking tumbler. Agad kong nilagok ang laman niyon. Nagulat na lang ako nang bigla siyang huminto. Pinaadar niya ang ilaw sa front seat. Inagaw niya ang tumbler sa akin. Mahina siyang napamura. Ano na naman problema nito? "I'm sorry, my love. I gave you the wrong water." Hindi na ako nakasagot nang mamigat na ang talukap ng mga mata ko. Anong nangyayari sa akin?   -------------------   Marahan kong kinusot ang mga mata ko. Nakangiting mukha ni James ang nabungaran ko. Napansin kong maliwanag na ang paligid. Nasaan kami? "Para ka palang mantika kapag natutulog. Hindi mo man lang namalayan na narito ka na sa bahay ko." Nakangiting puna sa akin ni James. Teka nga! Ang huli kong natatandaan bumibiyahe kami tapos nakatulog ako. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kagabi dahil ang sarap ng tulog ko. Dahan-dahan akong bumangon. Naamoy ko kaagad ang beef tapa at fried rice. Agad akong luminga-linga sa paligid. Napansin kong bitbit iyon ni James. Nakatayo kasi siya kanina nang magising ako. Hindi ko naman napansin na may dala pala siyang pagkain. "You must be hungry. Here, you must eat." nakangiti niyang saad. Kakain na sana ako nang mapansin kong nakasuot ako ng malaking t-shirt na huhulaan kong kay Santiago. Dali-dali kong sinilip ang panloob ko. Meron pa naman akong bra pero wala na iyong crop top na suot ko kagabi. Napansin ko rin na pajamas na ang suot ko. Hindi ko na din suot ang maikli kong shorts kagabi. Uminit bigla ang bumbunan ko sa napagtanto. Bakit iba na ang suot ko? Ibig bang sabihin niyon binihisan niya ako kagabi. O baka naman pinagsamantalahan ako ng lalaking ito?! Napasinghap ako sa naisip. Binalingan ko si Santiago. "I'm innocent. Hindi kita ginalaw." Nagtaas pa ito ng dalawang kamay waring nabasa niya ang iniisip ko. Napahinga ako ng maluwag. Pero teka! Binihisan niya pa rin ako. Ibig sabihin lang nun nakita niya iyong mga undergarments ko. Pero relax lang! Mahilig naman akong magbikini kaya okay lang naman. "Talaga bang inosente ka? Kapag nalaman ko lang na may ginawa ka sa akin kagabi. Itutusta kita ng buhay!" Pagbabanta ko pa sa kanya. "Relax, my love. Wala akong ginawa sa iyo. Kung meron man, hindi ka na makakalakad ngayon." Pilyo niyang sabi sa akin saka inilagay sa bed table ang pagkain. Hinampas ko siya sa braso. Tumawa lamang siya. Lumabas tuloy ang pantay pantay niyang mga ngipin. He looks fresh in the morning. Nakakahibang! "Ang landi mo talaga, Santiago!" Nag-iinit ang mga pisngi ko. "Gagawin din naman natin iyon. Pero hindi pa ngayon. Magpakasal muna tayo." Nakangiti niyang saad. Hindi na ako nagsalita. Sinimulan kong lantakan ang pagkain. Habang ngumunguya nilinga ko ang paligid.  Malaki ang kwartong ito. Napansin kong may touch ng kulay blue ang paligid. Pati na din itong bed niya at kumot. Favorite niya siguro ang kulay blue. Binalingan ko ulit ang pagkain ko. Makakain na nga muna!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD