Tahimik na naka upo si Dave sa upuan nito nang biglang may lumapit sa kanya. Isang babaeng nag ngangalang Julia at matagal na itong may gusto kay Dave ngunit hindi ito pinapansin ng binata dahil sa kadahilanan na walang interes si Dave sa pag commit sa kung sino mang babae.
"Dave, lunch tayo alam kong nagugutom ka na," saad ni Julia at sabay na naupo sa tabi ni Dave.
Napansin naman ito ni Dave ngunit hinayaan na lamang nya ito dahil sa buong school year ay papansin talaga ang dalaga sa kanya. Hindi sa ganon na masungit sya o kung ano, ayaw nya lang talaga ma attach sa babae na ito dahil alam naman nyang talino lang ang habol ng babae sa kanya.
"Dave, nakakaabala ba ako?" Tanong ulit ni Julia. Hindi ulit sumagot si Dave kaya naman napa tahimik nalang si Julia sabay alis.
'Bwesit na lalake to ang kapal ng mukha para 'di ako pansinin,' saad ni Julia sa isip nito habang naglalakad palabas ng classroom.
Tumigil naman sa pagbabasa si Dave ng libro nito at tumingin sa paligid nya kung nandyan pa ba si Julia at laking pasalamat nya naman nang hindi nya na makita ang dalaga sa loob ng classroom. Ayaw na ayaw nya talaga ang babaeng yun dahil sa pagka desperada nyang makipag kaibigan sa kanya. Sadyang ayaw nya lang talaga mag socialize lalong lalo ba sa mayayamang tao katulad ni Julia.
Huminga naman ng malalim si Dave sabay gulo ng buhok nito. Kakatapos kase ng exam nila kanina ay agad nyang napansin na may mali pala sya sa isang numero doon kanina. Hindi ni Dave maiwasan ang pagiging perfectionist kaya minsan sinisisi nya ang sarili nya sa tuwing sya nagiging malala sa mga ganoong bagay.
"Pre, ayaw mo ba talaga papansinin si Julia. Parang nong first day of school palang eh panay lapit na nyan sayo eh," bigla namang saad ni Felix na kaisa isahang kaibigan ni Dave sa school nila.
Si Felix din ang mata sa lahat ng pinang gagawa ni Julia sa kaibigan nya at alam din naman nya na gagamitin lang nito ang kaibigan nya dahil ubod ito ng katalinuhan.
"Wala akong oras para dyan," maikling ani ni Dave at hinarap si Felix.
"Pero tol, para sa wkin ha, parang mas bagay sayo si Marga o 'di kaya si Janette," dag dag pa ni Felix.
Tinitigan naman sya ni Dave ng masama.
"Tumigil ka nga. Wala nga akong gana mag girlfriend bwesit ka. Inaatupag mo lang lagi puro babae," inis na saad ni Dave. Napa kagat naman sya sa bibig nito at umungol ng konti.
"Alam mo Felix, gusto ko lang talaga ng tahimik na buhay dito sa school natin. Ayoko ng distorbo sa pag aaral ko kase sakit lang yan sa ulo eh. Ang gusto ko lang naman rh maka graduate at mapagamot agad si mama kaya wag mo akong inano dyan sa babaeng yan kahit tukso lang ha. Maawa ka pre," saad ni Dave sabay tayo mula sa upuan nito.
"Mag aral ka, may exam tayo next class," dag dag pa ni Dave sabay labas ng classroom.
Kilala si Dave na isa sa mga matatalinong estudyante sa college institute at napaka bait at tahimik na lalaki sa kanilang section. Marami na rin ang nag kakagusto sa kanya ng palihim lalong lalo na sa mga junior and at senior student sa high school ngunit walang kamalay malay dito si Dave.
Alam din ni Teacher Navi ang buhay ni Dave kaya nga sya agad ang napag bigyan ng scholarship sa isang bansa dahil sayang ang talino nito kung hindi nya magagamit sa mas better na opponent. Alam din ng guro na may sakit ang ina ng binata kaya bilib parin ito sa katatagan at kasipagan ni Dave.
Sa gusto man na ienjoy ni Dave ang buhay koleheyo nito, mas pipiliin pa nyang mag dusa muna sa hindi manlang maliit na bagay kesa sa may mabubuo syang bagay na pag sisisihan nya.
Sobrang mahal ni Dave ang ina nya.
Ang ina nya ang tanging inspirasyon nito sa buong taon na ginugol nya sa kolehiyo at dahil malapit na syang maka graduate ay sa wakas may oras na syang makasama lagi ang ina nito.
Lumipas ang ilang mga minuto ay bumalik naman agad sa loob ng classroom si Dave dahil dumating na ang guro nila sa susunod na klase. Mamaya pa ay pumasok na rin si Julia kasama ang mga kaibigan nito at nang madatnan nila si Dave sa upuan nito ay nagsimula silang magtawanan ngunit hinampas na lamang sila isa isa ni Julia.
Nakita naman ito ni Felix at naintindihan ang sitwasyon. Napatingin naman sya agad kay Dave na nakayuko lamang sa upuan nito na tahimik na nakaupo.
Nagsimula ang klase nilang lahat at halos si Dave lamang ang buong nakikinig sa klase ngunit may ilang estudyante naman na nakikinig talaga dahil takot na mahulog sa kanya exams at sa recitation.
Sa kabuoang klase ay panay naman ang tingin ni Julia kay Dave at dahil nasa likod naka upo ang binata ay mapapansin talaga ito lalong lalo na si Felix na katabi lamang ni Dave.
Napangisi naman sya bigla sabay kuha ng tingin sa kaibigan nya. Si Julian nalang kaya ang kukulitin nito para naman tantanan na ni Julia si Dave kung ano mang plano nito sa kaibigan nya.
"Tol, nood tayo ng liga sa high school mamayang hapon," bulong ni Felix kay Dave. Napa layo naman ito mula kay Felix at agad tumingin sa guro nila sa harap.
"Tumahimik ka lang dyan tsaka makinig ka," ani ni Dave.
"Pwede ka ba tumawa tol," dag dag pa ni Felix.
Napatingin naman si Dave sa kanya na parang hindi makapaniwala sa sinasabi ng kaibigan nya.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Kunyari may ibubulong ako tapos ituturo ko si Aira tapos non, pwede ka nang tumawa, yung tawa na parang nakakita ka ng chix," saad pa ni Felix. Napa hinga naman ng malalim si Dave.
"Mister Felix and Mister Dave at the back, is there something you two wanted to share?"Bigla namang salita ng guro nila sa harap kaya nagulat naman si Dave.
"Ahm... sorry miss, it won't happen again," ani ni Dave at pa sikretong hinampas si Felix.
Tumawa na lamang si Felix sabay layo sa kaibigan nya. Napatingin naman ito kay Julia sa harap at nakita nyang nakatingin sa kanya ang dalaga ng masama. Nagtaka naman ito dahil sa naging reaksyon ng dalaga.
Akala nya kase hindi seryoso si Julia sa kaibigan nyang si Dave ngunit hindi nya alam, nahuhulog na ito sa kaibigan nya.
...
Habang tahimik na naka upo si Marikit habang nanonood ng TV ay may lumapit naman sa kanyang dalawang lalaki. Nangisi ang mga ito at tila na may gustong gawin kay Marikit o 'di kaya may sasabihin ang mga ito.
Lumapit sila ng dahan dahan kay Marikit at nagsi tulakan kung sino ang mauuna.
"Ah... hi Marikit, dalawang coke nga tsaka dalawang mangkok ng adobong baboy tsaka ano ah... dalawang kanin," dahan dahan na saad ng isa sa mga lalaki na lumapit sa kanya.
"Ha? Teka nga, diba kayo yung kumain dito kaninang tanghali, saan na yung mga bote ng coke nyo kanina?" Napag initan naman sila ni Marikit kaya ng katinginan naman ang dalawa.
"Nandito naman kanina yun eh hindi naman nawala yun. Isa pa hinding hindi namin yun dadalhin," ani ng lalaki sabay tawa ng mahinahon. Napairap naman si Marikit sabay kuha ng pagkain para sa dalawang ito.
"Tol, ikaw na humingi, nahihiya ako gago ka," patawang ani ng isa sa mga lalaki.
"Gago ka ba, diba ikaw nagsabi sa akin na lumapit tayo dito kase ang maganda sya. Ikaw kase hihingi pa ng number baka pagalitan tayo," sagot naman ng isang lalaki.
Patuloy padin ang aawayan ng dalawa sa harap ng karinderya hanggang sa dumating si Marikit na hawak ang kanilang kanin. Binigay naman nya ito at lugod naman na tinanggap ng dalawa ang pagkain.
"Tol, ikaw na humingi, nahihiya ako gago ka," patawang ani ng isa sa mga lalaki.
"Gago ka ba, diba ikaw nagsabi sa akin na lumapit tayo dito kase ang maganda sya. Ikaw kase hihingi pa ng number baka pagalitan tayo," sagot naman ng isang lalaki.
