Chapter Seven:

1075 Words
Rosemarie’s POV “I think you should move in with me.” Seryosong wika ni James. Hindi ko napigilang ibuga ang kinakain ko sa kanya. Kasabay ng pamimilog ng aking mga mata. My gosh! Para akong nasabugan ng C4 nang sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko nga makontrol ang sarili ko tuwing nagkikita kami. Paano pa kaya kapag naglive-in kami. Baka maibigay ko ang bataan ng wala sa oras! Tumilamsik ang kanin sa mukha ni Santiago. Nakonsensya naman ako kaya kinuha ko ang napkin sa bed table. Itinabi ko muna ang bed table saka ako lumapit sa kanya. Nakapikit lamang si Santiago ngayon habang marahan kong pinupunasan ang mukha niya. Naaamoy ko ang mabango niyang hininga na may halo yatang gayuma dahil bigla akong nailang sa pagpupunas sa mukha niya. Itinigil ko ang ginagawa ko na agad niya namang napansin dahil iminulat niya ang kanyang mga mata. Nasalubong ko ang magaganda niyang mga mata. Kasabay ng paglundag-lundag ng puso kong kalahi ng kuneho. Napalunok ako ng marami. Bakit parang biglang uminit ang paligid? Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Hinila niya ako kaya awtomatikong napakandong ako sa kanya. Rosemarie! Get back to your senses! Labanan mo ang tukso! Huwag mong ibibigay si bataan! Wika ng isang bahagi ng isip ko. Napakurap-kurap ang mga mata ko nang ilapit niya ang mukha sa akin. Mabilis pa sa alas kwatrong bumalikwas ako mula sa pagkaka-kandong ko sa kanya. Agad akong tumayo at lumayo sa kanya. Napatawa lamang siya sa ginawa ko. Nakahinga ako ng malalim nang makalayo ako sa kanya. “Ano ka ba naman, Santiago? Ang aga-aga binubulabog mo na naman ako sa kalandian mo.” Naiinis na reklamo ko sa kanya. “What? Hindi kita nilalandi. Ikaw nga itong nang-aakit diyan.” Natatawa niyang sabi sa akin. “Hindi kita inaakit. Siyempre natural lang na punasan kita sa mukha dahil nabugahan ka ng kinakain ko. Huwag ka kasing nagbibiro ng ganoon! Ayan tuloy nabugahan ka ng kinakain ko.” naiinis kong litanya sa kanya. Biglang sumeryoso ang mukha niya. Saka lumapit sa akin. Ako naman ay umatras ng umatras hanggang sa mapasandal ako sa glass wall. He immediately grabs my left hand and put a diamond ring on my ring finger. Napasinghap ako kasabay ng pamimilog ng mga mata ko. Hindi basta-bastang diamong ring lang iyon. Kita ko sa white gold nitong bilog ang pangalan ko. Mukhang ipinaukit niya iyon o ipinagawa niya talaga. Alam kong hindi basta-basta ang presyo nito. Halata kasi sa disenyo at uri ng mamahaling bato nito. Hindi kasi puti ang kulay nito kundi medyo pinkish. Ito yata iyong tinatawag na sakura diamond. Hindi ko lang alam kung magkano ang presyo nito. “There, from now on, you are already mine. I already gave you my family’s heirloom. You cannot deny the fact that you will going to be my wife.” seryoso nitong saad sa akin. Napakunot ang noo ko saka nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa diamond ring na nasa daliri ko. Handa na nga ba talaga akong magpakasal sa kanya? Hindi pa nga namin natatapos yung gulo sa contrata eh. Sino ba kasi iyang Nigel na iyan?! Bakit ba niya kami ginaganito? Kung anu-ano pa kasi ang idinadagdag sa pre-nuptial agreement e! Napakamot ako sa ulo ko saka tinanggal ko ang singsing sa daliri ko. “Sandali lang. Hinay-hinay lang, Santiago. Hindi naman sa tinatanggihan kita. Pero hindi ko muna tatanggapin ang singsing na iyan hangga’t hindi pa naaayos ang pre-nuptial agreement nating dalawa.” Iniabot ko sa kanya ang mamahaling singsing. Ngunit tiningnan lamang niya ito at hindi niya ito tinanggap. Napataas ang kilay ko. Bakit hindi niya tanggapin ulit ang singsing? Ano na naman ba ang problema nito? Namayani sa amin ang katahimikan ng ilang sandali. Maya-maya pa’y tumayo siya at nagtungo sa pinto. Lumabas siya sa pinto nang walang pasabi habang ako naman ay napanganga sa iniasal niya. Anong problema nun?! --------- James’ POV Pumunta ako sa kwarto ko para magbihis. May kailangan akong puntahan. I need to reconstruct the pre-nuptial agreement. Ayaw ko naman na mauwi na lang sa lahat ang mga plano ko. I need to get the full control of Ferrer Malls as soon as possible. Marrying Rosemarie Ferrer, the only daughter and heir of Roberto Ferrer is the only way. Madali naman akong nakapagbihis. Pagbukas ko ng pinto nabungaran ko ang babaeng pakakasalan ko. She is still gorgeous even in the morning. She was like a ray of sunshine everywhere she is. Hindi na din ako magsisisi kung siya ang mapapangasawa ko. When I opened the door she was already there. Smiling at me. Parang wala lang nangyari. I gave her my poker face. Nawala ang ngiti sa mga labi niya. I can see the guilt in her eyes. Sigurado akong nakokonsensya siya sa pagtanggi niya sa akin. Diretso akong lumabas ng kwarto. Hindi ko man lang siya pinansin. Pero napahinto ako nang hawakan niya ang damit ko. Napalingon ako sa kanya. She pouts as she was looking at me. f**k those lips! Hindi ko alam kung anong gayuma meron ang mga labi na iyon. Bakit sa tuwing nakikita ko yun na nakaawang at nakanguso gustong-gusto kong halikan iyon? Anong bang nangyayari sa akin? “Santiago, galit ka ba?” tanong niya sa akin. I immediately get her hands off me. Nagulat naman siya. Pero hindi na din nagsalita. Iniwan ko siya doon saka ako nagpunta sa study kung saan naroon ang kontrata. Akala ko ay sumuko na siya pero hindi ko akalaing nakabuntot pa din pala siya sa akin. “Santiago, sorry na. Promise ko sa iyo, kapag naayos mo na ang kontrata. Wala na akong iba pang rason para tanggihan ka. Hindi na ako tatakbo palayo sa iyo.” seryoso niyang saad na siya namang ikinatuwa ko. “I don’t trust promises, my love.” malamig kong sabi sa kanya kahit na natuwa ako sa pangako niya. Hindi na siya nagsalita pa. Napayuko lamang ito. Agad kong kinuha ang brown envelope sa drawer ng study table ko. Kung saan, nasa loob ng envelope ang kontrata. Tiningnan ko muna si Rose bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nalampasan ko na siya nang magsalita ulit siya. “Take care, Santiago. Hihintayin kita.” Pahabol niyang sabi sa akin na naging dahilan upang kumawala ang ngiti sa mga labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD