MAKALIPAS ang mahigit isang taon… Panay ang lakad ni Nicholas sa kitchen ng Only Juan’s Burger House upang masiguro na nagtatrabaho ang bawat tagapagluto nila doon. “Na-pre-cooked niyo na ba `yong mga patties natin, guys? `Yong fries, `wag niyong masyadong lutuin nang matagal, ha.” Hindi naman siya istrikto na boss pero iba kasi ang araw na iyon. Meron silang promo na buy one take one sa kanilang classic burger at cheese burger kaya sigurado siyang maraming tao ang oorder ng mga iyon. Ang promo na iyon ay ngayong araw lang dahil ngayon ang one year anniversary simula nang maitayo ang burger house na pagmamay-ari niya at ni Giovana. Ang Only Juan’s Burger House ay ang negosyong bumubuhay sa kaniya ngayon at talagang nagpabago ng kaniyang buhay. Mahigit isang taon na simula nang b