Patuloy padin ang aawayan ng dalawa sa harap ng karinderya hanggang sa dumating si Marikit na hawak ang kanilang kanin. Binigay naman nya ito at lugod naman na tinanggap ng dalawa ang pagkain.
Pumunta naman sila sa upuan at hinintay ang kinukuha pa ni Marikit na ulam nila. Pagkatapos ng iyun ay dinala naman ito ni Marikit sa kanila ngunit nang aalis na sana si Marikit ay biglang syang tinawag ng dalawa.
"Bakit?" Tanong ni Marikit.
"Ah.. ano... ahm," pautal utal ng lalaki.
"Ano?" Dag dag ulit ni Marikit.
"Ah... pwede ba naming hingin yung number mo?" Tanong ng lalaki, sa wakas naman ngunit kinakabahan talaga ito.
Sino ba namang 'di kakabahan sa mukha ni Marikit.
"Ano? Number? Nababaliw ka na ba manong?" Ani ni Marikit. Napa atras naman ang dalawa sa sinabi ng dalaga ngunit nagulat naman sila nang ngumiti ito.
"f*******: nalang kuya. Marikit Liwayway po, add nyo nalang tatanggapin ko naman mamaya at syempre naman po, agad yan," ngiti ni Marikit sa kanila sabay alis. Nagkatinginan naman ang dalawa ngunit tumawa na rin.
"Grabe kinabahan ako don," patawang saad ng isa.
"Ako rin kala ko ayaw nya binigay pa talaga f*******: sa akin. Gwapo ko talaga."
"Ulol, paunahan nalang tayo mag chat sa kanya," at gayon parin, nagtatalunan ang dalawa hanggang sa matapos sila kumain. Nagpaalam naman sila kay Marikit bago umalis ng karinderya ni Lola Karen.
Nang hapon na iyun ay nanood na lamang si Marikit ng TV sa karinderya kasama si Haya at si Cathleen na habang nag babantay ng karinderya ay nag uusap lamang ang mga ito.
Marami rin napunta sa kanila para kumain, ilan din ay nagpapahangin lamang o tumambay at halos ng iyun ay mga construction worker sa kabilang kanto na bumili sa kanila ng soft drinks.
Nang dumating ang hapon ay dumating naman si Lola Karen galing dibesorya at nangangamusta sa kanila sa karinderya. Madami dami naman daw ang kanilang na ibenta kaya naman maaga na silang pinauwi ni Lola Karen hanggang sa maubos ang paninda nilang ulam.
Bago pa man ma isara ni Lola Karen ang karinderya ay bigla namang dumating si Dave dala dala ang bag nito galing school. Napangiti naman si Marikit nang makitang dumating ang binata.
"Hi, buti naman nandito kana," ngiti ni Marikit. Tinitigan na lamang ito ni Dave at lumapit kay Lola Karen upang kunin ang ilang dala nito.
"Ay salamat naman. Bait bait talaga nitong apo na ito," ani ni Lola Karen
"Nga pala la, pwede ba kitang makausap at sa bahay nyo na lang po," ani ni Dave.
"Aw oo naman. Tungkol sa ano ba yan?" Tanong ni Lola Karen.
"Sa inyo ko nalang po sasabihin," bulong ni Dave sa kanya.
Napakurot naman ang noo ni Marikit nang makitang nag bubulungan ang lola nya at si Dave sa unahan nya.
"Anong sinasabi mo kay lola ha!"
Napatingin naman si Dave kay Marikit sa likuran nila.
"Wala naman ah," ani ni Dave.
Maya maya pa ay dumating si Henry upang sunduin sila at dahil sasama sa kanila si Dave ay napasakay na ito sa likod.
Ilang minuto lang din naman ang byahe nila bago sila dumating sa bahay nila Lola Karen. Pag baba nila ay magbabayad pa sana si Dave ngunit inayawan ito ni Henry at agad na umalis.
"Wag ka na mag bayad ano ka bang bata ka," patawang saad ni Lola Karen.
Nahihiyang ngumiti si Dave sa matanda sabay ani ng pasalamat nito sa kanya.
Pumasok ang tatlo sa loob ng bahay at agad naman pinapasok nila Lola Karen si Marikit sa silid nito.
"Akala ko ba kakausapin mo ako?" Tanong ni Marikit kay Dave.
"Magsaing ka nalang muna don at hihintayin natin ang mama mo ha," saad pa ni Lola Karen at lumabas na sila ni Dave sa labas ng bahay upang makapag usap na silang dalawa. Mukha kaseng seryoso si Dave habang nakatingin kay Lola Karen kaya naisip naman ng matanda na importante talaga ito.
Hindi naman talaga ito lalapit ng personalan kung hindi mas importante pa sa lahat.