TULALA at wala sa sarili niya si Nicholas habang naglalakad siya pauwi sa kaniyang bahay. Nakayuko siya at walang gana ang bwat hakbang. Magulo ang buhok niya at medyo madumi ang suot na puting T-shirt at maon na pantalon. Tsinelas lang ang suot niya sa paa. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang magmakaawa sa lalaki ng kaniyang asawa. Lasing kasi siya kaninang madaling araw at dahil sa nalaman niya kung saan nakatira si Ian sa pamamagitan ng social media at internet ay pinuntahan niya ito. Nagbaka-sakali siya na kapag ito ang kinausap niya ay makikinig ito dahil parehas silang lalaki pero nagkamali siya. Hindi nito kayang bitiwan si Ivana at ibalik sa kaniya. Unti-unti na tuloy siyang nawawalan ng pag-asa na babalik pa sa kaniya ang asawa niya. Nakakapanghina din na mag-isa si

