Chapter 9

3023 Words
"Hoy!" Nagulat naman si Marikit sa boses ng kuya nya. Natingin naman sya sa likod nya at nakitang dumating na pala ang kapatid nya. "Oh nakauwi ka na pala," ani ni Marikit. "Oo nga at matanong ko lang, ba't ka ngiti ng ngiti dyan. Sino na namang kalandian mo, isusumbong talaga kita kay mama tsaka kay lola," saad pa ni Henry. "Matulog ka na don baliw ka. Mag uumaga na ginagawa mo pa dito jusko," dag dag pa nga kuya nya. Napairap naman si Marikit sa kanya at tumayo. "Oo na." At iyun na nga, pumasok na si Marikit sa silid nito at tinigil ang pag uusap nya sa dalawang lalaki. Kumajn na rin ng hapunan si Henry upang makatulog na rin sya agad sa mapagod nitong gabi. Sumunod na araw ay ganon parin, maagang umalis sila Lola Karen at si Marikit papuntang karinderya ganyon na rin si Dave na maaga pang nagising dahil may pinapainom pa syang gamot sa ina nya. Nang makarating sila Lola Karen ay si Marikit sa karinderya nila ay nakita naman ni Marikit na nakatayo na si Dave sa harap ng tindahan nila kaya agad naman nya itong nilapitan upang kausapin. "Ang aga mo naman ah," ani ni Marikit. "Buo na yung desisyon ko, sasali na tayong dalawa sa Pera o Kahon," ani ni Dave. Napalaki naman ang mga mata ni Marikit sa sinabi ni Dave. "Weh? Talaga ba?" Hindi parin makapaniwala si Marikit sa sinabi ng binata sa kanya. Nag simula namang mag lakad paalis si Dave ngunit pinigilan naman ito agad ni Marikit. "Hoy ano ba!" Patawang saad ni Marikit. "Tunay ba talaga to?" "Oo nga ano ba, aalis na ako," ani ni Dave at umalis. "Tek–" pipigilan pa sana ito ni Marikit ngunit biglang lumapit sa kanya si Haya. "Ang aga naman lagi ni Dave eh noh," ani ni Haya za kanya. Tinitigan naman nila ang likuran ni Dave hanggang sa makasakay na ito ng tricycle. "Oo nga eh," ani naman ni Marikit. Napatingin naman sila sa paligid nila bago naglakad papunta karinderya ni Lola Karen. Bumalik naman sila Marikit at si Haya sa karinderya upang tulungan na si Lola Karen na buksan ang karinderya nila. Mabilis naman nila pinunta sa kusina ang ilang mga sangkap at kagamitan upang makaluto na sila agad sa kusina. Nang masigurado naman ito no Lola Karen ay umalis na sya agad upang tulungan ang mama ni Marikit sa palengke upang hindi ito msyadong mapagod sa madami na paninda nila. Habang nag luluto naman sila Marikit at mga kasama nya sa kusina ay bigla naman syang napakwento tungkol sa pag sali nila ni Dave sa Pera O Kaldero sa susunod na mga araw. "Ay teh sigurado na akong mananalo kayo, si Dave ba naman yung kasama mo jusko baka mahakot nyo pa yung lahat ng premyo don," ani naman ni Haya. "Isa lang naman yung premyo don," pag singit ni Cathleen. Tumawa naman ng bahagya si Marikit sa ka daldalan ng dalawa. "Gaga, ang ibig ko sabihin eh sigurado na ako na mananalo sila sa laro na yun. Pinagsasabi mo, hampasin kita dyan eh," ani ni Haya. Ngumisi na lamang si Cathleen sa kanya ay nag pagtuloy sa kanilang pag luluto. "Ay nga pala diba nabanggit ko sa inyo na may binigyan ako ng f*******: ko kahapon, ay nako bwesit mga teh nakakatawa silang kausap pero mga gago," patawang saad ni Marikit. Pagkatapos kase kamain at nang umalis at ang dalawang lalaki na iyun ay agad pinuntahan ni Marikit sila Cathleen ay si Haya sa loob upang sabihin sa kanila ang nangyari sa kanya nang lumapit ang