“What is he doing here? It’s getting creepy now, Ames. Kahit gwapo pa iyan, hindi ko talaga alam pero nawe-weirduhan na ako ni Lemuel,” bulong ni Emma sa’kin sa gilid. Napansin niya siguro na nagtagal ang paningin ko kung saan ko nakikita si Lemuel na nakatayo at nakahilig sa dingding. “Sa tingin ko hindi naman ako ang hinahanap niya, eh.” Napaiwas ako ng tingin kay Emma dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya ang totoo. Emma knows that I like Lemuel so much. Siya nga ang unang nakakaalam eh kaysa sa kanyang kambal na si Evan. Sabi niya, sobrang transparent ko raw at syempre, best friend niya ako kaya nakutuban na rin siya. “Anong hindi? Eh, nakatingin nga sa’yo – Oh, ayan na, naglalakad na nga pupunta rito,” bulong ni Emma sa’kin, ramdam ko ang inis niya. Napalunok ako nang makita si Lemuel

