ISANG TAON na ang nakalipas at hindi ko pa rin makakalimutan ang sinabi ni Lemuel. “Amethyst! Lika na!” sigaw ni Evan bago sumipol at narinig ang pagsabog sa gitna ng tubid. Nandito kami ngayon sa Yulo Falls kung saan kami palaging nakatambay. Ang maputi at porselana kong balat noon ay napalitan na ngayon ng tanned skin. Naka-white bikini top and short shorts ako ngayon at natatawang tumingin kay Evan. Kasama niya ang isang babaeng sobrang ganda rin at masasabi kong sobrang cute nilang dalawa. “Teka lang!” sigaw ko pabalik kay Evan at hinigpitan ang lace ng bikini top ko sa likod. Nang may naramdaman akong kamay sa likod ko, marahan akong itulak. Nanindig ang balahibo ko at kinakapos na naman ako ng hininga. Napasulyap ako kay Lemuel sa likod. Hindi ko alam kung nagde-daydream ba ak

