Napabuntung hininga ako nang makalabas na kami ni Aleng Marites sa bahay. Lumabas pa talaga kami para hindi marinig ni Lemuel ang pag-uusapan namin ngayon. “Hija,” panimula ni Aleng Marites at hinaplos ang buhok ko. “Pinag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa’yo?” tanong niya sa’kin. Nanliit ang kanyang mga mata at hinawakan pa ang braso upang hatakin niya ako papunta sa kanya. Nagulat ako dahil sa marahan niyang pagtulak papalapit sa kaniya. “O-Opo…” naisagot ko na lang at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang masinungaling sa kaniya. Oo, kahit na busy siya palagi at halos hindi kami nagkikita sa loob ng bahay, malaki pa rin ang respeto ko kay Aleng Marites dahil siya ang kauna-unahang taong tumulong sa’min ni Lemuel nang mapadpad kaming dalawa sa islang ito. “Sige, mabuti naman. Nag-aalala

