MAS lalong nagpanting ang tenga ni Ivana sa tinuran ni Giovana na pamunas lang daw nito ng inidoro ang damit na hawak nilang dalawa. Kung sa akala nito ay magpapatalo siya dito ay nagkakamali ito. Marahas niyang binitawan ang damit na halos ikatumba na ni Giovana. “`Ayan! Sa tingin mo ba ay kailangan ko iyan? Sa’yo na. Isaksak mo sa baga mong babae ka!” gigil niyang bulalas. Tiningnan nito ang hawak na damit sabay ngiti nang tumingin sa kaniya. “I think, pwede ko nang gamitin ito ngayon sa mukha mo. Mukha ka kasing toilet bowl!” Mabilis na inginudngod nito ang mukha niya sa damit at ipinunas iyon doon. “There!” sabi pa ni Giovana sabay bitaw sa damit. “Hayop ka talagang babae ka!” inis na sigaw ni Ivana. “Wait! Ganiyan ba ka-cheap ang make up mo at ang bilis mabura? Binigyan ka na nga n

