TAHIMIK ANG MGA YABAG na tinatahak ni Cwaterie ang pathway ng Alpha’s Dormitory patungong lawa upang bantayan ang mga disciple niya na nage-ensayo para sa palapit nang underground battle. Nakalagay sa likod ang mga kaniyang kamay habang bumubuo ng isang water-ball sa harapan gamit lang ang tingin.
Nakasuot siya ng banayad na asul na bestida na may nakasabit na puting kapa sa likod. Bilugan ang kaniyang bughaw na mga mata at nakasuot ang isang barrette hair clip crystal sa kaniyang kumikintab na buhok. Nakasukbli rin ang kaniyang combat weapon na pana sa likod. Maputi siya at may anim na talampakan ang tangkad. Nasa kaniya ang kapangyarihang kontrolin ang tubig.
Bigla siyang nagulat nang sumulpot si Airusz, kasabay ng pagpapalipad nito ng mga air-spikes sa direksyon niya.
“Baryer Monasco,” bulong niya at may namuong protective barrier sa harapan niya. Masama niyang tiningnan si Airusz na ngayon ay ngiting-ngiti na para bang nagustuhan ang napanood.
“Rude! Are you going to kill me, Airusz?” inis niyang sabi rito.
“I am just testing you, Cwaterie. I am just playing with you around,” depensa naman nito at pagkatapos ay humalakhak.
“Right, then. Don’t attempt to play with me. It’s disgusting,” namumulang aniya dahil sa inis. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad habang ang tingin ay nakabaling na sa kaniyang dinaraanan.
“You’re still hellcat, Cwaterie, whenever I fool you. Sorry,” he apologized sincerely. Wala itong magagawa. Gusto lang kasi nitong kulitin ang dalaga sa pagnanais na magustuhan din siya nito.
Suot-suot ni Airusz ang kulay pilak na armor na may kapang kulay puti sa likod. Kulot ang kulay puti nitong buhok at may mapang-akit na mga kulay-abong mata sa tuwing natititigan. Maganda ang pagkakaukit ng panga nito at ang mga labi nitong mamula-mula. Matangos din ang ilong nito at mahaba ang mga pilik-mata. Sa tangkad pa lang nito ay talagang mawawaring nakuha nito sa ama na may anim na talampakan at 5 pulgada.
Sumabay ito sa paglalakad ni Cwaterie at pinagmasdan ang pigura ng likod niya.
Pagkalabas nila sa Alpha’s Dormitory ay sabay silang napatingin sa isa’t isa. Isa sa mga kakayahan ng mga deities ay makaramdam ng panganib sa kalapit nila.
Humugot si Airusz ng isang hibla ng buhok at nag-anyo itong sampung pulgadang kadena na nagsisilbing kaniyang combat weapon.
“Getting ready, huh?” ani Cwaterie at bahagyang ngumiti.
“Of course, this is for our safety,” seryoso namang tugon ni Airusz. Sa ganitong sitwasyon ay mararamdaman talaga ang kaniyang pagiging seryoso, lalo pa’t kaligtasan ng akademya ang pinag-uusapan.
Patakbo nilang tinungo ang Zacariousx Castle nang makaramdam ng itim na enerhiya. Narating nila ang Herumeña ground, ang lugar para sa page-ensayo ng mahika.
“Airusz, the knob is locked,” nag-aalalang saad ni Cwaterie. Alam niyang may kakaibang nangyayari sa loob.
Itinali ni Airusz ang kadena at lumingon sa kaniya, “Step back a few meters.”
Tumalima naman ang dalaga.
Napangiwi nang bahagya si Airusz nang hirap itong pataubin ang pinto.
“Need some help?” alok ni Cwaterie.
“No, I can manage,” agad naman nitong sagot. Naisip nitong kailangang magpakitang gilas para sa taong gusto. Napangiti itong nang palihim at hinila pang lalo ang kadena. Biglang lumakas ang hangin, kasabay niyon ang pagtanggal padlock at kamuntikang pagbagsak ng pinto kung hindi lang naglabas si Cwaterie ng kapangyarihan.
Hindi pa nakakapasok ang dalawa nang bumungad sa kanila ang isang boses.
“What came up to your mind you broke that damn door? Are you thinking clearly?” mahimhimigan sa boses ni Mr. Drease, ang mister ng akademya at pinuno ng mahika, ang inis.
“S-sorry, s-sir,” paumanhin ni Airusz.
“Sir, we felt dark powe—”
Naputol ang sana’y sasabihin ni Cwaterie nang magsalita ang ginoo bilang kalinawan na rin sa nangyayari.
“I made a test for the Beta Zacarians how far can they withstand the dark powers. But you disturbed us by vanishing the door,” paliwanag nito sa seryoso na nitong boses.
“Again, we are sorry. We thought dark powers pelted the academy,” huling sabi ni Cwaterie bago tumalikod. Sinenyasan niya ang kasama na umalis na rin bago pa sila magkaroon ng detention.
“FEARTHY,” MATINIS NA TAWAG ng kaibigan niyang si Lara, isang manipulator ng kapangyarihan. Kaya nitong pahinain ang kapangyarihan ng kalaban, ngunit mabilis ding manghina dulot ng lakas na kailangang ilabas.
“Oh, Lara. What brought you here? You sounded happy. Some good news?” mahina niyang tanong dito. Kagigising lamang niya at wala pang ganang makipag-usap.
“I just want to inform you again that it wouldn’t be critical as your power as your love story is. I don’t want to be a meddlesome between you and Blight. You look good together,” tugon nito.
Napataas ang isang kilay ni Fearthy at suminghap nang mahina. Tumagilid siya upang hindi makita ang kaibigan na nakaukit ang nakakalokong ngiti sa labi. Tinutukso siya nito kasi kay Blight na minsan nang nagkagusto sa kaniya.
“You rise up. Remember, no special treatment for the deities,” natutuwang anito sabay tanggal ng puting kumot at tinupi.
Wala nang nagawa pa si Fearthy at tumayo na lang. Inayos niya ang kulay-abong bestida. Inayos na rin niya ang kaniyang combat weapon na caliber g*n sa gilid ng katawan. Isinuot na rin niya ang white crystal rhinestone leaves sa buhok.
Kulay-kape ang kaniyang bilugang mga mata, maganda ang kurba ng kilay at manipis ang natural niyang labi. May mga hibla ng buhok ang tumatakip sa kaniyang mukha na dumadagdag sa kaniyang marikit na panlabas na ganda.
Kumunot ang noo niya nang tuksuhin muli siya ng kaibigan pareho sa sinabi nito kanina. Hinawakan niya ang sentido dahil sa pagkasiphayo.
“How many times do I need to tell you that there’s no attachment between us? If so that I like him, I’ll make sure to seek his attention and love,” pagtatapos niya.
Tumango lamang si Lara at tumigil na sa panunukso. Kahit ano kasing pilit nito, kung wala talaga siyang nararamdaman, walang mangyayari.
“Lara, do me a favor to page my apostles to assemble in the Light Forest. I’ll just fix the protective barrier around the academy,” pakiusap niya.
“Sure, I’ll get to be with you. I want to hone also my skills to manipulate power,” pagsang-ayon nito at lumabas na sa kuwarto ni Fearthy.
Tumango na lang siya at nginitian ito.
KANINA PANG PANAKAW NG TINGIN si Blight kay Fearthy. Wala siyang lakas ng loob para lapitan ito at pansinin. Iniisip niyang baka hindi siya nito kausapin at ipasawalang-bahala siya.
Nakaupo siya kasama ang kaibigang si Prue, isang healer na minsang tinawag bilang flower-descendant sa gazebo ng akademya.
“Bro, just court Fearthy before it’s too late. You’ll get crashed if someone makes his way and get the head of you from Fearthy. It’s up to you. As if you can afford losing her,” komento ni Prue sa palingon-lingon niya.
“It’s me—coward, worthless and stupid. Let me just accept the absolute fact that she doesn’t like me. Also, I don’t want to assume and all. I feel that she doesn’t care about me,” bakas sa boses ni Blight ang kalungkutan.
Kasalukuyan siyang nakasuot ng kulay gintong armor na sinaplutan sa likod ng isang kulay dilaw na kapa. Nakasuot naman sa kaniyang hinlalaki ang isang gintong singsing na nag-aanyong palakol bilang kaniyang combat weapon kapag may panganib at sa langit kumukuha ng kapangyarihang kidlat.
“If you don’t try, then you’ll not be able to know the answer. The curiosity doesn’t still hit you, huh. Hope it shoots you to wake you up,” sabi naman nito at pinagsalikop ang mga kamay.
“What should I do, then?” nalilitong tanong niya. Iyan na siguro ang signature phrase niya dahil sa paulit-ulit na pagtatanong.
“Try to talk to her and confess your feeling. I can’t see anything wrong with that,” pangungumbinsi pa nito.
Huminga siya nang malalim at tila ba hindi alam ang gagawin. “Just go with me. The undergrond battle is about to happen two weeks from now. Let’s train my apostles,” pag-iiba niya ng usapan dahil maski sa sarili niya ay hindi alam kung ano ang dapat gawin.
“You mean, I am going with you like…?” tanong pa nito at umaktong may sinusuntok.
Hindi niya kasi ito sinasama sa mga training ng apostles niya dahil magulo daw ito, kaya nakakapanibago lang nang ayain niya ito.
Tumango na lamang siya habang natatawa. Kahit kailan talaga ay napaka-masiyahin ni Prue sa kabila ng pagkamatay ng mga magulang ilang buwan na ang nakararaan dahil sa tanda na rin. Gusto sana nitong pagalingin ang magulang, pero hindi nito kaya dahil ang kapangyarihang mayroon siya ay para sa nasugatan mula sa kapangyarihan.
Napangiti na lamang si Prue. Naglabas ito ng isang bulaklak bilang panggamot at pinitas ang talulot niyon. “For safety,” sabi nito.