dalawang lalaki na iyun na humingi ng number nya kahapon ng tanghali. Nagpatuloy naman ang kanilang pag kekwentuhan hanggang sa matapos nila ang anim na sari saring mga ulam sa dalawa at kalahating oras nas pag luluto. Nang may matapos ng naunang naluto ay nilalagaya na naman nila ito sa harap upang malaman ng ilang tao na dumadaan ay bukas na sila sa pag bebenta ng kanilang ulam ngayong araw. Pag sapit naman ng alas onse ng tanghali ay nagsi dagsaan naman ang kanilang customer at nang dahilan upang mabilisan silang gumagawa sa loob ng karinderya. May ilan din sa customer nila na iisa lamang ang inoorder na mga ulam kung kaya't mabilis itong maupos ngunit ang hindi masyadong mabenya na ulam nilang ay ang chicken curry na halos sa loob ng apat na oras nilang pag bukas ay mga anim lang aya ang bumili ng ulam na iyun hindi kagaya ng adobo nilang baboy at kare kare nila ay madami ito nabenta simula pa ng alas otso ng umaga pag kabukas nila. Habang nakaupo si Marikit sa isa sa mga upuan na kinakainan sa loob nga karinderya, tahimik itong may pinapanod sa cellphone nya kung kaya't 'di nya napansin na lumapit na pala si April sa kanya na isa rin sa mga kasama nya sa karinderya. "Mar, punta muna ako ng bahay pinapauwi ako ni papa susunduin ko daw kapatid ko ngayon. Babalik naman ako agad dito ha," saad ni April. Napatigil naman agad si Marikit sa pinanood nito sa cellohone nya at hinarap si April. "Aw oo naman syempre ano ka ba. Kahit mamayang hapon ka pa babalik o bukas pwedeng pwede basta mag iingat ka lang ha, ako talaga papatayin ni Lola Karen pag hindi ka nag ingat na pina uwi lang kita," ani ni Marikit. Napangiti naman si April sa kanya ay tumawa ng kaonti. "Mar, punta muna ako ng bahay pinapauwi ako ni papa susunduin ko daw kapatid ko ngayon. Babalik naman ako agad dito ha," saad ni April. Napatigil naman agad si Marikit sa pinanood nito sa cellohone nya at hinarap si April. "Aw oo naman syempre ano ka ba. Kahit mamayang hapon ka pa babalik o bukas pwedeng pwede basta mag iingat ka lang ha, ako talaga papatayin ni Lola Karen pag hindi ka nag ingat na pina uwi lang kita," ani ni Marikit. Napangiti naman si April sa kanya ay tumawa ng kaonti. "Salamat Mar. Wag ka mag alala, ma ingat ako lagi," ani ni April. Agad naman umalis si April nang makapag paalam na sya kay Marikit. Nang maka alis na ito ay nag patuloy sa panonood si Marikit sa cellphone nito habang nagbabantay parin ng kanilang karinderya. Nanonood kase ng Pera o Kahon si Marikit sa cellphone nya dahil nag hahanda ito sa pag sali nila ni Dave sa Pera o Kahon at kahit alam naman nyang si Dave lang ang aambag sa kanila eh gagawin parin nya ang makakaya nya. Hindi talaga nya kaya, susubukan nya lang. Sa kabila naman ng dayo ng lugar, makikitang tahimik ang loob ng classroom nila Dave kung saan sila binigyan ng exam ng isa sa teacher nila this class hour. Habang tahimik sila na nakaupo ay bigla naman pumasok ang teacher nila galing labilang room at napatingin sa wrist watch nito. "All right everyone, time is up. Everyone of you pass your sheets here in front. Ayaw ko na ng delay, all of u should pass it na," ani ng prof nila. Nauna namang tumayo si Dave at agad pinasa ang answer sheet nya. Nakita naman ni Felix na tumayo na ang kaibigan nya at pumunta sa harap kaya naman tumayo na rin naman sya at pumunta doon sa harap. Pagkatapos naman ng class nila ay pumunta naman ang dalawa sa cafeteria ngunit hindi nila namalayan na nakasunod pala si Julia sa kanila sa likod. Mabilis na bumili ang dalawa ng kanilang pagkain kaya naman sumunod na rin ai Julia sa kanila at naupo malapit sa mesa nila Dave at ni Felix. "Ano na pala plano nyo ni Marikit?" Tanong ni Felix sa kay Dave. Kilala ni Felix si Marikit dahil nakabisita ng isang beses noon Felix sa kanila na sumama kay Dave. Magkakilala rin naman silang dalawa ni Marikit ngunit hindi sya masyadong pinapansin ni Marikit dahil sa taglay nitong kagwapuhan at nahihiyang tumingin sa kanya ang dalaga. Sa kabilang mesa naman, narinig naman ni Julia kung anong sinabi ni Felix kaya naman nagtaka ito kung sino ba si Marikit na iyun at kung bakit nya binanggit kay Dave ito. At isa pa, anong plano nila ni Dave na hindi nya alam. Tumahimik naman si Julia at nag patuloy sa pakikinig sa kanila. "Aalis siguro kami sa susunod na araw. Handa naman naman ako eh pero tinatago ko lang isa pa hindi pa to alam ni mama kaya itatago ko muna," ani ni Dave. Tumango tango naman si Felix sabay inom ng coke nito. Sa likuran naman nila, kumukunot ang noo ni Julia nang marinig ang sinabi ni Dave. Hindi nya alam pero sa sa isip nya ay girlfriend ba nya itong si Marikit at tinatago nila ang relasyon nila sa mama ni Dave. Ayun naman pala siguro kaya ayaw ni Dave sa kanya dahil may girlfriend na ito ngunit hindi maari, hindi na muna nag isip pa ng kung ano si Julia upang walang may pumasok sa isip nya na kung ano ano. "So musta na pala kayo ni Marikit?" Panukso na saad ni Felix. Napatigil naman ng sabay si Dave at si Julia sa likuran ng sabay mula sa pagkain nila. "Anong pinagsasabi mo?" Tanong ni Dave. "Wala tol, joke lang naman kalma ka lang," ani ni Felix at napatawa. Umiling iling naman na lamang ang ulo ni Dave at nagpatuloy sa pagkain nito. Si Julia naman at panay ang pag tataka kung sino man iyang si Marikit na iyan sa buhay ni Dave at kung ano ang tunay na estado ng babae na iyun kay Dave. Ngayon nya lang kase narinig iyan mula kay Felix at kay Dave kaya naman malaki talaga ang pag tataka nya doon. Nang matapos naman ang kanilang pagkain ay gumala muna ang dalawa sa school field at ganon parin si Julia na naka sunod sa kanila sa likuran nila ngunit hindi parin nila alam ito na nandyan pala ang dalaga sa kanila. Habang patuloy ang pag lalakad nila ay napatingin naman si Felix sa likod nila at nang makita na may pamilyar na babae na bigla nalang tumalikod, napangisi naman si Felix at napansin ito ni Dave. "Bakit?" Tanong ni Dave. "May chix sa likod," ani ni Felix. "Hayaan mo na yan tumingin sa atin. Balik na tayo ng classroom ang init dito," saad naman ni Dave. Pumayag naman si Felix ngunit bago pa man sila makalayo, nakita nyang nakatingin sa kanya si Julia ng masama, ngumisi sya ulit bago nya ito nilabasan ng dila upang inisin ang dalaga. Pagkarating nila ng classroom ay agad naman sila naupoa at hinintay ang susunod nilang teacher. Habang nag uusap sila ay nakita naman ni Felix na pumasok si Julia sa loob ng classroom nila kaya naman tinawag nya ito. "Julia!" Napatingin naman si Julia sa kanya ngunit kumuha ng tingin si Julia kay Dave at ibinaling naman ito agad palayo. "Bakit?" "Halika ka nga