Sa isang napakalaking opisana ay nakaupo naman ang isang lalaki, mahaba ang buhok nito at mukhang hindi mo talaga gustong lapitan dahil sa sobrang nakakatakot na awra ng lalaki na iyun. May isang piercing ito sa kabilang tenga niya at tattoo na inukit ang isang larawan ng dragon sa kamay niya. Huminga naman siya nang malalim sabay kagat ng labi niya at agad na kinuha ang cellphone niya. May sarili namang telepono ang opisina niya kung saan tunatawag ang secretary niya pati na rin ang iba pang mga empleyado na pwedeng tumawag sa kanya pero sa oras na iyun ay ang sarili nitang cellphone ang kinuha niya. Agad siyang pumunta sa nakalinyang mga numero at mabilis na pinindot ang number ng kaibigan niya na lagi niyang karamay sa lahat. "Oh bakit na naman may ginagawa ako ha wag mo akong yayain

