Sa kabilang bahagi naman ng maynila, nakatayo naman si Dave sa harap ng mga kabataang tinuturuan niya. Sa limang taon na pag lipas ng panahon ay madami rin naman ang nangyari sa magkaibigan lalong lalo na kay Marikit at kay Dave. Naging guro si Dave pagkatapos kumuha ng board exam at ngayon ay isa na siyang professor sa isang university sa naka assign siya. Naging masaya naman ang naging trabaho ni Dave sa pribadong paaralan na iyun. Isang taong matiwasaya at hindi naman nakakawalang gana dahil sa sobrang ganda at mabait din naman ang mga naging co-teacher niya doon. Masaya naman at parang napaka easy going ng section na nahandle niya kaya naging madali lang ang pag hawak ni Dave sa mga studyante doon. Si Marikit naman ay nagsimula nang mag aral noong dalawang taon na ang nakapilipas s

