Chapter 2

1989 Words
Yuka's POV Tatlong araw na ang nakalipas nang magpunta sina Bessy at yung mga wedding oraganizers and planner sa bahay. Maayos naman ang mga naging plano nila dahil nagustuhan namin pareho ni Daryl ang ginawa nilang proposals. Nagka-aberya lang talaga sa pagkuha nila ng sukat nina Tam tam at Chan chan. Bukod sa running marathon na naganap sa pagitan ni Tam at ng personal designer niya, hindi rin talaga pumayag si Chan na makalapit sa kanya yung designer niya na si Bella nang hindi nagtatanggal ng perfume kaya nakakahiya man ay pinagamit muna namin sa kanya ang bathroom at pinaligo. Humingi ako ng pasensya kay bessy pero okay lang naman daw 'yon. Ganun din syempre kay Bella na binigyan ko pa ng bagong masusuot. Buti na lang ala-department store ang closet ko kaya may mga 'di pa 'ko nasusuot na damit. Pagkatapos naman nun ay naging okay na ang lahat. Si Daryl hindi na sinukatan dahil ang maarte niyong lolo ay ayaw ding magpahawak kung kani-kanino kaya mismong measurements na nakasulat na sa isang papel ang binigay niya kay bessy para sa gagawing suit sa kanya. O diba siya na mismo ang nagsukat ng sarili niya? Nahiya naman siguro siya ng bahagya kaya hindi na niya ako dinamay pa. At ngayon, "Anak naman nung tukneneng, Papa Daryl! Diba usapan hindi mo muna pwedeng makita ang bride bago ang kasal niyo bukas? Ang kulit talaga ng lahi mong gwapo 'noh?" "The f**k! I wanna see my wife! Let me inside or I'll break this door," Nakita kong napahigpit ang hawak ni bessy sa door knob. Nandito kasi kami sa kwarto at kahapon pa nakabantay si bessy na hindi muna kami magkita ni hubby. Ewan ko ba dito sa France na 'to. Hindi naman ito ng unang beses naming magpapakasal ni Daryl pero kung ano-anong lumang paniniwala ang mga pinagsasabi niya. Pina-kickout niya pa si hubby dito sa mismong pamamahay namin at pinag-check in niya sa hotel. Hindi ko nga alam kung paano niya napalabas si Daryl nang hindi nakikipagsabunutan. Hahaha. Natuwa lang ako sa itsura ni hubby na sobrang busangot kaya hindi na 'ko pumalag pa sa plano ni bessy. "Hoy, Papa Dennis! Umakyat nga kayong lima dito! Diba sabi ko 'wag niyong papapasukin 'to?! Bakit nandito na?!" sigaw niya sa BG na nasa baba at kasama niyang nagbabantay sa'kin dito sa bahay simula pa kahapon. "Ikaw kaya i-blackmail niyan? Hahaha. Bahala ka na sa kanya! Labas na kami d'yan!" dinig kong sigaw pabalik ni Dennis. Mukhang natakot sila ni hubby. Hihi. "Mga bakla talaga kayo! Natakot kayo dito kay King?!" Shems! Ano ba 'tong pinagsasabi ni bessy! Nakalimutan yata niyang kaharap niya si hubby, though hindi ko sila nakkita dahil nandito ako sa loob at nakalabas lang ang precious head ni bessy sa may pinto. "Get out of my way," "Hindi pwede, Papa Daryl. Hoy mga bakla talaga kayo kapag walang pumanhik sa inyo dito!!" pumaibabaw ang mga yabag ng mga paang papanhik ng hagdan. Mukhang nauto sila ni bessy. "s**t bitawan niyo 'ko!!" "Hahaha. Balik ka muna sa hotel mo. Bukas na lang," "Mamiss mo naman ng konti si Princess, dude." "Fvck! I miss her!" "Grabe ilang oras pa lang. Balik ka na lang bukas. Hehe," "I'm warning you," "Pakshet hawakan niyo sa paa! Itali niyo mga kamay at nang 'di manganib mukha ko!" "Tangina mo, Dennis! Hahaha. Pasapak ka na, boy!" "Gago! Hoy John at Kris, baka gusto niyong tumulong? Hindi kami nag-la-live show dahil nakataya buhay namin dito," "What the hell! Let me go, Kris!" "Tiis ka muna, King." "Damn you, John!" "Sarreh, King." "Yuck!" Jusko po baka nagrarambulan na yata mga 'yon sa labas. Abnormal pa naman utak ni Daryl kapag nakasumpong. Ilang sandaling nanahimik sila ay narinig ko ang matinis na boses ni Tam tam. "Hihihi. Bye, daddy. We'll see mommy right now while you have to wait until tomorrow. Poor daddy. Hihihi. But don't worry, I'll send you picture of her with me later," ay jusmiyo! Baliw din talaga 'tong batang 'to. Inggitin daw ba ang daddy? "Are you trying to do me favor or to make me feel envious?" I could imagine my husband raising his brow. "Both?" mapang-asar pang tugon ni Tam tam. "No. You'll come with me," Napatakip ako ng bibig sa pagpigil ng tawa. Parang nakikita ko na ang pamimilog ng mga mata ng baby ko sa gulat. "Noooo!!!" "Get inside here, Sam!" rinig kong sigaw ni Chan na nasa tabi na ni bessy. "I'm coming, Kuya!!" "Both of you come here!" Ilang sandali lang ay nasa loob na silang dalawa at mabilis nilang tinulak pasarado ang pinto. Kumaripas ng takbo papunta sa akin ang kambal ko. "Daddy, I'm hugging mommy na!" "Comeback here, Sam!!" "No, daddy! Mommy smells so good here!!" "Arghhh!! Let me in!!" "Ang kulit much mo, Papa Daryl!" Tinakpan ko ang madaldal na bibig ni Tam tam nang magtangka ulit siyang sumigaw. "Mo...mmy... Let...go...of...my...mouth," "Napakadaldal mo, baby! Quiet ka nga like little kuya!" "Hihihihi. But it's fun being madaldal," pangangatwiran pa niya sabay yumakap sa'kin. Si Chan chan eh tahimik lang na nakasandal sa braso ko. "Hay naku bessy, kung nakadugtong lang ang buhay sa'yo ni Papa Daryl, malamang kahapon pa siya nangisay sa pagkakalayo sa'yo. Jusmiyo! Napaka-adik lang talaga sa'yo niyang asawa mo, noh?" "Hehehe," napakamot na lang ako ng ulo. Ako rin naman miss ko na siya. Pero siyempre ayoko naman ding mag-alburoto 'tong si bessy kapag naging pasaway ako. Baka igapos ako niyan 'wag lang makalabas. "Ano ba'ng gagawin natin ngayon? Saka bakit hindi kami pwedeng magkita, asawa ko naman na siya ah?" "Alam ko asawa mo na siya pero duh?? As in capital D to the U to the H! Church wedding niyo bukas, gaga!" "Psh. Lumang kasabihan naman yun," "May binubulong ka, babaeng buntis?" "Wala po," "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Magbihis ka," "Bakit? Saan tayo pupunta?" "Sa heaven bessy." "Ano?! Ayoko. Baka malaman pa ni Daryl 'yan siguradong magagalit 'yon!" "Ooops. Bawal tumanggi. Magbibihis ka mag-isa o ako ang magbibihis sa'yo. Mamili ka," "Bessy naman eeeeeeeh! I'm sure na ikaw lang ang may gustong pumunta doon kaya sige na 'wag mo na 'kong isama. Dito na lang ako," "May bridal shower bang walang bride? Kapag ako lang pumunta doon, sisiguraduhin kong ako ang magiging bride ni Papa Daryl bukas!" "What?! Bridal shower?!" "Yes, bessy. Kaya kumilos ka na d'yan at nang makatikim ka ng ibang katawan maliban sa katawan ng asawa mo. Hihi." "Where are we going--" "Oww sorry babies, hindi kayo pwedeng sumama. Come to ninang." at ayun, sinama niya palabas yung dalawa at pinanlisikan muna niya ako ng mata bago tuluyang iniwan mag-isa dito sa kwarto. Juice colored! Sinasaniban na naman ng kalandian si bessy at damay pa 'ko! Patay talaga ako kay hubby kapag nalaman niya 'to. Huhuhu. Nakasimangot at nakayuko akong tumayo at nag-ayos. Bahala na nga. Dennis' POV "Let.me.go.back." "Nag-volunteer na nga akong samahan ka, gusto mo pa ring bumalik? Pasalamat ka talaga, King, masyado kong pinapahalagahan ang pagkakaibiga-" "Who the fvck told you to come with me? I don't even wanna be with a psychotic person like you," "Tsk. Hindi mo talaga ma-appreciate ang presence ko. Nakakatampo ka na ah," "What the hell? Kinokonsensya mo ba 'ko?" "Aba eh kung may konsensya ka pa namang natitira, pwes talagang makonsensya ka na! Look around you. Wala sina John at Kris. Ang mga bugok namang 'yang sina Kevin at Jasper, ayan tinulugan lang ako ng mga gago. Mabilaukan sana sila ng mga laway nila d'yan sa back seat. Pero ako? Heto at matiyagang kinakausap ka. Pinagmamaneho pa kita. Tsk, saan ka pa ba makakakita ng gwapong kaibigang katulad ko? Syempre sa harapan mo lang." Minsan talaga hindi ko na alam kung naduduling ba sila o nasisilaw na sa sobrang kagwapuhan ko kaya nabubulag sila at hindi makita ang kagandang lalaki---este loob ko. Yung mahal ko namang girlfriend eh mukhang hinihintay pa 'ko sa simabahan. Tanginis kung kasal lang yun malamang may Tam tam at Chan chan na rin kami pero putek! Hinihintay yata akong mag-pari dahil sa sobrang banal niya eh ayaw na siyang paalisin sa kumbento. Taragis magkakasala pa kami kapag nagkataon. Forbidden love? Anak ng dragon! Hindi ko na lang pinansin ang pagputak nitong si King. Dinaig pa babae sa daldal shet! Kung may bomba lang bawat mura niya eh malamang kanina pa kaming lahat sumabog dito. Buti na lang pala naposasan namin bago isakay dito at naikadena sa upuan niya dahil kung hindi ay baka kanina pa rin kami tumilapon sa kalsada. Hahaha. Kapag ako nawalan talaga ng pasensya sa mahal na hari'ng ito, i-ma-masking tape ko na bunganga. Pakshet napakatapang ko talaga! Napangiti ako ng pang-colgate nang may pumasok sa malinis at inosente kong utak. Kaya naman habang nagmamaneho ako ay napapa-head bang ako sa tugtog ng mp3 ng sasakyan ko. Ni-volume-up 'ko para naman hindi lang bunganga ni King ang kumakanta sa pandinig ko. LOL. After ng almost 1 and half hour, nakarating kami sa.... Heaven. Kahit masama ang tingin ni King sa'kin ay nilagpasan ko siya at binomba ang mga tukmol sa likod. "Gumising kayong dalawa d'yan o baka gusto niyong ipalapa ko muna kayo sa bulldog?" "Gagu. Nasa'n na ba tayo?" tanong ni tukmol 1-este Jasper. Namumula pa mga mata nilang dalawa ni uod sa puyat dahil magdamag talagang mulat kagabi para lang mabantayan si Princess at hindi mapasok ni King sa kwarto nila. At dahil gwapo nga ako, nakatulog pala ako ng maayos kagabi. Sila lang hindi. "Nasa Heaven na tayo," nakangising sagot ko. Ang putaragis na Jasper ay parang sinilaban at nabuhay bigla ang katawang lupa. "Nice one, dude!! May utak ka naman pala minsan! Hahaha." "Tarantado! Hahaha." "Ano'ng gagawin natin d'yan?" tanong naman ng mukhang taong bundok na uod na si Kevin. "Mag-p-prayer meeting tayo, bro." sabay tapik ko sa balikat niya at sapok sa ulo niya. "Fvck you, Dennis!" inda niya. "Oh no. Fvck someone else later, bro." Pagkasabi ko nun eh sabay na tumawa ang mga gunggong. Sira ulo talaga. "Binuksan ko ang pinto sa middle part ng sasakyang dala namin. "Hoy, King, buhay ka pa ba d'yan?" "Alive and ready to kill you all," "Huwag ka ng mag-tantrums d'yan, Master King. Wala ka naman ng magagawa dahil malayo na tayo sa mansyon mo at sa reyna mo pati na rin sa mga taksil mong prinsipe," sabi ko at ang sakit sa panga ng pagpipigil ko ng tawa. Kung nakita niyo lang talaga ang mukha niya kaninang iniinggit siya ni Tam tam eh priceless! Gwapo talaga ng bulinggit na yun mana sa'kin. Tiningnan ko ulit 'tong dalawang kasama ko, "Kakalagan na ba natin?" "Siguraduhin mo munang wala siyang pera sa bulsa. Akin na susi ng sasakyan baka mamaya biglang humarurot 'yan paalis at iwanan tayo dito," paniniguradong sagot ni Kevin. Kaya kahit panay irap ang inabot ko sa mahal na hari ay sinigurado kong wala siyang dalang cash and cards. Pagkatapos ay hinagis ko kay Jasper ang susi ng sasakyan. Nang makasigurado na kami ay in-unlock ko na yung posas niya at kadena. Pero tangina hindi pa rin kami nakaligtas sa upper cut niya putek! Buti na lang na-protektahan namin mga mukha namin kaya ang macho kong katawan ang natamaan buset. "Alam naman namin na 101% percent ang loyalty mo kay Princess, pero pagbigyan mo na kami dito, King. Hahaha. Experience Heaven naman bago ang church wedding mo bukas. Don't you miss this? Sisiguraduhin naming maliban sa unforgettable night niyo ni Princess, magiging unforgettable event din itong.....stag party mo dude," I even spread my arms in front of the big sign board of Heaven. Teka baka kanina pa kayo nagtataka kung ano ang Heaven? Edi langit. Hahahaha. Sikat na club ito na tambayan din namin dati ng mga mababait kong kaibigan. Pero dahil naging busy na rin kami these past few years, bihira na kaming mapadpad dito. Pinagbabatukan kami isa-isa ni King pero natatawa naman. Kalahating normal at kalahating gago din ito eh. Pa-good boy lang masyado kay Princess. Hahaha. Paunahan kami ng takbo papasok nila Kevin at Jasper dahil hinahabol kami ng tigre--este ni King. Naghanap agad kami ng pwesto at ang mga feeling close na nadatnan namin ay todo bati sa'ming tatlo. Iba na talaga kapag kaakit akit ka. Hindi kumukupas ang kasikatan. Party all night na 'to!! "Damn you, three idiots. Tigilan niyo 'ko sa kung ano man 'yang binabalak niyo. I'm fvcking married," "Hahahaha. Chillax ka lang, lover boy. You'll experience heaven.... here in HEAVEN." nakangising sagot ko sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD