Ang gusto lang naman sana ni Marikit ay manalo doon sa reality show na gusto niyang salihan, pero alam niya rin naman sa sarili niya na mahihirapan siya dahil mahina sadya ang kaniyang utak. “Pa’no ko ba gagawin ‘to?” Kanina pa kasi talaga ako nag-iisip kung ano ang pwede kong gawin para manlang mapapayag ko na si Dave. “Kanina ka pa tinatawag ng mga customers mo, Marikit, oh!” Napatingin naman ako kay Tita nang bigla niya akong tawagin. “Ay, pasensya na, Tita. You know I’m basta madami akong iniisip dito,” sambit ko pa at lumapit na sa mga customers na self-service naman ang tubig pero ayaw kumuha. “Oh, Madam, Sir, ito na ho ang mga tubig ninyo. Libre na nga ‘yan, ang dami n’yo pang reklamo!” Inilatag ko na ang ilang baso roon at bumalik na lang sa pwesto ko para mag-isip na naman ng

