Aiza
Ina-antok na ako. Gusto ko nang matulog, kagabi pa ako nakaduty. Uuwi na dapat talaga ako eh pero may biglang dumating na emergency patient, isang matinding car accident ang nangyari at halos bente na katao ang nadamay, kinakailangan kong tumuong sa mga kasamahan ko.
Isa akong 2nd year resident doctor sa Las Vegas Central Specialty Hospital. Ang department ko? Emergency Medicine, so I stay at the Emergency Room the whole time.
“Aaaaah,” Sinalubong ko ang stretcher na paparating. Kitang-kita ko sa pasyente ang hirap na nararamdaman niya. Ikaw ba naman ang maputulan ng paa, di ka ba aaray sa hapdi at sakit?
“28 years old, male. The blood pressure is 90 over 60 with the pulse rate of 120.”
“This way please.” Hinawi ko ang kurtina upang ituro ang paglalagay ng mga emergency personnel.
“Thank you.” Nailipat na ang pasyente sa kama nito at umalis na sila. May lumapit naman na nurse sa akin.
“Please give him a warm fluid. Set 1 more IV line and give him 2 l****s of hydration.”
“Yes doc.” Sagot ng nurse. Lumipat ako sa side ng pasyente at kinuha ang gunting sa may table.
“Also, call Doctor Gray.” Dagdag ko, si Doctor Gray ay isang orthopaedic surgeon.
“Hang in there, I’m going to cut the bandages now.” Tumingin ako sa pasyente. Halata sa itsura niya ang sakit na nararamdaman niya.
Sa mga ganitong sitwasyon, nagpapasalamat ako at pinagpatuloy ko ang pag-aaral ng Medisina. Kahit papano nakakatulong ako sa iba. Pagkatapos ko gawin ang dapat kong gawin, dumating na ang orthopaedic surgeon na pinatawag ko sa nurse kanina. Lumapit ako sa kasamahan kong doctor na nasa nurse’s station. Siya si Doctor Raven Patterson, isa sa mga kaibigan ko parehas kasi kaming tambay ng Emergency.
“How is the patient?” Tanong ni Doctor Patterson
“I think he needs amputation below both of his knees. Lacerated on his scalp and severe abrasion on his back.” Naglagay ako ng sanitizer sa kamay ko.
“How big is it?” Tukoy niya sa sugat sa ulo nung pasyente
“About 10 palms.” Napabuntong hininga nalang ako. Balita ko drunk driving ang dahilan ng aksidente. Wala talagang magandang anidudulot ang paginom ng alak. Napailing ako sa sitwasyon.
“So is the other patient, there’s no pulse in his foot.” Pati siya ay stress na. May sinulat ako sa papel na ibinigay ng nurse.
“Good thing, Doc Gray is already here.” I handed the paper back to the nurse.
“Let’s return to the customer who are waiting for us. To the left” Tinapik niya ang balikat ko, sabay kaming tumingin sa kaliwa naming. Mga matatandang pasyente na hindi naman gaanong nasaktan pero kailangan pa rin matignan.
“Or to the right?” Tumingin kami sa aming kanan. Mga minor injuries gaya na lamang ng gasgas.
“I’ll go to the left.” Sagot ko sa kanya.”
“Then, I’ll take the right side.” Mabilis kaming naghiwalay at pumunta sa aming mga pasyente.
Magtatanghali na nang natapos kami sa pag-aasikaso sa mga pasyente. Day off ko dapat ngayon araw pero nakalahati yung day-off ko.
“Bye.” Nagpaalam ako kay Raven. Siya talaga ang may duty ngayon eh. Pinaki-usapan niya ako kanina, mali, nagmakaawa siya sa akin.
“Okay, Take care.” I waved my hand as my sign of leaving.
Haaaay, Las Vegas. It is well known for its bright lights, gambling, shopping, fine dining, entertainment and nightlife. Pinagmasdan ko ang paligid, napakabusy ng mga tao. Hindi sila nauubusan ng destinasyon na pinupuntahan, hindi ba sila napapagod? Argh, Gusto ko nang umuwi. Sumakay ako sa pinara kong taxi.
Kakapasok ko palang sa unit ko nang may tumawag sa akin. Overseas call mula sa Pilipinas. Namimiss ko na sila doon pero bakit parang biglaan naman ang tawag nila? Alas dose palang gabi ngayon doon ah.
“Ate!” bungad sa akin ng kapatid ko. Ano ba to bakit siya nakasigaw?
“Ate, si papa. Sinugod naming sa ospital.” Napatigil ako sinabi nang kapatid ko. Si papa? Bakit anong nangyari? Napakaraming bagay na pumapasok sa isipan ko. Paano pag namatay si papa? Mahina na si papa at may sakit siya sa puso. Prang hindi ko kaya pag mawala din si papa. Nawala na nga si mama, si papa naman?
“Nahirapan siyang huminga nung pinuntahan namin siya hawak hawak niya ang puso niya na parang nanhihirapan. Paano pag namatay si papa? Ate, hindi ko na alam gagawin ko. Hinid ba pwedeng umuwi ka na dito?” Natataranta na ang kapatid ko sa kabilang linya. Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang iyak ng kapatid ko.
“Okay, listen to me Mildred. First, you need to calm down. Second, be positive. Hindi mamatay si papa. Malakas siya diba?” Alam kong kasinungalingan pero kailangan kong sabihin yun para mapakalma ang kapatid ko. Rinig ko pa rin ang iyak niya pero ramdam kong kinakalma niya ang kanyang sarili.
“Code.” Rinig ko ang sigaw ng isa sa kabilang linya. Ang papahinang iyak ng kapatid ko ay mulig lumakas. Napatigil ako sa pag-iisipin, pinapakinggan ko lamang ang nangyayari sa paligid.
“Ate, anong ginagawa nila kay papa? Papa, papa, papa.” Sunod-sunod na ang tawag ni Mildred kay papa. Pati ako lumuluha na. Please papa, kayanin mo para kay Mildred at Jason.
“Ate, anong nangyayari kay papa? Ate.” Parehas na kaming umiiyak. Parehong nananalangin na wag munang kunin sa amin an gamin tatay. Matagal kaming nag-iyakan ng kapatid ko. Di na naming ininda kung magkano ang babayarin sa international call na yan.
“Nasaan po ang guardian ng pasyente?” Rinig kong sigaw sakabilang linya
“Ako po.” Sagot naman ng kapatid ko
“Nag-arrest ang pasyente but he is stable na. Since unconscious pa rin siya he needs to be admitted for further test and monitoring.” Nakahinga ako kahit papano sa narinig ko. Pinatay ko na ang tawag. Bahala na muna si Mildred jan. Pero kahit na nairnig ko na stable na si papa hindi ko pa rin maiwasan ang maluha. Naalala ko kasi ang mga araw na magkasama kami. Sabi nga nang nabasa ko, ‘It’s not the goodbyes that hurt it’s the memories that follow.’ At yun ang nagpapaluha sa akin.