rito," ani ni Felix. "At bakit naman kita susundin," saad pabalik ni Julia. "Pumunta ka kang dito ang sungit naman nito." Napairap naman si Julia bago sya lumapit kay Felix. "Bakit?" "Seryoso ka ba talaga sa kaibigan ko?" Tanong naman ni Felix sa kanya. Napa kurot naman ang noo ni Julia at tinitigan si Felix na parang hindi sya makapaniwala na sinabi nya iyun sa kanya. "Anong ibig mo sabihin?" Tanong ni Julia. "Ang ibig kong is seryoso ka ba talaga kaya Dave kase dati mo pa syang kinukulit o di kaya susundan mo. Nakita kita kanina wag ako. Gusto mo ba talaga si Dave kase kung pag lalaruan mo kang yung kaibigan ko, kilalanin mo binabangga mo," saad ni Felix. Napairap naman ulit si Julia sa kanya. "Hilig mo talaga umirap eh noh," ani ni Felix. "Tumigil ka dyan. Oo seryoso ako sa kanya at gusto ko sya at isa pa, hindi ko pag lalaruan yang kaibigan mo na si Dave. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang tao kung pag lalaruan ko lang ito, naiintindihan mo?" Saad ni Julia. Tumango tango naman si Felix. "Good." "Tulungan mo ako sa kanya," bigla namang saad ni Julia. "Ah bahala ka dyan, anohin mo sya mag isa," saad ni Felix. "Bahala ka rin. Ay nga pala may tanong ako." "Mhm?" "Sino si Marikit?" Napatingin naman si Felix kay Julia. "Wala." "Anong wala?" "Ah basta wala ka na don at isa pa, mas maganda yun sayo." "Excuse me?" "Mukha kang isda eh kaya siguro ayaw sayo ni Dave." "Gago ka. "Ah Mar, isang sinigang na baboy tsaka isang kanin nga," ani naman ni Dave sabay upo sa pinaka malapit na upuan. "Your order will come sir!" masiglang saad ni Marikit sabay punta ng lutuan ng karinderya. Napailing nalang si Dave sabay bukas ng libro nito. Bigla namang dumating si lola Karen na lola ni Marikit na may ari naman ng karinderya. Agad naman nya pinuntahan si Dave nang makita ang binata na nag babasa ng libro. "Dave anak ko, nandito ka pala kamusta naman pag aaral mo ha. Ang sikap sikap talaga ng batong to," ani ni Lola Karen sabay haplos ng ulo ni Dave. Napatayo naman si Dave at agad nag mano kay lola Karen. "Okay lang po la. Malapit na rin po finals namin kaya nag aaral na po ako ng advance para naman 'di na ako mahirapan," sagot naman ni Dave. Malapit na malapit talaga ang pag trato ng lola ni Marikit kay Dave dahil sa kadahilanan na kagaya talaga ni Dave ang anak nitong yumaong apat na sampung taon na ang lumipas. And hindi lang alam ng matanda na kung bakit hindi gumaya ang apo nitong si Marikit sa papa nya pero kahit ganon parin ang apo nito ay mahal na mahal nya parin ito. "Kain ka na tapos punta ka agad ng school nyo ha. Nasaan na pala si Marikit?" Ani naman ni lola Karen sabay punta sa loob ng kusina. "Pre, ang swerte mo naman dito, laging libre yung soft drinks," saad ni Kiko. Kasalukuyan syang nakaupo sa harap ni Dave na naka focus lang sa dala dala nitong libro. Napakurot naman ang noo ni Kiko dahil hindi sya pinansin ng binata. "Grabe naman to. Oo na matalino ka na, balik na nga ako construction site," ani ni Kiko ngunit bagi sya umalis ay bumili muna sya ng isang bote ng coke kay Marikit at umalis. "Anong balita pareng Dave?" Tanong ni Marikit nang mailagay na nya ang pagkain na inorder ni Dave. At ng dahil ganon parin na hindi sya pinapansin ni Dave, kinuha nya ang libro ng binata dahilan upang mapatingin sa kanya ng masama si Dave. "Kalma ka lang. Ayan na nga, may nakita ka bang pogi para sa akin?" Kumikinang naman ang mga nito nang mag tanong kay Dave. Tinitigan lamang sya ni Dave ng tahimik at masama parin ang tingin ng binata nito sa kanya. "Ang sungit naman nito nagtatanong lang eh," ani ni Marikit at binuksan ang libro ni Dave. "Ano to?" "Libro." "Alam ko pero ano to, tungkol sa ano to?" Inis na tanong ni Marikit. Napahinga naman ng malalim si Dave bago ginulo ng buhok nito. "Statistic yan," sagot ni Dave. Napag isipan na nya lang na kumain para hindi na sya guluhin no Marikit pero panay parin sa pag tanong ang dalaga sa kanya. "Anong tungkol dyan ha anong meron dyan sa tastistik na yan." "Statistic hindi tastistik. Hindi mo na kailangan malaman and may exam kami bukas kaya inaaral ko to," ani ni Dave sabay subo ng pagkain. "Ah mahirap ba to? Paano mo yan inaaral?" Tanong ulit ni Marikit. Napatingin naman si Dave sa kanya habang may ningunguyang pagkain. Agad naman kinuha ni Dave ang libro nya sa pagkakahawak ni Marikit at tinago ito na ipinatong sa binti nya. "Napaka sungit mo talaga. Ewan ko ba bat mahal na mahal ka ni lola," ani ni Marikit sabay tayo sa kinauupuan nya. Maiging nanood si Marikit sa ginagawa nila sa TV. Sa totoo ay balak talaga nyang sumali sa palarong iyun upang mapalunan ang pera at mapalago ang karinderya ng lola nya at makapag aral na rin sya ng college. "Sa unang tanong, ano ang capital city ng Russia. A Tokyo, B Manila, C Moscow, and D Berlin. Uulitin ko ang tanong. Ano ang capital city ng Russia, A Tokyo, B Manila, C Moscow, and D Berlin. Ready, set, go!" saad ng host. Pinanood naman ni Marikit kung paano nagsi takbuhan ang mga kalahok sa TV. 'D akin,' saad ni Marikit sa isip nito. Pagkatapos namang pumunta sa mga letra ang mga kalahok ay may sinabi na ang host. "Ikaw Dave, anong sagot mo?" Tanong ni Marikit. Uminom naman si Dave ng soft drinks nito sabay salita. "C. Moscow yung sagot," ani ni Dave. "Weh? Sure ka na nyan?" Tanong ni Marikit. Hindi na sya pinansin ni Dave at tumayo na ang binata sabay punta sa kusina ng karinderya. "Hoy, saan ka pupunta?" "Magpapaalam ako kay lola Karen," ani ni Dave. Tumango tango naman si Marikit at nagpatuloy sa panonood ng Pera o Kaldero. Habang naka upo naman sya ay bigla nya na lamang naramdaman na may tao sa harap nya, tumingin naman si Marikit sa taas nya at nakitang nakatayo si Dave sa harap nya. "Bakit?" Tanong naman nya sa binata. Nabigla naman si Marikit sa sunod na ginawa ni Dave, hinalikan sya ni Dave at mahigpit na kinapitan sya sa mukha upang idiin lalo ang mga labi nila. Hindi naman makahinga si Marikit kung kaya't bigla na lamang sya nagpakawala. Bigla namang bumangon si Marikit sa higaan nya habang pinapawisan ito ng malala. Napatingin sya sa paligid nya at nasa kwarto nya rin naman sya at bigla nyang mapagtanto na panaginip lamang pala iyun. Nangyari na kase iyun ng nakaraang araw ngunit ang hindi nya inaasahan na sa panaginip nya ay hahalikan sya ni Dave. Agad na umalis si Marikit sa pagkakahiga. May lagnat kase sya maaga pa kaya hindi na muna sya pinasama ni Lola Karen sa karinderya nila at pinapahinga na muna sa bahay nila. Pumunta ng kusina si Marikit at uminom ng tubig upang mabuhayan ulit ang dibdib nito at ang kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD