Umuwi na ako sa bahay pagkatapos ng isang linggong sleep over sa bahay ng mga Hernandez. Hindi ko pa rin malilimutan ang nangyari sa Yulo Falls at nahihiya pa rin akong tumingin kay Lemuel ngayon. Hinatid ako ni Emma at itinulak pa niya ako mula sa kanilang van service dahil nahihiya akong lumabas. Ang bestfriend ko ay puro halakhak lang at sinabing hindi dapat ako mahiya. Naku, talaga! Pagdating ko sa bahay ay may nakita akong mga plywood sa labas. Anong nangyayari? “Magandang umaga, Amethyst,” sabi ni manong na kilala kong panday na taga rito lang. Teka, anong ginagawa niya? At ano tong mga plywood na nasa labas? Nagmamadali akong pumasok sa loob at tinignan kung ano ang nangyayari. God, I saw Lemuel standing at the side. Mukha siyang boss nila at nakita ko ang handkerchief na nak

