Chapter 1

1922 Words
Yuka's POV Kulitan at tawanan ang nangyari sa loob ng sasakyan nang sunduin kami nila Jasper, Dennis, at ng kambal. Si mama naman ay dumiretso muna sa probinsya daw namin dahil nandoon ang puntod ni Lola at dadalaw muna raw siya. Sabi niya ay matagal tagal rin siyang hindi nakabisita roon dahil sa Japan siya naka-base. Tinanong ko siya kung okay lang na sumama ako pero hindi na siya pumayag dahil baka makasama pa daw sa lagay ko. Masyado na raw mahaba ang naging byahe ko at isa pa ay hindi rin naman pumayag 'tong si Daryl. "Good boys ba ang mga babies ko habang wala sina Mommy at Daddy?" tanong ko sa dalawang makukulit kong anak na parehong nakakapit sa magkabilang braso ko. Magpapakalong sana sila pareho kaya lang sinabihan sila ng OA kong asawa na maupo na lang sila sa tabi ko. Baka daw maipit ang mga princesses niya. Psh.  Hay naku. Hindi ko alam kung saan ba hinuhugot ni Daryl ang fighting spirit niya at parang sure na sure talaga siyang princesses ang dinadala ko. Diba ang kulit lang? Dinaig pa ang doktor sa advance! Hahaha. Baka naman wizard talaga ang asawa ko? OMG! Hahaha.  Napatingin ako sa katabi ko. "Err. Yeah. Hihi." sagot ni Tam tam habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay. "Why do I smell something....." "Trouble, mommy?" pangungunang tanong niya. Namimilog pa ang mga mata niya sa panlalaki. Jusko po napaka-cute ng anak ko! Wala halong biro! Bahagyang naningkit ang mga mata ko at inilapit ang mukha ko sa kanya saka hinalikan siya sa pisngi. Ang bango! Amoy Johnsons. Hihi, "Why, baby Tam? Have you done something ridiculous?" usisa ko sabay halik din ng nakangusong labi ni Chan chan ko.  Mabilis siyang umiling at hinawakan pa ni  ang hubby ang ulo ng baby ko dahil baka mahilo siya sa sobrang pag-iling. "Not totally trouble but...." huminto siya sa kalagitnaan ng pagsasalita niya at nag-iwas ng tingin.  "Kasabwat ka ba niya, Christian Klein?" tanong ko sa isa na bahagyang napaubo pa.  Mukhang napaka-obvious na ng sagot sa tanong ko. Kapag may nagawa naman silang kasalanan, they won't deny it. Magbibigay lang naman sila ng malawakang eksplanasyon maipaglaban lamang ang punto nila kung bakit nila nagawa iyon. Dinaig pa 'ko kung magpalusot. Kung ako noon kay Daryl, simpleng keme lang ang mga dinadahilan ko, aba itong mga babies ko may hypothesis at theory pa! Jusko po baka 'pag lumaki pa sila ng konti ay i-recite na nila sa harapan ko ang mga batas sa konstitusyon ng Pilipinas makapagpaliwanag lang. My Gosh! I don't even wanna think of that.  "Coleen, magpahinga ka muna. Bukas mo na sila usisahin," "Hubby! Kinukonsinte mo na naman sila. Kaya nasasanay sa mga kalokohan ang dalawang 'to eh," "Of course not, Wife. Why would I do that? I just want you to have enough energy kapag umamin na sila kung ano'ng ginawa nila. Don't you like that?" Isa pa 'tong magaling kong asawa inuuto na naman ako. Naku kung hindi lang ako naka-oo kanina sa proposal niya, i-re-reject ko siya!  Napapikit ako at huminga ng malalim. Shems. Nagiging bipolar na naman ako. Kanina lang ang saya saya ko tapos ngayon naiinis na 'ko. Pagdilat ko ng mata ay pareho ng wala sa magkabilang tabi ko ang kambal. Bakit hindi ko man lang napansin ang paglipat nila sa likuran ni Daryl?  "Oh 'wag ka ng magalit d'yan. Your smile makes you more beautiful. You should wear it more often, Wife," "Daddy's right, mommy. You should stop frowning like this," hinawakan niya ang magkabilang kilay niya at pinagsalubong. "We missed you, Mom. Don't you wanna know first how good boys we were while you're gone?" "Tama nga naman sila, Princess. Napaka-good boy kaya ng dalawang 'yan. Diba?" "Yes, Tito Jas!" "Hahaha. 'Wag ka mag-alala, Princess, siguradong wala silang ginawang malala. Kami kaya guardian ng mga 'yan," "Tigilan mo 'ko, Dennis. Kaya nga mas nakakapagduda dahil kayo ang kasama nila." "Grabe ka naman, mahal kong prinsesa. Ang bait ko na kaya." "Malamang nahawaan ka na ng kabaitan ni Roxanne," mula sa passenger seat sa harap, mabilis siyang nakalingon sa akin at gulat ang mga mata niyang nagtatanong. "Hehehe. Chismoso ka rin pala King. Sabi ko sa'yo secret muna eh," "Tss. 'Wag mo nga 'kong pagbintangan," "Tama si hubby. 'Wag mo na siyang sisihin dahil hindi naman siya yung nagsabi sa'kin."  Tapos ayun kinuwento ko sa kanya si Santos at kung ano ang kaugnayan niya kina Roxanne at Cinderella. Nasabi ko rin sa kanila ang sinapit niya sa kagagawan ni Auntie. Ang huling balita ko ay inuwi ng agency'ng pinagta-trabauhan niya ang kanyang mga labi sa Visayas. Nagbigay din kami ni Daryl ng tulong dahil nadamay lang siya sa gusot namin. Sina Kris, Kevin at Kuya John ay nasa kabilang sasakyan kaya kami lang anim dito. Pero habang nagkukwento ako kanina, napansin ko namang nanahimik si Jasper nang banggitin ko na nasa Canada si Cinderella. Hindi siya nakisali sa usapan namin at nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho. Hindi gaya kanina na palingon lingon pa siya sa akin dahil pinagtatanggol ang kambal. Nang sina Roxy at Cinderella na ang topic, naging diretso na lang talaga ang tingin niya sa daan.  Pagkarating namin sa bahay ay nagkanya-kanya na ng bukasan ng pasalubong. Pati 'tong mga kadarating lang na sina Kris, Kevin, at Kuya John ay nakibukas bukas eh kasama naman namin silang namili ng mga yun sa Japan.  "Nakakapagod din pala," sabi ko pagka-akyat ng kwarto at ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. "Coleen!" "Oh?" tamad na tamad kong sagot. "Baka nakakalimutan mong buntis ka, babae? Kung makapagbagsak ka ng katawan mo d'yan. Tss." ibinaba ko ng bahagya ang comforter na nakataklob sa mukha ko at sinilip siya na nakatayo sa harapan ko at nakapamaywang. "Hehehe. Malambot naman eh," "Kahit na. You should be more careful with your body. Bawal ka ng tumakbo at tumalon-talon kung ayaw mong ikadena kita sa tabi ko," "Okay yun ah?" "Sira,"  Itinabi ko ang comforter at umupo. Hinila ko siya sa kamay at pinaupo sa tabi ko. Sumiksik ako a tabi niya at ipinulupot ang mga braso ko sa katawan niya. Chansing ng slight. Hahaha. Isinubsob ko rin ang mukha ko sa braso niya. Ang bango.  "Hubby, 'wag kang magbabago ah?" "Magbabago saan?" "Sa pakikitungo sa'kin. Kasi nung pinagbubuntis ko sina Tam at Chan madalas nasisigawan ko si Jiro. Malamang magiging ganun din ako sa'yo. Mabilis mag-shift ang mood ko. Natatakot lang ako na baka mairita ka or mainis sa'kin. Tapos makikita mo na rin kung gaano ako ka-arte sa pagkain at masasaksihan mo na ang pagpangit--" "Mrs. Smith, you have nothing to worry. What you just have to do is to help me take care of yourself. Even if you yell at me everyday, I won't get angry. When you're upset, I'm willing to placate you just to lessen your irritation. I will never get tired of you, wife. I chose you to be my wife because  I love you and I will love every single thing about you. You will always be the most beautiful woman in my eyes," bawat salita niya ay parang nagmistulang musika sa pandinig ko. Ang sarap lang pakinggan. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko at ang paghawak niya sa kanang kamay ko. "Promise 'yan, hubby, ha?" "Yes, I promise." "Peksman? Mamatay man yung mga langgam sa garden natin?" "Peksman, mamatay man pati aso ng kapit-bahay natin," humalakhak ako ng malakas. Langgam na nga lang sinabi ko, dinamay pa pati yung malaking pangit na aso sa kabilang bahay.  "I forgot to inform you. Our wedding planner will be here tomorrow at 10 AM. Susukatan ka na nila at ng kambal." "Talaga? Teka, kelan ba ang kasal natin?" "Next Monday," "Ehhh?? Bakit ang bilis?" "Bakit? Ayaw mo?" "May sinabi ba 'ko?" Kitams? Ang ganda ng pag-uusap namin kanina ngayon nagsusungit na. 'Di kaya si hubby ang totoong buntis? Nyahahaha. "Tss." "Sino pala mga iimbitahan natin? Okay na siguro kung tayo tayo na lang. At least church wedding." "Except from BG, Bigbang, and Demon Gang, I invited all of our former schoolmates in college. Sinama ko na rin mga kaklase mo nung high school at elementary. I included also the employees of Smith Corporation and Nakashige Group. I want to introduce you to my business partners from abroad and so I gave them invitations too. Sinabihan ko rin sina Mama at bahala sila kung sino pa ang gusto nila imbitahan. Ikaw ba? You may be want to add more?" "Yung totoo, Daryl? Tinatanong mo talaga ako? Eh parang inimbitahan mo na nga yata buong Pilipinas!" "I don't think so, wife.  But if I could just invite them all, I won't really hesitate." "Lakas tama mo rin, 'noh, hubby? You could have just put it on TV. Nahiya ka pa sa bilang ng mga bisita eh." sarkastik kong sabi.  "I'm also planning to put it on live telecast so everybody would be able to witness our wedding. What do you think? Which TV network do you like? But we can choose all the networks if you want." Napahilot ako ng sentido ko. Jusko po. Gaano kadaming tao ba ang gustong imbitahan neto? Susmaryosep. Dinaig pa namin ang SONA ng presidente ng Pilipinas at laban ni Manny Pacquiao kapag nagkataon. "Siguro kayo na lang bahala d'yan, hubby. Sumasakit ang ulo ko sa pinagsasabi mo," "s**t. Do you wanna go to the doctor??" iniharap ko ang palad ko sa kanya para patigilin siya.  "Okay lang ako. Nahilo lang ako sa dami ng mga inimbitahan mo. Grabe, Daryl. Hindi naman halatang pinaghandaan mo talaga 'to, 'noh?" natawa pa siya bigla.  Kinuha niya ang mga kamay ko at tinitigan ako sa mata. "Gusto ko lang naman na ipagsigawan at ipakita sa lahat ng tao na ikaw ang asawa ko. I want to end all the secrecy in our relationship. I want to broadcast to everybody that you're f*****g married with the man named King Daryl Smith," Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong isagot. God, I'm speechless. Maliban kay daddy, si Daryl ang kauna-unahang taong nagparamdam sa'kin na napakahalaga ko. Siya ang lalaking pilit na pinagsasaksakan sa utak ko kung gaano ako ka-importante sa mundong ito. Importante daw ako dahil ako ang mundo niya.  Tinakpan ko ng braso ko ang mga mata ko kahit na malapad ang ngiti ko. Naluluha ako eh. Hahaha. "Hey, I'm not trying to make you cry. I'm just giving you simple explanations," natatawa pa ring wika niya. At dahil hindi talaga ako makasagot, lumapit na lang ako sa kanya at yumakap. If your mouth can't utter it, your actions can show it.  Kinabukasan pagkatapos naming mag-almusal ay dumating nga yung wedding planner at organizers. Hindi lang sila dalawa, kundi sampu. Medyo na-shock ako. Haha. "Papa Daryl, pwede shupi ka muna? Aba ipahiram mo naman sa akin ang bride! Haller! Pwede pa kayong magyakapan mamayang gabi, bukas, at sa susunod pang mga araw!" "Shut up!" At sa ikasampung pagkakataon ay inirapan kami ni bessy. Kasi naman 'tong si Daryl eh kanina pa yakap ng yakap. Parang tuko. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tinanggal sa pagkakapulupot sa bewang ko saka ako humiwalay sa kanya. Saktong pagharap ko sa kanya ay sabay kaming napatingin sa kambal naming mukhang tinotopak at sinusumpong. "Catch me if you wanna, Miss Piggy. Hihihi. I obviously can run faster than you. Hahahahaha." Nagkatinginan kami ni Daryl at bahagya akong napangiwi. Shems. Akala yata ni Tam tam ay playmate ang personal designer niya. "Don't touch me. I don't like your smell. You can use our bathroom and take a bath to junk off that bad scent of yours if you want to get next to me. It's on the right corner over there." Napakamot ako ng ulo at hinila ako ni bessy palayo kay Daryl. "Bessy, yung isa mong anak sinapian ng milyon milyong kiti kiti. Yung isa naman hinawaan ng kasungitan ng tatay. Hay naku Papa Daryl! Paki-asikaso naman muna yang mga maliliit mong kampon kung gusto mong may maganap na kasalan!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD