Chapter 3

2020 Words
Chapter 3 "Bessy, uwi na lang tayo, please?" "No. no. no. no. no," may kasamang kumpas pa ng daliri niya "Wala ka namang dapat gawin, bessy. Just sit, relax, and... watch," wika niya habang papahina nang papahina ang kanyang boses. Halatang may binabalak na hindi kanais-nais. Mahirap talagang pagkatiwalaan ang mga plano ng Francisco na 'to eh. I folded my arms across my chest as I passed by him and follow the guy whom he was talking earlier. Sumunod naman siya at hinatid kami nung lalaki sa isang parte ng Heaven Club na 'to na walang naka-okupa at bakanteng bakante. Halatang pinaghandaan talaga. May tatlong table at sa harap namin ang isang stage na may katamtamang laki at may mga upuan sa ibabaw. Kagaya ng sinabi niya, umupo lang talaga ako at pinapanood ang nangyayari. Ano na nga ba ang nangyayari? Kanina pa may kausap sa phone 'tong si bessy at napansin ko ring unti unting dumadami ang tao sa paligid namin. Hindi ako masyadong pamilyar dun sa iba pero may mga dumarating na naging kaklase ko pala dati at gulat na gulat sila nang makita ako. Konting kamustahan lang naman ang nangyari at naupo rin sila agad sa table na itinuro nung isang waiter. "Oh my gosh! Oh my gosh! Bessy, isa lang ang ipapayo ko sa'yo ngayon. Enjoy this night! This is YOUR night!" hindi magkanda-ugagang bulalas niya. Papala-palakpak pa siya habang nakangiti ng pagkawagas wagas samantalang ako kanina pa nakasimangot sa harapan niya pero parang wala lang sa kanya. "France naman kasi eeeeeeeeh," reklamo ko uli. "Pwede ba paki-ayos ayos 'yang mukha mo, teh! Bridal shower ito at hindi byernes santo!" "Pwede naman kasing wala na nito, eh. May kainan naman bukas pagkatapos ng kasal, so bakit kailangan pa ng ganito?" Sa hindi ko maipaliwanag na salita, parang biglang nag-iba yung timpla ng aura ni bessy. Kung kanina pink and purple pa, ngayon nagiging gray at black na. May nasabi ba 'kong mali? Naging honest lang naman ako eh. Huhu.  Sumagmit siya ng isang basong alak mula sa waiter na dumaan sa harapan niyang may hawak na tray ng liquors. Napalunok ako nang makita kong tinungga niya lang ito ng isang beses at nagulat ng konti nang ibaba niya ng pabagsak ang baso sa lamesa. Shems akala ko mababasag na. "Utang na loob, bessy! Gaaaaahd! Hindi ito food trip! Kainan ito ng hot na fafa! Hindi ng pagkain!!' Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya at naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa braso at batok. Nanginginig ang mga tuhod kong napatayo. "Ano?!! Bessy! Hindi ako aswang para kumain ng lalaki! Ayoko na dito! Uuwi na ako!!"  Tumahimik ang paligid. Huminto ang tugtugan at ang pag-ikot ng iba't-ibang klase ng ilaw. Napasabunot ng buhok niya si bessy at yumuko saka paulit ulit na ini-untog ang ulo sa pole sa tabi niya. Jusko po nawawala na yata sa katinuan 'to. Shems. Itinaas niya ang isang kamay niya habang nakayuko pa rin. "Let's begin this night!" parang timang na wika niya at hinila niya ako paupo pabalik sa pwesto ko kanina.  Sabay sabay na namatay ang lahat ng ilaw. Wala akong makita kahit ano kaya napakapit ako ng mahigpit dito kay Francisco. "A-Ano'ng nangyayari?" tanong ko at salamat dahil hindi rin naman niya ako sinagot. Psh. Nagsimulang mag-play ang isang kantang hindi ko alam kung kanta ba talaga. Pagkatapos ay may spotlight na tumutok sa stage at may dalawang lalaking lumabas mula sa likod nito. Muntikan nang sumayad ang panga ko sa sahig ng maayos kong makita yung dalawang lalaki. Wala silang suot ng pang-itaas at shems! Ughhh! May tag-walong bato bato sila sa tiyan. Kasabay ng mabagal na tugtog, napansin ko na lang bigla na may hawak na silang mga bote ng tubig at ibinuhos sa kanilang sarili. Nagsimulang magsigawan at maghiyawan ang mga kababaihan at feeling babae rin na nasa paligid ko.  Napatakip ako ng bibig sa nakikita ko ngayon. OH. MY. GOSH! "Sheeeeeet!! Ang hot!! I'm gonna die! I'm gonna die again!!" kahit malakas ang music dito, feeling ko mabibingi pa rin ako sa sigaw ni bessy. Parang kiti kiti pa sa likot! Hindi siya mapakali sa upuan niya. Ako naman nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig ko. Sinubukan kong pigilan ang nais kumawala sa bibig ko pero ang hirap shems! Nanatili pa rin ako sa posisyon ko at sa kinauupuan ko. Napakamot ako nang ulo kasi parang sa'kin silang dalawa nakatingin. Yung ngiti pa nila parang nakangisi na ewan. Yung isa kumindat kaya binelatan ko. Hehe. Hindi rin nagpahuli yung isa at ngumuso pa sa akin kaya ang ginawa ko ay pinanlakihan ko siya ng butas ng ilong. Hahahaha. Bigla silang nagkatinginan na dalawa pero nagpatuloy pa rin sa pagsayaw at paggiling. Napatayo ako. Hindi ko na talaga kaya! Nasusuka na ako! Pagkakita ko pa lang sa mga katawan nila kanina gustong gusto ko na maduwal. Hindi ko alam kung bakit ganun. Huhu. Parang lahat ng bituka ko sa tiyan ay gusto ng lumabas. Yung sikmura ko babaligtad na rin yata.  "Excuse p-po..ugh.. Makikiraan po ako tabi!" diretso ako sa pagtakbo at sa katangahan ko ay nakikita ko nang may makakabungguan akong apat na pamilyar na lalaki pero dahil sa nagmamadali talaga ako, itinulak ko sila para makadaan ako. Pumasok ako agad sa restroom na una kong nakita. "Ugh!" paulit ulit akong nasusuka sa sink pero wala namang lumalabas. Arggh! Medyo hinihingal pa ako nang naging okay okay na 'ko ng kaunti.  "Shems. Bakit parang nakita kong nakakunot noo kanina si hubby ko?" tanong ko sa sarili ko habang nagpupunas ng tissue towel. Buti na lang at walang tao dito at hindi nila ako mapapagkamalang baliw na kinakausap ang sarili. Pero baka namamalikmata lang ako. Napaka imposible naman kasing mapadpad yun dito. Unless kung gusto niyang mambabae naku! Ma-wre-wrestling ko siya ng 'di oras.  "King! Hindi nga kasi siya 'yon! Imposibleng si Princess yung nakita mo! 'Wag  ka nga'ng makulit!" "Bitawan niyo 'ko! I saw her get in here!" "Takte naman, King! Madadali tayo kapag pumasok ka d'yan! Pambabae 'yan!" "Wala akong pakealam! Bitawan niyo 'ko!" Sheeeeeeeems! Namamaling dinig na rin ba ako?? Itinapon ko sa trash bin yung hawak kong tissue at naglakad palapit sa likod ng pinto. Itinapat ko ang tenga ko dito para maayos ko silang marinig. "Mabobomba tayo dito kapag nagkataong si Princess nga 'yon. Nag-iisip ka ba, King?" nanliit ang mga mata ko. Ngayon ay hindi na ako pwedeng magkamali. Boses ni Dennis Wang 'yon! Lumayo ako ng konti sa pinto at nagbilang ng hanggang tatlo.  3 2 1 "Then I want to confi---rm...it. Oh w-wife? You're really here." gulat niyang tanong  "Packing s**t, King!" Jasper. "Inosente kami, Princess." Dennis. "Good boy ako," Kevin. "Hubby! Namiss kita!! Huhuhu. Uwi mo na 'ko ayaw ko na dito. Huhuhuhu." mukhang nagulat sila sa reaksyon ko pero 'di ko na lang sila pinansin at diretso yakap ako kay hubby. "Pumunta ka ba dito para sunduin ako? Pa'no mo nalaman?" tanong ko. Napasimangot ako ng bahagya dahil nakanganga lang sila at parang na-starstruck na naman sa sinabi ko. Ano ba'ng nangyayari sa mga ito?  "A-Ah, tama ka, Princess! Sinusundo ka nga namin dito! Ha ha ha. Diba, guys?? Bakit ka nga ba nandito?"  "Talaga, Kevin?? Mabuti naman! Kanina ko pa nga gustong umuwi pero may bridal shower daw ako," "Bridal shower?? Tapos na ba?" tanong ni Dennis. "Hindi pa. May mga lalaking sumasayaw pa nga doon sa pwest--." "Did you fvcking see them?!" "Syempre nandun ako. Kaya nga tumakbo ako paalis eh," hindi ko mapigilang 'di mapanguso kapag naaalala ko yung pa-bridal shower na yun ni bessy. Naku lagot talaga siya sa'kin bukas. "Hahahahaha. Bakit ka naman tumakbo, Princess?" natatawang tanong ni Dennis kaya sinamaan siya ng tingin ni hubby. "Wala kasi silang suot na pang-itaas. At nung pagkakita ko sa kanila, biglang sumama yung sikmura ko. Nasuka ako kaya tumakbo agad ako papunta dito," sagot ko. "Ibang klase ang loyalty mo kay King! Pati katawan ng iba sinusuka mo. Katawan lang yata niya gusto mo. Hahahaha. Sayang ang macho ko pa naman," "Do you wanna lose all your teeth?" "Joke lang uy! Hahaha. Mas gwapo ako ng may kumpletong ngipin," nakangiting sagot ni Jasper. "Are you okay now? Nasusuka ka pa ba?" nag-aalalang tanong niya. I enveloped my arms around his waist. "Okay na 'ko, hubby. 'Wag ko lang makikita ulit yung mga 'yon." pagkumpirma ko. He then also put his arms around me and slightly patted the back of my right shoulder. "Paano niyo nga pala nalaman na nandito ako?" Nagkatinginan muna silang apat bago magsalita si Kevin. "Your husband has his sources. Alam mo namang malakas ang radar niyan pagdating sa'yo," "Ahhh. Akala ko nandito kayo para mambabae," pagkabitaw ko ng mga salitang 'yon, para silang nakalangap lahat ng alikabok dahil sabay sabay silang napaubo. "Okay lang kayo?" "Okay na okay! Ha ha ha. Naku good boy kaming lahat kaya hinding hindi namin maiisipang mambabae noh! Lalo naman 'yang si King," 'Sigurado naman ako kay hubby at sa iba. Pero sa'yo, parang malabo yata. Babaero ka h. Hehehe," "Lapitin lang ng chickas, Princess." kumindat pa siya.  Humiwalay sa pagkakayakap sa akin si hubby at hinawakan ako sa kamay. "Let's go, wife." "Oy saan kayo pupunta?" "Malamang aalis kami, Dennis. Hubby, saan nga ba tayo pupunta?" "Malamang aalis din tayo, Coleen." "Aba aba aba pinipilosopo mo na rin ba ako ngayon, King Daryl?" "Of course not, wife. We'll go home." sagot niya saka pumalad kay Jasper. "Give me the car keys," "Ha? Eh pa'no kami? Sasabay na kami sa inyo. Isa lang ho ang dala nating sasakyan baka nakakalimutan mo?" "Fine. Sa gulong sasakay ang gustong sumabay sa'min," Dali daling pinagkakapa ni Dennis ang bulsa ni Jasper at kinuha ang susi saka ibinigay kay Daryl. "Teka, pa'no kami uuwi? H'wag mong sabihing pasasakayin mo kami ng taxi pabalik?" "Sumabay na lang kayo kay bessy. Paki sabi na lang din na nauna na 'kong umuwi. Hehe," "Gyegyerahin kami ng baklang 'yon! Pa'no namin sasabihing tinangay ka ni King?" Nakangising tumingin si Daryl sa mga problemado wonderpets. "Tss. Tell him I kidn*pped my wife," sagot lang niya sa kanila at saka na niya ako hinila palabas ng club.  Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang hawak niya ang kamay ko at hinihila palabas. Parang nung high school lang ako. Madalas sumusulpot siya sa school ko at kapag wala ng tao ay bigla bigla na lang niyang hahawakan ang kamay ko at hahatakin kung saan. Paglabas namin ay tumungo kami sa isang puting malaking van. Pinagbuksan muna niya ako ng pinto sa passenger seat bago siya pumwesto sa driver's seat. "Why are you smiling, wife?" puna niya agad pagkasakay. "Wala. Bawal ba'ng ngumiti?" He chuckled and slightly pinched the tip of my nose. "I miss you," I also smiled at him, "I miss you too, hubby. Bakit lumaki yata eyebags mo? Hindi ka siguro nakakatulog nang hindi ako katabi, 'noh? Hehehe." "Buti alam mo," Marahan niyang kinuha ang mga kamay ko at tsaka hinalikan. Para akong kinargahang baterya nang dumampi ang mga labi niya sa balat ko. Malambot at mainit.  Sinasabayan pa ng mga titig niya na parang tutunawin ako. Hindi ko na talaga maawat ang puso ko sa mabilis na pagtibok.  "Mag-drive ka na para makarating tayo agad," natatawang sabi ko dahil wala yatang balak bumitaw sa pagtitig sa'kin. Yung ngiti ko abot tenga na. Nakakahiya. Baka sobrang halatang kilig na kilig ako. Sinunod naman niya ako at nagsimula na siyang magmaneho.. gamit ang isang kamay. Nanatiling nakahawak ang isa sa kamay ko habang bumabyahe kami. Nakaidlip ako kaya nang magising ako ay nasa tapat na kami ng bahay. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at nanatili lang kaming nakatayo sa tapat ng gate. "Pasok na 'ko sa loob, hubby?" Nagsalubong na naman ang mga kilay niya sa sinabi ko.  "WE are going inside, wife." "No, Daryl. Kasal na natin bukas at siguradong nag-aalburoto na yun si bessy sa pagsama ko sa'yo ngayon. Bobombahin na tayo nun bukas kapag dito ka pa natulog. Magkikita naman tayo tomorrow eh," Hinawakan niya ako sa kabilang braso at pinadausdos niya sa bewang ko ang isa niyang kamay. "You mean... you're not letting me sleep here tonight? Don't you miss me?" he asked me as he started to trail small kisses on my cheek... jaw...and at the back of my ear. I gulped and stepped back. "Yes. Hindi ka dito matutulog. Good night, hubby and see you tomorrow! Ingat sa pag-d-drive! Text mo 'ko kapag nakarating ka na sa tinutuluyan mo. Salamat sa paghatid!"  Hinalikan ko siya sa pisngi habang tila tulala pa rin siya sa sinabi ko at tsaka na ako pumasok sa loob ng bahay. Tomorrow is the day <3 ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD