CHAPTER FIVE

1885 Words
TAHIMIK LANG NA NAGLALAKAD ang dalawa sa kanto na pinag-iwanan ng kotse ni Jhare. Nakabibingi ang namutawi sa pagitan nila at nais nang wakasan ni Clymenia, ngunit wala siyang lakas ng loob para gawin iyon. Kaya’t sa huli ay si Jhare na mismo ang pumutol sa katahimikang yaon. “Okay ka lang ba?” pangangamusta nito nang mapansing balisa ang pagkuwa’y kasintahan nito. “Okay lang ba ang bebe girl ko?” may diin sa tinig nito. Inunahan si Clymenia ng pamumula ng mukha. Inulit niya sa kaniyang diwa ang binanggit nitong pangalan. Bebe girl. Tinamaan siya roon na hindi niya akalaing mararamdaman. “Mukha mo!” kontra niya. “Kiligin ka naman. Trying hard talaga ako ‘pag nagpapakilig sa ‘yo,” asik nito at ginulo ang buhok niya. “E, ‘di ‘wag kang magpakilig. Simple lang naman,” tugon niya at tinanggal ang kamay nito sa kaniyang ulo. “E, girlfriend na kita kaya kailangan kong pakiligin ka,” bawi naman nito. “Wow! Ang lakas ng apog mo, Jhare. At saka, ba’t ‘di mo sinabing magkaibigan lang tayo? Naki-ride ka rin sa nalaman ni Inay. Hindi mo lang binawi o tinutulan man lang,” pagbabalik-tanaw ni Clymenia sa nangyari kani-kanina. “Ba’t ko naman tututulan? Gusto ko rin naman,” mahinang usal nito sa huling sinabi. “Ha?” kunot-noong kwestiyon niya. “Wala. Tara na nga. ‘Wag mo nang alalahanin ‘yon. We will just act like we are lovers in front of them. We have no choice, e.” Wala na ring nagawa pa si Clymenia, kundi magpaubaya na lang. Oo, tama ito. Nangyari na, e. Wala na silang magagawa pa kung hindi ang ipakitang magkasintahan talaga sila. Nang ilang metro na ang layo mula sa pinag-iwanang sasakyan ay nagtinginan sila. Hindi na rin nagtagal ay nagpaalam na rin sila sa isa’t isa. Alas-cinco na kasi ng hapon at baka hanapin na ang binata. Nakaramdaman man ng dismaya ang dalawa ay inisip na lang nila na naging maganda ang araw na ito para sa kanila. DUMATING NA NAMAN ANG UWIAN. Mahigit tatlong linggo na rin ang lumipas mula noong napagkamalan silang magkasintahan ng ina ni Clymenia. Sa loob ng linggong iyon ay naging routine na nilang dalawa ang mag-usap at magkasama sa tuwing kakain at magkakahiwalay lang sa uwian. Gusto pa sanang ihatid ni Jhare si Clymenia, pero tumanggi ang dalaga. Ayaw niyang magatungan pa ng chismis ang kumakalat ngayon na magkasintahan sila. “Tara, ihatid na kita. Ngayon lang naman, e,” pag-imbita ni Jhare habang nakikisabay sa paglalakad nina Clymenia at Eurydice. Umiling si Clymenia at simpleng sumagot, “Hindi na.” Palihim namang tumatawa si Eurydice. Sa katunayan ay hindi pa nasasabi ni Clymenia rito na nagpapanggap silang magkasintahan sa harap ng magulang niya. Kung nagkataon ay baka siya pa ang mas kiligin at ipaubaya sa binata. “Sige na. Minsan lang, e. ‘Tsaka gusto kong makita sina Tita Fam at Tito Rey,” wika nito at ngumiti nang malapad. Pinasadahan ni Clymenia ng tingin ang paligid bago lumipad ang tingin kay Eurydice. “Kasama ko siya. Ayaw ko siyang iwan, ‘no,” dahilan niya. “Ah… okay lang, Clymenia. Nagpasundo kasi ako kay mommy, baka nasa daan na rin ‘yon,” palusot nito na ikinanuot ng noo niya. “Akala ko hin—” Hindi na natapos ni Clymenia ang sasabihin nang maglakad na ang kaibigan paalis. Naiwan siyang nakatunganga at sinusundan ng tingin ang kaibigan. “Paano ba ‘yan?” nakangising ani Jhare habang itinutupi ang manggas ng damit. Imbes na sumagot pa ay nagpaubaya na lang si Clymenia. Pakiramdam niya ay ligtas siya sa binata kaya wala na siyang dapat na ikabahala pa. Dahil malapit na sa parking lot ay nauna nang naglakad si Jhare palapit sa kotse upang pagbuksan ng pintuan ang dalaga. Subalit, hindi pa sila nakakalapit ay may sumulpot na mga kalalakihan. Brusko ang mga ito at matatalim ang mga tingin. Ang lahat ay may nakasuksok na b***l sa tagiliran. Kung bibilangin ay nasa pito ang mga ito. “Ikaw ba si Jhare Olesco?” tanong ng lider ng grupo. “Ano’ng kailangan ninyo?” palaban na tanong naman ni Jhare. Itinago nito sa likod si Clymenia at nakipagtitigan din sa lider. “Sagutin mo na lang kami, bata. Ikaw ba ang anak ni Gobernador Olesco?” ulit nito. “Oo, ako nga,” direstong diing sagot ng binata. “Sige, dakpin na ‘yan. Isama na ninyo ang kasama niyang babae. Mukhang masarap, e,” nakangising utos ng lider sa mga miyembro nito. Naalarma ang dalawa at akma na sanang tatakbo paalis nang palibutan sila ng mga ito. Inilibot ng dalawa ang tingin nagbabaka-sakaling may nakakakita man lang sa kanila, pero wala. “Wala na kayong takbo!” malakas na sigaw ng isang lalaki. Pumikit nang mariin si Clymenia at nagdasal na lamang. Kahit na may kaalaman siya sa pakikipaglaban nang turuan siya ng ama noong tumungtong sa ikalabing-limang taong gulang ay hindi sapat iyon para patumbahin ang mga ito. Pero naisip niyang walang mangyayari kung tatayo lang sila. Ayaw pa niyang mamatay. Subalit kung ito na ang oras para mamaalam siya sa mundo, mas pipiliin niyang makipaglaban na lang kaysa walang ginawa para mailigtas ang sarili. “Jhare, do you mind if I handle this? Kaya ko ang sarili ko. Ikaw ang pakay nila, kaya kailangan mong makaalis sa madaling panahon,” kinakabahang aniya. “What? What are you saying, Clymenia? Hindi ako aalis. You better go dahil ako ang kailangan nila,” tugon naman nito at pinatunog ang mga daliri at ulo. “Oh… ang sweet naman, baby!” singit naman ng isang lalaking mahaba ang buhok at tumawa nang nakakaloko. “Hindi puwede, Jhare. I can’t bear leaving you he—” Napatigil siya sa pagsasalita nang atakehin sila ng isang lalaki na sinundan pa ng dalawa. Hinawakan si Clymenia sa bisig nang mahigpit at sapilitang hinila. Ininda niya ang sakit, kasabay ng malakas na enerhiya ang dumaloy sa kaniyang katawan. “Bitiwan ninyo ako,” malalim ang boses niyang sabi. Hindi man lamang nahintatakutan ang mga kalalakihan, bagkus ay hinili pa siya nang puwersahan. “Let go of her hand or else…” pagbabanta ni Jhare. “At bakit naman namin gagawin ‘yon? Mukhang masarap pa’t sariwa ito, e,” mala-demonyong sabi sabay amoy kay Clymenia ng isang matabang lalaki. Umakyat ang inis sa sistema ni Jhare. Agad itong sumugod sa mga lalaki, subalit ni paghawak sa mga ito’y hindi nito nagawa. Wala kasi itong karanasan sa pakikipaglaban. Hinuli agad ito ng isang matangkad na lalaking may dalang quarenta y cincong b***l. Kinaladkad silang dalawa at isinakay sa isang puting van. Para masigurong hindi sila makaaalis ay idinampi ng lider ang isang panyong naglalaman ng liyong pampatulog na pabango. Buhat noon, unti-unting nandilim ang bisyon ng dalawa at tuluyang tinangay ng pagkahilo. PATULOY NA NAGMAMAKAAWA si Jhare sa mga lalaking dumukot sa kanila na palayain na ang dalaga. Gabi na at kagigising lamang niya mula sa pagkakatulog. Malakas ang loob niyang hawak pa rin ng mga lalaki si Clymenia. Dinala sila sa lumang gusali na ngayon ay tambakan ng bulok na gulay at prutas. Walang malapit na bahay at walang mga tao ang dumaraan. “Wala siyang kasalanan dito. Kung may dapat na masaktan, ako ‘yon!” sigaw niya, matapos siyang bigyan ng malakas na suntok sa sikmura. “Wala ka namang kasalanan, bata. Ang amin lang, gusto naming pakabahin ang ‘yong ama. Masyado na kasi siyang abuso sa kapangyarihan. Pero napag-isip kong ipatubos ka sa halagang sampung milyon,” sagot ng lider at pinunasan ang b***l gamit ang puting tela. “Walang ginawa ang ama ko. Kung ano man ‘yon, problema ninyo ‘yon,” tugon naman niya. Hindi lingid sa kaalaman ni Jhare na abuso ang ama sa kapangyarihan, pero ang hindi niya lubos na maintindihan ay kung sino ang mga dumukot sa kanila at tila ba sobrang bigat ng nagawa ng ama sa mga ito. Uumbayan sana siya ng suntok nang isang malakas na pagsabog ang nangyari sa kabilang kwarto. Nagsitinginan ang mga kidnappers at sinenyasan ng lider ang bawat isa na tingnan ang nangyari. Naalerto na lang ang mga iba at bilisang tinungo ang labas. “Piringan ito. Dalhin siya sa sasakyan at lilipat tayo sa ibang lugar. Isang hangal ang dumating at pinasabog ang kuta natin!” galit na asik ng lider. Pero bago pa talian si Jhare ng dalawang lalaki ay isa na namang pagsabog ang nangyari—mas malakas kaysa sa nauna. Sa pagkakataong iyon, kinabahan ang mga ito at kinasa ang mga b***l para maghanda. “Dalhin na ‘yan!” utos nito. Hindi na pinirangan pa si Jhare kaya malaya siyang tingnan at siyasating mabuti ang mukha ng bawat isa at hanapin sa bawat sulok ang dalaga. “Saan ka na, Clymenia?” bulong niya sa sarili. “Kunin ninyo na rin ang babaeng kasama nito. Tiyakin ninyong ligtas siya. Titikman ko pa,” mapaglarong saad ng lider sa mga tauhan. Tumalima naman ang dalawang kalalakihan at naunang lumabas ng silid na kinaroroonan. Ngunit, wala pang limang segundo ay bumalik ang mga ito at namumutlang tiningnan ang lider. “B—boss…” nauutal na tawag ng isa. “Mga kasamahan natin, nakatali sa mga upuan at walang malay,” pagtatapos nito. Gulat na napatingin ang lider ng grupo at dali-dali ring lumabas upang silipin kung ano ang nangyari sa mga tauhan nito. Napalunok ito nang ilang beses at nagmadaling bumalik. Balak pa sana nitong kaladkarin si Jhare nang lumakas ang ihip ng hangin, kasabay muli ng isang malakas na pagsabog. Sa isang iglap ay sumulpot ang isang babae at agad inumbayan ng suntok at tadyak ang mga kalalakihan. Tila isang propesyonal na mandirigma ang nakita ng mga ito, gayundin si Jhare na nanlaki ang mga matang pinagmasdan ang pigura ng babae. “JHARE, TARA NA!” malakas na tinig ni Clymenia. Kahit gulat na gulat sa nakita ay nakalakad pa rin nang matulin ang binata. Kinalas naman ni Clymenia ang tali ng binata sa mga braso at sabay silang tumakbo upang hindi na mahabol pa ng mga kumidnap sa kanila. Sa kalagitnaan ng kanilang pagtakbo ay tumigil sila dulot ng pagod. Hindi na rin nila alam ang daraanan dahil sa dilim na bumabalot sa lugar. Ang tangi lang nilang pag-asa ay ang mga ilaw isang kilometro ang layo sa kanila. “Ayos ka lang ba?” pangangamusta ni Clymenia sa binata. “O—oo. Ayos lang ako. I—ikaw?” nauutal na tanong ni Jhare at humingal nang humingal. “Ayos lang din. Ang mabuti pa’y umalis na tayo rito. Tiyak ay hinahanap na tayo ng mga ‘yon,” aniya. Gusto pa sana siyang tanungin nito tungkol sa nangyari kanina na para bang beterana siya sa pakikipaglaban. Subalit, pinili nitong huwag na lang at may oras para doon. Kahit na hirap sa pagtakbo ay pinilit pa rin nilang makaabot sa may mga ilaw na isa palang terminal ng pampasaherong dyip. Kaunti lang ang mga tao at agad silang napansin. “Jhare…” mahinang tawag niya. “Clymenia,” bulong din nito. Sa bulungan ng mga tao, doon sila tinakasan ng kamalayang tao. Natumba silang pareho habang magkahawak ang mga kamay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD