Kabanata 2

905 Words
Kinalampag ko ang pintuan at agad kong nakita ang dalawang nag-uusap na flight attendant sa harapan. They look shocked because someone heard their conversation. Agad na pinahiran ng babae ang kaniyang luha nang makita ako. I looked at her body. Totoo ngang buntis siya. May dinadala siyang tao. Tinalikuran ko kaagad sila at pumunta na sa pamilya ko, sa labas ng comfort room, pero parang binabaha na ngayon ang hallway dahil sa dami ng tao. I can’t find my family! “Dad…” I cried and like a child who just lost in Divisoria public market. “Mom…”I cried again and tried to push the people around me. Masyadong matatangkad ang mga taong nasa unahan ko kaya hindi ko na makita kung nasaan ang seat ng pamilya ko. Instead of moving forward, I keep on stepping backwards sa kung saan. Nang lumingon ako sa likod ay nakita ko ang nakaawang na pintuan at kitang-kita mo ang mga screen monitor ng piloto. I knew it. I saw a red blinking and failing system on it. Parang nagi-slow-mo ang paligid ko at umawang ang labi ko dahil sa nakita. Totoo nga… Are we going to die? The plane suddenly shakes and now we’re tilting. Mas lalong naghiyawan ang mga tao sa paligid. May nag-iiyakan. It was traumatizing. The shaking of the airplane and how the woman, child, and even senior citizens were crying. It was all heard and the sound kept echoing inside of my head. Lumipad ang mga kamay ko sa tenga nagba-baka sakaling hindi na ito marinig. Gumapang ako sa pinakagilid ng upuan at doon umupo habang tinitignan ang mga taong naslo-slowmo sa paligid ko. They are all trying to save their lives in their own ways. Hindi na sila nakinig pa sa sinasabi ng mga flight attendants. Tears started to stream down on my cheeks. Hindi na ako nag-abala pang punasan ito at ipinikit na lamang ang mga mata. Totoo nga talagang kapag alam mong bitag ka na ng kamatayan ay parang nag-fla-flashback ang lahat ng magagandang nangyari sa buhay mo. “Choose wisely, Princess.” “Huwag kang magpapa-api sa iba kung alam mo sa sariling nasa katwiran ka.” “Be bold and wise, Princess. Never let your guard down. Especially men.” Hindi ko alam kung bakit naririnig ko ang mga sinasabi sa’kin ni Daddy noon. Lahat ng ito ay ang mga pangaral niya sa’kin sa buhay. We are so close that we knew all of our secrets, strengths, and also weaknesses. Napasinghap ako nang bigla na namang tumagilid ang eroplano at ngayon ay kitang-kita ko sa kabilang bintana ang kulay bughaw na dagat. One…two…three… Ipinikit ko na lang ang mga mata ko nang mas lalong kong maramdaman ang pagyanig sa sahig. Please let me see my family once, before I die. I pray that inside of my head. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko na akala ko’y makakawala na ito sa rib cage. Binuksan ko muli ang aking mga mata nang makitang tumigil ang pagyanig sa inuupuan ko. I tried to stand up even though my legs are still wobbly. Kumapit ako sa mga upuan para suporta sa sarili. Even though I know it’s dangerous, inilagay ko ang isa kong paa sa upuan at doon nga tumayo. I saw my family. My mom and dad were still on their seat. My younger brother was still sleeping soundly on the toddler bed kahit na sa sitwasyon namin ngayon. I tried to catch their sight pero hindi sila napatingin sa banda ko kahit ano pang sigaw ko at wagayway sa kamay. “Dad! Mom! I’m here!” I screamed at the top of my lungs. Hindi na muli pang yumanig ang eroplano at nang mapatingin ako sa labas ng bintana ay mukhang hindi naging matagumpay ang pag-landing sa dagat. “Thank God!” Napasigaw ako dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. It was such a relief! Abot talahip ang saya ko nang makita kami ulit sa himpapawid. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko pero sa tingin ko’y naagapan ng piloto kung sino man, at nailigtas kami sa maaaring trahedyang mangyari. “Folks, we’re now landing and I think we’re going to try to do a barrel rool, and if that goes good I’ll go nose down and call it a night. Thanks,” narinig kong kalmadong sabi ng piloto. Ano? Hindi ko maintindihan! Hindi ko maintindihan… o pilit kong hindi intindihin. “No…” I cried and looked at my family again one last time. Bigla na lamang akong bumagsak sa inuupuan at nabagok ang ulo sa sahig. It made me dizzier. Mabuti na lang ay may humawak sa bewang ko. It felt too unreal. Seconds ago, I was praying that the plane won’t crash and it did. For a moment. Only. I was too scared. Pain. It was painful. Because after that, I was now screaming at the top of my lungs when I saw how the airplane exploded right in front of my eyes, while I was on the sea… drowning, unable to decipher how did I managed to get out of the plane… and landed on an area where the plane won’t explode.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD