Lumipas ang ilang mga araw at sa wakas ay dumating na ang araw na pinaka hihintay ni Marikit. Ilang araw din ang hinintay nya at hindi mapa kali sa mga araw na iyun. At dahil sa tanghali naman mag sisimula ang palaro sa telebisyon ay may ilang oras pa sila Marikit and si Dave. Habang magkasama naka upo ang dalawa sa labas ng bahay nila Lola Karen ay tahimik lamang si Dave na may binabasa sa libro habang Marikit naman ay naka upo rin at nag selpon. Naisipan nila kaseng umalis ng alas onse ng tanghali upang hindi sila gaano mauna and hindi rin gaano ka late dumating. Nakatanggap din sila ng mensahe galing sa staff ng Pera O Kaldero na dumiretso lang sa studio pag nakarating na sila doon. Hindi rin mapakali si Marikit at nag kwentuhan na sila ng mga kasamahan nya sa karinderya katulad nila

