PINUNTAHAN ni Ivana si Yssa sa bahay nito matapos nilang magkita ni Ian upang maipagmalaki sa kaibigan niya ang mga mamahaling bagay na meron siya. Off kasi ni Yssa kaya pwede silang magkita. Siyempre, gaya ng inaasahan niya ay hindi makapaniwala si Yssa nang makita ang mga damit, sapatos, bag at make up na meron siya. Naroon sila sa kwarto nito upang hindi sila makita ng mga kasama nito sa bahay. Nasa ibabaw sila ng kama nito at doon nakakalat ang mga binili nila ni Ian para sa kaniya. “OMG, ghorl! May sugar daddy ka ba kaya ka nakabili ng mga ito?” Hindi makapaniwalang tanong ni Yssa habang isa-isang tinitingnan ang mga bagong damit niya. “Don’t tell me, kumakain ka na ng kulubot na hotdog!” “Gaga! Never akong kakain ng hotdog ng matanda, `no! Iniisip ko pa lang ay nasusuka na

